Music Isang magandang araw sa inyong lahat. Isang panibagong aralin na naman ang ating tatalakayin at ito ay ang kahulugan, anyo, uri at At akdang pampanitikan. Ano nga ba ang kahulugan ng panitikan?
Ang panitikan ay tinutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulatman o binibigkas. Nanggaling ito sa salitang ugat, natitik na ikinabit ang unlaping pang at hulaping an. Ang mga layunin nito ay para maipakita ang realidad o katotohanan at makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan. Ang mga uri ng panitikan ay ang mga kathang isip o sa Ingles ito yung tinatawag na fiction at ang ikalawa yung mga hindi kathang isip. Sa Ingles, ito ay ang tinatawag na non-fiction.
Narito ang dalawang anyo ng panitikan. Una ay ang tuluyan o prosa. Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. O kaya ito yung tinatawag na tuloy-tuloy na pagsasalat. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Ang ikalawang anyo ng panitikan ay ang patula. Ito ay ang pagbubuo-buo ng mga pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa tulod-tod na pinagtugma-tugma. Ngayon naman, ay dumaku tayo sa mga akdang tuluyan. Narito ang mga halimbawa ng mga akdang tuluyan.
Una ay ang alamat. Ito ay isang uri na kung saan nagkukwenta ito tungkol sa mga pinagmula ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmula ng mga hayop o ng mga halaman. Ang ikalawa ay ang Anekdota.
Ito ay mga akdang isinasalaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyayari sa buhay ng isang sikat o kilalang mga tao. Ang pangatlo ay ang nobela o tinatawag ding kathambuhay. Ito ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
Ang pang-apat na akdang tuluyan naman ay pabula. Ito ay mga akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop. Pang-lima ay ang mga parabola o tinatawag ding talinghaga. Ito ay maikling kwentong may aral at kalimitang hinahango o hango mula sa Biblia. Ang pang-anim na akdang tuluyan ay yung mga maikling kwento.
Ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Ang pampitong mga akdang tuluyan ay ang Dula. Ito ay uri na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto.
At kadalasang isinasalaysay sa mga teatro o tanghalan. Ang pangwalo ay ang sanaysay. Ito ay maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro o opinion ng may akda.
Ang pangsyam ay talambuhay. Isinasalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon. Ngayon naman ay dumako tayo sa mga akdang patula. Narito ang mga halimbawa ng mga akdang tuluyan.
Una ay ang mga tulang pasalaysay. Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. Pangalawa ay ang mga awit o korido o mga kantahin.
Ito ay mga musikang magandang pakinggan. Narito pa ang mga ilang halimbawa ng mga akdang patula. Pangatlo ay ang epiko.
Ito ay isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalas ang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at hindi kapanipaniwala. Ang pangapat ay tinatawag na balad. Ito ay uri o tema ng isang tugtugin. Narito pa ang mga ilang halimbawa ng mga akdang patula.
Ang panglima ay tinatawag na sawikain. Ito ay tumutukoy sa idioma o tinatawag ring idioma. Ito ay isang uri ng sawikain o pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyonal. Ito ay mga maikling pahayag lamang.
Ang pang-anim ay ang mga salawikain. Karaniwang patalinghaga. Karaniwang may sukat at tugma kaya magandang bigyasin.
Ang pampito ay yung mga kasabihan. Ito ay mga pangungusap o pariralang karaniwang sinasabi o nakaugalian ng sabihin ng mga tao. Ang pang-walo.
ay ang mga bugtong. Ito ay may mga nakatagong kahulugan na kadalasang may sukat at tugma na binubuo lamang ng mga dalawang taludtod. Ang pangsyam ay ang mga tinatawag na tanaga.
Ito ay tumutukoy sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng aral at payak na pilosopi ang ginagamit ng mga matatanda sa pagdating. nagpapagunita sa mga kabataan. Sana ay may natutunan kayo sa ating aralin.
Mag-aral ng mabuti hanggang sa muli.