Transcript for:
Epikong Hinilawod at Pakikipagsapalaran

Ngayon ay ikukwento ko sa inyo ang epiko na pinamagatang hinilawod. Noong unang panahon, may isang diyosa ng kalangitan na nagngangalang Alonsina at nakapag-asawa siya ng isang mortal na si Datu Paubari. Nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alonsina.

Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap. Pinatawag nila ang paring si Bumut Banwa upang isagawa ang ritual na magdudulot ng mabuting kalusugan ng tatlo.

Pagkatapos ng ritual, ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas. at makikisig na binata. Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa mga magagandang babae. Nang marinig niya na may magandang babae sa Handog, nagpaalam siya sa kanyang ina upang hanapin ang kanyang mga magiging asawa. Nagtungo agad siya sa bayan ng Handog na nasa bukana ng Ilog halawod upang hanapin ang dalagang si Anggoy Ginbitinan.

Bago niya nakuha si Anggoy Ginbitinan, nakipaglaban muna siya sa isang halimaw. Nang napatay niya ang halimaw, ay ikinasal agad sila at naglakbay pabalik sa bayan ni Labaw Dungbon. Inihabilin niya ang asawa sa kanyang ina. Upang hanapin ang isa pang babae na gusto niyang maging pangalawang asawa, siya ay naglakbay patungo sa Tarambang, Burok. At nagtagumpay siya na mapaibig ang dalaga na si Angoy Daruonan.

Hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghanap ng mapapangasawa sapagkat paglipas ng ilang panahon, nabalitaan na naman niyang may napakagandang babae. Si Sinagmaling Diwata, na asawa ni Saragnayan, ang Diyos ng Kadiliman. Ipinagpaalam niya sa kanyang mga asawa ang kanyang balak at inihabili niya ulit ang mga ito sa kanyang ina.

Naglaban ng maraming taon si Saragnayan at Labaw Dungon para sa kamay ng nag-iisang diwata na si Sinagmaling Diwata. Ngunit sa kasamaang palad, natalo si Labaw Donggon. Iginapos ni Saragnayan ang mga kamay at paan ni Labaw Donggon at ikinulong sa isang kulungan sa ilalim ng kanilang tahanan. Samantala, kapwa nanganak na ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.

Kapwa nilang hinanap ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap, ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Nakipaglaban sila kay Saragnayan upang pakawala nito ang kanilang binilanggong ama. Nang napatay nila si Saragnayan, hindi pa rin nila natagpuan si Labaw Dungun.

Tumulong na rin ang ibang miyembro ng pamilya sa paghanap kay Labaw Dungun. Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila si Labaw Dungun. Ngunit...

Wala na ang dating kakisigan at lakas nito. Sila'y nagtulungan at nagsagawa agad ang pamilya ng isang ritual at seremonya para maibalik ang dating lakas at kisig ni Labaw Dungon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik sa dati ang lahat.