Kamusta, ako si Humi. Sa video na ito, pag-uusapan natin ang pamilya, kabataan, at ang early education ng pambansang bayani. Susuriin natin ang iba't ibang tao at pangyayari na nakaapekto at humubog sa buhay ng batang Rizal. ♪ Intro ♪ Kapag sinabi nating batang Rizal, anong unang pumapasok sa isipan mo? If I would take a guess, ang iniisip mo siguro ay noong bata si Rizal ay nakitaan na siya ng kahusayan sa pagsulat. At ang patunay diyan ay ang tulang ito: "Sa Aking Mga Kabata." Na kahit 8 years old pa lang siya, he already wrote a masterpiece that expresses the love of one’s native language and the importance of freedom. Kung medyo hindi ka familiar sa title, siguro mas familiar ka dun sa highly quoted line ng tula: "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda." O kung hindi 'yung eksaktong line na 'yan, malamang ay na-encounter mo na yung different versions ng tula na may ibang variations. Pero alam mo ba na hindi naman ang batang Rizal ang nagsulat ng tulang ito? Para malinawan tayo, pakinggan natin ang historian na si Ambeth Ocampo sa isang episode ng "The Howie Severino Podcast". Nagdududa rin ang ibang mga historians at scholars kung ang batang Rizal ba ang nagsulat ng tula. Ayon sa kanila, ang eight-year-old na bata ay natututo pa lang magbasa, kaya paano nangyari na sa edad na 8 ay nakapagsulat na siya ng tulang sobrang komplikado na may sukat at tugma? Isa pa, ang letrang "k" ay hindi naman laganap na ginagamit noong 1869. In Rizal’s childhood, they spelled words with a “c” rather than “k". At ang tula ay punong puno ng "k". Ang dalawa nga dito, makikita natin sa kalayaan. At ang word na "kalayaan" was not widely used in the 19th century. As a matter of fact, salamat sa mga sulat, malalaman natin na na-encounter lang ni Rizal ang word na "kalayaan" nung 21 years old na siya. At isa pa, <i><font color="#e3ffae">(julet-julet)</font></i>. Tingin mo ba ay aware na ang batang Rizal sa colonial condition ng Pilipinas sa ganitong musmos na edad para humiling ng kalayaan? Ganun ba talaga siya katalino? o ino-overestimate lang natin ang kanyang mga kakayahan? Hindi lang 'yan ang kasinungalingan tungkol sa batang Rizal. Baka narinig mo na rin ang kuwento na ang batang Rizal daw ang nag-imbento ng champurado. Ganito umuusad ang kuwento. Ang paboritong almusal ni Rizal ay tuyo at isang tasang kanin, na may kasamang mainit na tsokolate. Isang araw, habang nag-aalmusal ang batang Rizal, aksidente nitong natabig ang mainit na tsokolate sa kaniyang plato na may kanin at tuyo. Nakita ito ng kaniyang mga ate na tinalakan si Rizal. "Ano ba 'yan!? Hindi ka man lang nag-iingat!" Ang sagot naman ng batang Rizal: "Shunga, sinadya ko 'yan!" Hindi mo ba alam na kapag pinagsama ang kanin at tsokolate, makakabuo ito ng isang champurado. Ang totoo lang sa storyang ito ay isa sa mga paboritong breakfast food ni Rizal ay ang tuyo. Pero walang primary source na sumusuportang siya ang nag-imbento ng champurado. Isa pang kwento na puno ng kasinungalingan, ang storya ng "Tsinelas." Ganito umuusad ang kuwento. Naglalaro ang batang Rizal sa may tabing-ilog ng biglang nahulog ang isa niyang tsinelas at tinangay ito ng alon. Dahil hindi niya na maabot ang tsinelas na inalon, at useless na rin yung isa niya pang suot, napagdesisyunan niyang ibato yung isa niya pang tsinelas. Ang rason niya, para kung sakaling may makadampot man, at least ang makukuha nila ay magkapares na pwedeng gamitin. Ang selfless ng kwento, pinapakita ang kaniyang kakaibang angking talino at malawak na pananaw, pero hindi rin siya totoo. Ang mga kuwento na ito ay dine-depict ang batang Rizal na parang isang superhero. Na sobra-sobra ang katalinuhan, kabaitan, at pagmamahal sa bayan. Kaso ang mga kwento na ito ay inimbento lang, at hindi sumasalamin sa tunay na karanasan ni Rizal sa kaniyang kabataan. Nakakalimutan tuloy natin na ang batang Rizal ay isa pa ring bata. Hindi siya iba sa mga naglalaro, nakikipag-away, nagkakaproblema, umiiyak, nasasaktan, napapagod, natatakot, at umiibig. We have lost sight of the real Rizal and his formative years. Therefore, we need to start correcting these inaccuracies and view Rizal as a normal child, not as a superhero. Kung pag-uusapan natin ang buhay ni Jose Rizal, o sa kanyang buong pangalan na "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda", kailangan natin magsimula sa pinakasimula. Mula sa kaniyang kapanganakan. Noong June 19, 1861, pinanganak si Jose sa isang lakeshore town sa Calamba, Laguna. The birth occured between 11 pm and 12 am, at ilang araw bago mag full moon. Ang birthing process na nangyari ay hindi naging madali. Muntik pang mamatay ang nanay ni Jose dahil malaki ang ulo ng bayani. Pero buti na lang, naging successful ang labor. Si Jose at ang kaniyang ina ay parehas na naka-survive. Three days later, binaptize si Jose Protacio sa isang Catholic Church ng parish priest o kura paroko na si Father Rufino Collantes. Ang sanggol ay pinangalanang Jose Protacio pagkatapos ng dalawang santo. Kaya Jose ang pinangalan sa kanya ay dahil ang nanay niya ay deboto ng Christian Saint na si San Jose o Saint Joseph. Ang Protacio naman ay nanggaling kay St. Gervacio Protacio, na ang feast ay cine-celebrate tuwing June 19th, kung kailan pinanganak si Rizal. May mga references na ini-ispell ang pangalan na Protasio with an "s", pero dito, for consistency, gagamitin natin ang Protacio na may "c". Habang nangyayari ang baptism ceremony, napansin ng kura paroko ang malaking ulo ni Jose Rizal. Namangha siya dito at inadvisan niya ang mga family members ni Jose na ingatan ang bata. Sa tingin siguro ng kura paroko ay dahil malaki ang ulo ng bata ay malaki rin ang utak nito. Dahil sa kalakihang yun, he believed na lalaking matalino ang bata and someday he would become a great man. Pumunta tayo sa pangalan ni Jose Rizal kasi baka napansin mo na parang ang haba naman niya masyado. ike, may galit ba ang mga magulang niya sa kanya? Well, wala naman. Pero kung napansin mo, tama ka, mahaba talaga siya. At ang dahilan dito ay kombinasyon kasi ito ng iba't ibang apilyido ng pamilya niya throughout the years. Subukan nating i-breakdown ang kaniyang mahabang pangalan. Ang Jose Protacio, as I said, ay galing sa dalawang santo: kay San Jose at kay Gervacio Protacio. Ang Mercado naman ay galing sa kanyang Chinese ancestor na si Domingo Lam-co. Ito ang context niyan. Si Lam-co ay isang tsino, at noong nabubuhay pa siya ay grabe ang rasismo sa bansang Pilipinas. Hostile ang mga Spanish authorities sa kanilang lahi. Para maiwasan ang anti-Chinese hostility ng mga Kastila sa kaniya at sa kaniyang pamilya, binago ni Lam-co ang kanilang apilyido para maging Spanish. At napili niya ang apilyidong Mercado, na ang ibig sabihin ay "market", which is ideal kasi mga merchants ang lahi niya. Ang Rizal naman ay inadapt ng mga Mercado noong *1840's dahil sa Claveria decree. Context ulit. Noong 1840s, ang Governor-General na si Narciso Claveria ay nag-issue na ang bawat Pilipino ay kailangang magkaroon ng apilyido, isang step para ma-improve ang census data at tax collection. Ang bawat province noon ay binigyan ng listahan kung saan mamimili ang mga pamilya ng kanilang apilyido. Ang mga apilyidong iyon ay galing sa libro na'to: sa "Catalogo alfabetico de apellidos" o "Alphabetical Catalogue of Surnames sa English." Ang mga Mercados ng Calamba ay pinili ang unlisted name na Rizal. Ang original choice talaga nila ay Ricial, which means "the green of young growth" or "green fields", para konektado sa kanilang kabuhayan. Kaso na-deny siya for some reason. Pero kahit pinili nila ang Rizal, patuloy pa rin nilang ginamit ang surname na Mercado. Bakit? Dahil ang surname na Rizal ay nag-cause ng confusion sa commercial affairs ng pamilya. Kilala kasi sila bilang mga Mercado ng Calamba. Kung gagamitin nila ang Rizal, e 'di hindi na sila mare-recognize ng mga tao. So ang ginawa na lang ng tatay ni Rizal ay cinombine ang dalawang surname para maging Rizal Mercado. Pero mas madalas ang ginagamit niya lang ay yung apilyidong Mercado, dahil nga mas kilala sila dun. Ang y sa mga Spanish names indicates the conjunction "and", at nandito siya para i-seperate ang patriarch surname sa matriarch surname. At oo, during this time nauuna talaga ang father's family name kesa sa mother's family name. Ang Alonso naman ang matandang apilyido ng pamilya ng kanyang Ina. Samantalang ang Realonda ay ang inadapt ng mga Alonso dahil sa Claveria decree. At kagaya ng mga Mercado, kahit inadapt na nila ang Realonda, patuloy pa rin nilang ginagamit ang Alonso. This seemed to be a common practice, so that each family ended up with four surnames: each of the old and new family names of both the mother and the father. Kung medyo nahahabaan ka, or medyo naguguluhan sa apat na apilyido ni Jose Rizal, pwede naman natin siyang tawagin sa isa niyang nickname: "Pepe." Bakit "Pepe", hindi ba medyo malayo? Ayon sa libro na "In Excelsis" ni Felice Prudente Santa Maria, ang mga letters na "P.P." daw ay laging nilalagay after ng pangalan ni Saint San Jose. Sa Latin, ang P.P. stands for pater putativus, which means putitative father. Kasi nga 'di ba commonly accepted na ang legal father ni Jesus o Jesus Christ ay itong si San Jose o si St. Joseph. Sa spanish, ang letter na "P" ay binibigkas ng "Peh." na nag-lead para tawagin si Saint Joseph na Pepe. At dahil nga pingalan si Rizal sa santo, tinawag na rin siya ng mga tao na Pepe. Si Jose Rizal o si Pepe ang pang-pitong anak ng pamilya Mercado, isang mayamang pamilya na nakatira sa isang Dominican-owned tenant land sa Calamba, Laguna. Ang kaniyang tatay ay si Francisco at ang kaniyang nanay naman ay si Teodora. Ang mag-asawa ay nakabuo ng labing-isang anak: ang panganay na si Saturnina, ang panganay na lalaki na si Paciano, si Narcisa, si Olimpia, si Lucia, si Maria, si Jose, si Concepcion si Josefa, si Trinidad, at ang bunso na si Soledad. Magfo-focus lang tayo sa mga magulang ni Pepe, pero kung interesado kang malaman ang details ng magkakapatid, nilagay ko pa rin sila sa video. Pwede mong i-pause or i-screenshot kung gusto mo. Kung hindi ka naman interasado, skip mo na lang. Ok. Francisco Mercado Rizal was more than just the father of Jose Rizal; he was a man of admirable qualities. Pinanganak itong si Francisco Mercado Rizal noong May 11, 1818 sa Binan Laguna at nakapag-aral ng Latin at Philosophy sa College of San Jose sa Maynila. Maagang naulila ang batang Francisco sa kaniyang ama. Nung namatay na ang parehas niyang magulang, lumipat siya sa Calamba para magsaka sa isang asyenda na pagmamay-ari ng isang Dominican. Pero linawin ko lang na hindi naman naghihirap itong si Francisco. Sa totoo niyan, ang tatay ni Francisco na si Juan Mercado, ay naging gobernadorcillo ng Binan ng tatlong beses. Noong 1808, 1813, at 1823. At ang lolo niya naman na Francisco Mercado rin ang pangalan, ay naging gobernadorcillo din noong 1783, and incidentally owned the largest herd of carabaos sa buong Binan. Clearly, may nainherit naman siguro itong si Francisco noong namatay na ang kanyang mga magulang. Pero dahil sa kaniyang pagsusumikap ay mas napalago niya pa ang kanilang pera by engaging in farming and trading. Sa Calamba, si Francisco ay well-respected. In fact, ang tawag pa nga sa kanya ng mga tao doon ay Don Francisco o Don Kiko. Ang "Don" is an honorific prefix used to show respect and courtesy. Ang characteristics nitong si Don Kiko ay bihirang magsalita pero maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Dahil sa mga katangiang ito, ang mga tao sa Calamba ay ginawa siyang "cabeza de barangay" o ang head of town. Itong si Don Kiko ay hindi lang mahal ng ibang mga tao sa Calamba, mahal din siya ng kaniyang pamilya. Sa pag-aaral nga natin kay Pepe, makikita natin kung gaano kalaki ang admiration niya sa kanyang ama. Sa kaniyang student memoirs, tinawag ni Pepe si Don Kiko as "a model of fathers" o "huwarang ama" May mga obrang ginawa si Pepe para sa kaniyang ama na mapapakita itong admiration na sinasabi ko. Noong 1881 nga, ginawan niya ang kaniyang ama ng clay bust, at six years later, nag-spend pa siya ng time para gawan si Don Kiko ng life-size sculpture. Ayon din sa ibang mga sources, ipinangalan ni Pepe ang kaniyang maagang namatay na anak kay Josephine Bracken na Francisco. Medyo hindi ako sure sa part na ito kasi may mga source na nagsasabing Peter daw yung pinangalan nila sa kanilang anak. Pero kung hindi man yun totoo, totoong totoo pa rin ang pagmamahal ni Pepe sa kaniyang ama. Bago siya barilin, sinulatan niya ang kaniyang kapatid na si Paciano. Ang sabi niya: Sinulatan niya rin si Don Kiko. Ang sabi niya sa kanyang ama: Makikita natin na maganda ang relasyon ni Pepe sa kanyang ama, at ganun din sa kaniyang ina. Baka nga mas grabe pa. Sabi kasi sa sinulat na memoir ni Jose kung saan dinescribe niya ang kaniyang ina: Si Teodora Alonso Realonda y Quintos, ang ina ng bayani, ay isinilang noong November 8, 1826 sa Maynila. Bago pa pakasalan ni Donya Teodora ang kaniyang asawa na si Don Kiko, she's already living a comfortable life. Mayaman sila. Ang pamilya kasi ni Donya Teodora ay kabilang sa mahabang linya ng mga principalia class. Kapag sinabi nating principalia class, they were the ruling and educated upper class in the towns during the Spanish occupation. Ang mga original na principalia ay ang mga dating datu. Noong 16th century kasi, ang mga datu na ito ay nakipagtulungan sa mga Espanyol na sakupin ang kanilang mga nasasakupan. Ang kapalit, gagantimpalaan ang mga datu ng mga posisyon sa pamahalaan, tulad ng pagiging gobernadorcillo at cabezas de barangay. Ang katayuan na principalia ay namamana, at kabilang dito ang posisyon sa gobyerno. Kaya kahit 19th century na, ang pamilya pa rin nila Dona Teodora ang mga gobernadorcillo ng kanilang bayan, ang highest position na kayang mahawakan ng isang Filipino noong time na yun. Ang kaniyang lolo na si Cipriano Alonso ang naging gobernadorcillo ng Binan noong 1790 at 1802. Ang kaniyang tatay naman na si Lorenzo Alberto Alonso ang humawak ng posisyon na ito noong 1844. Bukod sa pribilehiyong magkaroon ng pwesto sa gobyerno, ang mga principalia ay mayroong mga hawak na malalawak na lupain na pwedeng ipaupa at excempted sila sa pagbabayad ng buwis. Dahil nga may kaya ang pamilya, napag-aral nila ang kanilang anak na si Teodora sa Colegio de Santa Rosa. Sa kolehiyo na yun, she displayed a special inclination toward literature and music. And her education and refined culture set her apart from most women of her time. Ang kaniyang characteristics ay ito: Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya ang kahalintulad na katatagan ng isang babaing Sparta. Ayon nga sa kaniyang anak na si Jose Rizal, Si Teodora ang naging unang guro ng mga magkakapatid na Rizal. Tinuruan niya ang kaniyang mga anak kung paano magbasa, magsulat, at magdasal. She also taught them values such as discipline, justice, and compassion, and most importantly, to treat Indios as *equals. Teodora also act as Rizal's reading teacher and critic, and together they would read books in their home library. Her love for literature and the arts would be passed on to her children, who would become renowned writers and artists in their own right. Maraming kwento tungkol kay Teodora ang makikitaan mo ng kahangaan, pero I think ang pinakakahanga-hanga niyang ginawa ay nangyari bago siya mamatay. After i-declare ng mga Amerikano na ang national hero ng Pilipinas ay si Jose Rizal, inofferan nila si Teodora ng life pension. Anong ginawa ni Teodora? Tinanggihan niya ito. She said, Maliban kay Donya Teodora, nakatanggap din itong si Pepe ng gabay at mga tagubilin sa kaniyang tatlong tiyuhin sa mother's side. Nandiyan si Tiyo Jose Alberto, si Tiyo Gregorio, at si Tiyo Manuel. Each of them played a unique role in shaping Rizal's character and skills. Unahin natin si Tiyo Jose Alberto. Si Tiyo Jose, isang talented artist, ang nag-nurture sa batang Rizal para i-appreciate ang kagandahan ng kalikasan o the beauty of nature. Tinuruan niya rin ito ng iba’t ibang anyo ng sining, katulad ng pagpipinta, pagguhit at pag-sculpture. Sumunod naman ay si Tiyo Gregorio. Siya ay isang marunong na iskolar, na nag-instill sa batang Rizal to love education. He emphasized its importance and the value of hard work. Ito ring si Tiyo Gregorio ang nag-encourage kay Rizal na maging critical thinker at dapat marunong mag-obserba sa kaniyang kapaligiran. Makakatulong daw kasi ito sa pagpapalawak ni Pepe sa kanyang curiosity at kaalaman. Sa ilalim ng kaniyang guidance, mas lalong nagustuhan ng batang Rizal ang pagbabasa. Ang huli naman ay si Tiyo Manuel. Itong si Tiyo Manuel ay medyo worried sa physical development ng pamangkin niya. Kaya tinuruan niya ito ng iba't ibang athletic skills. Nandiyang ang swimming, fencing, wrestling, at iba-iba pang martial arts. At that time kasi, itong si Pepe ay lampa, mahina, maliit, at sakitin, pero dahil sa kanyang mga gabay, he helped to develop proficiency in these areas. Dahil lumalaki na ang batang Rizal, napagdesisyunan ng kanyang magulang na magkaroon na siya ng mga privature tutors para maihanda siya sa kaniyang formal education. Isa sa kanyang mga tutoy ay si Leon Monroy, dating kaklase ng kaniyang ama. Itong si Leon Monroy ay nanirahan sa pamilya ni Rizal at nagturo kay Pepe ng Spanish at Latin. Sa kasamaang palad, pagkatapos ng limang buwan ay namatay itong tutor niya. At gusto ko lang linawin, bago ka maging suspicious, walang kinalaman si Rizal sa kaniyang kamatayan. Matagal ng may sakit itong si Leon Monroy. Pagkatapos ng kamatayan ni Monroy, ipinadala ni Don Kiko ang kaniyang anak sa Binan para ipagpatuloy ang pag-aaral ng Espanyol at Latin. Kasama ni Pepe ang kanyang kuya Paciano. Nanirahan si Pepe at si Paciano sa bahay ng kanilang tiyuhin. Si Paciano, dahil nga mas lubos na nakakatanda, ang nagsilbing father figure ng batang Rizal habang nag-aaral sa Binan. Ang kaniyang naging guro sa Binan ay si Maestro Justiniano Aquino Cruz, who Rizal described as a tall, thin man with a long neck and a sharp nose. Terror teacher itong si Maestro Justiniano pero matalino. He knew Latin and Spanish grammar by heart. Ang unang araw ni Pepe sa eskwelahan ay hindi naging madali. Pagkapasok niya pa lang classroom, tinanong na agad siya ng kaniyang guro. "Do you speak Spanish?" " A little, sir." "Do you know Latin?" "A little, sir," Dahil sa mga sagot na ito, si Pepe ay pinagtawanan. Kinutya siya ng anak ng guro na ang pangalan ay Pedro, na dinescribe ni Rizal na ang pinakamasamang bata sa klase. At dahil sa pangungutyang ito, nagsimula silang mag-away. Si Pedro ay mas matangkad kay Rizal, kaya sa tingin niya siguro ay easy-easy lang na matatalo niya ang batang Rizal. Pero, dahil nga marunong mag-martial arts itong si Pepe, salamat kay Tiyo Manuel, e natalo niya ito. Noong binitawan niya si Pedro, iniwan niya itong mortified. Sabi ni Pedro, "Rematch!" Kaso tumanggi si Jose. Dahil sa time na 'yun ay gising na yung guro nila at natatakot siya na baka makatanggap siya ng parusa. Dahil sa laban na ito, nakagawa si Pepe ng pangalan para sa sarili niya. Kaya pagkatapos ng klase, hinamon siya ng isang bata. Ang batang humamon ay si Andres Salandanan at magbunong braso daw sila. Kaso at this time, wala na kay Rizal ang kapalaran. Natalo siya at muntik pa ngang mabagok. Nine-name call siya, tinutukso, at binibigyan siya ng palayaw tulad ng Calambeno. Pero hindi niya naman ito iminamasama ng loob. Kasi ang mga tumutukso sa kanya ay cino-consider niya na mga matatalik na kaibigan. Na sa sobrang bait ay nakakalimutan tuloy niya ang mga wrongdoings na kanilang ginagawa. Kung hindi niya mini-mind ang natatanggap niya sa kaniyang mga kaklase, e kabaliktaran naman kapag ang kaniyang guro na ang pinag-uusapan. Sabi nga ni Rizal sa kaniyang student memoir: Malaki ang impluwensiya ng pag-aaral ni Rizal sa Binan sa kaniyang pananaw sa edukasyon. Noong lumaki na ang batang Rizal, nag-reflect siya sa estado nito. Naniniwala siya na ang edukasyon ay hindi lang isang obligasyon, pero isang investment na magdadala sa atin sa isang brighter future. At matatamasa lang natin ito when schools become a safe haven and a playground of the mind. Where young minds can explore and grow, rather than what he experienced, which can be likened to a dreaded torture chamber. Noong bumalik na ang batang Rizal sa Calamba, his parents decided na he should stay there and later go to Manila. At during this time, ang kaniyang tiyo, na si Don Jose Alberto, ay bumalik from Europe. What happened next is a scandalous story involving Rizal's family, na sa sobrang scandalous ay para siyang isang modern teleserye. You know what, for fun, let's imagine it as a teleserye. Inihahandog ng Dreamscape Productions. In association with ABS-CBN. Ok. I'll try to be serious na kasi nakakalungkot ang sumunod na nangyari sa nanay ni Rizal. At masakit na rin yung lalamunan ko kakaboses kay Teodora PERO---- Dahil sa pagbibintang sa kaniya na sinubukan niyang lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid, hinuli siya at kinasuhan. And as a punishment, pinaglakad si Teodora ng 50 kilometers mula Calamba papuntang Santa Cruz. Pinagbawalan siya na gumamit ng kahit anong sasakyan. Kailangan niya daw mag-suffer sa kahihiyan kahit ang panlalason ay hindi naman napatunayan. Dahil sa ginawa sa kaniyang ina, pwede nating sabihin na namulat ang batang Rizal kung gaano ka-cruel ang mundo. Maraming salamat sa panonood. Dito nagtatapos ang video. Dagdag ko lang, mabilis lang. Habang nire-research ko yung tungkol sa batang Rizal, pumasok sa isip ko yung toxic trait ng mga Filipino families. Yung cino-compare ng mga magulang yung kanilang mga anak sa ibang bata. Bakit hindi mo gayahin si ganito? Ang tali-talino. Bakit hindi mo gayahin si ganiyan? Ang bait-bait, ang sipag-sipag. O baka nga may nagcompare din kay Rizal, bakit di mo gayahin si Rizal ang bata bata pa lang ang galing galing na. Pero again, as I said, at sa pag-aaral natin kay Rizal is hindi naman inherent yung mga admirable qualities na ito. They were nurtured and developed over time. Yung nanay niya, nag-spend talaga ng time para turuan si Pepe. At ganun din yung mga kapatid niya pati yung mga tiyuhin niya. So imagine if parents focused more on nurturing their children instead of constantly comparing them to others. Think about the incredible potential that could be unlocked if parents provided the support and encouragement necessary for their children to grow and develop their own unique strengths. When we nurture a children's innate potential, the possibilities are truly limitless. 'Yun lang, maraming salamat ulit.