Transcript for:
Mga Teknik sa Pag-aayos ng Computer

So welcome back mga chong dito sa channel ko at meron na naman tayong bagong pag-uusapan ngayon kasi alam ko mga chong na marami na akong mga ginawang video dito sa channel ko it's all about tutorial, it's all about review, it's all about mga kung ano-ano mga bagay na pwede kong ma-share sa inyo pero ngayong araw na ito mga chong ay ituturo ko sa inyo yung mga troubleshooting techniques na alam ko at mismong ginagamit ko mga chong sa pagtatrabaho ko at sa mga araw-araw na ginagawa ko na may kinalaman sa pag-aayos ng sa computer. So regardless mga chong, kung meron kang background sa IT or wala, ay pwede kang matuto dito sa video na ito kasi ginawa ko siyang mas madali para kahit na wala kang background mga chong, ay pwede ka pa rin matuto dito sa mga troubleshooting techniques na isishare ko sa inyo. So una muna mga chong, ipag-usapan natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang troubleshooting. So ang troubleshooting mga chong, ito yung procedure na ginagawa natin para mahanap at makita kung ano yung naging a cause ng isang problem na na-encounter natin sa mga computer natin. So troubleshooting is not the solution itself.

So kapag gawa na natin yung pagka-troubleshoot, saka lang tayo makakapagbigay ng solution kapag nakita na natin yung mismong problema ng mga computer natin. So gusto ko lang nilawin sa inyong mga chong na itong ituturo ko sa inyong mga technique ngayon ay base lamang sa sarili kong mga natutunan at mga naging experience ko sa pagkatrabaho. Pusibleng iba ang technique na ginagawa ng ibang mga tech Pero for sure, ilan dito sa mga ishare ko sa inyo ngayon Ay ginagamit din ng ibang mga professional pagdating sa pag-troubleshoot Pinakaunang technique na may share ko sa inyo mga chong Ay yung tinatawag nating familiarization So dito sa familiarization mga chong Ay ipapamiliarize natin yung sarili natin sa mga basic parts Or basic components ng isang computer So kumbaga kaya natin silang ma-identify ano bang itsura ng RAM, ano bang itsura ng CPU, ano bang itsura ng video card. At hindi lang dapat natin sila basta-basta kayang ma-identify, dapat alam din natin yung kanilang basic function or role dun sa loob ng isang computer. Kasi hindi natin kailanman matutroubleshoot ang isang bagay kung hindi tayo familiar dun sa mga kung ano-anong nakikita natin sa loob.

So isa ito sa pinaka-importante bagay mga tsiong. pagdating sa pag-droble shoot, yung pag-familiarize dun sa mga basic functionality ng components ng ating mga computer. So, pangalawang technique mga chong na may sasir ko sa inyo is yung tinatawag nating safety. So, ang computer natin alam natin na pinapatakbo ng kuryente yan. So, kahit anong appliances, lahat yan is pinapagana ng kuryente.

At alam natin na ang kuryente is pwede rin makapahamak sa atin. So, pwede tayong mamatay sa simpleng maling pagkalikot natin dun sa mga appliances natin, especially sa... computer.

So, hindi lang yan mga chong. Dapat ingatan din natin at alam natin yung tamang paghahawak dun sa mga components na meron ang isang computer. Kasi meron tayong tinatawag na static electricity mga chong. So, ang katawan ng tao pwedeng mag-build up ng tinatawag natin bultahe at ang bultahe na yun ay pwedeng matransfer dun sa mga delicate components ng isang computer na dahilan para masira sila.

Kasi meron lang silang mga specific amount. of voltage na kayang itolerate. So, once na nag-exceed na dun, pwede na natin masira yung mga components na yun. At hindi lang yan, mga chong, dapat alam din natin yung paggamit ng mga tools na madalas ginagamit sa pag-troubleshoot ng mga computers natin. Kasi kung hindi tayong magiging maingat, pwede tayong mapahamak, pwede tayong masaktan, at pwede rin natin masira yung mga components ng isang computer kapag hindi natin alam sila kung paano gamitin.

So, isa yun sa mga technique na dapat ninyong matutunan, mga chong, is yung safety na tinatawag. So pwede nyo pag-aralan yun mga chong, pwede kayo mag-research kung ano ba yung mga madalas na tools na ginagamit sa pag-tetest or sa pag-troubleshoot ng isang computer. So since alam na natin mga chong, ang basic parts and function ng mga computer natin, as well as yung mga safety precautions na pwede ninyong may-apply pagdating sa pag-troubleshoot ng computer.

So pangatlo sa technique na maituturo ko sa inyo is yung tinatawag natin, analisation and investigation mga chong. So given na meron kang problem na na-encounter sa computer ninyo, let's say may power siya pero walang display, isipin mong maigi, ano ba yung mga parts or parte ng computer na merong direct na kinalaman sa display? So pwede ninyong i-check syempre yung monitor, pwede ninyong i-check yung mga kable na ginagamit like yung VGA, HDMI or even yung DVI, pwede rin yung i-check yung RAM, pwede rin yung i-check yung video card kung meron kayong video card sa mga... computer ninyo.

Kasi itong mga components natin mga tsiong, ang madalas na may direct na efekto dun sa display natin. So that is why dapat marunong kayong mag-analyze nung problema kasi mas madali natin matutukoy kung ano yung naging cause ng problem kapag marunong kayong mag-analyze o may Marunong kayong mag-investigate dun sa mismong problema na na na-encounter ninyo sa mga computer ninyo. Pang-apat na technique mga chong is yung tinatawag nating elimination.

So during troubleshooting procedure na ginagawa natin mga chong, malamang sa malamang meron kayong mga components dyan na may kita na okay naman at nagpa-function naman ng maayos. So dito sa elimination, i-eliminate natin yung mga parts ng computer or parts na alam natin gumagana ng maayos para hindi na natin sila i-check ulit at hindi tayo paulit-ulit dun sa ginagawa natin. So ang reason nitong elimination mga chong is is para mas mapabilis yung troubleshooting procedure na ginagawa natin at mas mapabilis yung pag-resolve natin dun sa problem na na-encounter natin sa ating mga computer.

So kagaya nung palagi kong sinasabi mga chong, wala namang halos standard procedure na ginagawa sa pag-troubleshoot ng computer. So minsan, meron kang mga problem na may encounter na hindi mo pa na-encounter before that is why wala kang nagiging idea kung paano siya isolve at kung ano ba yung mga components na una ninyong dapat tingnan. Kaya naman dito pumapasok yung pang- ang limang technique natin is yung tinatawag kong trial and error.

So dito sa trial and error mga chong, dito ka manghuhula ng posibleng solusyon dun sa problema hanggang sa magkaroon ka ng clue. So halimbawa, katulad nung example na binigay ko kanina is yung no display problem sa mga computer natin. So na-check mo na yung monitor, na-check mo na yung mga kable, lahat yun okay naman. So the next step na pwede ninyong gawin is pwede ninyong i-check yung ibang components like yung RAM or yung video card.

So example lang natin is yung sa RAM. So, dito mga chong, pwede ninyong i-apply yung tinatawag nating elimination technique. Yun nga lang, kailangan ninyo dito ng spare parts na pwedeng pang-testing, kumbaga.

So, pwede ninyong tanggalin yung existing RAM na naka-install dun sa computer na yun na may problema at pwede ninyong ipalit doon yung RAM na alam ninyong working, mga chong, hanggang sa malaman ninyo kung ano ba ang naging talagang cause ng problema na yun. So, hindi lang sa RAM, mga chong, pwede ninyong i-apply yun sa ibang mga components na yun as long as meron kayo. yung mga spare parts na pwedeng pang test mga chong. So sa ganitong paraan mga chong ay unti-unti natin matutukoy or unti-unti tayong magkakaroon ng clue dun sa problema at syempre mas mabilis natin silang mas solve habang marami tayong testing na ginagawa dun sa problema na yun mga chong. Next mga chong is take note about error message.

So yung mga computer natin minsan nagbibigay sila ng clue dun sa mga problema na na-encounter ng computer natin kung bakit Bakit hindi sila gumagana ng maayos? So minsan, nagkakaroon sila ng mga error messages dun sa screen natin na nag-iindicate kung ano yung naging issue, kung bakit sila hindi gumagana o nagpa-function ng maayos. So like for example, dun sa blue screen of death or tinatawag natin yung BSOD, minsan meron kayong mga error messages na may kita dun sa ilalim at meron naka-indicate dun minsan kung ano yung naging...

cause ng failure. Kumbaga mga chong. So minsan, meron ding beep codes.

Minsan may mga built-in speaker yung mga computer natin at nagkakaroon sila ng beep sequence or beep codes. Nag-iindicate yung mga chong kung ano ba yung components na nagkakaroon ng problema. So hindi lang yan mga chong.

Meron din mga specific computer or motherboard na merong mga light indicator. Minsan digital pa yung mga chong. May mga codes silang dinidisplay dun sa parang display panel na yun.

na yun mga chong, at yun yung magiging clue ninyo para maayos yung issue na yun. So, yun mga chong, dapat marunong kayong magbasa ng mga error message na yun, regardless kung naka-display ba siya sa screen, or sound ba yung error message na binibigay niya, or light indicator lang. So, importante yun mga chong, dapat tingnan natin itong mga bagay na ito kasi pwedeng yun yung magiging clue natin sa pag-resolve dun sa issue na yun na na-encounter ng ating computer.

Minsan talaga mga chong, mga chong, dumadating talaga sa point na minsan yung mga tech or yung mga IT professional is naubusan din sila ng idea kung paano ma-resolve yung issue. That is why dito pumapasok yung isa sa mga technique na pwede ninyong gamitin, which is yung tinatawag natin call a friend. So dito sa call a friend, mga chong, pwede kang tumawag dun sa mga kaibigan mo or sa mga kailanan ninyong experience na tech na alam ninyong makakatulong sa inyo para ma-resolve yung issue.

So hindi lang sa tao, pwede rin ninyong i-take advantage nung pagkakaroon ninyo ng mga internet connection. sa bahay ninyo. So, pwede kayo mag-message sa kung sino mang kakakailalan ninyo. Pwede rin kayo magtanong kay Google.

Isa sa pinaka-common yan. Kahit ako, syempre, ginagawa ko rin yan. Pwede rin sa YouTube.

Pwede kayo manood ng mga tutorial kung paano ma-resolve yung specific issue na na-encounter ninyo sa mga computer ninyo. So, huwag kayong mag-alala mga chong kasi kahit sinong mga experienced tech nag-google yan, nag-youtube yan para lang ma-resolve yung issue. So, normal talaga yun mga chong. Hindi naman Naman lahat kasi ng problema is na-encounter na kahit ng mga experience ng mga tech natin. Pagka meron kayong tech na nakausap na sinasabi nila, alam na nila lahat, hmm, magduda na kayong mga chong.

Kasi sa totoo lang, kahit ako, ilang years na akong nagtatrabaho bilang isang IT at isa sa mga ginagawa ko is yung pagsusupport or technical support na tinatawag. Hanggang ngayon, meron pa rin akong mga issue na na-encounter na minsan nahihirapan din akong isolve. Minsan inaabot ako ng isang buong araw, minsan inaabot pa ng linggo bago ko masolve yung issue na yun.

Sad to say mga chong, pero ang troubleshooting skills ay hindi talaga natutunan lang sa isang oras lang na panunood. o dito sa YouTube, kung paano mag-troubleshoot ng computer. Kasi sa dinami-dami ng mga problema pwedeng mangyari sa mga computers natin, hindi lahat yun ay may-encounter mo na at hindi lahat yun ay na-encounter na rin ng iba.

So the more na marami kang experience at marami kang practice na ginagawa, the more na mas madami kang magiging idea sa pagsasolve ng mga specific problem na yun na may-encounter ninyo sa mga computer. So yun lang sa araw na ito mga tsiong at sana mayroong kayong bagong natutunan na naman dito sa... aking channel mga chong. At dun sa mga experience tech na nanonood din dito sa channel ko mga chong.

Especially dito sa video na to. So pwede kayong mag-share dyan ng mga technique na alam ninyo at technique na mga ginagawa ninyo para sa pag-troubleshoot ng mga computer. Para syempre may-share din natin dun sa iba na gusto pang matuto. So kung sa tingin ninyo is merong kayong natutunan dito sa video na to mga chong, ay pwede ninyong i-like itong video na to.

Pwede kayong mag-subscribe kung gusto ninyo. Pwede kayong mag-comment dyan sa baba kung meron kayong mga additional natutunan. tanong at pag-usapan natin mga chong.

So, yun lang sa araw natin mga chong. As always, my name is Mark V.