Yes, that is quite clear. In spite of any result of any constitutional convention, I have no intention of running for a third term. Don't you think that two terms is enough for any man?
We have proclaimed martial law in accordance with the powers vested in the President by the Constitution of the Philippines. Music Sa simula pa lamang ng 90's 1970, kumakalat na ang usap-usapan tukul sa mga plano ni Presidente Ferdinand Marcos. Noon ay kahahalal pa lamang ni Marcos sa kanyang ikalawang term bilang presidente ng Pilipinas. Sa ilalim ng konstitusyong umiiral noon, dalawang term lang ang presidente.
Hindi na pwedeng tumakbo si Marcos sa pagkapresidente sa 1973. Ayon sa usap-usapan, pinaplano na ni Marcos kung paano siya mananatili sa kapangyarihan. Ang kanyang Plan A, gawing parlamentaryo ang sistema ng gobyerno. Sa gayon, kung hindi na siya pwedeng maging presidente, ay pwede pa rin siyang manungkulan bilang Prime Minister. At ang Plan B, ayon pa rin sa kumakalat na usap-usapan, ideklara ang martial law.
Patas militar. Sa unang term pa lamang ni Marcos, nagbigay ng babala ang isang bagong senador, si Benigno Aquino. Sa isang privileged speech, sinabi ni Aquino na sa ilalim ni Marcos, ang bansa ay unti-unting magiging garrison state, isang bansang kontrolado ng puwersang militarista. Sa pagpasok ng 1970, naglagablab ang protesta laban sa gobyerno. Ipinahayag nila ang kanilang damdamin tukul sa iba't ibang isyo.
Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at presyo ng mga pilihin. Ang pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa lupaing Pilipinas. Ang pagkontrol ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ang katiwalian at kabulukan sa gobyerno. Ang palaki ng palaking agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman. Sa halip na reforma, dahas at brutalidad ang naging sagot ng gobyerno.
Any threat against the state of government and against the peace and order of our city. Hindi takot ang naging epekto ng dahas militar, lalo lamang lumakas ang pagtutunan. Yung mga handles na mga placards, ginagawang pamalo. Tapos una mga bato, then natutunan gawin ng mga pillboxes. At yung mga sumunod na pangyayari bago mag-marcelo.
yung tinatawag na first quarter store, yun ang pinakamalaki na kalaman ng kwento. Nang nilusubin ng mga pilista ang Gate 6, Malacanang, gumabas yung mga Alacanang Presidential Guard Battalion, tinawag ang Task Force Lawin at alos sa may magdamag yung pitch battle diyan sa Mandiola. Lumala ang krisis sa ekonomiya at politika.
Nagkaroon ng devaluasyon at bumaba ang halaga ng pera. Maraming nawala ng trabaho. Natigil ang pag-unlad ng agrikultura at industriya.
August 21, 1971. Lugar? Plaza Miranda, sa harap ng Sinbahan ng Quiabo, sa downtown ng Maynila. Sa makasaysayang Plaza Miranda, karaniwan nagtitipo ng mga aktib...
Ang lugar na ito ay simbolo ng demokrasya at kalayaan sa pananalita. Panahon iyon ng kampanya para sa eleksyon ng mga senador. Dalawang partido politikal ang naglalaban.
Ang mga nasyonalista ang nasa poder. Ang partido ng administrasyon, ang partido ni Marcos. Ang mga liberal ang nasa oposisyon.
Sa rally ng Partido Liberal sa Plaza Miranda, dalawang granada ang inihagis sa entablado. Sa pagsabog ng granada, halos sandaang karaniwang mamamayan nang nasugatan. Sugatan din ang mga lider ng Partido Liberal.
Isa na rito si Senador Jovito Salonga. Mayigit sa isandaang piraso ng shrapnel, hanggang ngayon ay nasa loob ng aking katawan. Makikita ninyo itong efekto sa mga kamay ko.
Ito'y nalaglag na eh. At dito, dito tumama ang isang malaking shrapnel na... 1 mm short of my aorta.
Ang sabi ng mga doktor, kung yun eh, just so much as touch your aorta, patay ka na. So I missed death. by only one millimeter. Si Senador Benigno Aquino, ang kaaway na mortal ni Marcos, ay hindi pa nakakarating sa Plaza Miranda nang pumutok ang mga granada. Dahil dito, pinagpintangan siyang kasabwat ng mga komunista sa pambobomba sa Plaza Miranda.
Isang misteryo hanggang ngayon ang insidente sa Plaza Miranda. Malakas ang suspecha noon na si Marcos mismo ang nagutos ng pambobomba. Sa tingin ng marami, layunin niyang maghasik ng lagim at lumikha ng kaguluhan para mailatag ang pundasyon ng martial law. I, President Jim Marcos, President of the Philippines, by virtue of the powers vested upon me by Article 7, Section 10, Paragraph 2 of the Constitution do hereby suspend the privilege of the writ of habeas corpus.
Kasunod ng pambobomba sa Plaza Miranda, sinuspinde ni Marcos ang writ of habeas corpus. Ibig sabihin kahit sino ay pwede nang ipadakip ng mga may kapangyarihan at hindi na kailangang iharap sa korte. Dahil sa lakas ng protesta laban sa writ suspension, napilitan si Marcos na ibalik ang writ of habeas corpus. Pero ang suspensyon ng writ ay parang isa ng dry run, isang pag-iensayo tungo sa deklarasyon ng martial law. Nang sumunod na taon, nagkasunod-sunod ang pambubompa.
Nasugata ng ilang mamimili sa Joe's Department Store, pero walang nasaktan sa iba pang pambubomba. Parang ang layunin lamang ay manakot sa halip na pumatay. Bukod kay Senador Aquino, ang pangunahing pinagbibintangan ni Marcos sa nangyari, Dari sa Plaza Miranda ay ang Communist Party of the Philippines o CPP na pinamumunuan ni Jose Maria Sison.
Isinilang ang CPP noong 1968 sa araw pagkatapos ng Pasko. Pagkaraan ng tatlong buwan, itinatag nito ang isang armadong grupo, ang New People's Army o NPA. Kabilang sa mga nagbuo ng NPA ang ilang dating HUC, mga miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Pilipinas, isang grupo ng mga armadong rebelde na nakabase sa Central Luzon. Isa sa mga rebelding ito si Bernabe Buscaino, lalong kilala sa bansag na Commander Dante.
Noong panahon na yun eh Lahat yata ng nangyayari, biniblame siya amin. Noong nga ang panahon na yun eh. Nagagalit kami at nag-iisip, kaya itong gumagawa ng ganitong intriga, sinisip namin merong nagpapaaway. Marami kami pinag-inginalaan.
Pinaka malapit na may tuturo mo si grupo ni Marcos. Narito ang ating konstitusyon, ang haligan ng ating mga pag-al. Samantala, namumuo ang iba pang klaseng kaguluhan sa Constitutional Convention o CONCON. Inihalal ang CONCON para palitan ng 1935 Constitution na ginawa pa noong panahong ang Pilipinas ay isang kolonya ng Estados Unidos. Dahil sa pagmamaniobra ng mga delegadong Macamarcos, hindi nabigyan ng sapat na atensyon ng mga reformang panlipunan at pang-ekonomiya.
Sa halip, ang napagbuhusan ng panahon ay ang mga panukalang palitan ang sistema ng gobyerno mula sa presidensyal tungo sa parlamentaryo. Ang napagtuunan ng pansin ay si Marcos. This was the great desire of our forebears.
The one vision, the one dream, the dream of freedom. And today, at last... Nanggaling ang unang pirada sa delegado ng Cebu, si Napoleon Rama. Nagharap siya ng resolusyon na tahasang nagbabawal kay Marcos na tumakbo para sa pangatlong term.
Sinuportahan ng mayorya ang resolusyon. Ang kasunod na hakbang ni Marcos ay inilantad ni Eduardo Quintero, delegado ng Leyte, at kababayan ni Imelda Marcos. Inamin ni Quintero na isa siya sa mga delegadong binigyan ni Imelda na mga sobrang pununang pera. Isinoli niya ang pera ayon kay Quintero. Then he got the convention to pass a transitory provision which said, during the transition, habang pinapalitan ang sistema ng gobyerno, e sino ang kukontrol sa gobyerno?
Saan mapupunta ang legislative at executive power? Yan. Sagot sa transitory provision, ang nakakalagay doon, lahat ng poder legislativo at ekipotivo mapunta sa kamay ng presidente nung nakasalukoyan nasa mga kanyang... In other words, Marcos. Sa kalaunan, naaprubahan ng transitory provisions.
Nahikay at pumirma ang mga delegado dahil makikinabang din sila sa visa ng mga probisyong iyon. Ang mga pakana ni Marcos ay hindi na natiling lihim. Sa isang privileged speech, ibinunyag ni Sen. Aquino na may detalyadong programa para ganap na ipailalim ang pansa sa kontrol ng militar.
ang codename ng nasabing programa, Oakland Sagittarius. In spite of any result of any constitutional convention, I have no intention of running for a third term. Don't you think that two terms is enough for any man? Oakland Sagittarius, blueprint ng martial law ayon kay Ninoy Aquino.
Ang planong ginawa para sa pagpapatupad ng batas militar. A lot of publicity has been made on Sagittarius. And they claim that it was the plan that ushered in... Marcelo, which is not correct.
Oplan Sagittarius was a contingency plan on how to utilize the forces of the armed forces, the element of the armed forces in case of any trouble. Si General Romeo Espino ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines noong panahong iyon. Siya rin ang sumulat ng orihinal na report ng Oplan Sagittarius.
Iginiit ni Espino na ang Oplan Sagittarius ay isa lamang emergency plan para tumugon sa sitwasyon sa Mindanao at ilang lugar sa Luzon. Maaaring hindi na nakilala ni Espino ang Oakland Sagittarius pagkatapos na pasadahan ito ni Marcos at ng kanyang defense minister, si Juan Ponce. Enrile. Kasunod ni Marcos, si Juan Ponce Enrile ang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno pagkatapos i-deklara ang martial law.
Hinirang siyang martial law administrator at sa unang walong buwan ng rehimeng militar, siya ang namumuno sa mga meeting ng cabinet sa kanyang opisina sa Camp Aguinaldo. Kabilang si Enrile sa labindalawang... na tumulong kay Marcos sa lihim na pagpaplano ng martial law.
Binubuo ng sampung matataas na opisyal militar at dalawang sibilyan, ang grupo ay nakilala sa bansag na Rolex 12. Ito'y dahil binigyan daw ni Marcos ang bawat isa sa kanila ng mamahaling relong Rolex. The Rolex 12, which incidentally is not the proper term because... What were given were not Rolex gold watches but almost fake Omega watches that all faded in a few months.
Ayon sa librong Waltzing with a Dictator na sinulat ni Raymond Bonner, ang Rolex 12 ay binubuo ng sumusunod, Defense Minister Juan Ponce Enrile. General Fabian Ver ng National Intelligence and Security Authority Pinuno ng Presidential Security. General Romeo Espino, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. General Fidel Ramos, Pinuno ng Philippine Constabulary o PC.
General Rafael Sagala, Pinuno ng Philippine Army. General Ignacio Paz, Pinuno ng AFP Intelligence. General Jose Rancudo ng Philippine Air Force.
General Tomas Diaz, PC, Rear Admiral Hilario Ruiz ng Philippine Navy, General Alfredo Montoya, Pinuno ng Metropolitan Command o Metrocom. Coronel Romeo Gatan, Commander ng PC sa Rizal Province. At Eduardo Dandingco Juanco, Gobernador ng Tarlac at Pinsang Buo ni Cori Aquino.
Maaaring ang papil ni Dandingco Juanco sa Oplan Sagittarius. ay tiyaking mananatiling kontrolado at tahimik ang tarlak, kilalang balwarte ni Ninoy Aquino. Hindi lahat ng kasama sa Rolex 12 ay nakakaalam sa lahat ng detalya ng Oblan Sagittarius. Ayon kay Ruben Canoy, oposisyonistang miyembro ng Batasang Pambansa noong 1978, may iba't ibang bahagi ang plano. Sina Marcos at Enrile ang nagplansya ng mga aspetong legal.
para mapalabas na lehitimo ang martial law. Ang mga opisyal-militar naman ang namahala sa pagpapatupad ng plano. Dahil ang presidente ang commander-in-chief ng sandadahang lakas, iilan lamang ang opisyal-militar na nagpahayag ng pagtutol sa emergency room. Isa na rito si General Manuel Young, dating chief of staff ng AFP. Hindi pa naman malalaang sitwasyon sa Mindanao noon.
Kukunti lang ang talagang conflict sa Mindanao noon. Yang MNLF wala pa yan, MIM lang noon. Yan ang forerunner ng MNLF.
At yan ang mga hook. Hindi rin naman malalaang sitwasyon tungkol sa New People's Army na kayang sukuwi naman ng ating armed forces yan through small unit actions only. At yan ang mga student demonstrations. Noong panahon yun, tayo ay nagtatagna ng mga units of the armed forces against the demonstrations. Tayo ay bumili ng maraming equipment, anti-riot equipment, in order to be able to quell this student unrest peacefully.
Yan ang mga option na dapat gawin. Hindi kailangan ng martial law. Ang mga opisyal militar na... At tutol sa martial law ay agad na inalis sa mga sensitibong posisyon.
Bago pa man ideklara ang martial law, si Heneral Yan ay hinirang ng embahador sa Thailand. Ang isa pang tumutol si Heneral Rafael Ileto, Vice Chief of Staff ng AFP, ay hindi na napromote sa Chief of Staff at muntik pang arestuhin nang ipataw ang batas militar. Somebody whispered to me from higher ground that... You might be arrested. So I said, all right.
To show you that I was one of, maybe considered one of the threats to the success of martial law. I had voiced my disagreement in some instances. So I was left without any command and I was under observation.
I was almost forced to accept a diplomatic post. which lasted for about 10 years. September 22, 1972, lumabas sa radyo at televisyon ng balitang Inambos ang kotse ni Kalihim Juan Ponce Enrile.
Ang insidente nito ay isa sa mga binanggit na dahilan sa pagdideklara ng martial law. Pero gawa-gawa lamang ang ambos. Aaminin nito ni Enrile mismo pagkaraan ng labing...
apat na taon sa unang araw ng pag-aalsa sa EBSA, February 22, 1986. Bago pa man umamin si Enrile, binunyag na ito ng periodistang si Primitivo Mijares sa kanyang librong Conjugal Dictatorship. Dating malapit si Mijares sa Balacanang. Ayon sa kanya, bago nangyari ang peking ambus ay tinawagan pa ni Marcos si Juan Ponce Enrile at tinatasang gawin na ang napagusapang dapat gawin. Make it look good, di o manoy sabi ni Marcos.
Baka mas magandang may masugatan o mamatay, siguruhin mong umabot sa big news o news watch. Noong gabing iyon, nang pauwi na si Enrile, tinadtad ng bala ang kanyang sasakyan habang dumaraan sa Wakwak Subdivision, Mandaluyong. Sinabi ni Enrile na nakaligtas siya dahil ang sinakyan niya ng gabing iyon ay ang kotse ng kanyang mga bodyguard. Kinabukasan, lumapas si Presidente Marcos sa telebisyon. I have proclaimed martial law in accordance with the powers vested in the President by the Constitution of the Philippines.
I assure you that I am utilizing this power for the proclamation of martial law vested in me by the Constitution for one purpose alone, and that is to save the Republic. and reform our society. 23 ng September 1972, nang malaman ng bayan na nagsimula na ang panahon ng martial law.
Pero a 21 ang opisyal na petsang nakasulat sa Proclamation 1081. Now, the limit has been reached for we are against the wall. We must now... Defend the Republic of the Philippines with this stronger power granted by the Constitution. To those guilty of treason, insurrection, rebellion, it may pose a grave danger.
But to the ordinary citizenry, to almost all of you, whose primary concern is merely to be left alone, to pursue. your lawful activities, this is the guarantee of that freedom that you seek. All that I do and we in government must do is for the Republic and for you. For the Republic. Puso'y pinday na maa This is...
The old but lucky bed where the president was born in the morning of Monday at 7 o'clock, September 11, 1917. We had our bed here. My husband is there. Do you know where the crib would be?
There, by his side. Ang presidenteng nagdeklara ng martial law ay kinilalang isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang generasyon. Habang estudyante sa law school at 21 anyos lamang, nasangkot siya sa isang kontrobersyal na insidente. Ang kanyang ama, si Mariano Marcos, ay natalo sa pagkakongresista ng Ilocos Norte. Ang nanalo ay si Julio Nalundasan.
Isang gabi pagkatapos ng eleksyon, habang nagsisipilyo sa bintana ng kanyang bahay, si Nalundasan ay binarel at napatay. Ang pangunahing pinaghinalaan, ang sharpshooter na si Ferdinand Edralin Marcos. Sa husgado, napatunayan siyang nagkasala at hinatulan siya ng labimpitong taon sa bilangguan. Nag-review siya para sa bar habang nakakulong at naging top-notcher sa kabila ng lahat. Sa Korte Suprema, siya mismo ang dumipensa sa kanyang sarili.
Ang hukom ng Korte Suprema na duminig sa kaso ni Marcos ay si Jose Laurel Sr. na naging presidente ng papet na republikang itinatag na mga Japones noong ikalawang digmaang panday-dig. Nang hinayang si Laurel kung mabubulok lamang sa kulungan ang isang tiyak. talinong mapapakinabangan ng bayan. Pinawalang sala niya si Marcos. Para kay Marcos, isang malaking tagumpay ang kasong nalundasan.
Sa panahon ng gera, mas marami pa siyang tagumpay na inangkin, karapat-dapat man o hindi. Sa ikalawang digma ang pandaidig, ayon sa kwentong pinalaganap ni Marcos, bumuu siya at pinamunuan niya ang isang grupong girilya na nakilala sa pangalang Ang Maharika. Humikit kumulang sa tatlumpung medalya ang diumanoy hinakot ni Marcos dahil sa kanyang kabayanihan. Kabilang daw dito ang Congressional Medal of Honor, ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng gobyernong Amerikano sa sundalo. He was a defender of Bataan.
He was an officer in one of the intelligence units of the... Filipino group yung bataan. But to exaggerate his role, that he delayed the fall of bataan by three months, single-handedly.
My God, that's too much of a feat of any ordinary mortal. Si Congressman Bonifacio Gallego, isang dating opisyal ng Army Intelligence, ang unang nagpunyag na karamihan sa mga medalyang pinagparangalan ni Marcos ay huwag. Peke.
Peke man o hindi, nakatulong ang mga medalya sa pagsulong ni Marcos sa larangan ng politika. Apat na taon pagkaraan ng gera, nahalal siya bilang kongresista ng Ilocos Norte. Ang pwestong napanalunan ni Julio Naloldasan may isang dekada na ang nakaraan. Tatlong term nanungkulan si Marcos bilang kongresista ng Ilocos Norte. Pagkatapos, nahalal siyang senador.
At lumabas na top-notcher, di nagtagal naging Pangulo siya ng Senado, isang pwestong ginagawang tuntungan ng mga nangangarap na maging presidente ng Pilipinas. Para kay Marcos, pati ang pag-aasawa ay isang desisyong politikal. Kongresista siya noong makilala niya si Imelda Romualdes.
Sa loob lamang ng ilang araw, napasagot niya at pinakasalan ang Rosas ng Tacloban. Sa pagpapakasal kay Imelda, nagkaroon si Marcos ng baluarte sa dalawang regyong mayaman sa boto. Tagasuro si Imelda, taga-norte ako, nasabi niya sa isang interview. Kung magkasama kami, saklaw namin ang buong bansa.
If I'm true, I'll never leave, and if I do, I know the way there. Tama ang kanyang kalkulasyon. Enero 1966, nanumpa si Ferdinand Marcos bilang ika-anim na presidente ng Pilipinas. I am Ferdinand Marcos, o bata.
I think the first term in particular was memorable for the achievements and infrastructure. And whenever you travel in the country, you still see this foundation. Sa manariyan niyo, malalaganap na national highway. sa buong bansa.
Yung four years ni President Macapagal, less than, I think, less than 50. Kung magkamali ako, sabihin ko, less than 500 classrooms were built. In the first two years of Marcos, 17,000 classrooms were built. Come on, baby! 1967, eleksyon para sa Senado. Maaaring mataas na mataas ang popularidad ni Marcos pagkaraan ng halos dalawang taon ng panunungkulan.
Maaaring mahusay ang kanyang makinaryang pampulitika o ang makinarya ng pandaraya. Ano man ang dahilan, lahat ng kandidato para sa senador ng Partido Nasionalista ang partido ni Ferdinand Marcos ay nanalo. Liban sa isa Ang tanging kandidato ng oposisyonistang partido liberal na nakalusot ay si Benigno Aquino Jr., dating gobernador ng Tarlac.
Walang inaksayang panahon si Aquino sa Senado. Sa kanyang kauna-unahang privilege speech, binatikos niya ang militarismong pinapairal ni Marcos. Sa taon ding iyon, isang naiibang eskandalo ang pumuto, ang Dovey Beams Affair.
Si Dovey Beams ay isang starlet sa Hollywood na pumunta sa Pilipinas para lumabas sa pelikulang Maharlika tungkol sa diumanoy kabayanihan ni Marcos noong panahon ng gera. Umugong ang balitang may relasyon sina Marcos at Dovey Beams. Dahil pinutol ni Marcos ang relasyon ng matunogan nito ni Imelda at dahil hindi nabayaran si Dovey Beams sa pagganap niya sa pelikula, tumawag ang starlet ng press conference. Ipinarinig niya ang ginawa niyang cassette tape ng umanoy pagtatalik nila ni Marcos. Music Ang mga skandalong ito ay pasakalye sa eleksyon ng 1968. nang tumakbo si Barcos para sa kanyang ikalawang term.
Iyon ang isa sa pinakamarumi, pinakamadaya at pinakamagastos na eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Mr. Marcos, there was a build-up of public frustration as well in terms of the services of the government. Ang pagkawala ng tiwala ng publiko ay lalo pang naging kapansin-pansin sa eleksyon ng 1971 pagkatapos ng pagbomba sa Plaza Miranda. I ask you to support Ople, Enrile, Maceda, Elizalde, Garcia. Primitius Aitona Almendras, or Senator, these are the men whom you can depend upon.
Talo ang lahat ng kandidato ni Marcos. Ang ibinoto ng taong bayan ay ang mga kandidato ng Partido Liberal na nasugatan sa Plaza Miranda. Nga mga hap, nga mga hap, nga mga hap, pati di ko hindi mati, di ba?
I must tell you a secret. First Lady and I pledge to ourselves We will not sing, we will not find any joy, and we won't be happy. That was after the proclamation of martial law, until there is hope for the country attaining its dreams. Now that we have sung tonight, it must be because of the thought that the country will soon realize the dreams that our people have. My Shalom was a Lincolnian instrument, if you will remember.
President Lincoln, during almost the Union of the United States, there was a civil war. In order to stop the disintegration of the United States, of the Union, he proclaimed martial law even if martial law was not provided for in the American Constitution. September 23, 1972, Madaling Araw. Sa magkakahiwalay pero halos magkakasabay na operasyon, pinagdadampot ng pulis at militar ang maraming itinuturing na kaaway ni Marcos. Kabilang sa mga hinuli at dinala sa mga kampo militar, ang mga leader ng oposisyon na tulad nila Senador Ninoy Aquino at Jose Etiocno.
Sa loob lamang ng ilang buwan ay umabot sa 30,000 ang ikinulong sa mga stockade at kampo militar sa Bucay. ng bansa. Everything was quiet on the streets and on radio, it was just music. And nobody knew what was happening except for me and my family and the families of the soon-to-be-arrested opposition leaders. Kasabay ng maramihang pag-aresto ay pinasara ni Marcos ang Kongreso at ang mga opisina ng Diyaryo, Radyo at Telebisyon.
I know that opportunity has been knocking at the door for a long, long time for the Filipino people to rise up on their own and build a new nation and build a new country. A country of which our children and their succeeding generations shall be proud. We build a new country, a new nation, and new people in this new society. New society, yun ang itinawag niya sa bagong kaayusan itinatayo niya kapalit ng sistemang kanyang giniba. Bagong lipuran.
Music Sa biglang tingin, mukhang kapuri-puri ang mga unang ginawa niya para mailatag ang pundasyon ng pinapangarap niyang bagong lipunan. Iniutos niya na lansagin ang mga private armies. Pinasuko niya ang mga armas na hindi lisensyado.
Pinatalsik niya ang humigit kumulang sa 6,000 empleyado ng gobyerno na di umano'y kasangkot sa graft and corruption. Magaling araw, magaling ibang, magaling araw Isang nagngangalang Lim Seng ang ginawang halimbawa para ipakitang seryoso ang bagong lipunan sa kampanya Laban sa Kasamaan. Sa utos ni Marcos, si Lim Seng ay mabilisang isinakdal sa krimeng paglalako ng droga at hinatulan ng kamatayan ng hukumang militar.
Binaril siya ng firing squad. Estudyante pa lamang siya sa universidad, ay sumulat na si Marcos ng thesis tungkol sa authoritarian governments, sa madaling salita, diktadura. Ngayon na isinakatuparan na niya ang kanyang thesis.
Ang filosopiya ng kanyang paghahari ay tinawag niyang constitutional authoritarianism. Batay sa paniniwalang ito, sinikap ni Marcos na suutan ang kanyang diktadura ng balabal ng legalidad. Lahat ng mga diktador ay gustong magpakita ng konstitusyonalidad ng kanilang gobyerno upang huwag sabihin na sila ay, na ang kanilang regime ay sa puwersa labang. Muling pinulong ni Marcos ang Constitutional Convention. Dahil nakakulong na ang maraming delegadong kontra sa kanya, hindi na makapalag ang mga delegadong na iwan sa labas.
Mabilis nilang tinapos ang saligang batas at pagkatapos ay isinumite ito kay Marcos sa Malacanang. Nagtakda ang rehimen ng plebesito para ratipikahin ang bagong saligang batas. Pero naramdaman ito na matatalo ang botong yes at mananalo ang no sa isang tunay na plebesito.
Kalat na kalat ang biroan na ang iboboto ng taong bayan ay aki, no o joke. No. Kinansila ni Marcos ang plebisito. Ang ipinalit ay isang kakatwang pagtitipon na tinawag na Citizens Assembly. Sa halip na lihim na balota, dinaan ang botohan sa taasan ng kamay.
Mag-iipon-ipon sila ng mga citizens assemblies at saka pati yung mga batang-bata pa na hindi makakaboto ay kasali. Pagkatapos noon ay magtatanong daw sila kung sino yung gusto ng librang bigas. Kasi magtaas ng kamay. Eh syempre, kasi mahirap yung mga panahon na yun, ay lahat syempre gusto ng libra ng bigas. Sabi nila, overwhelming yung ratification ng bagyong konstitusyon ng Citizens Assemblies.
Palibhasay abogado, mabusisi si Marcos pagdating sa legalidad. Sa labing apat na taon ng kanyang rehimeng militar, naglabas siya ng humigit-kumulang sa takt. 3,000 letters of instruction at presidential decrees.
Bukod sa legalidad, may isa pang bagay na tiniyak si Marcos, ang suporta at tulong ng Amerika. May katibayan na bago niya idiniklara ang martial law, kumunsulta muna siya kay Presidente Richard Nixon ng Estados Unidos. Hindi siya pinigilan ito. When Marcos proclaimed martial law, it was... Practically, even the West, America, practically begged that martial law be proclaimed.
Hindi kaila sa kanya na ang Estados Unidos ay sumusuporta sa mga diktador para lamang mapigilan ang pagsulong ng komunismo sa mundo at para mapangalagaan ang sarili nitong mga interes. Naniniwala ang maraming dalubhasa. na ang Estados Unidos ay nagbulag-bulagan sa mga pagmamalabis ng batas militar dahil nabigyan ni Marcos ng proteksyon ang mga base militar at ang mga negosyong Amerikano sa Pilipinas. Nang pumutok na ang EDSA noong 1986, nang nalalagay na sa peligro ang interes ng Estados Unidos, Dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa rehimeng militar, ay saka pa lamang tuluyang binitawan ng Amerika si Marcos.
Wala kaming human rights violation dito sa Pilipinas. Araw-araw nga meron kang kabah dahil sa unang-una hindi mo... nakikita kung ano yung harapin mo, no? In the course of your daily duties. Ikalawa, hindi mo rin alam kung ano yung magiging utos na manggagaling sa itaas.
Ang tagapagpatupad ng martial law ay ang Armed Forces of the Philippines. At salamat sa martial law, lalong naging makapagnyarihan ng sandatahang lakas. Makikita natin na simula noong 1972, in increasing numbers, military officers became, well assumed, important and strategic positions in the civilian bureaucracy. Lumaki ng husto ang puwersa ng AFP at lumobo ang budget nito. Para masentralisa ang kapagnyarihan, ang pulisya na dati nasa ilalim ng mga alkalde ay ipinailalim ni Marcos sa militar.
Ang danger naman nitong centralization, particularly when you don't have competing centers of political power, is that power is controlled by a very select group. And all the instruments of repression... State repression are under the control of one person so walang check and balance.
Binalasa ni Marcos ang militar para matiyak na ang nasa matataas na pwesto ay tapat sa kanya. Pinabura niya ang mga kapwa Ilocano pagdating sa promosyon. Ang pangunahing na kinabang si General Fabian Ver. Kalalawigan at dating driver ni Marcos, si Ver ay naging isa sa pinakamakapangyarihang tao sa rehimeng militar.
Well, he was so powerful, he even checked on the people I recommended for promotion to the President. Hindi matatawaran ang katapatan ni Ver kay Marcos. Ayon sa biru-biruan, kung palulundagin daw ni Marcos si Ver, ang isasagot nito eh, from what floor, sir? Tatlong ahensya ang pinamunuan ni Ver, ang Presidential Guard Battalion, ang Intelligence Service of the AFP o ESAF, at ang National Intelligence and Security Authority o NISA. Ito'y mga intelligence agencies na may tungkuling mag-espia sa taong bayan.
When you change from a democratic system to an authoritarian system, You need to sharpen and empower the intelligence agencies of the government because you have to know where the sources of dissent are. The general order signed by President Marcos said that even civilians can be held before a military court. E pag dyan wala ka na because the rules there are on rules on soldiers for military discipline. Lapsided dyan. Ang mga wayses dyan panay military officers.
Hindi mga civilian judges, hindi nga mga abogado yun eh. So, one-sided. Malupit at walang pakundangan ng militar at ang pulis.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos, ayon sa grupong Amnesty International, humigit-kumulang na 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang dumanas ng torture, at 3,240 ang pinatay. Ginamitan ako ng electric shock, kuryente. Hinubad, binuhusan ng tubig, ilagyan ng kuryente.
Tapos sa iba't ibang bahagi ng katawan ko yung other end. Mula dito pa baba hanggang sa... Nakita ko nga minsan nung hindi pa ako naririlis doon sa Krame.
Halos walang magdamag yung kanilang walkie-talkie. Nandito kami sa... Paranyake, may dadalhin kami dyan, handa kayo.
Matatandaan ko nun yung mga babaeng nagtatapat naman ng mga na-rape at saka yung mga istorya nila bago sila nakulong. May mga kasama silang pinapaupo sa ice, ganyan and so on. Talagang nakakapangilabot. Kabilang sa libu-libong nakulong sa panahon ng martial law ay sina Nena Fajardo. at ang kanyang asawa.
Si Nena ay pinaghinalaang may koneksyon sa mga komunista. 19 anyos lang siya noon. Nakunan si Fajardo habang nasa detensyon, pero hindi agad dinala sa doktor. Nang lumaya silang mag-asawa, naging aktibo sila sa pag-oorganisa ng mga tagatundo. Hindi nagtagal ay pinatay ang asawa niya.
Hindi ko malaman kung... Anong magiging pakiramdam ko noon? Kung madudumi ako, masusuka ako, basta hindi ko alam.
Pero pinilit ko noon na... Kasi dinala rin ako ng ospital dahil nasyak din ako. Dahil nakita ko talaga sa TV asahaw ko, binubuhat na parang baboy.
Ang feeling ng mga anak ko, hindi ko mahalan tatay nila. Ang hirap kong bumawi doon. Kasi hindi nila akong nakita nung burol. Kasi sila hindi ko rin mahalin ang feeling nila. Tapos galit sila, hindi lang sa militar.
Pati sa kilusan, nagkaroon sila ng galit noon eh. Dahil kung hindi daw sila sumama sa ganito, hindi mangyari sa tatay nila yun. Tsaka kung hindi rin daw ako nandito, hindi ko sila mapapabayaan. Karamihan sa mga kaso ng paglabag sa mga karapatang tao ay ibinintang sa Philippine Constabulary at sa Philippine Army. Kasi yung Constabulary, they planted evidence, they extracted confessions.
Sila ang talagang may makinarya na parang maka-obtain ng... evidence. Itong president, di kaya General Ramos, he was chief of the Philippine Constabulary. Now, that was the principal agency na maraming human rights violations. In fact, yung lahat na mga inaresto yan, sila, Ninoy, basta lahat yan.
Ang commitment orders nung pirmado ni General Ramos. I should know that because I saw it. They were my clients.
Meron din mga excesses ng mga intelligence officers protected by the mantle of yung arrest of Dout Waran. Dahil nga martial law eh. In any case, we sought to correct those excesses.
Aminado ang nakapanayam ng mga opisyal at tauhang militar na ang martial law ay nakapinsala sa bayan. Pero wala ni isa man sa kanila ang umamin na may nagawa silang kasalanan. Iginiit nila na sumunod lamang sila sa mga utos na nanggaling sa itaas. A soldier.
Only follows legitimate orders. If an order is illegitimate, it's not sound, he is not duty-bound to follow such an order. Everyone is responsible for one's act, nobody else. You cannot pass that on to the top and say, oh, sinabi niya sa akin yun eh.
Hanggang ngayon, itinatanggi ng Pamilya Marcos at ng iba pang dating opisyal ng diktadura na nagkaroon ng malawakan at sistematikong pang-aabuso. Pero sa isang importanteng kasong nilitis sa Hawaii, kinilala ng hukuman na may naganap na paglabag sa mga karapatang tao at hinatulan ang pamilya Marcos na bayaran ang humigit kumulang sa 10,000 biktima. Pero mas maganda kung mararanasan din ang mga Marcos ang makulong.
Yan ang pinakamaganda. There was no Filipino. That was executed during the martial law period. Even if he was convicted with murder or convicted for a death sentence. Walang Pilipino.
That's what martial law can be proud about. A compassionate society, it was a benevolent leadership. Thank you.
Smiling martial law. Yun ang gustong palabasin ng rehimeng militar. Hindi yun ang larawang makikita sa kaso ni Primitivo Mijares.
Si Primitivo Mijares ay isang periodista na naging pangunahing propagandista ng rehimeng militar. Anumang oras, kahit walang appointment, pwede siyang pumasok sa opisina ni Marcos. Ganoon siya kalakas.
Pero nakaaway ni Mejares si Cocoy Romualdes, ang kapatid ni Imelda Marcos. Nagpa siya si Mejares na kumula sa rejimen. Sa Estados Unidos, naglabas siya ng libro na pinamagatang The Conjugal Dictatorship, ang diktadura ng mag-asawa.
Dito'y inilabas niya ang paho ng rejimen, pati na ang pambababae ni Marcos. Hindi nagtagal na wala na lamang at sukat si Mejares. Naging desaparecido. Maraming naniniwala na pinatay siya ng mga ahente ni Marcos sa Estados Unidos. Pero hanggang ngayon, e wala pang natatagpuan ang bangkay.
Mas matindi ang nangyari sa anak niyang si Boyet. May natanggap itong tawag sa telepono na nagsasabing buhay ang ama niya at gusto siyang makausap. Pakaraan ng mga dalawang linggo, natagpuan ang bangkay ni Boyet.
He was tortured brutally. Ang mga kuko niya binunot lahat. Nunot ang kanya mga kuko. And then 33 ice pickhounds around the body.
Ang mga malagim na kasaysayang katulad nito ay hindi luwabas sa media. Mahigpit ang kontrol ng rehimen sa dating tinatawag na freest press in Asia. Ang mga diaryo at estasyon ng radyo at telebisyon na pinayagang magpatuloy ay pag-aari na ng mga Marcos at Romualdes at ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Walang makalusot na balitang kontra.
trakay na Marcos. They always had kept up this pretense that we had a free press. In other words, it wasn't a formal structured repression of the media. It was just something that you always say, ay, mali.
Mali pala yun kasi you find yourself na in jail. Kapalit ng kalayaan sa periodismo at kalayaan sa pagpapahayag, ay ipinakalat ang mga eslogan tungkol sa bagong lipunan. Sinikil ng rehimen pati ang mga biro at pinarusahan ang sino mang nangahas na gawing katawatawa ang anumang aspeto ng bagong lipunan.
Ang hindi makuha ng rehimen sa santong paspasan o santong pupukan ay sinikap nitong makuha sa pacharmen. This is Marcus can be so disarmingly true. Charming, you know?
I remember a story by Lino Broca who said, who really hated the guts of Mrs. Marcos. But when they meet in a party, Mrs. Marcos would charm him off his chair. And he would respond in kind and be very gracious to her. And then when she leaves, she'll say, Bakit ko ba kinausap yung buruang yun?
I remember when he became president, I asked him, Now, Ferdinand, that you are president, this was in 65, what's my role as your first lady? And he said, you as first lady and mother of the country, he said, while I, Ferdinand, the father, build the house, you make it a home. And so I had to reflect what makes a home? Love.
What is love when made real? Beauty Then I saw her face Now I'm a believer Now her trace A doubt in my mind Si Imelda Rubon Waldez Marcos ay tinawag na secret weapon ni Marcos nang tumakbo ito sa pagkapresidente. Sa panahon ng martial law, tinawag siyang Iron Butterfly. Sapagkat ipinagsama niya sa kanyang katauhan ang ganda ng paru-paro at ang tigas ng asero. Dati, kontento na si Imelda sa pagiging butihing may bahay.
When the Dobby Beams affair happened, she then took it upon herself to prove her worth. Si Imelda ay naging gobernador ng Metro Manila at Minister of Human Settlements. Pumirma siya ng mga kasunduan sa China, Union Soviet, Roma, Yugoslavia at Libya. Hindi lamang siya unang ginang.
Ang tawag sa kanya ay The Other President. Ang kapangyarihan niya ay halos kapantay ng kay Ferdinand Marcos. Naging pamoso si Imelda sa kanyang pagwawaldas ng pera ng bayan.
Sa shopping. Sa mararangyang handaan. Ayon sa mga kritiko, si Imelda ay may edifice complex. Ito'y sa dahilang nagpatayo siya ng kung ano-anong edipisyo at gusali. Folk Arts Theater.
Philippine International Convention Center. Heart Center. Lung center, kidney center, film center, cultural center. Yung cultural center, yun ang parang our monument to the Filipino soul and spirit. Doon natin ilalagay lahat ang kaganda.
na ating, that we have upheld the beautiful and the good and the right that we have upheld and the truth that we have upheld as a people through the centuries. Nang ikasal ang anak niyang si Irene, balitang gumasto si Imelda ng 1 million US dollars para lamang ipaayos ang simbahan sa Ilocos Norte. Ilang buwan pagkatapos ng kasal, nawasak ang simbahan sa isang lindol.
Isang paboritong proyekto ni Imelda ay ang Film Center. Minadali ito para magamit sa Manila International Film Festival o MFF. I swear, it looked like the slaves building the pyramid. I was so stunned, I couldn't move.
And you see this whole line of people bringing up, toting these huge blocks of marble or whatever. You know, it was... I could hear pharaoh music. Ayon sa mga ulat na hindi pinayagang lumabas sa media, gumuho ang dalawang palapag habang ginagawa ang film center. Dalawang daang katao ang tinatayang namatay sa insidente.
Natabunan ang simentong madaling matuyok. Masyadong ulan, basa pa yung simento sa tuktok, e nag-collapse yung ceiling. At merong nabaon na ilan tao doon, pero hindi totoo na merong kaming iniwan na patay doon.
Yan naman Diyos ang may alam. Miski natin hukayin piece by piece, stone by stone dyan, ni isang buto ng tao wala dyan na iwan. Totoo yan.
I will never do that. Ang Manila Film Center ngayon ay isang hungkag at inutil na palasyo. Sinasabing pinagmumultuhan ito. Malapit na itong ibain. Bakit ngayon ang dumi-dumi, walang traffic, walang order.
At tapos pag nakikita ko pa yung mga bata, yung mga bulag, yung matatanda, naglilimus, wala naman lang pumapansin. Anong araw lahat yan, yung matanda man, bata, hindi mo makikita. Doon kasi kukupin ko lahat at lalagyan ko ng home for the aged, home for the orphans.
Meron akong lahat nun from home to tomb. Masa gana, 99! Masa gana, 99! Sa kanyang ikalawang presidential decree sa ilalim ng batas militar, ipinahayag ni Marcos na ang buong Pilipinas ay isa ng land reform area. Ipamamahagi raw ang lupa sa mga magsasaka.
I, Ferdinand E. Marcos, President of the Republic of the Philippines, do hereby decree. An order, henceforth, from this day on, October 21, 1972, the emancipation of tenant farmers of the Philippines. Nang magwakas ang batas militar, wala pang apat na porsyento ng mga kasama ang naging may-ari ng lupang kanilang sinasaka. Yung kanyang agrarian reform, mukhang magandang tingnan pero implementation is very limited kasi ang inataki lang yung mga lupain ng mga kanyang mga kaaway. Isa sa pinag-inita ni Marcos ang angkan ng mga Lopez.
Malawak ang kanilang mga tubuhan at marami silang negosyo. Minahan, diaryo, radyo, telebisyon, kuryente. Pinag-interesa ni Marcos ang mga ito. Si Henny Lopez, pamangkin ng dating vicepresidente Fernando Lopez, ay inaresto at ikinulong matapos pagbintangang kasangkot sa tangkang patayin si Marcos. Para mapalaya si Henny, pumayag ang mga Lopez na isuko kay Marcos ang ilan sa kanilang malalaking negosyo.
The day they were supposed to sign the contract, The lawyers of Mr. Marcos asked my father, said, Mr. Lopez, you're about to sign the contract, you haven't even read the agreement. He said, if I disagreed with any of these conditions, will you change it? They said, no.
Well, he said, then what's the point? So he signed. Nakuha ni Marcos ang Meralco at ABS-CBN.
Pero hindi siya tumupad sa pangako. Nakalimang taon sa kulungan si Henny Lopez. Lumaya lang siya nung umiskapo sila ni Serge Osmeña mula sa Maximum Security Prison sa Fort Bonifacio. Binuwag ni Marcos ang bahagi ng lumang oligarkiya na sumasalungat sa kanya, pero pinalitan niya ito ng isang bagong pangkat na binubuo ng kanyang mga kamag-anak at katoto, ang mga cronies. Isang bagong kaayusan sa negosyo ang lumitaw.
Crony Capitalism Kabilang sa mga nakinabang sa martial law ang sariling pamilya ni Marcos. Ang kapatid niyang si Pacifico, isang doktor, ay nagkanegosyo sa insurance, banking at real estate. Ang isa pa niyang kapatid, si Fortuna Barba, ay napasok sa shipping. Ang kanilang ina, si Josefa Edralin Marcos, ay nabigyan ng kontrol sa mga kumpanya ng pagtutroso, tabako at food processing.
Lahat-lahat, apatnaputwalong kumpanya ang hinawakan ng pamilya Marcos. Hindi pa huhuli ang mga kamaganak ni Imelda. Napunta sa paborito niyang kapatid na si Cocoy Romualdes ang labing isang malalaking kumpanya. Kabilang dito ang ilang negosyo ng mga Lopez.
Si Cocoy ay naging embahador sa Estados Unidos. Ang mga cronies ay kalaro ni Marcos sa golf, mga dati niyang kaklase o Brad sa fraternity. Mga sumuporta sa kanya sa iba't ibang kampanyang pang-eleksyon. Kabilang sa mga ito, Rodolfo Cuenca, nakuha ang mga kontrata sa pagpapagawa ng mga expressways. Antonio Florendo, binigyan ng penal colony sa Davao para gawing asyenda ng saging na pang-export.
Ricardo Silverio, naging pangunahing dealer ng kotse at sole distributor ng Toyota. Herminio De Cini, na monopolisa ang negosyo ng filter ng sigarilyo. Roberto Benedicto, sa kanya napunta ang ABS-CBN, mga estasyon sa radyo, isang diaryo. Eduardo Cojuangco, na monopolisa ang negosyo ng Nyog at na control ang San Miguel, ang pinakabalaking korporasyon sa buong bansa. Inalagaan ni Marcos ang kanyang mga cronies.
Naglaba siya ng PD o Presidential Decrees at LOI o Letters of Instruction na pabor sa negosyo ng mga ito. at umiipit sa kanilang mga kakumpetensya. Kumabig din si Marcos ng milyon-milyong komisyon at kickback mula sa bawat malalaking kontratang kailangang dumaan sa Balacanang.
Isa sa'yo po! Oo! Ha! Awipin mo! At!
Isa sa'yo po! Sa simula mukhang gumanda ang takbo ng ekonomiya. Ipinasok ni Marcos sa gobyerno ang mga technocrats na tulad nina Paterno, Gerardo Sikat at Cesar Virata. Ang mga ito ay mga profesional na manager na kilalang hindi namumuliti ka o balitang hindi nangungurakot. Lumago ang tubo ng mga pangunahing korporasyon, tumaas ang Gross National Product at nagkaroon ang Pilipinas sa kauna-unahang beses ng Balance of Payment Surplus dahil sa di inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang-export, pangunahin na ang asukal at nyog.
I would say 1972 to 1976. I think that there were, these were the best years of DeMarco's administration. Pero hindi nagtagal ang oras ng ligaya ng mga negosyante. Nang pumutok ang gera sa Middle East, tumaas ang presyo ng langis at bumagsak ang export earnings ng Pilipinas. Lalong lumaki ang utang ng gobyerno sa World Bank at International Monetary Fund. Noong 1980, umabot sa 10 bilyong dolyar Amerikano ang panlabas na utang.
What happened to us was a compendium of bad policies which included this kind of crony capitalism, this kind of policies that allowed essentially, that resulted in our investments being so inefficient that we were not able to attain the income or the product that we needed in order to be able to pay back our loans. And so when it came time for the crunch, dead. There was no way. Starting from I think 81, we were paying for our loans by borrowing. Ang nagdusa ay hindi ang Malacanang, kundi ang Sambayanan.
Naghigpit ang International Monetary Fund para di umano ma-stabilize ang ekonomiya ng Pilipinas. So they stabilized us and we almost died in the attempt. So Marcos has a lot, a lot of responsibility.
He has a lot to answer for as far as the economy is concerned. Of course he has the command responsibility but by God and he surrounded himself with some of the most brilliant people. Question is did those brilliant people give him the benefit?
of what they were thinking? Or were they all busy second-guessing him and trying to keep on his good side? If I had my life to live all over again, I probably would have gone to Mr. Marcos in 1976 and said, Mr. Marcos, pwede na ba? Pwede na ba akong umalis? What kept me going up to 79 or 80?
I think partly ego. Partly the feeling that kung ako'y umalis, lalong sasamaan sitwasyon because the people that will take my place will not be as principled or scrupulous as I am. So, I'm saying it's ego. And maybe I should have left earlier. Ikaw ay nagtiwala ng buong puso sa kanyang mga pangako Tamis ng kanyang dila ay pinakinggana, kala mo ay totoo Ang ginanti niya sa pag-ibig mo ay puro pagbabalat kayo Dahil kumbina sabi ng isang magsasaka, ako'y taga Bohol, ang liit na isla Dalawan taon, pitumpung kaso ng lupa, hanggang ayaw walang bisna binibigay kahit isa.
Sabi nung magsasaka, hindi na yata pwede yung reforma, Ed. Pwede pang revolusyon? Sabi niya. Ngayon na ang tamang oras, O, Siminda, huwag ka nang maghintay pa.
Ikilos mo ang iyong man. Mga kamay ihapang mo ang iyong mga paa. Lumakas ang pwersa ng Communist Party of the Philippines at New People's Army, lalo na sa kanayunan.
Sa unang taon ng martial law, itinatag ang National Democratic Party. isang makakaliwang alyansa na nagtataguyod ng sandatahang pakikibaka. Sa kalakasan ng CPP-NPA-NDF, tinatayang umabot sa mahigit dalawampung libo ang armadong kasapian nito. Sa hanay ng Muslim Secessionist Movement, itinatag ang Moro National Liberation Front at sa kalaunan ang Moro Islamic Liberation Front.
Ang mga grupong ito ay sinuportahan at inarmasan ng mga mayayamang bansang Muslim sa Middle East. Naging madugong larangan ang Mindanao. Sa Cordillera, plano ng gobyerno na ipatayo ang Chico Dam, isang proyektong sisira sa tradisyonal na pamumuhay ng mga katutubo at sa kanilang mga pamayanan. Nagprotesta ang mga kalinga sa pambihirang pamamaraan.
Tumitindi na rin ang pakikipaglaban ng mga kalinga, yung mga kababaihan nga. Isang beses, para tutulan nila ito, sila ay humarap sa mga militar na wala silang suot na pantaas. Sa marami pang mapanlikhang pamamaraan, pinatunayan ng iba't ibang sektor ng lipunan na hindi lahat ay tumahimik o lumuhot sa takot.
Pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag-iisipin mo ang mga pag Pag-ibig na, 1878, dahil sa tulak ng administrasyon ni Presidente Jimmy Carter ng Estados Unidos, napilitan si Marcos na idaos ang matagal ng nabibimbing eleksyon para sa interim batasang pambansa. Ako po si Fred Aquino. Ako'y 7 taong tulang na.
Ngunit halos 6 na taong ko nang hindi nakakahapiling ang tatay ko si Ninoy Aquino. Sana'y tulungan po ninyo ako. para makapil ko naman ng mami ko, ng mga kapatid ko at lalong-lalong na para makapaglingkod na rin sa inyo.
Mula sa bilangguan inilunsad ni Ninoy Aquino ang kanyang kandidatura. Hinayangan siyang kumandidato pero hindi siya pinayagang kumampanya. Binigyan lang siya ng isang pagkakataong magsalita sa telebisyon. We stand up, hindi ka pa nakakatayo eh, denied ng motion mo eh. Eh siyempre mga hiniral yan eh.
Eh pag nag-alit si Apo sa kanila, eh di retirado na sila. Sir, wouldn't you think that by making a statement such as that, you're really questioning the integrity of all these men? No, it is the circumstance, Ronnie Kamukha mo, impyado ka ng NMPC Maataking ba si Marcos?
Ba hindi pwede? No, no I will not attack the president I have no quarrel with him Ba hindi na nga eh Because you are also in the NMPC Kailan ka magigising Olus miminda tanggapin ang totoo Huwag ka nang magbubulag-bulagan pa, hindi na siya magbabago. Ginagawa kanyang laro, ang pinapaikot-ikot ang inyong pulo.
Ang partido ng rehymen ng kilusang bagong... ay nagharap ng tiket na pinangungunahan ni Imelda Marcos. Sa pamumuno ni Ninoy Aquino, ang oposisyon ay nagbuo ng isang alyansa, ang lakas ng bayan o laban. Sinabi namin sa taong bayan na alam namin na yung mga buto ninyo baka hindi mabilang. Pero kung kayo'y bubuto sa mga oposisyon candidates kay Ninoy Aquino particularly, Pwede bang sumali kayo sa Noise Barrage?
Mag-ingay tayo. We will vote by our noise. Kung makasampung minuto man lang ang Noise Barrage, ay magiging masaya na ang partidong laban.
Pero tumagal ng tumagal ang protesta mula alas 7 ng gabi hanggang madaling araw. It was really an outpouring of sentiment of the people na dapat itigil na ang karasa ng Marshal Loh. Ang noise barrage ay... Isa sa mga unang manifestasyon ng people power.
Pero nang matapos ang bilangan, ang lumabas na panalo ay ang dalawampung kandidato ng Kinusang Bagong Lipunan. Ang sikat na si Ninoy Aquino ay tinalo ng kung sino-sinong di kilalang kandidato. Ang lantarang pandaraya sa halalan ng 1978 ay nagkaroon ng di inaasahang bunga.
Ang radikalisasyon ng mga tradisyonal na politiko at ng mga aktivistang moderato. Behind the series of terrorist bombings in the country. Terror bombing incidents in Metro Manila.
Sa panahong ito, isinilang ang Light a Fire Movement at ang April 6 Movement, mga grupong sinuportahan ng mayayamang Pilipino na nadistiyero sa Estados Unidos. Third force kami, so ang layon, isa sa mga layon namin is to embolden ourselves, lumakas ang loob, lalo na yung nasa... above ground, yung gumagamit ng parliamentary, yung conventional parliamentary tactics, street parliamentary tactics, nag-demonstrate, nagbibigyan ng leaflets, sumusulat, lumakas ang loob, at itapo namin throwback fear.
Marami pa kami yung ibang gagawin, especially New Year's Eve. Pasasabugin sana yung mga ano to. Ito yung mga crony newspapers, yung hayagang asinungalingan ng mga nilalabas sa dyaryo.
Because the plan then was to destabilize the government completely until it went down on its knees and negotiated a turnover. Bale ganon, the bombings were going to escalate. Si Doris Baffray ay empleyado ng gobyerno at lihim nakasabi ng April 6 Movement. Siya ang nagpasok ng bomba sa pandaidigang kumparensya ng American Society of Travel Agents na ginanap sa Maynila. Sa malaking kahihiyan ng rehimen, sumabog ang bomba matapos ang talumpate ni Marcos.
Natuntun at inaresto si Baffrey. Bagamat opisyal ng Philippine Navy ang kanyang ama, nagtagal siya ng limang taon sa loob ng Camp Crame, ang pinakamatagal na nakulong sa mga babaeng detenido. 1981, humina ang ekonomiya. May bagong presidente ang Estados Unidos, si Ronald Reagan. Nakatakdang dumalaw sa Pilipinas ang Papa si John Paul II.
Dahil sa mga pangyayaring ito, napilitan si Marcos na magluwag. Formal niyang inalis ang martial law at nagdaos siya ng isang eleksyon sa pagkapresidente. Binoykot ng oposisyon ang halalan. Hindi sila naniniwala na magiging malinis ito.
Isang politikong nilimot na ng panahon ang tumakbo o laban kay Marcos. Ang suspecha ng karamihan ay si Marcos mismo ang nagpatakbo at nagpondo ng kanyang kalaban para palabasing totohanan at malaya ang eleksyon. Sa kabila ng pinangangalandakang pag-alis ng martial law, walang nagbago. Ang kapangyarihan ni Marcos sa ilalim ng batas militar ay naruroon pa rin. Pwede pa rin hulihin ang kahit sino ng walang warrant of arrest.
Amendment 6 says in effect that the President, even if National Assembly is in session, can also make laws. Pero siyempre ang proseso sa batasan, pambansa mahaba, siya, sasabihin lang niya, the batasan pambansa law something so and so is hereby repealed. Di yun na. Sa panahong ito, naninirahan na sa Estados Unidos si Ninoy Aquino at ang kanyang pamilya.
Napilitan si Marcos na palayain ang kanyang pangunahing kaaway na politiko noong 1980. Kailangang operahan si Ninoy para sa sakit sa puso. Natakot si Marcos na siya ang sisisihin kung sakaling mamatay si Ninoy sa loob ng bilangguan. Then the question is, how many will die? Pagkaraan ng tatlong taong paninirahan sa Amerika, nagpasya si Ninoy Aquino. I am going back to the Philippines, and if I have to go back to jail, so be it.
Kumuhuses sa gulpe si Marcos. It was probably the only leader of two leaders who knew the Filipino soul and the Filipino heart very, very well. The other one was Ninoy. Bago nag-martial law, si Ninoy Aquino ay isang tradisyonal na politiko. Isang henyo sa larangan ng politika, pero tradisyonal na politiko pa rin.
Tulad ni Marcos, eksperto siya sa paggamit ng mga tradisyonal na instrumento ng eleksyon sa Pilipinas. Guns, goons, and gold. Tulad ni Marcos, isa siyang balimbing. Umalis siya sa Partido Nacionalista at sumama sa Partido Liberal noong nasa poder ang Partido Liberal.
Ninoy was, as everybody knew, he was very ambitious and he really wanted to be president. And his whole life was politics. I mean, he was not yet 23 when he became mayor and everything was just planned for that 1973 election.
He has driven away all tourists, which accounts for about a hundred million dollars. He has driven away foreign capital. He is causing now a retrenchment of local industries. He is causing a flight of local capital.
Now when these things finally bring their full impact on the Filipino people, let's say six months from now, his problems will be compounded. Nagbago ang buhay at pananaw ni Ninoy dahil sa karanasan niya sa ilalim ng martial law. Ikinulong si Ninoy sa salang subversion, murder, and illegal possession of firearms.
Nilitis siya sa isang hukumang militar at hinatulan ng kamatayan. Five of the members present at the time the vote was... May panahong sila ni Sen. Jose Diokno ay magkahiwalay na binartulina sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Sa loob ng 43 araw ng solitary confinement, pareho silang inkomunikado. Wala silang nakitang ibang tao liban sa kanilang mga gwardiya at walang nakakaalam kung saan sila inilipat, kung buhay sila o patay. It was also, I guess, his most humiliating experience na here is a senator of the republic, a potential president, stripped. Naked when he's brought to Fort Magsaysay, his eyeglasses, his wedding ring, everything is taken away from him.
He is just issued two sets of underwear, his briefs and his undershirt, which he is made to wash every morning so that he can have a clean change every day. And that is when he really... Well, first he asked, that was also his lowest.
That was the first time I saw him not cry. And for the first time, I thought that we were really defeated. But in the depths of my desolation, I discovered my faith and my God.
And it was only then that I realized I'm nothing. I realized that all the pomp, the glory of the Senate were ephemeral. That wealth, that clothing, keeping up with the Joneses, was not of this world really.
And having discovered that, I have lost my appetite for power. Hindi nawala ang diwa ng protesta. Sa kulungan, naglunsad si Ninoy ng hunger strike. Apat na pong araw siyang hindi kumain.
Nang hina siya at puntik nang mamatay. Nang magkasakit siya sa puso, hiniling niyang magpa-opera sa Estados Unidos. I told them, where can I have my operation? Dito lang po, sa heart center.
And that's the heart center of Imelda Marcos. And I asked, who can do the operation for me? The director said, ako lang po. He was the director of the heart center.
Handpicked also by Imelda. I said, doctor, pagpaliban mo na ka ako. Thank you na lang.
I said, If they cannot operate on me in America, please bring me to my cell. Pumayag si Marcos. Maaring inisip nito na hihina ang oposisyon kung wala si Ninoy sa Pilipinas.
Samantalang babango naman ang reputasyon ng diktadura sa harap ng mundo. May 8. My wife visited me early in the morning and she told me, the hospital is crawling with Metrocom cars, guards all over the place. Baka ikaw may magbibisita sayo. Then all of a sudden, my guards started jumping, putting their barong Tagalog, hiding all of their guns.
I said, tama, may darating na VIP. And then, lo and behold, the beautiful one ascended into my suite. She came. And she was really beautiful. She has not aged.
And she sat down and said, Naku Ninoy, sabi niya, I'm sorry to see you like that. Would you like to go to America? Abay kako, sure, sure.
Oo, oo. E sa tuwa ko, tinanggal ko pa yung aking kwintas. Kako, anting-anting ko ito, iwan ako na kakotper dito. Palayasin ninyo ako, pumutin nyo ako sa Amerika.
Sabi niya, there's a plane leaving at 6 o'clock. You can be in that plane. From living under the dictatorship, having your husband in prison.
Wow, it was just such an abnormal life. And you lived that life for seven years and seven months. And suddenly, you're living together in a house.
You can speak freely on the phone. People are nice to you. You can do so many things. And then, Ninoy has at least a decent kind of life. Sa Estados Unidos, Sumama si Nino Isabel.
sa ilang grupong kontra sa diktadura. Isa na rito ang Movement for a Free Philippines na kinabibilangan nina Raul Manglapos at Higerson Alvarez. Pagkaraan ng tatlong taong pagkadistiyero sa Estados Unidos, gusto nang umuwi ni Ninoy. Sa tingin ng mga oposisyonistang naiwan sa Pilipinas, siya lamang ang may kakayahang mamuno at magbuklod sa tradisyonal na oposisyon.
Kung wala siya, mangingibabaw ang mga komunista sa hanay ng mga lumalaban sa diktadura. And so he wanted to come back, have an audience with Marcos, and try to persuade him to call for clean and orderly elections. Daligalig ang gobyerno sa plano ni Ninoy.
Para mapigilan ang kanyang pag-uwi, kinansela ang kanyang pasaporte at winarningan siya. na may mga magtatangkang pumatay sa kanya kung sakaling umuwi siya. Nung nagkita kami ni Ninoy, sabi ko, Ninoy, ang sabi ni Presidente, okay na okay daw.
In fact, matagal ka nang hinihintay niya. Ilang taon na yun, nagtataka siya, ba't hindi ka pa umuwi? Sabi ko, sabi ni Presidente Marcos, okay na okay, pwede kang umuwi. Ngunit sabihin mo sa amin kung kailang ka uwi. It is to help secure you sapagkat alam ninyo, ang iba dito, ang isip ay ikaw is CIA, ang iba naman NPA.
Sino ka ba? Eh syempre yung NPA nagsiselo sa CIA, ang CIA naman magsiselo sa NPA. Kaya for your security, you inform us.
Noong panahon iyon, malubha na ang sakit ni Marcos. Pagamat inilihim ng manakanyang ang kanyang tunay na kalagayan, kalat na kalat ang balitang meron siyang lupus erythematosus, isang sakit na posibleng makamatay. President Marcos at that time, August 21, was not only sick, he was dying. Because there was a rejection of his transplant on August 7, he was dying.
And so sabi niya, tawagin mo si General Ver who was there and he said, ask if he is arriving. Ang sabi naman ni General Ver, I don't think so sir. Matagal na yung balita, wala naman dumadating at saka hindi naman tayo ni-inform.
May sari-saring espekulasyon kung bakit pinipigilan ang pag-uwi ni Ninoy noong panahong iyon. Nakatakdang dumalaw si Presidente Ronald Reagan ng Estados Unidos at maaaring ayaw ng rejimen na nasa Pilipinas si Ninoy pagdating ng araw na iyon. Maaring natatakot ang rejimen na mabubulabog ang eleksyon para sa batasang pabansa na nakatakdang idaos sa 1984. May hakahaka rin na sina Imelda at Heneral Ver ay may planong sunggaban ang kapangyarihan oras na mamatay si Marcos.
At natatakot silang baka masira ang plano nila kung darating si Ninoy. Kayon man, nakagawa si Ninoy ng paraan para malusutan ang mga balakid sa kanyang pagbabalik. Nakakuha siya ng peking pasaporte sa pangalang Marcial Bonifacio. At dumaan muna siya sa ibang bansa para lituhin ang sino mang sumusubaybay sa kanya.
And I may not be able to talk to you again after this. I have promised to retire. I have retired against all odds.
I have no complaints whatsoever. I feel that the good Lord has been more than kind to me and my family. And I am glad that my husband tried to do everything he could for the good of the people. Excuse me. Can I have water, please?
Just water. Sometimes I can control myself Anniversary of the bombing of Plaza Miranda of the death of Ninoy Aquino If the bombing of Plaza Miranda is a sign of the suppression of democracy the death of Ninoy has become a sign of the end of the dictatorship Inabot ng labing isang oras ang prosesyon mula sa simbahan hanggang sa libingan. Daang-daang libo ang naglakas loob na makiramay at makipaglibing, isang rumaragasang daluyong ng nagnangalit na dagat. Dahil sa tindi ng reaksyon ng taong bayan, nag-utos ng formal na investigasyon si Marcos. Dalawang investigative commission ang binuog.
At binuog din pagkatapos dahil walang kredibilidad sa publiko. Ang ikatlo, ang Agrava Commission sa pamumuno ni Judge Corazon Agrava ay hindi nagpakita ng takot. I was so sad on my birthday, months after.
They indicted me in the Agrava Commission 1984 and hindi ko maintindihan bakit ako ang nakaunang sinalang nila indicted for the assassination of Ninoy. Si General Fabian Ver ay isa sa mga pinaghihinalaang utak ng krimen. Ipinatawag din siya ng Agrava Commission at kasama siya ng mga akusadong militis ng Sandigang Bayan. Napilitan si Marcos na papagbakasyonin muna si Ver.
When General Ver was asked to go on leave because of the initial findings of the Agrava Commission, the 68th general officers in the service at the time, I was the 69th, passed around a manifesto. declaring support for him. At that time, I was already the acting chief of staff, concurrently vice chief of staff and chief of the Philippine Constabulary, Integrated National Police.
I refused to join in that manifesto. I was the only one who refused among the general officers. Medyo nakita ko doon na masyado ng self-serving, masyado ng garapal yung ginagawa nila. Sa palagi ko, orders from here in Balacanang. Pinawalang sala ng sandigang bayan si Ver.
Agad siyang ibinalik ni Marcos sa dating pwesto. Lalong tumindi ang galit ng taong bayan. Nawala yung takot ng Pilipino.
Nakikita mo naman yung mga tinatawag na confetti. Revolts sa Makati, nag-umpisa na. Things are beginning to unravel at that point. But I think it was also universally felt at that time.
That stability was like a ball of thread, you know, and having a slipper from your hands. It is not easy to pick up the pieces and make it whole again. Sa mismong hanay ng militar, lumaganap ang disgusto. Nabuo ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. The activities of RAM intensified in 1983 primarily because of the assassination of Ninoy Aquino.
Soldiers are used to this violence. They're used to it. So the violence per se is not the issue to, I mean at least from my observation of the military, I knew.
The issue is how it was done. It was so brazen. And if a government can do that, it deserves to be brought down. By force if necessary.
Sa mga kilos protesta, nagkasama ang mga aktivistang may iba't ibang ideolohiya at ang iba't ibang sektor ng lipunan, pati na ang malalaking negosyante. Lumakas din ang tinatawag na alternative press, mga peryodiko at magasing palaban at walang takot tulad ng Malaya at Mr. and Miss Special Edition. Minaliit ng rehimen ng mga ito at binansagang Mosquito Press.
Now, ang Americans, malakas ang pressure nila si Marcos. to allow criticism in media. May ngyari, ang dami ng bumabatikos kay Reagan at saka si Carter at saka yung mga sumusunod sa kanila na bakit nyo sinusuporta itong diktadura. So, Marcos, para pangbigyan ang State Department, ang White House, ang Pentagon, ay he allowed the mosquito press to... exist.
Nabalisa ang Estados Unidos sa lumalalang kalagayan ng bansa, lalo na sa mabilis na pagunlad ng impluensya at saklaw ng CPP, NPA, NDF. The Americans realized that eventually they had to do away with Marcos because they had their bases here. And they did not want their bases to be isolated.
And they did not want the CPP, NPA to get stronger and stronger. Music Nung dumating yung 1985, ay unang-una, seryosong-seryoso na yung sakit ni Marcos. Pangalawa, yung ating ekonomiya ay pabagsak din. Pabagsak kasi katakot-takot na nakawan, pagkatapos mismanage pa yung economy. Ang paniwalaan ni Presidente Marcos noon ay, He was under siege internationally from all the western governments.
Gusto niyang mag-communicate sa American people through David Brinkley Shaw that he was willing to... He was willing to go through national elections, presidential elections. And that will prove, you see, that he is not the ruthless, hungry, despotic dictatorship that the American media was picturing him to be. Doon siya nakamali.
Malaking pagkakamali niya yan. Doon nagumpisa ang kanyang fall. I announced that I am ready to call a SNAP election, perhaps earlier than eight months, perhaps in three months or less than that.
I will say that the common polls are critically linked to the struggle for democracy in our country. May niyaw na sa tulong ng Panginoon Diyos, kahit na isang libong marko, ang mga kalaban natin, mananalo pa rin tayo at may baga rin natin ang ating mga kalayaan. The opposition is planning a mock kunyari-kunyari lang.
A stage, a false ambush, I cannot believe that people running for such high office can go to the extent of staging a false ambush and a false kidnapping. I admit that I have no experience in cheating, stealing, lying or assassinating political opponents. Sa snap election ng kandidato ng naghaharing partido sa pagkapresidente at bisepresidente ay sina Marcos at Arturo Tolentino, ang itinapat ng nagkakaisang oposisyon, Cory Aquino, dating may bahay, at Salvador Laurel, pinuno ng Alyansang Unido.
Saan mang magpunta sina Cory, dinumog sila ng taong bayan, isang palatandaan na lumalawak at lumalakas ang damdamin laban sa batas militar. Pag-aaralan! Pag-aaralan!
Inilabas ng rehimen ang lahat ng alam nitong maruruming taktikang pang-eleksyon. Pandarahas at pandaraya, guns, wounds and gold. Sa bilangan ng boto, pati ang mga computer ng Commission on Elections ay hinokus-pogos.
Nang mag-walkout bilang protesta ang mga computer technicians, itinuloy sa batasang pabansa ang bilangan ng boto. Sa kabila ng pagsalungat ng mga oposisyonistang mambabatas, ipinahayag ng mayorya sa batasan ang pagwawagi ni na Marcos y Torentino. Nakita ng Reform the Armed Forces Movement ang pagkakataon para kumilos laban kay Marcos.
Pero natunogan ni Marcos ang planong pagsalakay sa Malacanang at napilitan ang mga rebeldeng sundalo na manindigan sa loob ng mga kampo militar. Pero dumamay at sumaklolo sa mga rebelde ang isang di inaasahang kaalyado, ang taong bayan, People Power. I appeal to the civilians to strike up. We are merely defending the people in the same way that the people are protecting us. This is a small matter which we have control of.
Iyon na ang simula ng wakas ng rehimeng militar at ng paghahari ni Marcos. We have two fighter planes flying now to strike at any time. Ang mga utos sa Malacanang talagang i-disperse kami. Pero paano mong babarili ng number one, walang armas yung mga taong nakaharap sa'yo?
Tapos may mga pare, may mga madre, nagbibigay ng rosas o nagbibigay ng rosario. Paano mo naman babarili niyan? The people came, I said to them, we have our friends inside. I don't like them to die because President Marcos said that within 24 hours, and di sila mag-surrender, we will have to execute them. So we have to do something to help them.
And that is why the people came. Nowhere in history has such kind of a revolution ever taken place. That there was no successful revolution unless there was a shedding of blood.
But we were able to have that here in this country. I, Corazon Cojuangco Aquino, do solemnly swear sa isang proklamasyon sa Club Filipino na numpa si Cory Aquino bilang presidente. Sa puso ako, nagpapasalamat sa inyo lahat. Sinuntang silid sa akin sa loob ng dalawampun taon at ngayon ikadalawampun isang taon. Sa Malacanang, nanumpa rin si Marcos sa harap ng kanyang mga loyalista pero huli na ang lahat.
Sa ikaapat na araw ng People Power, nagkakandarapang tumakas sa Malacanang si Marcos, ang kanyang pamilya, at ang kanilang malalapit na tauhan. Dinala sila sa Hawaii, sakay ng mga helicopter at aeroplano ng Estados Unidos. There has never been a single dictator in history that has lived forever. And so I tell Mr. Marcos, Mr. Marcos, study the lessons of history before it is too late.
Namatay si Ferdinand Marcos sa Hawaii noong 1989. Pinayagang iuwi sa Pilipinas ang kanyang bangkay. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito naililibing. Hindi pa rin naililibing ang mga labi ng batas militar. Patuloy nitong minumulto ang sambayan ng Pilipino.
BOOM! BOOM!