Sama-sama tayong matuto Sa isang masayang mundo ng Agham Mga bata, handa na ba kayo sa isang Aghamazing na araling? Aghamazing! Kay Teacher F.F.A. ng learning Amazing! Siguradong siyensya'y exciting!
Music Gusto na kayo mga munting scientist! Nasasabik na ba kayo sa ating bagong aralin? Kumapit ng mabuti sa inyong mga upuan at tumutok ng gusto sa inyong telebisyon sapagkat ngayong araw, bibigyang pansin natin ang katangian ng ikalawa at ikatlong uri ng matter, ang liquid at gas.
Sa nakalipas na aralin, ating natutunan ang lahat ng tungkol sa solid. Sabi natin, ang solid ay may iba't ibang katangian. At ito ay ating mahuuri ayon sa kanyang kulay, hugis, laki, timbang, at tekstura.
Ngayon naman mga bata, pasukin natin ang mundo ng likwid! Tara! Aning na buwan na tayong nakikipaglaban sa coronavirus disease o COVID-19. Isa sa pangaparaan upang mapangalagaan ang kalusugan laban sa sakit na ito ay ang palaging paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon. Ano ang gamit natin pang hugas?
Tubig! Ang tubig ay isa sa mga napakahalagang likwid na kailangan ng tao, hayop at halaman upang mabuhay. Mga bata, ugaliin uminom ng 7 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw upang ang ating katawan ay mas maging malakas.
Mga bata, sino sa inyo ang nakapagswimming na sa dagat? O kaya sa swimming pool? Itaas ang kamay! Masaya, hindi ba?
Ano ang mangyayari kapag isinulong mo ang iyong katawan sa dagat, batis o swimming pool? Kung ang sagot mo ay mababasa ang iyong buong katawan, add amazing! Sapagkat ang tubig sa dagat, batis at swimming pool ay liquid. Isa ito sa mga katangian ng liquid. Kapag iyong nahawakan o nadampian, ikaw ay mababasa.
Pagpang lubos nating maunawaan ang ating aralin, tayo muna ay magre-review. Uy, oras na para diligan ang alaga kong halaman. Mga bata, pagmasdan niyong mabuti, paano dumaloy ang likwid?
Nang diligan ang halaman, mabilis na dumaloy pa baba ang tubig sa lupa. Kinuha nito ang espasyo o lugar. ng kanyang pinagbagsakan. Ang liquid ay may iba't ibang paraan ng pagdaloy. Ito ay maaaring mabilis o mabagal.
Kumukuha rin ito ng espasyo o lugar. Parang nauuhaw ako ah. Tara, pasok tayo sa loob. Ino muna tayo ng juice mga bata. Mukhang masarap!
Paano dumaloy ang liquid? Mabilis na dumalay ang yus nang ibohus ito sa baso. Ginaya ng yus ang hugis ng baso. Tandaan, ang likwid ay walang sariling hugis. Ang hugis nito ay nakasalalay sa kanyang paglalagyan.
Ang likwid ay may iba't ibang kulay rin. Ito ay maaaring itim. Puti, dilaw, pula, orange. May mga liquid din na walang kulay. Ang liquid ay mayroon ding iba't ibang lasa.
Ito ay maaaring matamis, maasim, maalat, mapait, maanghang. At syempre, mayroong ding likwid na walang lasa. Ngayon naman mga bata, suriin natin ang mga likwid na nasa ibabaw ng lamesa. Alamin natin kung ano-ano ang mga ito. Para sa unang bilang, ito ay kulay puti.
Tikman natin! Maasim! Ano kaya ito? Kung ang sagot nyo ay suka, Agh! Amazing!
Ikaw ay tama! Para sa ikalawang bilang, ito ay kulay itin. Tikman natin! Maalat! Ano kaya ito?
Kung ang sagot mo ay toyo, Agha-mazing! Ikaw ay tama! Para sa ikatlo bilang, ito ay kulay pula. Tikman natin!
Mmm! Matamis! At maasim!
Ano kaya ito? Kung ang sagot mo ay ketchup, and amazing! Ikaw ay tama! Para sa ikaapat na bilang, ito ay kulay orange. Tikman natin!
Masarap at matamis. Ano kaya ito? Kung ang sagot mo ay juice.
Agh, amazing! Ikaw ay tama! Alala mga bata, hindi lahat ng likwid ay pwede nating lasahan.
May mga likwid na nakakalason at nakakapinsala sa ating kalusugan. Kaya hindi ito dapat tikman. Maging maingat sa paghawak at pagtikim ng mga likwid. Narito pa ang ibang halimbawa ng likwid. Atin namang tikman ang tsokolate.
Ang tamis! Ang tsokolate ay matamis. Ito ay isang likwid sapagkat ito ay may kakayahang dumaloy. Atin namang tikman ang chili sauce.
Chili sauce ay maanghang. Ito ay isang liquid sapagkat ito ay may kakayahang dumaloy. Sunod naman natin tikman ang gatas.
Katulad ng tsokolate, ito ay matamis. Ang gatas ay isang likwid sapagkat ito ay may kakayahang dumaloy. Tandaan, ang likwid ay may iba't ibang kulay, lasa, at kakayahang dumaloy.
Ngayon naman, pag-aralan natin ang amoy ng iba't ibang likwid. Oops! Paalala lamang muli mga bata. Hindi lahat ng likwid ay ligtas amoyin.
May likwid na kanais-nais at may likwid na di kanais-nais ang amoy na maaaring magdumaloy. ng masamang pakiramdam sa ating katawan. Tukuyin natin kung ang mga bagay ba na ito ay may kaaya-ayang amoy o hindi kaaya-ayang amoy. Mga bata, kayo ay mag-thumbs up kung sa tingin ninyo kaaya-aya o mamango ang ipapakita ko.
Thumbs down naman kung hindi kaaya-aya. Kape Kolob Pintura Conditioner At gaas Ano ang amoy ng kape? Ang sagot mo ay may kaaya-ayang amoy. Agh, amazing! Ano ang amoy ng kolob?
Kung ang sagot mo ay may kaaya-ayang amoy. Agh, amazing! Ano ang amoy ng pintura?
Kung ang sagot mo ay may hindi kaaya-ayang amoy, Agha-mazing! Ano ang amoy ng conditioner? Kung ang amoy ng conditioner ay may hindi kaaya-ayang amoy, Kung ang sagot mo ay may kaayaayang amoy, Aghamezing! Ano ang amoy ng gaas?
Kung ang sagot mo ay may di kaayaayang amoy, Aghamezing! Walang sariling hugis. Ang hugis nito ay nakasalalay sa lalagyan nito.
Ito ay kumukuha ng espasyo o lugar. Ito ay dumadaloy ng mabilis at mabagal. Ang liquid ay may iba't ibang lasa. Ito ay maaaring matamis, maasin, mapait, maalat at maanghang. Mayroon ding liquid na walang lasa.
Ang liquid ay maaaring may kaayaayang amoy o hindi kaayaayang amoy. Ngayong alam na natin ang katangian taglay ng liquid, dumako naman tayo sa katangian ng ikatlong uri ng matter. Ang gas.
Nasubukan mo na bang magpalipad ng saranggola? Ano ba ang kailangan upang mapalipad ang saranggola? Kung ang sagot mo ay hangin, Agamazing!
Ikaw ay tama! Kailangan natin ang hangin upang ating mapalipad ang saranggola. Ang hangin ay gas.
Pagmasdan nyo ang larawang ito. Hinihipan niya ang lobo. Nagkaroon ito ng laman sa loob, kaya ito ay lumaki.
Ano kaya ang nasa loob ng lobo? Kung ang sagot niyo ay hangin, Aghamazing! Ano yung mabuti?
Ito ang itsura ng lobo kapag walang laman sa loob. Ito naman ang itsura kapag ito ay ating hinipan. Paalala mga bata, ang labis na pag-ihip sa lobo ay nagdudulot ng pagputok nito. Maaari tayong masaktan.
Kaya mas mainap na tayo ay magpatulong sa ating mga magulang o nakatatandang kapatid para maiwasan ang anumang disgrasya. Ano ang nangyari sa lobo habang hinihipan? Lumaki ang lobo sapagkat nilagyan ito ng hangin sa loob.
Ang hangin ay isang halimbawa ng gas. Hindi natin ito nakikita, ngunit ito ay ating nararamdaman. Umayon ba ang hangin sa hugis ng lobo?
Kung ang sagot nyo ay oo, Agamazing! Lahing ang hangin ay isang gas. Wala itong sariling hugis. Ang hugis nito ay nakasalalay sa lalagyan nito. Narito ang iba pang halimbawa ng gas.
Una. Narito ang oksygen na kailangan ng tao at hayop para mabuhay. Ang oksygen ay nanggagaling sa mga puno at halaman.
Ikalawa, ang carbon dioxide inilalabas ng tao at hayop na kailangan naman ng mga puno at halaman. Hangin ay isang halimbawa ng gas. Hindi natin ito nakikita, ngunit ito ay ating nararamdaman. Wala rin itong sariling hugis. Ngayon naman mga bata, nais kong itapatin nyo ang inyong kamay sa inyong bibig.
Sabay-sabay natin itong ipan. May naramdaman ba kayo? Kung ang sagot nyo ay oo, Agamazing! Naramdaman natin ang paglabas ng hangin mula sa ating katawan, pero hindi natin ito nakita. Ang hangin na lumabas sa ating katawan ay halimbawa ng gas.
Ito ay tinatawag nating carbon dioxide. Ang gas ay kadalasang hindi natin nakikita, ngunit ito ay ating nararamdaman. Wala itong tiyak na hugis. Ito ay sumusunod sa hugis ng paglalagyan nito.
Ang gas ay nakakakuha ng espasyo o lugar. Dumako tayo sa isang pagsasanay na iskong kunin ninyo ang inyong lapis at sagutang papel. Handa na ba kayo?
Isulat ang tama kung totoo ang isinasaad ng pangungusap at mali kung hindi. Ang likwid ay may kakayahang dumaloy. Ang liquid ay walang sariling hugis.
Ang liquid ay may kulay. Ang liquid at gas ay kumukuha ng espasyo o lugar. Ang liquid ay may teksturang magaspang.
Ang gas ay pwedeng ilagay sa bulsa. Ang gas ay malayang nakakagalaw sa paglalagyan dito. Ang hangin sa ating paligid ay ating nakikita. Ang hangin ay hindi kumukuha ng espasyo. Ang gas ay may sariling hugis.
Ang inyong ginawa. Ang likwid ay may kakayahang dumaloy. Tama! Ang likwid ay walang sariling hugis. Tama!
Ang likwid ay may kulay. Tama! Ang liquid at gas ay kumukuha ng espasyo o lugar.
Tama! Ang liquid ay may teksturang magaspang. Mali! Ang gas ay pwedeng ilagay sa bulsa. Mali!
Ang gas ay malayang nakakagalaw sa paglalagyan dito. Tama! Ang hangin sa ating paligid ay ating nakikita. Mali!
Ang hangin ay hindi kumukuha ng espasyo. Mali! Ang gas ay may sariling kugis.
Mali! Lagi nating isaisip, ang likwid ay walang sariling hugis. Ang hugis nito ay nakasalalay sa paglalagyan nito. Ito rin ay may kakayahang kumuha ng espasyo o lugar. Ang likwid...
ay mayroon ding iba't ibang pulay, lasa at amoy. Ito rin ay may iba't ibang paraan ng pagdaloy. Ang gas naman ay walang sariling hugis. Ang hugis nito ay nakasalalay sa paglalagyan nito. Kumukuha rin ito ng espasyo o lugar.
Ang gas ay hindi natin nahahawakan. Kadalasan, hindi ito nakikita. Pero ito ay ating nararamdaman.
Hanggang sa muli mga bata. Ako si Teacher Ethel, ang inyong guro sa Agham. Paalam!