Transcript for:
Pagkilala at Pagtanggap sa Sarili

Hi! Kamusta? Halina't samahan niyo akong basagi ng lumbay sa pagbuo ng panibagong yugto ng buhay.

Tara, kapi tayo! Gaano mo nga ba talaga kakilala ang sarili mo? Sino nga ba ako?

Kilala ko nga ba ang sarili ko? Ano nga ba talagang gusto ko sa buhay? Kadalasan, tinatanong sa mga interview kapag nag-a-apply ka ng trabaho eh. Can you tell me more about yourself?

Ano kayang isasagot mo? Meron akong pusa, marunong po ako magpakain ng mga alagang aso, marunong po ako magugas ng pinggan, marunong po ako maglaba, magcomputer, magbasa, maghilog ng katawan kapag naliligo. Dati po akong jejemon, high peace na ngayon! Awit!

Sa panahon ngayon, basta alam mo ang wifi password ng kapitbahay niyo o... May load ka sa smartphone mo, pwede ka nang gumawa ng profile sa FB at iba pa. Ayun nga lang, madalas, ang profile pic mo eh, malayo sa tunay mong itsura.

Sumexi, gumanda! Salamat sa filter. Ito rin ang dahilan kung bakit kapag nagkita kayo ng kamitap mo eh, hindi ka niya makilala sa personal.

Paano nga ba may iwasan ng ganitong kalituhan? Kailangan ba talagang tulong ng filter at makeup para maging kaaya-aya tayo sa harap ng ibang tao? Walang masama mag-ayos at magpaganda. Ngunit kapag ito ay ginagawa natin upang magpanggap sa ating sarili at sa ibang tao, ipinapakita natin ang maling ekspresyon ng ating sarili. Hindi ba mas maganda na walang pagpapanggap?

Walang takot nating maipapahayag ang ating sarili. Tanggap at wala tayong takot ipakita ang tunay at totoong ako? O ikaw, hindi tayo mahihiya na ipakita kung sino talaga tayo.

Sabi nga nila, magpakatotoo ka. Ang kalituan sa ating sarili ay dulot ng tinatawag na identity crisis, role confusion, at incongruent self-image and ideal image. Wow!

Ang lalim ano? Hayaan nyo akong ipaliwanag ito sa madaling maunawa ang paraan. Alamin natin ang sinabi ng isang batikang psychologist. na si Carl Rogers noong 1959 tungkol sa self-concept na siyang ating pagbabatayan upang lubos natin makilala ang ating sarili o magkaroon tayo ng better self-awareness.

Hinati niya ito sa tatlo. Una, ang self-image o ang paraan ng pagtingin natin sa ating sarili. Ano ang nakikita natin kapag humarap tayo sa salamin? Kadalasan, naiimpluensyaan tayo ng maraming mga kadahilanan tulad ng mga impluensya ng magulang. Kaibigan, ang media at iba pa, ang ating self-image ay kadalasan mga physical na katangian natin tulad ng itim na buhok, kayumanggiang kulay, panguwang ilong, o di kaya personality traits gaya ng pagiging kind, palakibigan, adventurous, trustworthy, and free-spirited.

O di kaya ay katangian natin sa harap ng ibang tao tulad ng pinakmakulit sa barkada, ang pinakamasipag sa magkakapotid at iba pa. Ang self-image ay... Resulta ng ating mga sagot sa tanong na, who am I?

Ang ikalawa naman ay ang self-esteem. Tumutukoy sa kung paano natin pinahahalagahan o tinatanggap ang ating sarili. Ang isang taong may mataas na self-esteem ay bilib sa kanyang abilidad. Tanggap ang kanyang kahinaan. Hindi nahihiyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin at positibo ang pananaw sa buhay.

Ang isang taong may mababa naman na self-esteem, ay kabaliktaran, walang bilib sa sarili, mahiyain, madalas ginagawa ang kagustuhan ng ibang tao, kahit labag sa kanyang kalooban, ito ay may negatibong pananaw sa buhay. Ang ikatlo naman ay ang ideal self, o kung ano ang gusto mo maging. Ito yung gusto mo na makita ng ibang tao, pinapangarap mong sarili, halaga na malaman na dapat ang ating self-image At ideal self ay hindi nagkakalayo sa isa't isa. Yung tipong masaya ka sa kung ano ang nakikita mo sa harap ng salamin. Hindi masamang mangarap, pero dapat ito ay realistic.

Hindi nakakatapak ng ibang tao at totoo. Mabuting maging totoo tayo sa ating sarili at tanggapin tayo ng ibang tao sa kabila ng ating kahinaan kaysa mabuhay tayo sa isang malaking pagpapanggap. at kasinungalingan. At upang makatulong pa na mas lalo pang makilala at matanggap ang inyong mga sarili, narito ang ilang mga pwede niyong sundin.

Una, may mga kanya-kanya tayong talento, skill, katalinuhan, potensyal, abilidad at mga kakayaan. May mga bagay kang kayang magawa na sadyang mas magaling ka kaysa sa iba. Minsan, di may iwasang maramdaman mong kulang ka. At hindi ka sapat.

Normal lang yun. Pero ang masama eh, ikumpara mo yung sarili mo sa iba. Tulad nga ng sabi, iba-iba tayo. Individual difference ika nga. Kanya-kanyang trip lang yan.

Ikalawa, iwasan mag-selfie ng higit sa isang daang anggulo. Hindi ko sinasabing masama ang selfie. Nakakatawa at nakakalibang din naman talaga. Pero yung tipong...

Mag-iisang oras ka ng umaangulo para lang makuha ang pinakamagandang pouty lips o maitagaw ang bukbok sa muka. Marami ka pang pwedeng magawang produktibong bagay kaysa mag-aksaya ng oras sa kakaselfie. Sa tingin ko, mas okay kung alamin natin ang kagandahan ng ating kalooban kaysa panlabas na kanyuan.

Tandaan, ang isang taong may magandang kalooban ay walang pinipiling angulo kailanman. Ikatlo, yung filter maganda yan. Pero kung alam mo na nagiging iba na ang itsura mo at malayo na sa tunay mong anyo, hmm, hindi na ata maganda yun.

Mas okay pa din tanggap mo kung anong meron ka. At okay lang magkatigawat sa ilong o kahit sa buong mukha. Ika-apat, may binibenta akong salaming nananampal. Nakapag masyado ka ng maarte, masyado ka ng madrama, at masyado ka ng teary eye, bigla ka nilang sasampaling kaliwa't kanan para magising ka sa katotohanan na hindi mo pasa ng mundo at walang magagawa ang pagmumukmuk mo sa problema mo.

Paano malaman na maarte ka na? Tanong mo sa mga kapamilya at kaibigan mong matalik na handang-handang magsabi ng totoo mong kulay. Ikalima, huwag kang paviktim. Ang problema ay kadalasan nagmumula dahil sa pag-aakala natin na dapat ay binibigan tayo ng mundo ng madaming atensyon. KSP ang tawag doon o mas kilala sa tawag na kulang sa pansin.

Hindi kailangan umikot ang mundo sayo o mapansin ka ng tao. Hindi mo kailangan ng pansin ng ibang tao para magkaroon ka ng magandang pagtingin sa sarili. Magiging mas komportable ka sa iyong sarili kung hindi masyadong nakatoon ang pansin mo sa kung anong sasabihin ng ibang tao sa iyo. Do not live within their standards.

You do not live to please them. Tarush! Makakatulong ang ginawang The Great Discovery ni Sean Covey sa kanyang libro na The 7 Habits of Highly Effective Teens. Download nyo ito upang mas lalo pang makilala ang inyong sarili. Salamat sa panunood!

May mga hinanda pa kaming mga episode na talaga namang kaaabangan ninyo. Please subscribe to our channel dahil gusto namin kakwentuhan ka sa iba't ibang hamon ng buhay. Tara, kape tayo! O di kaya milk tea. Ingat!