Magandang araw sa lahat ng mga manonood ng aming talakayan ngayong araw. Ang ating tatalakay na yung halaga ng wikang Filipino sa larangan ng pagsulat, malikayang pagsulat at pananaliksik. Mapalad tayong mga kasama natin ang ilan sa ating mga guro sa Universidad. ng Pilipinas.
Una, si Dr. Clement Aquino, guro sa Departamento ng Sosyalohiya at nagtuturo ng Panlipunang Pananaliksik. At ang isa pa nating kasama ay si Dr. Luna Sikatleto, guro ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat, at kilala rin bilang isang Nobelista. Para sa una nating katanungan, Bakit sa tingin ninyo mahalagang hikayatin ng universidad ang ating mga mag-aaral mula sa iba't ibang kurso at disiplina na matutong magsulat sa Filipino sa larangan man ito ng malikaing pagsulat o pananaliksik?
Mahalagang hikayatin ng universidad ang mga mag-aaral nito na matutong mamahayag ang mga estudyante sa wikang Filipino. Una sa lahat, sa tingin ko, kaya importante yun kasi Kailangan nilang makita ang kanilang tradisyong pinanggalingan, ang kanilang kasaysayan, at ang patutunguhan ng kanilang mga buhay. Hindi given na porke mga Filipino tayo ay may pagpapahalaga tayong lahat sa wika.
Ito ay kailangang kanlungin at alagaan ng mga sabihin na nating may hawak ng kaalaman, kabilang tayong mga guro. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga sagka para magkaroon ng pagpapahalaga sa wikang ito. Hindi ko rin... Paano ko ba sabihin ito? Sa tingin ko, hindi naman Ingles ang enemy rito.
Sa tingin ko, ang mas dapat nating pansinin ay ang uri ng edukasyong na pagulong. San hinang ating... ating karanasan sa kolonyalisasyon. Sa UP, sa universidad kung saan ako nagtuturo, mahalagang maging kritikal sa lahat ng impormasyong dumadaloy sa ating mga classroom kapag nagbabasa ng panitikan halimbawa.
Importante ang bukas din ang kamalayan ng studyante, hindi lang dun sa formal elements ng tekstong kanilang pinag-aaralan, kundi yung production ng tekstong yun kung bakit naging ganon ang pagkakasulat. Importante rin na... Napagkakawing-kawing natin ang wika pagdating doon sa paglaban ng ating mga karapatan. Kung hindi tayo equipped o hindi natin alam, imando ang ating sariling wika, walang gagawa nun para sa atin.
Nang galing rin ako sa isang background kung saan ang aking magulang ay naging tagapagtaguyod talaga ng wika. Natatandaan ko nung lumalaki ako na ayaw na ayaw niyang pinagahalo ang Ingles at Filipino. Nagagalit.
siya kapag sinasabi ko na nai-imagine ko halimbawa na sa future may mga robots na. Ang habang lecture yun na sinabi niya sa akin, hindi mo dapat pinag-ahalo yan. Siguro sa katwiran niya, may angkop naman na salita na mahanap para sa imagine. Pero malay ko ba na merong salitang haraya nung panahong yun dahil hindi naman ito itinuro sa amin sa UPIS nung panahong yun. Marahil, dahil nga nagtuturo na ako ngayon ng panitikan, na kailangang may genuine interest ka dun sa kursong iyong itinuturo.
At hindi mo maikakalas ang wika sa panitikan kapag itinuturo mo ito. Sa pagsulat din, ganun ang praktika. Kasi yung command, yung pagmando ng wika, para sa isang mando na that ay basic.
Kung hindi mo yan taglay, huwag ka na magsulat kasi kailangan kaya mo itong pasukin. Hindi ikaw ang nakokontrol ng iyong stuttering o ng trapiko mo sa wika. Kailangang madulas ang angwika para sa iyo.
Ito sa artikulasyon. So siguro pansamantala yun lang muna ang aking masasabi. Salamat Luna. Mahalaga yung binanggit niya sa usapin ng artikulasyon nun, lalo ng mga edeya at konseptong nakalunan sa ating sariling kasaysayan at lipunan.
At swak ito actually sa pagpasok natin sa sagot ni Dr. Clement Aquino sapagkat nakatoon sila sa kanilang departamento hinggil sa pag-aaral ng Sosyalohiya sa Universidad. Hindi ganun kahirap ngayon ang ginagawa natin. Ngayon sa isang tanong na bakit mahalaga para sa pamantasan, kasi ang pinakamahalagang... Binabahagi natin sa mga mag-aaral ay yung sinasabi palaging critical thinking, yung mapanuring pag-iisip. At yung mapanuring pag-iisip na yun para sa amin sa agampanlipunan ay kinakailangang maunawaan natin ang ating lipunan, ang ating sariling konteksto, at ang konteksto ay konteksto ng pang-araw-araw na buhay.
May wika ang pang-araw-araw na buhay at yan ay ang Filipino at ang wika ng mga mamamayan. Ang hugot ay may wika. Sabihin man yan o hindi. At naaantig ng wika ang kalooban ng mananaliksik at ng mga kalahok.
Kaya ang wika ang tulay sa pagitan ng mga mamamayan. at ng mga mananaliksik. At umaasa tayo na sa pamamagitan ng wika, nalilinang yung katauhan ng mananaliksik.
Kung tayo nasa pamantasan, pupunta tayo sa larangan, daladala natin ang ating sariling wika at wika rin. ng mga mamamayan. Higit natin naunawaan ng ating sarili kung gano'n tayo kapribilihyado sa UP at nasa larangan ng malikhaing pag-iisip. Subalit, pagdating natin sa larangan, parang ang layo nila kung Ingles ang ginagamit natin. So, para sa akin, napaka-bisang tulay sa pagpapakilala ng ating sarili at pagpapakilala na narito tayo dahil sa kanila.
At may isang wika yun. Salamat sa inyong mga sagot na is kung bigyan Bigyan ng tuon din yung usapin na karamihan sa mga estudyante natin ngayon halimbawa, kapag nag-iisip na nakabatay lagi sa kanluraning konsepto, halimbawa hindi makapagsalita o makapagsulat sa direktang wikang Filipino. Sa tingin nyo, sagkaba ito para higit na maunawaan ng mga estudyante ang kanilang mga disiplinang kinabibilangan kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo bilang medium of instructions.
At alam natin, Hanggang sa kasalukuyan, malaking usapin eh kung Filipino ba ang dapat gamitin bilang medium ng pagtuturo. So, sa halimbawa, sa larangan ng sosyologiya, mambalikan ko kayo, sa inyo bang departamento, ano yung praktika? Sino ang karamihan ba sa inyo ay nagtuturo sa wikang Ingles? O kaya, paano na isasalin ang mga, nagsok sa ito kasi ako eh, yung mga kandoraning konsepto hinggil sa pagkatao at iba pang... usapin sa filosofiya.
Sa inyong karanasan sa pagtuturo, papaano nagagamit ang Filipino para mahikayat natin ang mga mag-aaral natin na magsalita o magsulat at manaliksik sa wikang Filipino? Meron akong ginagamit na tatlong salita dyan. Una ay concept kasi karamihan sa mga kataga-salita na tinatalakay sa sosyolohiya ay nasa iba't ibang wika. Ang mga founding parents ng sociology ay mula sa Europa at salin sa Ingles. Sa wikang Ingles ang karaniwang ginagamit.
So pinapaliwanan... nagkuyo na kinakalang-igalang yung concept. Ang pinagmula nito.
At hindi lang sa Ingles. So, isang antasyon, concept. Sinasali natin yun para magkaintindihan tayo, sinasali natin yun bilang konsepto. Okay? So, magbibigay ako ng halimbawa.
Human rights is a concept. Sinasali natin yun upang magkaintindihan tayo karapat ng pantao. Pero may isa pang antas.
Dahil pag inunawa natin ang human rights bilang karapat ng pantao, daladal daladal. Daladala rin natin kung ano yung definisyon at pakahulugan ng human rights kapag sinali natin yun sa karapatang pantao. Pero dahil tayo pumupunta sa larangan at tayo nananaliksik, nakikita natin ang pangamba ng mga tao kapag sila'y papapagsalitain mo sa Ingles.
Hihilingin nila, pwede po bang magtagalog pero nai-insecure yun. Nahihiya, parang hindi sila makakatapat o makakasabay sa isang tagayupi. So makikita natin.
natin ang maibang mundo. At hindi yan mundo ng konsepto na sinalin mo yung human rights to karapatang pantao. May mga pagkakataon na nakikita natin, ano yung kailangan nila?
Paugnay niya ng tinatanong ko. Bakit hindi natin tinutulak sa karapatang pantao na gamitin natin ang sariling wika na Karapatan yan ng mga pasyente pag sila'y nakikipag-usap sa doktor. Karapatan yan ng mga nasa husgado kapag sila'y nililitis na sila'y magsalita at salitaan sa wikang kanilang naunawaan.
So, hindi yun karapatang pantao. So, yung tinatawag natin, may mga dalumat, may mga local constructs tayo na higit nating malilinang mula sa sarili nating wika. At higit pa doon sa mga nakatakda sa human rights o sa... sa karapatang pantao. Anong pagkakaiba nung concept, konsepto at dalumat?
Ano yun eh? Kaluluwa yun eh. Alam ni Professor Luna kung anong taglay, ano yung tinutumbok natin sa paggamit ng sariling wika.
Kaluluwa natin yun bilang bayan, bilang bansa. Luna, may nais kang... Ayos lang naman sa akin na pag-aralan natin ang wika, panalay ang konseptong yan at dapat ay handungin natin.
Nagiging mahirap lang kapag may imposisyon. Halimbawa ay yung digmaan sa ortografiya, digmaan sa... sa mga nangat ng mga ganon. Importante yun eh na alam mo yung tamang gramatika.
Pero kapag ipinataw mo ang mga alituntunin na iisa lamang, aalma talaga ang iba't ibang mga nika. Dahil magkakaiba, tandaan natin hindi lamang Tagalog ang base ng Filipino at marami itong components. Sa universidad kung saan tayo nagtuturo, kuminsan tayo mismo yung napapadouble-take kapag nagtuturo tayo ng wika. We always assume na Tagalog-Sedric, siyudad, ganon.
Samantala may mga isudyante tayo na mula sa probinsya, may konting insiguridad halimbawa sa pagpapahayag sa wikang itinuturo natin. Kailangan igalang yung mga differences na yun, pagkakaiba na yun. At...
Sabihin na dinamiko ang wika, nagbabago ito sa itong organismo na may sariling buhay. Hindi ba may mga iba tayong kaibigan sa Facebook na nagagalit kapag binabago ng media ang wika, yung ratipika. Yung mga ganon, ginagawa nilang mas mabilis.
paraan ng kanilang pamamahayan. Pero kasama yun dun sa buong proseso. Maaring napapangitan tayo dun sa mga shortcuts na ito.
Pero ang iniisip ko pang konteksto ng mas wastong attitude o pagharap sa wika ay isa lang alang na bukod sa kolonyalismo, meron pa tayong mga... Maka-uri na posisyong taglay. Meron din tayong mga batay sa ating mga kasarian. Kung baga, lahat tayo ay binubuo ng iba't ibang mga...
components, iba't-ibang mga identidad na hindi pwedeng monolitiko ang ating pagbasa sa pinagmumula ng bawat isa. So, kung... Kalingbawa, ang ating universidad ay seryosa talaga sa kanyang pagpapatupad ng ganitong advokasya na matuto tayo na mamahayag, na maigi sa wikang Filipino. Ayaw ko na maging ano eh, yung parang ini-impose.
Kasi ako yung unang-unang magsasalita talaga na ano. Huwag mong ipipilit sa akin. Mahalaga na lumaraan siya sa pagkahinog. Lumaraan siya sa tamang timpla. At napakikinggan yung actual user ng Filipino.
At hindi yung mga nagtitipo ng gramatika o yung ganon. Sa isang dako, di ba may mga sawikaan tayo, tala-salitaan, maganda yan, mga pagbabadyaya ng kalusugan ng pagtingin natin sa wika. Pero sana hindi lang siya timed o nakasync sa linggo ng wika. Kasi ang linggo ng wika ay... Araw-araw mo dapat iniisip na kung paano mo ginagamit ng wika.
So, habang nasa antas pa tayo na kumemoratibo ito, tingin ko, hindi pa tapos yung ano doon, yung digma doon. Kasi tinitignan mo siya na ano eh, parang tinatapat mo siya tuwing Agosto. Tinatapat mo siya na kailangang nakabarong Tagalog ang mga tao, magtitinikling.
So, lahat yun, ano kasi, naka... Nakatali dun sa maging sa pananaw natin sa kultura na parang sekundarya lang ito dun sa lahat ng ating ikinikilos at ginagawa. Samantalang it's holistiko.
Holistiko siya sa ating pagkatao. Napakaganda ng mga sagot nila hinggil sa inilatag nating mga katanungan. Totoo yun, naniniwala din ako na ang pagdiriwang ng linggo o buwan ng wika bilang espesyal na... na panahon na inilalaan sa wikang Filipino ay parang ironic din kung tutuusin.
Ibig sabihin, hindi pa talaga rin marahil tanggap ang wikang Filipino bilang sa larangan ng pananaliksik o komunikasyon o opisyal ng wika. Kasi kung hindi na ito ipinagdiriwang, ibig sabihin, tanggap na ng karamihan ng estado natin, ng universidad. Kahit dito sa UP meron tayong policy sa wika na kung tutuusin, ay nagsusulong ng wikang Filipino. Pero hanggang sa kasalukuyan ay talagang nahihirapan pa rin halimbawa kami sa Sentro ng Wikang Filipino kung paano isusulong pa rin ang Filipino sa larangan ng pananaliksik, medium ng pagtuturo, at obisyon na komunikasyon sa ating universidad.
Para sa ikalawang katanungan natin, at marahil manganak pa ito ng ilang mga ideya, Sa paanong paraan kaya nagiging lungsaran ang wikang Filipino sa pagbuo ng mga bagong konsepto at kaalaman na maaaring ilapat ng mga mag-aaral sa kanilang mga partikular na disiplina dito sa ating universidad? Halimbawa sa malikhaing pagsulat, kung ano kaya yung naitutulong sa pagluwal ng konsepto, lalo na sa larangan ng malikhaing pagsulat at pagtuturo ng panitikan na maaaring... mahikayat ang mga mag-aaral sa engineering o sa agham, na hindi lang limitado sa Arts and Letters o sa CSSP, na makita yung kabuuan ng ating kultura at tradisyon sa Pilipino.
Ang importanteng konsepto sa pag-aaral ng malikaing pagsulat, yung konsepto na aangkinin mo, ang halimbawa, isang karanasan. Aangkinin mo ang wika na gagamitin mo para sabihin yung karanasan na yun. Ngayon, kung halimbawa, taga-engineering ako, wala naman akong interes dun sa wikang Filipino, kailangan tumbukin. ng guro.
Kung alin ang mga bagay, alin ang mga konseptong, masasabi niyang kanya. Masasabi niyang ang kin niya. So, whether that means gagamit siya ng taglish para masabi lang niya kung ano ang kanyang pahayan, kung ano ang kanyang artikulasyon, kung ano ang kanyang malikain sasabihin, ikalang yun. Si Rolando Tino ay maraming mga pahayag, hindi ba, tungkol dun sa paggamit din ng bilingualismo at saka ng tablish sa malikhaing pamamahayag. Tingin ko, yung malikhaing pamamahayag rin ay isang taken for granted na abilidad ng ating ordinaryong tao.
Kasi akala natin, um, Ang mga manunulat ay yung mga nananalo lang ng palangka o kaya yung mga nakapatak na otor sa mga libro. Samantalang, ang pagiging malikain sa diwa ay angkin ng lahat, taglay ng lahat. So kapag itinuturo ko ang malikain pagsulat, usually bumabalik kami dun sa punto de vista nila tungkol sa isang karanasan.
For example, sa Antas na Masteral, Laging nakakatulong yung writing prompt ko na ilarawan mo sa akin ang isang sandali na naramdaman mo na nawalan ka ng kapangyarihan. So, maraming mga interpretations yan. Probably, babalik sila sa kanilang kabataan, meron silang maaalala ng isang alaala.
Maari rin naman na hindi lang basta kabataan ang kanilang tatalakayin, it could be yung experience sila sa eskwelahan. experience nila sa lungsod o sa probinsyang kanilang pinagulan. Whatever it is, kung ano man ang articulation nila ng kawalan ng kapangyarihan, the mere fact na kaya nilang ipahayag yun, alinsunod dun sa wikang alam nila, sa karanasan na alam nila, is a triumph.
Isa na yung tagumpay. Kasi nagawa nilang sabihin. Tandaan na ang pagsulat ay artikulasyon at saka ano yan eh, ikaw bilang tagapagdika, nakakaalala at nakakasabi ng alaalang yun na hindi magagawa ng ibang. Kasi ang alaalang hindi naman pare-parehas para sa mga tao. So yun ang interpretation.
Ano ang alaalam mo? So, ang ganda nung sinabi ni Luna na pwedeng lumikha ng mga konsepto ang manonulat. Actually, mga mambabasa rin kapag nabasa nilang isang akda, maaari na rin silang makakita na, ah, ito pala yung inilalatag na konsepto o ideya ng manonulat. At nakikita nila marahil ang sarili ng karanasan sa isang akda.
Mapunta tayo sa larangan ng aghampanlipunan. Ako, pamilyar ako halimbawa dun sa konsepto ng loob. dalumat, ginhawa. Paano po ito nagsimula sa agham panlipunan? At sa tingin ninyo, magpapatuloy ba ito hanggang sa kasalukuyan na pinapalawak ang mga konseptong Filipino at iniincorporate sa mga disiplina sa agham panlipunan?
Sa agampalipunan, ilang dimensyon yung tinitingnan natin. Yung paksa ng pag-aaral, kagaya nung binanggit mo, loob, kapwa, at yun din kaparaanan ng pag-aaral. So, kaugnay ng kaparaanan ng pag-aaral, nakikita natin sa agampalipunan. po na na importante na nakakaugnay ang ating mga kalahok dun sa paraan ng pakikitungo natin sa kanila.
So kung sabihin mo sa isang kalahok, pwede po ba kayong ma-interview? Ano yung reaction niya? Pero pag tinanong mo, pwede po ba kaming magpakwento sa inyo?
Iba yung dating sa kanya. Kaya yun yung sana masiyahan si Ma'am Luna na isang malaking constant. Isang malaking kataga sa amin ngayon sa sosyolohiya ay yung kwento.
Kasi nakikita nila pwede silang magkwento, pwede silang magsulat ng kwento. Kaya mula sa paksa, kaparaanan ng pakikitungo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakwento, ang ilalahad natin ay yung kwento. Kaya si Ceromel, sa pamamagitan ng Centro ng Wikang Filipino, ay nababatid niya na isang pag-aaral namin ay yung kwentong bayan. Ano yung iba-ibang mga pananaw? O ano yung iba-iba nilang maibabahagi bilang ambag, kanilang ambag sa ating mga ginagawa sa pamantasan?
Ang ganda nung sagutan ninyo actually kasi napagsanib natin ang malikhaing pagsulat at ang disiplina ng sasyalohiya o pananaliksik. At kung saan nagtatagpo yung dalawang disiplinang ito, nakuntutusin, isang research method pala ang... malikhaing pagsulat kung tutuusin. Para sa ikatlo nating katanungan, may practical bang silbi ang pagkatuto sa pagsulat at pananaliksik sa wikang Filipino?
At tunga na to sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng mga profesyon at disiplinang kinabibilangan ng ating mga mag-aaral sa universidad. Gusto ko rin medyo itwik yung question na, anong halaga ng wikang Filipino sa usapin ng pagbuo ng may konsepto ba ng pambansang kaakuhan o national identity, national unity, o nation building. Gaano ba ito kahalaga dahil inaasahan natin ang mga magkatapos sa Universidad ng Pilipinas ay magiging pinuno ng bansa. Mahalaga Ba ang Filipino sa pagbuo ng pambansang identidad natin o nation building, lalo na sa konteksto ng may ASEAN integration na, may globalization, eh dapat English na. At ayon ang debate ng iba sa Universidad Conte Tocen.
Makali ba kung tumuhog ng konti dun sa sinabi niya tungkol sa kwento? Kailangang may kwenta ang kwento. pagkukwento sa mga tao. Ngayon, ang tanging paraan para magkaroon ng halaga ang kwento na yun ay kung kaya rin niyang isatinig kung ano ang kanyang take o posisyon dun sa kwentong yun.
Kasi ang kwento, nanganganak na mga kwento. May praktikal na gamit ang angwika para sa lahat ng mga disiplina. Tandaan na magkakarugtong naman ang mga kaalaman. Sapagkat dumadaloy ang mga kaalaman din sa wika. Maaaring tayo na yung gumawa ng ekstra effort para makita ang connections na iyon sa mga nodes na ito ng kaalaman.
Bilang guro ng panitikan at malikhaeng pagsulat ngayon, hindi dapat limitado ang itinuturo mo dun sa... Nasabi ko na ito kanina, formal lang na elemento, halimbawa, ng mga forms, ng binabasa natin, kundi paano magiging relevant yung mga binabasa mo dun sa disiplinang pinanghahawakan mo. Merong sinulat si Brigido Batong Bakal na lugmok na ang nayon. Tama ba? O yung nagkamali yata ako kay Edgardo Reyes yun.
Kuminsan, pasensya na mga manaloon. Nagdibiis na ang nayon. Nasulat niya ito bago pa magdekada 40, kung di ako nagkakamali, at nalathala sa DIY.
At nasungkit ng akdang iyon. Ang urbanisasyon, pagbuo ng mga syudad, sa mga lalawigan. So, nakatali dun sa kwento ang pagbasag sa inusenteng pagtingin sa isang babae kung paano siya, alimbawa, tinangi ng nanglayo na yon hanggang sa itinakwil dahil tumatol siya sa isang inhenyerong may asawa pala.
The love story is only incidental dun sa backdrop ng urbanization na nagaganap dun sa maikling kwentong yun. Kapag itinuro lamang ng isang guro kung ano ang mga susing salita dun sa maikling kwentong yun, abay, para na rin niyang ininsulto ang imahinasyon ng sumulat ng kwentong ito na si Brigido Batong Bakal. Kasi yung kwentong yun ay may...
kwenta. May diskurso pa siya bukod dun sa kwento ng pag-ibig. At dun sa maraming mga, ganun naman talaga ang maikling kwento.
Ganun naman talaga ang panitikan. Hindi lang siya pagbubuo ng mga talinghaga. Meron siyang laging bigger frame, bigger story na mas dapat matutukan ng estudyante. Speaking of which, yung nagbibihis ng nayon, Nagkaroon ako ng magandang karanasan kung saan naituro ko ito sa mga estudyante ng mukuha noon ng engineering.
Napagtuhog nila eh, nakita nila yung effect ng urbanisasyon sa mga nayon at meron ding moral na compass. Mga infrastruktura at developments na linalarawan ni Brigido Batong-Bakal. At kung ang isang engineering student ay gagraduate sa universidad, mahalagang hawak niya yung moral compass na yun.
Hindi lang science, hindi lang engineering concepts ang bit-bit niya. The moral compass would come from the learning of yung panitikan at malikhaing pagsunod. Tama, ma... madugtong ko rin yung komento ko, paborito ko rin sa isa sa mga kwento, at hindi ko makakalimutan yung main character doon, si Derang, na kung saan habang umuunlad ang nayon, in development, lalong nasisira naman yung ugali ng mga tao. At kahit lumawak yung highway na ginagawa, mas committed naman ang isip nila kung tutusin.
So tama yun, ang ganda nung binanggit ni Lunan, lalo na sa mga estudyante ng engineering, nagiging dunsara ng panitikan o maikling kwento para talakayan ang mga usaping panlipunan kung tutusin. Okay, susundan ko yung binahagi ni Ma'am Luna, kasi ang tinatanong mo ay paano natin mapapatatag ang ating bansa sa gitna ng malawakang globalisasyon. Kailangan talaga yung mapanuring pag-iisip.
Kasi hindi naman ang gusto natin dito, ay hindi importante yan, ito lang sa amin ang importante. Hindi yun ikasusulong ng ating bansa. Kailangan mapanuri upang makita natin ano ang naririyan na at ano yung malilinang natin.
mula sa sariling atin. Halimbawa, windang na windang ako sa sustainable agriculture na itinuturo sa atin ngayon. This is the way to go.
Organic farming, sustainable agriculture, parang namang wala tayong kaalam-alam tungkol sa bagay na yan. Parang hindi alam noong unang panahon, pero alam na alam natin yan. At yan ang yaman na nasa iri, pero hindi natin nalilang bilang sariling atin.
So, ang magandang tutok, ano ba yung maaring ayambag ng mga Pilipino? Eh, ang dami niyan. Naiingit ako sa agampanlipon.
Dahil sa sining ay maraming pwedeng sabihin pero ang mga ambag sa aghampalipunan ay nahuhuli. Kaya may hamon dyan na linangin kung ano yung maitatanghal din natin mula sa ating sariling yaman dahil marami yan. Maraming salamat sa inyong mga napakayaman na sagot.
At sana yung mga nakinig o nanood ng video na ito ay matuto at patuloy na tignan at pagyamanin ang halaga ng wikang Philippine. hindi lamang para sa ating universidad, kundi sa ating bansa at sa kalakhang ng ating mamamayang Filipino. Maraming salamat sa inyong panonood at pakikinig.