Transcript for:
Edukasyon ng Katutubo sa Pandemya

Music Iba yung kulay ng balat ko. Kulot pa yung buo ko. Yung pagtitingnan nila, tapos bigla silang magtatawanan.

Kasi iba daw yung itsura ko sa kanila. Parang marumi. Basta iba po yung ano nila, pag sinabing katubo ka, taga bundok, ganun.

Misal po ang daming tumitigil na pag-aaral. Sabi ko, pag ako nakatapos, siguro pwede ako maging role model sa kanila na kung kaya ng iba, kaya rin namin makatapos, iangat yung aming sarili. Kahit ako ay ganito, galing bundok, kaya ko makapagsaba yan sa inyo.

Bilang katutubong dumagat, alam ni Teacher Lilia ang hirap ng buhay sa bundok. Alam din niya ang pangarap na edukasyon ng mga batang katutubo. Pero nang dumating ang pandemia, Dagdagan pa ang pasan nilang problema. Nakamahirap po yung hindi namin mapuntahan lahat ng estudyante namin para maturuan. Kasi alam namin na sa panahon ngayon, mas kailangan nila yung attention namin, yung tulong namin, yung guidance namin pagdating sa module.

Ano po itong dalanin nyo? Whiteboard po. O, tapos?

Para po sa mga bata, pag nagpapaliwanag ako, may dalan na rin po ako. May eraser na rin, ah? Tsaka ano?

Tsaka marker po. So parang didalanin nyo yung classroom doon sa mga bahay-bahay? Opo. para po maranasan pa rin ng mga bata na ma-feel nila na nasa classroom pa rin sila.

May teacher na nagtuturo, nakikita nila kung ano yung tinuturo. Ibig sabihin, bibisitahin nyo isa-isa yung mga estudyante nyo? Opo, kailangan pong isa-isahin namin kasi yung iba po malayo-layo yung bahay. Pag may malalapit pong bahay, nagsisama-sama na namin. Isa sa pinaka naapektuhan ng pandemia ang sektor ng edukasyon.

May mga eskwelahan na nago-online classes, pero mas marami ang nag-aaral sa pamamagitan ng module. Sa mga lugar na walang internet, kailangang magbahay-bahay ng mga guro para lang makapagturo. Hindi pwedeng ibigay na lang yung module?

Hindi po. Kapag meron pong hindi nakakuha ng module sa school, hinahatid po talaga namin. Tapos, pagkahatid ninyo, tuturuan nyo pa. Opo.

E di sana nag-face... Papaliwanag namin kung ano yung lesson na hindi nila naintindihan. E di sana nag-face-to-face na lang.

Kada linggo, binibigyan ng mga estudyante ng module na naglalaman ng mga eleksyon. Dahil bawal pa ang face-to-face classes, obligado ang mga magulang na sila ang magturo sa kanilang mga anak. Ang number one difficulties namin, yung mga parents, e mga talagang no read, no write. Yung iba naman, nakatong-tong elementary level lang. So kagaya namin, sa high school, paano nila tutulungan?

Elementary level pa lang sila. Yun po, yun yung naging problema namin. Katunayan kapag ipinasan na sa mga guro ang mga module, karamihan daw dito walang sagot.

Kaya naisip nila umakyat sa bundok para isa-isang i-tutor ang mga bata. Sabi ko na diba ang mga katutubo hindi pa uhuli pagdating sa pagbasa. So dahil tayo marunong tayong magbasa, tayo yung tutulong sa ating mga nakababatang kapatid at sa iba pang IPs para matulungan natin na hindi tayo magpag-iwan.

Tutulungan natin yung mga nakababatang nating kapatid para magbasa. Sobrang nakakaawa po yung mga bata. Naawa po kami talaga sa kanila, lalo na po dun sa mga magulang na norid noraita.

Kasi alam namin walang tutulong sa kanila. Kaya kahit anong hirap, hindi na tsaga namin silang mapuntahan. Para lang maturoan.

Makalipas ang isang oras, larga na ulit sina Teacher Lilia. Marami pang bata ang naghihintay sa kanila. Itong pupuntahan namin ngayon, ang tawag dito ay Sitio Nayon.

Isa ito sa mga pinakamalalayo at liblib na sityo sa buong tanay. Puro mga katutubo yung nakatira doon. Ilan pa pong tatawirin natin na ilog?

Mga tatlo pa po iyan. Tatlo pa? Sige po, tara po.

Apat na taon ng public school teacher si Teacher Lilia. Isa siya sa iilang katutubong dumagat sa Tanay Rizal na nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya alam niyang hindi kakayanin ang mga katutubo ang moda.

modular learning kung walang tutulong sa kanila. So ito pong nilalakad ng mga estudyante nyo noon? Opo, ito po yun. Araw-araw po, umaga't hapon.

Ngayon nagkabaliktad na, ang teacher na ngayon na lumalapit sa estudyante. Kaya ngayon naranasan namin, ay ganito pala ang nilalakad ng mga bata namin araw-araw. Eh kami hindi araw-araw naglalakad pero yung hirap ramdam namin.

Eh what more pa yung mga bata. Makalipas ang isang oras, narating namin ang tuktok ng bundok. Ang mas mabigat na problema, hiwa-hiwalay ang mga bahay rito. Doble yung hirap ngayon ng mga teacher ngayong may pandemic kasi kailangan nilang ilapit yung eskwelahan dun sa bawat isang estudyante nila at problema, ganito yung dinadaanan para lang marating yung isa, dalawa, o limang estudyante Ay, Diyos ko Lord, ang puti Sa dulo ng bangin, natagpuan namin ang bahay ni Kimberly.

Nang tingnan ni Teacher Lilia ang kanyang module sa math, blanco ang sagot sa quadratic formula. Okay, so dito, bunso. Quadratic formula.

So, tuturuan kita kung paano mag-substitute. Tagi mo ako na as expert. Matyagang tinuruan ni Teacher Lilia ang bata.

Hindi niya ito iniwan hanggang sa makuha ni Kimberly ang tamang sagot. O, anong sagot? O, tingnan mo.

Negative 6 plus 1. Negative 5. Very good. Negative 5. Bye-bye! Okay.

Ma'am, napansin ko, ang tinuro nyo doon, math. Opo. Eh, pero diba, Filipino po yung tinuro nyo kanina kay Daisy?

May subject din po, ang Filipino. So, nagtuturo ka ng Filipino and math at the same time? Sa mga lugar kung saan kulang ang guro, kailangan handa kang magturo ng iba't ibang subject. Tanghali na nang marating namin ang sityo nayon. Naabutan ko sa isang tindahan ang dalawang batang ito na matyagang nag-aabang sa pagdating ni na Teacher Lilia.

X squared plus... Square root at exponential function ang module na pilit na iniintindi ng dalawang... Five times five. Five times five.

Five times five. Twenty-five. Aminado akong nahirapan din ako sa module na ito. Inisip ko, paano pa kaya ang kanilang mga magulang?

Ba't kayo nahirapan sa pag-module? Ayun yung iba po hindi namin naiintindihan. Ayun din yung naiintindihan kahit na nakasunod sa module? Oo. Bakit?

Hindi ko alam. Mag? Mag?

Hindi. Yung magbasa nyo po po yung marunong magbasa ng mga itis. Paano nyo sinasagutan yung mga module?

Hindi na po namin sinasagutan yung iba. Hindi nyo nalang sinasagutan? Oo po.

Oo. Anong ginagawa ninyo? May papasakong namin mula sa... Si Weneline ang isa sa pinakamasibag sa kanilang sityo.

Isang oras na lakad ang layo ng eskwelahan sa kanilang bundok, pero araw-araw niya itong chinatsaga noon para lang matuto. So anong mas gusto mo yung lumalakad ka ng malayo papunta sa eskwela? O yung nag-aaral ka lang sa loob ng bahay? Gusto ko po yung nag-aaral ako doon, lumalakad. Mas gusto mo yung lumalakad kahit nakakapagod?

Eh bakit? Ay may natutunan po ako. Bakit ngayon?

Ayon kay Wenilin, bago magpandemya, matataas raw ang kanyang mga grado. Pero nang mag-shift sa modular learning ang kanilang eskwelahan, bumaba ang kanyang mga marka. Magsasaka ng luya ang pamilya ni Wenilin. Kumikita sila ng isang libong piso kada linggo kapag maganda ang ani. Hindi naman mahirap magtanim ng luya.

Ang problema lang, kailangan mo maghihintay ng isang taon bago ka makakuha talaga ng malaki-laking luya na para mas mataas yung presyo. Kasi kapag maliit lang yung luya... At mura pa siya. Nabibenta lang ng mga 15 pesos per kilo. Ang dami mong kailangang i-harvest.

Just to get 15 pesos. Bukod po sa luya, ano pa po tinatanim nyo? Grade 2 lang ang tinapos ni Nanay Maylin. Pangarap niyang maipagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak na si Wenilin para daw hindi matulad sa kanilang buhay na isang kahig isang tuka.

Pero nang mangyari ang pandemia, labis na naapektuhan ang pag-aaral ng bata. Wala po kami sapat nakakayahang maituro sa aming mga anak ng mga pinag-aaralan nila, katulad nga po nito, high school na. Ay hindi ko po alam yung mga samudol nila.

Ano pong ginagawa po ninyo nung pag hindi po masagutan? Ay yan nga po ang hirap. Kaya nga po namin, kasabihin po sa amin ng aming mga anak, Nanay, turuan mo ako dito sa aking module. Kasabihin ko po, anak, pasensya ka na talaga. Ako ay gusto ko man kayo ay maturuan.

Ay walawang kaalam, hindi yan sa iyong pinag-aaralan. Kwento ni Nanay Maylin, noong nakaraang taon inani nila lahat ng kanilang luya para lang makabili ng cellphone na magagamit sana ni Weneline sa pagre-research. Pero halos hindi rin nila nagamit ang cellphone na ito.

Pag wala na po sila na ano yan, signal doon sa wifi, mag-intay muna sila pag nakadeliver ng kalakal, saka po sila magkaka-wifi. Makalipas ang isang oras, nakapag-ani ng kalahating sako ng luya ang mag-anak. Mula sa bundok, diretso si Nanay Maylin sa bahay ng negosyanteng bumibili ng kalakal.

Ah, ganyan na tinitingbang. And for five and three-fourth. Five and three-fourth, so magkano po yan?

Pero ng oras na ng kwentahan... Kalahati, saki-hisi, seven... Eighty-three po.

Eighty-three? Eighty-three pesos? Ha? Ito po. 82 pesos?

Ano yan? So kapag may bumibili po sa inyo, kayo lang po ang nagkukwenta sa utak ninyo? Opo.

E paano kayo nakakasiguradong tama? Ay. Ay nga po.

Ay. Hindi po yung konting bagay, yung po naman ay kakuntin, binibigay na po namin. Karamihan sa mga dumagat sa sityo nayon, hindi marunong sumulat, magbasa at magkwenta. Kaya naman, madalas silang naluloko sa mga palengke.

Ihirap po kami. Yung po ibigay sa amin. Yung mga po may kalakal, ibigay sa amin.

Parang maniniwala na lang kayo kung ano'y sasabihin ng... Bumibili. Ito ang dahilan kung bakit handang magsakripisyo si Teacher Lilia para maturuan ang mga batang dumaga. Sa dami ng kanyang mga estudyante, isang beses lang kada linggo nakakapunta sa sityo na yun si Teacher Lilia.

Kailangan pa kasing bisitahin ang iba pang mga lugar. Pero sapat na ito para makapaghatid ng ngiti sa mga bata. Nagulat ko ako.

Nagulat ka nung alin? Nung dumating sila, ma'am. Oo. Akala ko pa'y kukunin na yung medyol.

Wala pa pang sagot. Natakot ka? Oo. O tapos?

Hindi ko na, eh, akala ko pa yun. At pati nga si Nanay Maylene, nakikisali na rin. Ah, galing 18. Nanay, 3 times 3 po.

Ay, ang galing talaga ni nanay, oh. Ay, yung pong mga mat na iintindihan ko po, ay doon po sa mga pagpaplus. Ay, yung pong pagtatay mis, ay...

Medyo po na iintindihan ko na rin po. Hanggang saan po yung kaya niyong itimes na? Ay hanggang six times six po lang.

Oh, six times six. Ano po yung six times six? Ay yung po 36. Oh, ang galing.

Ano? Sa loob ng ilang oras sa harap ng kanyang guro, nanumbalik ang pag-asa sa batang si Weneline. Sabi daw po nila, sila daw po ang pangalawang magulang. Kaya mahal ko sila. Anong pangarap mo sa buhay?

Maging teacher din po. Bakit gusto mo maging teacher? Para maturuan ko ang mga kapatid ko na hindi marunong magbasa.

Tapos yung mga magulang ko, yung ibang bata po, gusto ko po silang matiruan. Maganda ang layunin ni na Teacher Lilia na magbahay-bahay para makapagturo. Pero paano na lang ang mga bata sa mga araw na hindi makakaakyat ng bundok ang mga guro?

Nang mangyari ang pandemia, naglaan ng malaking budget ang Department of Education para sa online learning. Good morning, class! Isinulong nila ang paggamit ng internet. All over!

Para sa pag-aaral, naglunsan din sila ng TV channel kung saan may mga leksyon na mapapanood ang mga bata. Gandang wika at maalab na panitikan sa ating lahat. Pero paano sa mga lugar na hindi naaabot ng internet o ng kuryente man lang?

Hindi po. Kasi hindi naman pulat ng bata afford na bumili ng cellphone. May cellphone man po, hindi rin naman nilawad sa basta-basta mga gamit.

Pibili pa sila ng voucher load para makapag-online. Walang cellphone signal sa buong sityo na yun. Pero may ilang mga bahay dito na merong nakabili ng router, ganyan.

So, nakakapag-Wi-Fi ka. Pero sabi nila, ito, tingnan mo, Wi-Fi hotspot, unlimited internet. Yun nga lang kailangan bumili ng voucher. 12 pesos kada isang oras ang bayad sa internet dito. Pwede mag-Facebook dito?

Maliit na halaga para sa iba, pero kung kumikita ka ng 15 pesos kada kilo ng inaaning luya, hindi biro ang halagang ito. Tingnan natin kung pwede ba siyang... Play ng videos kung ganun siya kalakas.

Hi mahal! So itong wifi signal dito, at least sa basic experience ko using my phone, kaya niyang mag video call, kaya niyang, ito nakakapag video call ako ngayon, kaya niyang mag YouTube, kaya niyang mag search sa Google. So mukhang okay naman siya for online class. Yun nga lang, may bayad talaga. 12 pesos per hour, tapos if I'm not mistaken, 53 pesos kung isang buong araw mong gagamitin yung wifi signal.

Maliit na halaga sa tingin ng iba, pero para sa mga pamilyang isang kahig, isang tuka, malaking halaga na ang 12 o 50 pesos na bayad sa wifi. Although meron dito, may internet, pero mahal masyado yung load niya. Parang kawawa naman yung pano yung mga walang gadget. Mga de-degrade naman sila. So hindi talaga siya possible yung online samin dito.

Kumpara sa ibang batang dumagat, maswerte ang binatiliyong si Migueling dahil may kakayahan ng kanyang magulang na bilhan siya ng cellphone at voucher para sa wifi. Ang mga magulang ay nauobligang magtanim na magtanim ng mga produkto para may panggastus doon sa mga bata. Magkano'ng budget niyo po sa kanya para sa Wi-Fi? Panalasan po ay ano, pag pinapaba namin sila sa isang linggo ay 200 bawat isa. Araw-araw nakakapag-Wi-Fi ang anak ni Mang Migiling.

Yun nga lang, imbis na gamitin ito para manood ng online lessons ng DepEd, ginagamit nila ang internet para makapasok sa isang app kung saan i-chat-chat na lang sa iyo ang sagot sa module. Paano nyo sinasagutan dun sa may online? Yung pipicharam po lang, nalalabas po yung sagot. Gano'n po.

E di nyo rin naintindihan. E di rin po. Yung hindi po lang po namin naintindihan, ginaganon po namin. Pag naintindihan po namin, hindi po namin ginaganon.

Nalulungkot nga po kami dun sa senaryo na yun. Sabi ko nga po, sino niloloko nyo, kundi sarili nyo. Hindi kayo matututun yan.

Hindi po namin iniintari sa mga bata namin sa ganun. Kung tatanungin ng mga guro, mas mainam pa rin ang face-to-face classes kumpara sa online learning. Sa internet kasi, hindi mo mababantayan at magagabayan ng lubusan ang mga estudyante. So, napapakinggan lang natin muna.

Then, pagsunod kong play, pwede na nating sabayan. Bluetooth mode. Pag-iisip. Kaya para mailapit sa mga bata ang mga leksyon na makikita sa internet, dinadownload na lang ito ng mga guro at ipinapapanood sa mga bata tuwing bibisita sila sa bundok. Kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang sakripisyo, lahat gagawin para sila'y maturuan para walang bata maiiwan.

Sa totoo lang, hindi kasama sa trabaho ng mga guro ang magbahay-bahay para magturo. Katunayan, wala silang nakukuhang dagdag na sweldo para dito. Pero handa silang magtiis para sa mga bata.

Wala po kami natatanggap na extra pay kasi po sa totoo lang po naawa kami sa mga bata kung sakaling papasad sila na walang alam at the same time kulang yung kanilang nalalaman. Kaya po ginagawa namin ito. Siguro nandoon na rin yung puso para sa pagtuturo, lalo-lalo ng mga kasamahan kong guro.

Mahigit isang taon nang ipinatutupad ang distance learning sa mga eskwelahan sa Pilipinas. Mahigit isang taon na rin nagbabahay-bahay ang mga guro para lang mapunan ang kakulangan sa sistema sa edukasyon. Habang pinoproblema ng marami ang mabagal na internet connection at pambili ng gadget at cellphone, libu-libong estudyante ang nangangapa sa dilim. Walang kuryente, walang signal, walang kakayahang mag-aral.

Dalawang number na kapag pinag-multiply mo, the answer is... Ang mga guro tulad ni na Teacher Lilia, ang... Tanging tanglaw nila sa dilim.

Higit sa mamahaling gadget at proyekto ng gobyerno, hindi matutumbasan ang kanilang sakripisyo. E, ba't mo ginagawa? Para po sa mga bata.

Kasi ito po yung, kumbaga, pinasok kong sitwasyon. So, ibig sabihin, gusto ko itong ginagawa kong ito. Masaya ko sa ginagawa kong ito.

May dagdag man o wala, gagawin ko ito para sa mga bata. Nagdadasal ko po na sa aming maris na po ang COVID na pandemic. Bakit?

Para po makapasok na po ulit kami. Kinabukasan, naglakbay pababa ng bundok si Teacher Lilia. Pagkatapos ng isang araw na pagtuturo at pagbabahay-bahay, sa wakas, pwede na siyang magpahinga.

Pero pagdating sa kanilang tahanan, agad siyang naglabas ng mga upuan. Hindi pa man nakakapagpahinga, hetot nagtuturo ng muli si Teacher Lilia. Isang katutubo na nagsikap mag-aral, isang guro na may misyong makapagturo. Isang panata na sa patagman o kabundukan. Dapat walang batang maiiwan.

Sa buong mundo, tanging sa Pilipinas at Venezuela na lang hindi bumabalik ang face-to-face classes. Lahat ng ibang bansa nagbalik paaralan na. Malaki ang inila ang budget ng DepEd para sa distance learning sa ating bansa. Pero walang saisayang mga high-tech na gadget, makakapal na module at magagastos na proyekto't infrastruktura kung hindi susuportahan ang mga tunay na haliki ng edukasyon. Ang ating mga guro.

Sila ang tunay na frontliner sa larangan ng edukasyon. Sa kanilang husay, malasakit at sakripisyo na kasalalay ang kapalaran ng mga estudyante. Kung hindi natin sila susuportahan, para na rin natin itinapo ng kinabukasan ng milyon-milyong kabataan. Ako po si Cara David at ito po ang Nes.