Transcript for:
Kasaysayan ng Sinaunang Tao

Ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. Ayon sa mga eksperto, ang unang anyo ng buhay sa daigdig ay lumitaw milyong taon na ang nakalipas. Sila ay binubuo na mga single-celled animals na kalaunan ay kinailangang magbago ng anyo. upang mabuhay at makaangkop sa kanilang kapaligiran.

Batay sa makaagham na pag-aaral at mga nahukay na labi, ang itinuturing naninuno ng mga tao ay unang nabuhay may 2.5 milyong taon na ang nakalipas. Ang Homo Nib Ang mga nahukay na sinaunang kalansay ang nagpapahiwati na may kawangis ang tao na nabuhay apat na milyong taon na ang nakalipas. Ang ispisi na ito ang itinuturing naninuno ng tao, gorilya, simpansi at orangutan. Ang Homo habilis Unang nakagawa at gumamit ng mga kasangkapang yari sa magagaspang na bato, kaya mas kilala sa tawag na handyman.

Ang Homo erectus. Sila ay nakakatayo at nakakalakad ng tuwit. Gumagawa ng mga kagamitang yari sa bato at marunong ng gumamit ng apoy, mangaso at manghisda.

Ilan sa mga halimbawa ng Homo erectus ay ang Java man at ang Peking man. Ang Homo sapiens. May malaking utak, maliit ng ngipin, malaking binti at higit na nakakatayo ng tuwid kaysa ibang pangkat ng tao. Natuklasan na sila ay may mas mataas na antas ng pag-iisip. Kaya tinawag silang Thinking Man.

Nabibilang dito ay ang mga Cro-Magnon at ang Neanderthal Man. Ating talakayin ang yugto ng pag-unlad ng kultura ng sinaunang tao. Ito ay nahahati sa panahong Paleolitiko, panahong Neolitiko at panahong Metal. Ang panahong Paleolitiko ay nahahati din sa tatlong bahagi, ang Lower, Middle at Upper Paleolithic Period.

Ang Lower Paleolithic Period ay tinatawag ding panahon ng Lumang Bato o Old Stone Age. Nagmula ang salitang Paleolitiko sa mga katagang Paleos o Matanda at Lithos o Bato. Ito ang pinakamahabang yukto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sa panahong ito umusbong ang mga homo habilis na nangangahulog ang handyman dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang bato. Nasinundan ng mga homo erectus na may higit nakakayahan sa pagawa ng kagamitang bato at pinaniniwalaan na unang natutong gumamit ng apoy at mangaso.

Sa panahon ng Middle Paleolithic period naman, pinaniniwalaang nabuhay ang mga Neanderthal man. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpinta sa kanilang katawan at paguhit sa mga pader sa kuweba. Sa pagsimula ng Upper Paleolithic period, ay nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyo ng mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Ang mga taong Neanderthal ay nagsimulang mawala sa panahon ito at napalitan ang mga taong Cro-Magnon.

Ang huling bahagi ng panahong bato ay tinatawag na panahong Neolitico. o panahon ng bagong bato o New Stone Age. Ito ay hango sa mga salitang Griego na Nios o bago at Lithos o bato. Nakilala ang panahon ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa isang pamayanan, pagtatanim, at paggawa ng mga palayok at paghahabi. Ang Chattel Huyok ay isang pamayanang Neolitiko na matatagpuan noon sa kapatagan ng Konya Anatolia.

Ito ay may populasyon mula 3,000 hanggang 6,000 katao. Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan. Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay at may paghahabi, pagawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo. Ang panahong metal ay nahati sa tatlong bahagi, ang panahon ng tanso, bronze at bakal. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BCE sa ilang lugar sa Asia, 2000 BCE sa Europe at 1500 BCE naman sa Egypt.

Nalinang na mabuti ang pagawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso. Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso, subalit patuloy pa rin ang paggamit sa mga kagamitang yari sa bato. Ang pagkakatuklas ng bronze o ang paghahalo ng tanso at lata ay lalong nagpaunlad sa pagawa ng mga kagamitan gaya ng palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat. Sa panahong din ito ay natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig pook. Natuklasan ang pagawa ng bakal noong 1500 BCE na mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na naninirahan sa Kanlurang Asya.

Natutunan nilang magtunaw at magpanday ng mga kagamitang bakal na mas matibay sa tanso at bronze. Matagal nila itong pinanatiling lihim, ngunit kalaunan ay lumaganap din ang paggamit ng bakal sa iba pang mga kaharian. Ang yugto ng pagunlad ng kultura sa panahong prehistoriko