Music Narito na naman tayo para sa isang makabuluhang talakayan. Para sa unang bahagi, tatalakayin natin ang kahulugan ng lipunan at ang elemento ng strukturang panlipunan. Batayan sa pag-aaral ng mga isyo at hamong panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo ng isang lipunan, pugnayan nito at kanyang kultura. Ngunit ano nga ba ang lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
Ayon kay Emile Drogheim, isang pranses na sosyologo, ang lipunan ay isang buhay ng organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Halimbawa nito ay ang evolusyon kultural, mula sa payak hanggang sa modernong pamumuhay ng tao.
Binubuo ang lipunan ng mga kaiba subalit mga kaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin. Ayon naman kay Karl Marx, isang sosyologong aliman, ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sa tunggaliang ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumukontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan. Ayon naman kay Charles Cooley, isang Amerikanong sisyologo, ang lipunan ay binubuo ng...
ng mga tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Magkakawing ibig sabihin ay magkakaugnay. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga mamamayan. Magkakaiba man ang pagpapahulugan sa lipunan, makikita na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba't ibang institusyon, ugnayan, at kultura.
Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan. Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang muka. Ang isang muka ay tumutukoy sa mga estruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagamat ang dalawang muka ay magaiba at may kanya-kanyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Una nating tatalakayin ang mga elemento ng strukturang panlipunan. Ang mga ito ay ang institusyon, social group, status o social status, at gampanin o roles. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.
Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Kapag sinabing organisado, ito ay may maayos na sistema. Isipin halimbawa ang isang pangkaraniwang araw.
Magsisimula ito... sa paghahanda ng mga miyembro ng pamilya para sa kanikanyang mga gawain. Ang pamilya ay isang institusyong panlipunan.
Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. Kaya tinagurian itong pinakabasic na unit ng lipunan. Kung walang pamilya, hindi mabubuo ang lipunan. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay magtungo sa paaralan.
Samantalang ang iba naman ay magtatrabaho. o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan. Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na humuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan. Isa rin itong institusyong panlipunan.
Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumukonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang institusyong panlipunan, ang ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan. ang mga pangailangan ng mga mamamayan.
Mula sa tahanan hanggang sa mga lugar na patutunguhan ay maaaring may makasalubong kang traffic aid o kaya naman ay mainip dahil sa abala na dulot na ginagawa. ang kalsada. Maaaring may makita ka rin mga anunsyo ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng isa ring institusyong panlipunan, ang pamahalaan.
Sa pagtupad mo ng iyong mga pang-aro-aro na tungkulin, naghahangad ka ng kaligtasan. Nananalangin ka na maging matagumpay ang iyong mga gawain at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya ay bahagi ng reliyon, na isa rin sa mga institusyong panlipunan.
Ang pamilya, paaralan, ekonomiya, pamahalaan at reliyon ay itinuturing ng mga institusyong panlipunan. May mga isyo at hamong panglipunang naguugat dahil sa kabiguan ng isang istitusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa, ang mataas na bilang na mga mamamayang walang trabaho, ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari din namang ito ay dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. ang kanyang mga tungkulin na lumikha ng trabaho para sa kanyang mga mamamayan.
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng social group, ang pangalawang elemento. Ang social group ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad ng katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group, ang primary group at secondary group. Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at informal na ugnayan ng mga individual. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan. Kasama natin sila dahil gusto natin silang kasama o dahil may relasyon tayo sa isa't isa. Sa kabilang banda, ang secondary group naman ay binubuo ng mga individual na may formal na ugnayan sa isa't isa.
Karaniwang nakatoon sa pagtupad ng isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at kanyang mga manggagawa. Gayun din ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa't isa.
Huwag na tayong lumayo. Ikaw at ang iyong mga kaklase ay kabilang sa secondary group. Kasama natin sila hindi dahil gusto natin kundi dahil may kailangan tayong gawin kasama sila.
Minsan ay nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyo at hamong panlipunan. Halimbawa, ang malawakang pag-uwelga ng ilang manggagawa ay isang isyong panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya. Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba't ibang status.
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang individual sa lipunan. Ang ating pagkakailanlan o identidad ay naiimpluensyahan ng ating status. May dalawang uri ng status.
Ito ay ang Ascribed Status at Achieved Status. Ang ascribed status ay nakatalaga sa isang individual simula nang siya ay ipinanganap. Hindi ito kontrolado ng isang individual. Halimbawa nito ay ang kasarian at etnisidad.
Hindi natin itong mapipili sa ating kapanganakan. Samantala, ang achieved status naman ay nakatalaga sa isang individual sa visa ng kanyang pagsusumikap. Maaaring mabago ng isang individual ang kanyang Achieve status. Halimbawa nito ay ang ating pinag-aralan o kaya naman ay ang ating propesyon. Ngunit paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ng status?
Maaaring makaapekto ang Scribe status ng isang individual sa kanyang Achieve status. Halimbawa, ang isang individual na ipinanganak na mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay may tuturing na ascribe status.
Ang ascribe status na ito ay maaaring maging inspirasyon sa kanyang hangarin na makatapos ng pag-aaral o kaya ay maging isang profesional upang makaahon sa hirap ng buhay. Ang pagiging isang college graduate o professional ay may tuturing na achieve status. May mga isyo at hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng tao sa lipunan. Paraniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din namang mahihirap na nagiging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap para magbago ang estado ng buhay.
Ang bawat status ay may kaaklibat na gampanin. Ito ang ikaapat na elemento ng strukturang panlipunan. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng individual.
Sabing ang mga gampaning ito ang nangiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, bilang isang mag-aaral, inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral. Inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kanyang mga tungkulin tulad ng paguturo ng mahusay at pagbibigay ng mga pagsusulit sa klase.
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampani ng isang individual o isang grupo ay maaari magdulot ng ilang isyo at hamong panlipunan. Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa lipunan. Isa sa mga tungkulin ng mamamayan ang sumunod sa batas na pagkatapon ng basura.
Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan. May mga pagbabago rin sa lipunan. na magdudulot ng pagbabago sa roles ng bawat isa.
Isang magandang halimbawa nito ang pagkakaroon ng mga househusbands sa kasalukuyan. Ito ang mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain sa loob ng tahanan habang ang kanyang asawang babae ang nagahanap buhay. Marami ding pagkakataon na ang mag-asawa ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Maraming salamat sa inyong pakinig. Sa susunod ay tatalakayan natin ang isa pang muka ng lipunan, ang kanyang kultura, kasama ang mga isyong personal at isyong panlipunan.