Intro Music Ang kasaysayan ng tao ay maaaring hatiin sa dalawang panahon Ang prehistoriko at ang historiko Ang prehistorikong panahon ay tumutukoy sa yugto ng kasaysayan na hindi nakatala o nai-record Dahil sa kawalan ng sistema ng pagsulat Samantala, ang historikong panahon ay yugto ng kasaysayan na naisulat o nai-record dahil marunong nang magsulat ang mga tao. Ang prehistoricong panahon ay nagsimula noong 2.5 million BCE at nagwakas noong 4,000 hanggang 3,000 BCE. Ibig sabihin, 99% ng kasaysayan ng tao ay hindi nakasulat o nai-record. Paano natin natutunan ang mga nangyari noong prehistoricong panahon?
Upang mabigyang linaw ang kasaysayang hindi na isulat, dito pumapasok ang mga eksperto, ang mga archaeologists at anthropologists. Ang mga archaeologists ay mga ekspertong nagahanap at sumusuri ng mga artifacts, fossil, at iba pang physical na labi ng mga sinaunang tao. Gamit ang mga artifacts at fossils na ito, magagawang mag-react.
matukoy ng mga archaeologists kung paano manamit ang mga unang tao? Paano kaya sila nanghuhuli ng hayop? At maging kanilang madalas kainin at paano sila nasawi? Ang mga anthropologists naman ay mga ekspertong nag-aaral sa kultura ng mga tao.
Gamit ang mga artifacts at iba pang physical na ebidensyang na hanap ng mga archaeologists, magagawang makilala na mga anthropologists ang kultura ng mga sinaunang tao. Ang natitira Kirang 1% ng kasaysayan mula sa 4000 BCE hanggang sa kasalukuyan ay ang tiyatawag na recorded history o ang nakasulat na kasaysayan. Sa puntong ito ng kasaysayan, pumapasok ang mga hirap.
Ang mga historian ay ang pangunahing eksperto na sumusuri sa mga historical na pangyayari gamit ang iba't ibang ebidensya kagayang kasuotan, artwork, litrato at iba pa. Ngunit ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ay nagmumula sa mga nakasulat na datos, kagaya ng diary, sulat, news clipping at testamento ng mga taong nakasaksi sa mga historical na pangyayari. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na nagtatrabahong mag-isa ang isang historian. Siya ay naikipagtulungan sa mga archaeologists at anthropologists upang lubos na maging malinaw ang mga pangyayari sa nakalipas.
Ayon sa mga sinaunang kasulatan, sinasabi na halos 2 milyong mga Persian ang lumusob sa Grecia at nakasagupa ng 300 Spartan sa Thermophylae. Gayunpaman, iba ang sinasabi ng mga archaeologists. Ayon sa kanila, ang mga archaeological evidence ay nagsasabing isa itong exaggeration dahil ang realistic na number lamang ay 70,000 hanggang 100,000 na mga Persians.
Thank you for watching! Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ekspertong ito, magkakaroon tayo ng isang malinaw na larawan ng ating nakalipas, kung saan napakaraming aral ang ating matututuhan. May kulang pa sa listahan. Sino kaya?
Ang inyong mga guro sa araling panlipunan Ang mga guro ng araling panlipunan ang nagiging tulay ng mga impormasyon na nakalap ng mga archaeologists, anthropologists at historian patungo sa inyo, sa mga mag-aaral. Kaya sa susunod na may kita ninyo ang inyong AP teacher, tandaan na hindi lamang siya guro. Isa din siyang tagapag-ingat ng kasaysayan.
Sa susunod na episode, ating pag-usapan ang evolusyon kultural at ang panahon ng bato.