Magandang araw! Sa video na ito, tatalakayin natin ang buod ng isang mahabang tula at itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang panitikan sa Pilipinas, ang Florante at Laura, na isinulat ng kilalang makata na si Francisco Balagtas Baltazar. Sama-sama nating susuriin ang mga pangyayari sa likod ng madilim na kagubatan ng Albania, kung saan naggros ang mga landas ng mga taong magkakaiba ang lahing pinagmulan.
Ngunit nagkakaisa sa pag-ibig at kapalaran. Simulan na natin. Sa isang madilim na kagubatan ng Albania, si Florante ay nakatali sa isang puno ng Higuera, nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang amang si Duque Briseo at nag-aalala sa posibilidad na mapasakamay ng kanyang kaaway, si Conde Adolfo, ang kanyang minamahal na si Laura. Habang nalulunod si Florante sa kalungkutan, isang moro...
na nagngangalang Aladin na naglalakbay sa kagubatan, ang nakarinig sa kanyang pagtangis. Naantig si Aladin sa mga hinayeng ni Florante at tinulungan siya nang siya'y atakihin ng dalawang leon. Hindi nag-atubili si Aladin na iligtas si Florante bagaman sila'y magkalaban at inalagaan ito ng mawalan ng malay.
Nang magising si Florante, nagulat siya ng malaman na ang kanyang tagapagligtas ay isang moro. isang kalaban ng mga Kristiyano. Dito nagsimula ang kanilang pag-uusap at isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay.
Ikinuwento niya na siya ay anak ng isang prinsesa at ng isang maharlikang tagapagpayo, si Duque Briseo. Lumaki siya ng masaya at puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Noong siya ay sanggol pa lamang, muntik na siyang masawi nang atakihin siya ng isang buwitre na nagtangkang agawin ang batong hiyas na nakasabit sa kanyang dibdib.
Mabuti na lamang at nailigtas siya ng kanyang pinsan na si Menalipo, isang magaling na mamamana mula sa Epiru. Nang siya'y labing isang taong gulang, ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Atenas, Grecia upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Dito niya nakilala si Adolfo, isang kababayan mula sa Albania, na noong unay itinuturing na pinakamatalinong mag-aaral. Ngunit makalipas ang anim na taon, Nalampasan ni Florante ang mga galing ni Adolfo na nagdulot ng matinding inggit sa huli. Isang araw, tinangkang patayin ni Adolfo si Florante habang sila'y gumaganap sa isang dulaan.
Ngunit nailigtas siya ng kanyang kaibigan na si Menandro. Dahil dito, umuwi si Adolfo sa Albania. Makalipas ang isang taon, natanggap ni Florante ang liham na nagsasaad ng pagkamatay ng kanyang inang si Prinsesa Floresca. Kaya't bumalik siya sa Albania kasama si Menandro. Sa Albania, isang kinatawan mula sa Crotona ang humiling ng tulong mula kay Florante laban sa mga Persa o Persians na nagbabanta sa kanilang kaharian.
Hindi ito natanggihan ni Florante dahil ang kanyang lolo ang hari ng Crotona. Sa digmaang ito, matagumpay niyang napatay ang general ng mga Persa na si Osmalic at nanatili sa Crotona ng limang buwan bago bumalik sa Albania. Pagbalik ni Florante sa Albania, nalaman niyang ang bandila ng Persia ay nakatayo sa kanyang bayan.
Muli niyang nilabanan ang mga Persiano at nailigtas si na Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa tiyak na kamatayan sa kamay ni Emir. Dahil sa kanyang katapangan, itinalaga siyang tagapagtanggol ng Albania, bagay na ikinagalit at ikinainggit ni Adolfo. Sa sumunod na digmaan sa Etolia, Muling ipinagtanggol ni Florante ang Albania laban sa mga Turkia na pinamumunuan ni General Miramolin. Subalit sa gitna ng labanan, natanggap niya ang liham ng kanyang ama na pinababalik siya sa Albania. Iniwan niya ang kanyang hukbo sa pangangalaga ni Menandro at nagmadaling umuwi.
Pagbalik sa Albania, natagpuan ni Florante na nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Adolfo ang kaharian. Siya ay tinugis ng 30,000 sundalo ni Adolfo. at ibinilanggo ng dalawamputwalong araw. Dito niya natuklasan na pinugutan ni Adolfo ng ulo ang kanyang ama at si Haring Linceo.
Pagkatapos ay dinala siya sa kagubatan at itinali sa puno ng Akasha. Sa kanilang pag-uusap sa kagubatan, ikinuwento rin ni Aladin ang kanyang sariling karanasan. Ayon kay Aladin, siya ay isang prinsipe mula sa Persia at anak ng malupit na si Sultan Ali Adab. Pinagbintangan siya ng kanyang ama na iniwan ang kanyang mga alagad, dahilan ng pagkatalo nila sa digmaan. Dahil dito, nais siyang patayin ng Sultan.
Subalit, dahil sa pagmamahal ni Aladin kay Flerida, isang dalaga mula sa kanilang kaharian, nakaligtas siya. Hiniling ni Flerida sa Sultan na palayasin na lamang si Aladin at siya na lang ang pakakasalan ng Sultan bilang kapalit ng kanyang buhay. Habang nagsasalaysay si Aladin, nakarinig sila ng mga tinig mula sa kagubatan.
Isang babae, si Flerida, ang nagkukwento ng kanyang pagtakas mula sa kanyang kaharian at ang kanyang paghahanap sa kasintahan niyang si Aladin na nawala sa loob ng anim na taon. Sa kanyang paglalakbay, narinig niya ang mga sigaw ng isang babaeng humihingi ng tulong. Natagpuan niya si Laura na inaalipusta ni Adolfo.
Gamit ang pana, Pinatay ni Florida si Adolfo at iniligtas si Laura. Pagkatapos nito, si Laura naman ang naglahad ng kanyang kwento. Ayon sa kanya, nang mawala si Florante, nag-hari si Adolfo sa Albania sa pamamagitan ng kasinungalingan at pandaraya.
Napilitang pumayag si Laura na maging reyna ni Adolfo. Ngunit, sa kalaunan, nagtagumpay ang hukbo ni Menandro at natalo si Adolfo. Tumakas si Adolfo kasama si Laura sa kagubatan kung saan siya ay pinatay ni Florida. Nagtagpo sina Florante, Laura, Aladin at Flerida sa kagubatan. Matapos ang kanilang mga salaysay, bumalik sina Florante at Laura sa Albania at naging hari at reyna.
Samantalang sina Aladin at Flerida ay nagbalik sa Persya, kung saan si Aladin ang naging bagong sultan matapos mamatay ang kanyang ama. Namuhay ng matiwasay at payapa ang Albania at Persia matapos ang mga kaganapang ito. Diyan nagtatapos ang ating pagtalakay sa buod ng Florante at Laura.
Kung nakatulong sa iyo ang video na ito, huwag kalimutang mag-like, mag-subscribe at i-click ang notification bell para lagi kang updated sa mga susunod naming videos. Hanggang sa muli, maraming salamat sa panunood!