Transcript for:
Klasikong Kabihasnan sa Mundo

Ang klasikong kabiasnan sa Afrika, Amerika at mga pulo ng Pasifik. Sa pagdaan ng panahon ay dumarami ang mga pamayanang nagiging kabiasnan, lalo na sa panahon ng klasiko. Ang panahon ng klasiko ay ang pag-usbong at pag-unlad sa iba't ibang larangan ng pamumuhay ng mga tao. Ating suriin ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan tulad ng Afrika, Amerika at mga pulo sa Pasifik. Ang klasikong kabihasnan ng Afrika, ang kaharian ng Akshum. Ang kaharian ng Akshum ay sentro ng kalakala noong 350 CE. Malawak ang pakikipagkalakala nito at saktunayan. Ito ay may formal na kasunduan ng kalakalan sa mga Griego. Mga elepante, ivory, sungay ng rhinoceros, pabango at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang aksyum ng mga tela, salamin, tanso, bakal at iba pa. Isang risulta ng malawakang kalakalan ng aksyum. ay ang pagtanggap nito ng Kristyanismo. Naging opisyal na reliyon ng kaharian ang Kristyanismo noong 395 CE. Sa kabilang dako, ang kanlurang Afrika ay naging tahanan din ng mga unang kabiasnan. Dito umusbong ang Imperyo ng Ghana, Mali at Songhai. Ang Imperyo ng Ghana Ang Ghana ang unang estado na itatag sa Kanlurang Afrika. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehyong ito, dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba't ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad at iba pang produktong wala sila. Ang Imperyo ng Mali Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pagakyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240 CE, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyo ng Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyo ng Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu at pahilaga patungong Sahara Desert. Nakontrol nito ang mga ruta ng kalakalan at noong siya ay mamatay noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong kanlurang Sudan. Ang Imperyo ng Songhai Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan ay dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam at sa pagsapit ng 1010 CE ay tinanggap ni Diya Kosoy, hari ng Songhai, ang Islam. Bagamat hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, ay hindi niya ito ipinilit. Ang klasikong kabiasnan sa Amerika. Ang Kabyas ng Maya Namayani ang Kabyas ng Maya sa Yucatan Peninsula, ang regyon sa Timog Meksiko hanggang Guatemala. Nabuo dito ang pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uasactun, Tikal, El Mirador at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kanyang kabyasnan sa pagitan ng 300 hanggang 700 CE. Sa lipunang Maya ay katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Pinalawig ng pinapangyarihan, Ngunong tinatawag na Halak Yuinik o Tunay na Lalaki, ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga Diyos. Nang lumaon ay nabuo rito ang mga lungsod-estado, na iugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya, ang kabiyas ng Aztec. Naging makapangyarihan ang kabihas ng Aztec sa gitnang bahagi ng Mesoamerika. Matatandaan na sa bahagi rin ito umusbong ang sinaunang kabihas na ng Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluensya ng mga Olmec. Subalit hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerika. Ang mga Aztec ay mga nomadicong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi natukoy. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang isang nagmula sa Aztlan, isang mitingong lugar sa Hilagang, Mexico. Ang kabiyas ng Inca Ang salitang Inca ay nangangahulugang imperyo. Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Sa pamumuno ni Mang Cocapac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado at unti-unting pinalawig ang kanilang teritoryo hanggang masakop nito ang 3,000 mahigit na kwadrado ng lupain sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat, ang Polynesia, Micronesia at Malenicia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at anyo ng mga katutubo nito. Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa sa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. Ang sentro ng pamayanan ay ang Tohua, na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghala ng mga ritual at pagpupulong. Nakapaligid sa Tohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura. Ang pamunahing kabuhayan ng mga Polinesian ay pagsasaka at pangingisda. Sa larangan ng pananampalataya ay naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang bisa o lakas. Sa mga sinuunang Polinesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bakal at iba pang bagay. Ang mga sinuunang pamayanan ng Micronesia ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malakas na ihip ng hangin. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesians. Animismo ang sinaunang reliyon ng Micronesians. Ang mga ritual para sa mga makapangyarihang Diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng mga unang ani. Ang sinaunang pamayanan ng Melanesia ay maaaring nasa baybayeng dagat o nasa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan sa pagpili ng pinuno. Ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin na mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti at karangalan. Ang klasikong kabiasnan sa Afrika, Amerika at mga pulo ng Pasifik.