Transcript for:
Krisis ng Bigas sa Navotas

Music Ang pagdaong ng malalaking bangkang ito sa Navotasport mula sa pangingisda, hudyat ng paparating na biyaya para sa magkakapatid na Mary May at Ashley. Naabutan namin silang paakyat sa mga bangka. Pakay nila makahingi ng bahaw o tirangkanin mula sa mga mangingisda. Sa unang bangka, kaning lamig ang nahingi nila. Kaso bahaw lang ito eh. Okay lang yan. May ulam kayo. Yung binibigay po sa amin matigas, inaano po namin sinasangag para po medyo lumambot siya. Tapos minsan tutong, yung ibabaw lang yung kinakain namin kasi sobrang pait po ng pagkatutong. Pangangalakal ang kabuhayan ng pamilya ni na Mary May. Pero dahil wala pa silang kita, ito muna ang pantawid-gutong nila. Sa sumunod na bangka, mas swerte na lang naabutan ang bagong lutong kanin. Kuya, pahingi kanin niya. Wow! Padagdag. Okay. Salamat niya. Okay. Gumagawa naman daw sila ng paraan para hindi na sila manghingi. Pero dahil sa hirap ng buhay at sa mahal na mga bilihin, ay kinakapos pa rin talaga sila. May dumarating, may vlog, may bagay po ng isda sa amin tapos binibenta. namin. Yung po nababudget po namin. Tapos nababudget ni mama yung kay papa. Abudget din po yun hanggang may dumating nabang ka ulit. Kaso minsan hindi po talaga kasi mahal po bilihin dito. Yung hindi po nagkakasya sa loob ng isang linggo. Naghanda na sinaaling natividad at Mary May para mga lakal. Yung basura po ng bangka, kinukuha po namin. Kami po yung nagtatapon. Yung kalakal po noon, tinatabi namin, iniipo namin sa isang linggo. Tapos yun, magiging budget namin yung pagnamenta. Kasi pag hindi ka kumilos, wala mong iyayari. Magugutom lang kayo. Wala pa to sa kwenta. Kwento ni Aling Natividad, dati umaasa sila sa NFA Rice para makamura sa bigas. Laki ng kawala talaga. Kasi kung mayroon kang 20 pesos, makakabili ka na ng isang kilo, tumataalsa pa. Talagang kasyang-kasya talaga sa amin, umaalsa eh. Isang kilo na yun. Ngayon wala na, wala na talaga. Hirap na talaga. Ang presyo ng NFA Rice naglalaro sa P27 ang pinakamura at P32 naman ang pinakamahal. Malaking bagay ito para sa mga kapos sa buhay gaya ni naaling natividad. Pero nitong mga nakaraang buwan daw, wala na silang makitang NFA Rice sa kanilang palengke. Nang gabing yon, pinagsalusaluhan nila ang bigas na nabili mula sa buong araw na pangangalakal. Hindi lang sa palengke sa Navotas walang NFA rice. Tatlong palengke pa ang inikot namin sa Metro Manila. Lahat ng palengke yung binisita namin, may mga available na commercial rice. Pero walang ibinibenta ang NFA rice. Ma'am, wala na kayo ng NFA rice? Wala na po. Simula pa kailan? Mga November. December po. Paano pag may naghahanap sa NFA Rise? Eh wala po kong may magagawa. Sabi nila wala na daw makuhang NFA. Eh yung mga gustong bumili ng NFA Rise, anong sinasabi mo? Di dito na lang siya sa bigas natin na commercial naman po. Parang saan lang pinakamababa natin, 40 na lang. Every time na may pupunta dito, tinatalong na akong may stock na. Eh wala naman po eh. Yung last na nakuha namin ng NFA, ito lang January 9, 2018. Wala na, nung maubos na namin yun, wala na. Pinuntahan ko ang pinakamalaking warehouse ng NFA dito sa National Capital Region o NCR. Itong NFA-NCR warehouse ang nakakatanggap ng pinakamalaking supply ng NFA rice. Katunayan, 35% ng supply. ay dito na pupunta. Dati, dito sa warehouse na ito, mahigit 30,000 bags ng NFA rice ang nakaimbak. Sa ngayon, nasa may 300 na lang. Nakakandado ngayon yung warehouse. Hindi kami pinayagang makapasok dahil na under... fumigation. Pero sa loob nito ngayon nakaimbak yung nasa tatlong daan na bags ng NFA Rice na itinabi para sa kalamidad. Kung dati-dati, halos mapuno ang warehouse na ito ng sako-sakong NFA Rice. Sa videong ito na kinuna noong unang linggo ng Abril, makikitang halos wala na itong laman. Ang kawala ng supply ng NFA Rice sa bansa, unang beses daw nangyari sa kasaysayan ng NFA sa mahigit 40 taon. Ayon sa warehouse manager na nakausap namin, unang linggo ng Abril nung huli silang makapag-distribute ng NFA rice sa mga retailers sa Metro Manila. Sa ngayon ma'am, wala ng NFA rice sa public markets, di ba ma'am? Wala na. Wala na. So halimbawa, yung mga kababayan natin dati na umaasa na may 28 pesos. 27 at 32. O, 27 pesos at 32. So yung mga kababayan natin na umaasa na pagpunta nila sa palengke, merong 27 pesos. Pinaka mababa na nilang mabibili. Wala na silang mabibili sa ngayon kung ganun. Sa ngayon wala silang mabibili. Pero sa aming ugnayan regularly sa mga retailers, na ipapaliwanag din naman sa mga suki nila, sa mga consumers na ilang kembot na lang nandyan na ang NFA rice. So mga third week, ang instruction naman, the moment bumaba na from the vessel, immediately magdi-distribute na kami. Pero paglilinaw ng NFA, NFA rice lang ang may kakulangan. Sapat pa rin ang commercial rice na nasa merkado. Ako nag-augment naman eh. Maraming supply eh. Maraming supply ng commercial. Ang mahirap kung wala ng NFA rice, wala pang commercial rice. Natawag ng ating presidente, yung mga traders, yung mga farmers para mag-commit silang magbaba dito sa NCR ng mababang bigas. Like impression. at saka 38 at saka 39 na tinag nila as tulong ng bayan. So as early as last week, bumaba na yung mga bigas dito. Mandato ng National Food Authority o NFA na siguraduhin may sapat na supply ng low-cost rice sa buong bansa. Dapat may 15-day buffer stock din ng NFA rice sa mga warehouse na abot dapat sa 400,000 metric tons. Pero malinaw na hindi ito nangyayari sa kasalukuyan. So ito na si NFA, siya na ang magre-release ng stocks. So bababa ang presyo. So yun yung stabilization function. Pagka naman medyo mura yung bigas at may pagkakataon siya, dun siya mag-e-stockpile more than usual. Para meron siyang nakahanda in times of high prices. Problema ngayon, wala na yung stock. So wala na siyang pang-contra nung pagtaas ng presyo. Ano ba nangyari, sir? Bakit nagkaroon ng shortage ang NFA? Yung nangyari... Iba ang pananaw ng ating pong NFA Council at saka NFA Management kay Administrator. Iba ang parasi during the time natin. Win-win na yung stocks ng NFA. Klaruhin ko lang mga kinu, wala tayo ka. November 2017 raw humingi ng permiso ang NFA Administrator sa NFA Council para makapag-angkat o import ng bigas, pero hindi raw ito inaprubahan. Kailangan ng approval ng NFA Council bago makapag-import ang NFA. Collectively, when to buy rice, at what volume, and at what mode of procurement to be used in buying. Because for all you know, if we keep on buying without taking consideration of the times where our farmers in the Philippines are harvesting, it is going to create a negative impact. Alas 8 ng umaga na abutan namin si Maria, na nag-aayos ng kanilang paninda. Tulak-tulak ang kariton na puno ng itlog. Nililibot na Maria ang buong dagat-dagatan sa Navotas para magtinda. Kasama ang anak niyang si Onyok, sinusuyod ni na Maria ang bawat eskinita at mga kabahayan sa kanilang lugar. Thank Mag-isang itinataguyod ni Maria ang siyam na anak, kaya kailangan niya raw mag-doblikayod para mabuhay ang pamilya. Five o'clock pa lang gising na ako niya. Tapos nagriligpit na ako dyan sa loob. Tapos pagkagising ng dalawang anak ko, mga six o'clock, yan pinag-aalmusal ko na. Eight o'clock ng maga yan, nagtitinda na ako. Tapos sumuwi ako ng eleven o kaya twelve. Para pong mananghalian kami. Nagaantay pa yan sinasakay bago kami makabili. Matapos ang apat na oras na pagtitinda, walongpong piso ang kinita ni Maria. Sapat lang para makabili ng isang kilong bigas at ulam para sa kanilang pananghalian. Isang kilo ng pinakamurang bigas ang binili ni Maria sa bigasan. Ang halaga nito, 40 pesos. Dati raw nakakapag-stock pa siya ng bigas noong mga panahong may NFA rice pa sa palengke. Talaga yung bigas kasi na inam kayo kasi importante sa amin eh. Yun dati pa na may NFA pa, eh ngayon wala na. Hindi na ako nakakapag-stock, humibig na lang talaga ako ng pa-isa-isang kilo. Pagdating sa isdaan, pinagkasha na lang ni Maria ang natitirang 40 piso para makabili ng ulam. 60 daw po. May natira pa sa'yo? Wala na. Pagkaluto ng pananghalian, Paano yung pinagkakasal yung kaneng te? Ito yung ginagawa namin. Pagka may mga... Pagka may mga batang may terapia, sama-sama ko. Nakaraos man ng pananghalian, problema naman ni Maria ang hapunan. Kaya maglalako na rin siya ng itlog sa hapon para may pambili ng pagkain. Kailangan magtinda para magsuportahan ng pamilya. Lalo na ito, marapit na naman magpasukan. Pagbili na naman ang gamit ng mga bata. Pabahon-baahon na naman nila araw-araw. Malaking bagay para sa mga gaya ni naaling natividad at Maria ang magkaroon ng abot kaya at murang bigas sa mga pamilihan. Ang maliit kasi nilang kita, mas maraming nabibili. Sa datos na ito mula sa MFA, Nagkita na noong April 2017, umabot pa sa mahigit 300,000 metric tons ang supply ng NFA rice sa buong bansa. Pero nagpatuloy ang pagbaba sa mga sumunod na buwan. Tugo ng NFA sa buwan ng Mayo, magiging available na ang NFA rice sa mga palengke sa buong bansa. In time na tayo ang nag-aayos ng mag-deliver. Yung arrivals ng ating imported rice, sinasabi naman na ng President huwag lang kumulang. Pero bukod sa problema sa kakulangan sa supply ng NFA rice, may ilan pang isyong kinakaharap ang NFA. Sa dokumentong ito na isinumiti sa Office of the President, inakusahan ni dating NFA Council Chairman Leoncio Ivasco. Si NFA Administrator Jason Aquino ng pagkakasangkot sa irregularidad sa ahensya. Kabilang dito ang pagbibenta o manon ng NFA Administrator ng mahigit 10 million kilos ng NFA rice sa ilang rice traders sa Bulacan na dapat sana inakalaan para sa Region 8 o Eastern Visayas. Ginewestyon ang pagbibenta lalo na at pababa ang supply ng NFA rice sa Eastern Visayas na itinuturing na calamity prone area. Pwede mo i-dispatch sa iyan. Pinakamalaking trader na binentahan ang Mutia Rice Mill sa Bulacan na nakabili ng mahigit 28,000 sako ng bigas. Yung mga edges na mga bigas, naluma na. Dahil gusto namin makatulong sa gobyerno, saka hindi mabubulok yung bigas sa region 8, pumuha po kami. At saka pinayagan po ang mga mga kami po ng... in it a region. May lahat yan ma, may mga dokumento po yan. Nakukuha ko to sir dun sa memorandum for the president from the cabinet secretary. Isa dun sa mga po na dun sir, of the 39 cooperatives, 22 are not authorized to engage in rice importation as indicated in their certificate of cooperation. Dapat nilabas na yun yan. Kung galing mo yan sa cabinet secretary, saan naman pa napigilan na napigilan na nila yan because they're part of the decision making. Sa isang pag-aaral ng International Rice Research Institute, dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon ng Pilipinas at dahil seasonal ang pag-harvest, hindi nagiging sapat ang local production ng bigas. Kaya kinakailangang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. Isa sa sugestyon ng isang ekonomista, alisin ang kapangyarihan ng NFA na magbigay ng import quota o payagan ang importation para sa lahat ng private traders. So that will very quickly without any subsidies, with zero government funds at stake, bring down the price of rice in the local market if you open up trade in importation of rice. Kaya lang, the... Ayaw gawin ng mga policy makers kasi nga this will imply babagsak yung palay price. Pero para sa isang non-government organization, mahalaga rin na mapaulad ang sektor ng agrikultura para mas mapataas ang produksyon ng bigas ng ating local farmers. Kung nandyan yung suporta ng gobyerno sa mga magsasaka, una, kailangan magpatupad siya ng tunay na reforma sa lupa. Libre ang lupa para sa mga magsasaka. Post-harvest facilities, irrigation. Pautang, kailangan i-ensure yung produkto ng mga magsasaka ay nabibili ng mataas para hindi lugi ang mga magsasaka. Kailangan may price control doon sa mga pangangailangan ng... Itinuturing na staple food na mga Pinoy ang bigas at mandato ng gobyerno na siguraduhin may murang bigas sa mga pamilihan. Sa panahon na hindi nagagawa ng gobyerno ang kanilang responsibilidad, Sa pagkakaroon ng supply ng NFA Rice, dapat na masingil kung sino ang may pagkukulang. Siguraduhin na may aaksyon para mabilis na matugunan ang problema. Dahil apektado, higit lalo ang kumakalam na sikmura ng mga mahihira. Hanggang sa susunod na Webes, ako si Jun Veneration, ako si Mackie Pulido at ito ang nakatala sa aming Reporter's Notebook.