Dahilan, Dimensyon at Efekto ng Globalisasyon Mahalagang maunawaan na hindi lamang kapalikiran ang patuloy na nagbabago, kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa mga pagbabagong ito ay ang tinatawag na globalisasyon. Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan, ay ang globalisasyon. Mula pag-ising, pagpasok sa paaralan, pananood ng telebisyon, at maging sa pagkainan ay mababanaag ang manifestasyon ng globalisasyon. Ngunit kailan at paano nga ba nagsimula ang pandayigdigang penomenong ito?
Paano nito binago ang ating pamumuhay? Ang globalisasyon ay ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, informasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig. Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kumpanya, bansa. o maging na mga samahang pandeigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Ang teknolohiya sa komunikasyon ay isang partikular na dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sapagkat dito dumadaloy ang impormasyon na nagdudulot ng paglago ng kaisipan, kultura, produkto at pamumuhay ng mga tao sa bawat lipunan sa deigdig. Ang globalisasyon ay isang pandeigdigang ugnayan ng mga tao sa iba't ibang lipunan sa kanikanilang larangan tungo sa panlipunan at pang-ekonomikal na kaunlaran. Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyong panlipunan, ay mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. Mayroong limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Ang paniniwala na ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
Ito ang manifestasyon ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtutulak sa kanya na makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigmat manakop, at maging adventurero o manlalakbay. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago. Maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas ang anyo.
Ang globalisasyon ay may anim na wave o panahon. Ayon kay Thurborn, ang globalisasyon ay may tiyak na simula. Ito ay hindi isang bagong penomena o pangyayari. at hindi rin ito isang siklo o cycle.
Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinagugatan ang globalisasyon. Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956. o nang lumapag ang transatlantic passenger jet mula sa New York hanggang London.
Maaari rin namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite taong 1966. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsaki ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ng higit na pag-aaral sa isang global na daigdig. Ang globalisasyon ay penominang nagsimula sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Tatlo sa mga pagbabago na ganap sa panahon ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.
Ito ay ang pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power. Matapos ng ikalawang digma ang pandayigdig, ang paglitaw ng mga multinasyonal at transnational corporations, at ang pagbagsak ng Soviet Union, at ang pagtatapos ng Cold War. Ang sumusunod ay ilan sa mga maaaring naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon.
Cultural integration. Dahil ang mga tao ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa iba't ibang panig ng daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay. Economic Network Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ng maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangangailangan ng bawat isa. Technological Advancement Ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon.
lalot higit ang mga teknolohiang may kinalaman sa komunikasyon. Global Power Emergence Dahil nga sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba't ibang bansa at kultura, ay nagkakaroon ng tiyatawag na power allegiance at power resistance. Sa power allegiance ay nagkakaroon ng pakikipagkasunduan ang bansa na nagbibigay daan upang magkaroon din ng global power.
Dahilan naman dito ay nagkakaroon din ng power resistance sapagkat nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng mga bansa na may political power na maaaring maki-influensya sa pampolitikal na kalagayan ng iba't ibang bansa. Ang dimensyon ng globalisasyon ay tumutukoy sa mga sali kung saan ang globalisasyon ay makikita at lumalago. Ang mga sumusunod ay ang mga dimensyon ng globalisasyon. Socio-cultural, ang uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at informasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa. Economic dimension, ang ekonomiya ng mga bansa ay tuloy-tuloy ang pagunlad sapagkat ang mga kumpanya at negosyo ay nakakarating sa iba't ibang bansa.
Gayun din ang mga manggagawa ng kumpanya at negosyo na nagmumula din sa iba't ibang bansa at kultura. Political Dimension Sa larangan ng pamamahala, ang globalisasyon ay naging daan upang magkaroon ng mga ugnayang pampolitikal ang mga bansa na mayroong magkakaugnay na hangarin sa pamamahala. Environmental Dimension Ang kapaligiran ay isa sa mga pinakanaapektuhan ng globalisasyon dahil sa industrial na pagunlad.
Ang epekto ng globalisasyon ay maaaring atiin sa dalawang bahagi, ang mabuting dulot ng globalisasyon at hindi mabuting dulot ng globalisasyon. Sa pamamagitan ng globalisasyon ay nagkakaroon ng pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan. Maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan sa pagunlad ng ekonomiya ng iba't ibang bansa at mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa pagunlad ng lipunan sa iba't ibang bansa.
Dahil sa malawak na sakop ng sektor ng kalakalan ay nagkakaroon ng problema sa ekonomiya sa iba't ibang bansa lalo na ang mga nasa mahihirap na bansa. At dahil sa problema pang ekonomiya, ay nagkakaroon ng malaking agwat sa ekonomiya ang ibang bansa. At dahil dito, ay nagkakaroon din ng malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng mga tao sa pagitan ng mahirap at mayayaman. Dahilan, Dimensyon at Epekto ng Globalisasyon