Transcript for:
Pag-aaral tungkol sa Pandiwa

Ngayon na iyong naunawaan na ang metolihiyang Romanong Cupid at Psyche, ngayon naman ay tumungo na tayo sa araling pangwika para sa module na ito. Mabuhay! Tukuyin ang ginamit na salitang kilo sa mga panguhusap.

Tumakbo si Jelish sa bakuran ng bahay. Tama! Ang salitang kilos ay tumatakbo.

Para naman sa ikalawang pangungusap. Si Teresa ay nagsulat ng tula para sa kanyang ina. Tumpak. Ang salitang kilos ay nagsulat. Ikatlong pangungusap.

Umiibig ang mga kalakihan sa mga masisipag na babae. Mahusay! Ang salitang kilos ay Umiibig Tumatakbo? Nagsulat? Umiibig?

Ano ba itong mga salitang kilos na ito? Ang mga salitang ito ay tinatawag nating Pandiwa Ang pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o gawa Ngayong araw, tatalakayin natin ang iba't ibang gamit ng pandiwa. Ang mga pandiwa ay mayroong iba't ibang gamit.

Ito ay ang pagpapahayag ng aksyon, karanasan, at pangyayari. Ngayon, iisa-isahin natin. Ano nga ba ang mga kaibahan ng mga ito?

Aksyon. May aktor o tagaganap ang aksyon o kilos. Ang mga pandiwang ito ay may mga panlaping um, mag, ma, maki, mang, at mag-an.

Matatawag natin na ang gamit ng pandiwa ay aksyon kapag ito ay may aktor o tagaganap o kung merong gumagawa ng tiyak na salitang kilos na ginamit. Maaaring tao o bagay ang aktor. Halimbawa, bumalik si Cupid sa kaharian ni Venus. Ang pandiwang ginamit sa pangungusap na ito ay bumalik.

Samantalang, ang nagsagawa ng kilos o nagsagawa ng aksyon isinasaad ng pandiwang bumalik ay si Cupid o si Cupid at aktor ng pandiwang nakasaad sa pangungusap. Para naman sa ikalawang gamit ng pandiwa, Karanasan. Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.

May nakararanas ng damdamin na iniugudyat ng pandiwa. Maaaring nagpapahayag ng karanasan o damdamin o emosyon ang pandiwa. Halimbawa, Nalungkot si Psyche nang umalis si Cupid sa kanilang tahanan. Ang ginamit na pandiwa rito ay Nalungkot at ang nakadama nito ay Si Psyche, kung papansinin natin, ang pandiwang na lungkot ay isang uri rin ng damdamin na kung saan ito ay nararanasan dahil ito ay isang damdamin o emosyon. At ang nakadaraman nito ay si Psyche.

Pangalawang alimbawa. Naggalit si Venus ng mapagtagumpayan ni Psyche ang unang pagsubok. Ang pandiwa o ang damdamin na naranasan dito ay nagalit. At ang nakadama nito o ang nakaranas nito ay si si Venus. Kung mapapansin ninyo, ginamit ang pandiwang nagalit bilang isang karanasan o isang damdamin.

Ito ay naramdaman ni Venus. At iyan ang gamit ng pandiwa bilang karanasan. Ngunit ngayon naman, sa pangatlo tayong gamit ng pandiwa magtungo. Ang pangyayari. Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari.

Gumagamit ito ng panlaping ma, ona, um, at gitlaping um. Ang mga panlaping ginagamit nito. Dito naman, ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari. Halimbawa, Naghihirap si Psyche dahil sa matinding galit ni Venus sa kanya.

Ang pandiwang ginamit dito bilang resulta ay naghihirap. At ang sanhi ay dahil sa matinding galit. Kung mapapansin nyo sa halimbawang iyan, mayroong dahilan kung bakit naghihirap.

Pangalawang halimbawa, dahil sa dinanas na hirap, pinakasalan ni Cupid si Psyche. Ang pandiwa o ang resulta rito ay pinakasalan. At ang sanhi ay dahil sa dinanas na hirap, Sa dinanas na hirap. Ang pandiwang pinakasalan dito ay resulta ng isang pangyayari.

At iyon nga ay sa dinanas na hirap. Kaya ang naging resulta nito ay ang pinakasalanan siyang ginamit na pandiwa. Tandaan, ang pandiwa ay ginamit bilang Aksyon, kapag ito ay may aktor o tagaganap Karanasan, kapag ito ay nagsasaad ng isang damdamin at kung merong nakakadama ng damdamin na ito At pangyayari kapag ito ay resulta ng isang kaganapan o kapag ang pandiwang nakasaad ay resulta ng isa pang naunang kaganapan. Naunawaan ba ang tatlong gamit ng pandiwa? Maghanda para sa susunod na bahagi ng aralin.