Transcript for:
Kasaysayan ng Pilipinas: Taong 20,000 BCE Hanggang 1992

Dalawampun libong taon na ang nakaraan ng unang magkaroon ng modernong tao sa Pilipinas. Ayon sa pagsasuri ng mga eksperto, ito ay risulta ng natural na proseso ng human evolution at taliwas sa dating paniniwala. Hindi nagmula ang mga Pilipino sa lupain ng mga Malay o China. Ngunit ang ating kultura at isikal na pangangatawan ay katulad ng mga Malay, Indonesian at iba pang mga naninirahan sa Southeast Asia dahil sa pagkakaroon natin ng parehas na klima at pagkain. Ito ang tinatawag ni F. Landa Diucano na base culture at nagkaroon lamang ng pagkakaiba-iba noong sinakop ang Southeast Asia ng iba't ibang bansa. Noong 14th century, unang narating ng Islam ang bansa mula sa Malaysia. Narating ni Raja Baginda ang Sulu at doon sinimulan ang pagpapalaganap ng Islam. Sa Mindanao naman, naging unang sultan si Serif Kabunsuan at sinimulan din doon ang paglaganap ng Islam. Umabot sa buzon ng paglaganap ng Islam. Sa mga panhong ding ito, ay naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa Southeast Asia, na angunguna sa pangangalakal sa Pilipinas ang mga Chinese, sumunod ang mga kaharian ng Cambodia, Champa at Siang. Noon paman ay matatawag na sibilisado ang mga isla sa Pilipinas. Mayroon ng mga balangay, may mga pinuno at mga batas na sinusunod. May sariling relisyon, kultura at organisadong ekonomiya. March 17, 1521, nang unang narating ni Magellan ang Pilipinas, ngunit hindi nagtagal, ay namatay siya sa Mactan noong April 1521. Dahil sa panghihimasok sa away sa pagitan ni na Lapu-Lapu at Zula. Sa taong 1528, sinundan nang sa Avedra Expedition ang paglalakbay ni Magellan. Narating nila ang Lanuza Bay, malapit sa Surigao. Hindi naka-uwi si Saavedra sa Mexico, na noon ay kolonya na ng Espanya at namatay sa paglalakbay. Isa sa mga pinakamahalagang ekspedisyon ay sumunod noong 1542, pinamumunuan ni Ruy Lopez de Villalobos. Narating nila ang Sarangani Island at dito ipinagutos niya ang pagkatanim ng mais. Pinangalanan niya ang Leyte binang Las Filipinas. Bilang pagputugay sa noon ay Crown Prince na si Philip II. Huling paglalakbay na nagresulta sa tuluyang pananatili ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang Legazpi or Daneta Expedition. Si Miguel Lopez de Legazpi, ang tanging binigyan ng hari ng Espanya ng titulo bilang Adelanto de Filipinas. Naging madali ang pagsakop sa watak-watak na isla ng noon ay Las Islas, Pilipinas. Hindi dahas ang naging pangunahing sandata na ginamit ng mga kongkistador o mananakop, kundi Cruz. Sa ilalim ng Reducción del Pueblos, pinangunahan ng mga pare ang pagtatag ng mga pueblos o mga bayan. Sa bawat pagtatag sa isang bayan ay kasama ang pagtatag ng simbahan. Naging basihan din ng yaman ng isang lugar ang pagkakaroon ng magandang simbahan. Naging paborito pareho sa gobyerno ng Espanya at sa simbahang katoliko. Mas mabilis na napagpisa ang Pilipinas at napapalaganap ang Kristyanismo. Ngunit ang relisyon natin noon ay animistik. O nagsasamba sa mga anito, mga kahoy at bato. Ngunit paano tayo na kumbinsing mag-iba ng relisyon? Karabihan sa ating mga paniniwala ay hinalo ng mga Espanyol sa paniniwala ng Kristyanismo. Strategiya ito ukang maramdaman natin na hindi natin iniiwan ang nakaugaliang paniniwala. Ngunit hinahaluan lamang ito ng bago. Dahil hindi tayo nagkaroon ng iisang kultura bago sinakop ng Espanya, hindi rin natin tinawag ang sarili na Filipino. Indio ang naging tawag sa atin ng mga Espanyol. Ang tawag na Filipino ay ginamit lang noong unti-unti nang nagkakaisa ang bansa. Matagumpay na na pa sa ilalim sa kapangyarihan ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 years. Nakita ang paglago ng ekonomiya at pagtanggap nating mga Filipino sa kultura ng Espanya. Nagkayo na mga paaralan ng mga Espanyol, ngunit naging eksklusibo ang edukasyon sa mga mayayamang angkan. Igit sa lahat, naging marahas sila sa ating mga Indyo. Taliwas sa kadalasan nating naririnig, hindi tayo naging bulag at bingi sa mga karahasan ng mga Espanyol. Nagkaroon ng iba't ibang pag-aalsa laban sa mga Espanyol simula pa noong 1565. Ngunit dahil wala tayong pagkakaisa, magbibis itong natalo. Walang nasyonalismo ang mga Pilipino dahil wala tayong iisang pagkakakilandan. Habang nangyayari ito, ay unti-unti naman na lumagaw ang ekonomiya ng Pilipinas. Sabay dito ang pagkakaroon natin ng mga middle class. Ang mga middle class na ito ay mga natives ng Pilipinas na nagkaroon ng sapat na pera. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak nila. Nagkaroon rin tayo ng mga Pilipinong pari. Nagbunga ito sa pagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng mga Pilipinong pari at mga priling Espanyol. Ang mga Pilipinong pari ang unang nagtulak sa ideya ng nasyonalismo. Naging banta ito sa mga Espanyol. Nagresulta ang takot na ito sa pagkakaugnay ng tatlong pari na sina Father Mariano Gomez, Father Jose Burgos at Father Jacinto Zamora o ang Gomburza sa Cavite Mutiny. Hinatulan sila ng kamatayan. Ang Cavite Mutiny ay nagugat sa hindi tamang pasahod. Sa mga Indio, ang pagpatay sa Gomburza ay nagsilbing hudyat sa pagkabuo ng nasyonalismo at ng revolusyon. Dagdag pa rito, ang mga anak ng middle class o ang mga ilustrado ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa. Unti-unti tayong namulad sa liberal na pag-iisip. Bukod sa mga natutunan nila sa edukasyon sa ibang bansa, ang mga middle class din, kahit na may mga lupa ay naging alipin sa mga praile. Kung maaalala natin sa kwento ni Rizal. Naging mahirap ang kanilang pagsasaka sapagkat pataas ng pataas ang buwis na binabayaran sa mga pride. Ito kasama ang edukasyon ang naging mitsa sa kanilang pagkamulan. Ngunit ang nais ng mga ilustrado at mga negosyante ay reforma lamang. Kaya't ang unang samahang nabuo sa Espanya ay mga reformista na ang nais ay maiparating sa inang Espanya ang nangyayari sa Pilipinas. Noong 1889, naitatag sa Espanya ang La Solidaridad. Ngunit hindi naging matagumpay ang reform movement. Nang umuwi si Rizal sa Pilipinas, itinatag niya ang La Liga Filipina kung saan naging membro si Andres Bonifacio. Noong nalaman nito ng mga Espanyol, Inakusahan si Rizal ng pagdadala ng ipunagpabawal na babasahin at ipinatapon siya sa dati tayo. Nahati sa dalawa ang laliga, ang cuerpo de los compromisarios para sa reforma, habang itinatag naman ni Andres Bonifacio ang katipunan na ang nakikitang solusyon ay revolusyon. Madalas nating naririnig na hindi naging pabor si Rizal sa revolusyon. Hindi siya naging pabor sapagkat para sa kanya ay hindi pa tayo handa noon. Gayunpaman, hindi ito. Napigilan. Nung August 23, 1896 ay isinagawa ang sigaw sa Pugadlawin, senyales na nagsimula na ang revolusyon. Kasagsagan ng pakikipaglaban para sa kalayaan na hati sa dalawang paksyon ang katipunan, ang Magdiwang at Magdalo. Ninais ng Magdalo na palitan ang katipunan ng panibagong gobyerno, ngunit ang Magdiwang naman ay iginiit na sapat na ang katipunan sapagkat kompleto naman ito sa pagkakaroon ng konstitusyon. Ang magdalo ay pinamumunuan ng pinsan ni Emilio Aguinaldo, samantalang ang magdiwang ay pinamumunuan ng uncle-in-law ni Andres Bonifacio. Sa Tejeros Convention, idineklara na dapat magkaroon ng bagong gobyerno. Inihalal si Bonifacio bilang Secretary of Interior ngunit kontra dito si Daniel Terona dahil hindi abogado si Bonifacio. Lubos na nainsulto si Bonifacio at sinabing walang visa ang eleksyon. Muling nagpatawag ng eleksyon si Bonifacio ngunit mas pinaboran ng mga ilustradong kasapi ang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Nalaman ni Aguinaldo ang pag-uorganisa ng meeting ni Bonifacio, naghalit siya. At ipinahulog ito, nilitis si Bonifacio at pinaslang kasama ang kanyang kapatid sa San Lang, treason. Si Andres Bonifacio, pagamat walang formal na edukasyon, ay siyang naging matibay na leader ng revolusyon. Sinusunod at nire-respeto at higit sa lahat, siya ay kasama ng mga ordinaryong Pilipino. Alam niya ang kailangan ng masa, kasapi siya ng mahihirap. Ngunit sa pagpalit ng leader ng revolusyon, nawala rin sa atin na nagnanais ng kalayaan. Ang labad. Napunta ito sa kamay ng mga ilustrado. Ipinagpatuloy ang revolusyon hanggang sa narating ni Aguinaldo ang Viyak na Bato. Dito niya isinulat ang mga reforma na nais daw nating mga Pilipino. Bumalik rin sa reforma ang ipinaglalaban sapagkat ito naman talaga ang orihinal na gusto ng mga ilustrado. Tinirmahan nila ang Pact of the Act na Baton noong December 15, 1897. Sa ilalim nito, tinuldukan nila ang Philippine Revolution kapalit ng pera at voluntary exile sa Hong Kong, at pangakong masusunod ang reformang nais nila. Noong sumunod na taon, 1898, sumiklab ang Spanish-American War, May 1, 1898, nang maganap ang Battle of Manila Bay at naging matagumpay ang Amerika laban sa Spain. Nabalita nito ni Aguinaldo sa Hong Kong. Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas at muling itinatag ang gobyerno militar habang sinusubukan na makipag-usap sa Amerika. Habang nangyayari ang lahat ng ito, hindi tayo tunigil sa paglaban para sa kalayaan. Umalis man si Aguinaldo at idineklara ang pagtatapos ng Philippine Revolution, tayong mga ordinaryong Pilipino ay patuloy na naghangad ng kalayaan. Ngayon, sa ilalim ng nagbabadyang pananakof, panibagong laban na naman ang ating kakaharapin. Sa kabilan nito, idineklara ni Aguinaldo ang Philippine Independence noong June 12, 1898. Ngunit, una pa lamang ay nakahanda ng mabigo ang pangalawang revolusyon. Ito ay dahil sa literal na backstabbing na nangyayari sa gobyerno ni Aguinaldo. Natalo si na Aguinaldo at tuluyan itong nanumpa sa bandila ng Amerika. Ngunit ang pagsuko ng puwersa ni Aguinaldo ay hindi nangangahulugang pagsuko ng mga Pilipino. Si Aguinaldo lang ang nanumpanang katapatan sa bandila ng Amerika, ngunit sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ay nagpatuloy tayo sa pakikibaka. Sa Luzon ay ipinagpatuloy ni General Miguel Malvar at General Vicente Lucban sa Samar ang pakikipaglaban. Itinayo naman ni Macario Sacay ang Tagalog Republic na may sariling konstitusyon at nakuha niya ang puso ng karamihan. Tinawag pa siyang Hero of the People. Sa Luzon noong 1907 ay pinamunuan ni Salvador Felipe ang pag-aalsa. Nagkaroon din ng moral resistance sa Mindanao. Hindi naman nabigo ang Amerika na tuluyang kunin ang loob nating mga Filipino. Bagamat may mga hindi mabuting polisiya, nagpatayo sila ng paaralan, mga relays ng tren upang mapabilis ang produksyon, pinalago ang ekonomiya at nangako ng kalayaan. Hindi ninais ng Amerika na gawing kolonya ang Pilipinas sapagkat magiging responsibilidad nila ito. Dagdag pa dito. Nangangahulugan nito ang tayo ay dadagsa sa Amerika at hindi ito ang nais ng mga negosyanteng Amerikano Para mapanatili ang kontrol sa Pilipinas ay sinigurado nilang nakadepende sa kanila ang ating ekonomiya, maging ang produktong gusto natin. Tumagal ng ilang taon ang mga economic treaty sa Amerika at noong 1992 lang umalis ang base militar nila sa Pilipinas. Sa ganitong paraan, nasa ilalim pa rin tayo ng Amerika, ngunit hindi bilang kolonyer. Upang masigurado na tuluyan nilang napuha ang puso natin mga Pilipino, ibinigin nila ang matagal na nating ninanayks, ang kalayaan. Sa ilalim ng Commonwealth ay ipinaramdam ang unti-unting pagsasarili ng Pilipinas. Ngunit naudlot ito nang dumating ang mga Japon, panibagong grupo ng mananakop. Sa ilalim nila, naging lubos na mahina ang ekonomiya ng Pilipinas. Katulad ng Amerika, sinubukan din nilang kunin ang puso natin. Ngunit masyado na tayong loyal sa mga Amerikano at hinintay natin ang muli nilang pagdating at pagligtas sa atin. Hindi naman tayo nabigo dahil bumalik nga ang mga Amerikano, taong 1946, ng official na may deklara ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit naging malaya nga ba tayo? Sabay sa pagsasarili ang pagkakaroon ng sunod-sunod na presidente, ngunit nanatili ang impluensya ng Amerikano sa ating politika. Sa ilalim ng alim na pangulo, ay natamasa ng mga Pilipino ang demokrasya, ngunit noon paman ay biktima na tayo ng korupsyon sa gobyerno. Hindi na kapagtataka na kahit may sariling pamahalaan ay hindi tumigil ang mga rebelyon. Lumipas ang panahon at kasabay nito ay nasaksihan ng mga Pilipino ang iba't ibang presidente ang umupo. Bawat isa ay may bahid ng korupsyon sa gobyerno. Paulit-ulit tayong humingi ng pagbabago. Sa bawat eleksyon, lagi nating iniisip na itong pipiliin natin ay ang sa palagay nating magbabago ng bansa. Ngunit hanggang ngayon, tila hindi tayo umusad. Dumadami pa rin ang naghihirap at naguguto. Ngunit kung meron mga positibong pagbabago sa atin, ito ay ang pagmamahal natin sa sariling kultura. Dahil wala na ang mga dayuhan, natutunan na natin kilalani ng ating pagka-Filipino at pag-aralan ang ating sariling wilka. Ipinakita natin sa buong mundo na kaya nating magtagumpay sa iba't ibang larangan katulad ng athletics, boxing, singing at maging sa Olympics. Natuto rin tayong maging matatag, daanan man tayo ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan. Bumabangon pa rin tayo at matapang pa rin na humaharap sa hamon habang patuloy na nangangarap ng maayos na bukas. Nagpapakita lamang ito na ang mga Pinoy mula noon hanggang ngayon ay matapang na kayanan na nating patalsikin ang mga mananakot, makipagdigma para sa talayaan at magpatalsik ng mga korap na leader. Sigurado akong kakayanin natin mga Pilipin ang susunod pa ng mga kabanatang. Pero ano kaya ang magiging lamar ng mga kapanata? Ito.