Transcript for:
Pangunahing Suliraning Pang-ekonomiya

Halos lahat ng lipunan sa daigdig ay humaharap sa isang pangunahing suliraning pang-ekonomiya. Paano ipamamahagi ang limitadong yaman sa mga tao sa pamamaraang patas at efektibo? Dahil sa kakapusang ito ay nabuo ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Anong produkto ang gagawin?

Paano gagawin? Para kanino? At gaano karami? Ang mga katanungang ito ay sasagutin ng iba't ibang sistemang pang-ekonomiya.

Ang traditional, command, market, at mixed economy. Ngunit ano nga ba ang sistemang pang-ekonomiya? Ang Sistemang Pangekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmumayari, at paglinang ng pinagkukunang nyaman, at pamahala ng gawain pangekonomiko ng isang lipunan.

Mithiin ang bawat Sistemang Pangekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga silirinin ng kakapusan at kumpasang. Paano efesyente ang magagamit ang mga pinagkukunang yaman ng bansa? Ang unang anyo ng sistema ng pang-ekonomiya ay ang traditional economy.

Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kulbina, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikahing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikahan ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng mga matatanda sapagkat sa traditional economy Kami, bagang matulang tiyak ng batas ukol sa alokasyon, may maliwanag ng pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Halimbawa nito ay ang mga Inuit sa mga Arctic regions ng Hilagang Amerika, mga Aboriginal Australians, at ang mga Bushmen sa Katimugang Afrika. Sa Comad Economy naman, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang plano na uukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ang sentralisadong ahensya o central planning agencies.

Sa katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng gawain pang ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ng pamahalaan ang mga gagamitin pinagkupunang yaman sa pagliligha ng kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtakda ng pamahalaan ng pasahod para sa iba't ibang uri ng hanap buhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pamahalaan. pamamagitan ng pagtatakda ng pamahalaan sa halaga ng mga produktong nagmumula rito.

Ang patakaran sa Command Economy ay pinutupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistema pang-ekonomiya sa Cuba at North Korea. Sa market economy, ang kasagutan sa pangonahing katanungan paekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok, consumer at producer, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas paggawa ay maaari makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho.

Ang pangonahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng pwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamayari ng kapital, pakipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangasiwan ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at servisyo ng mga producer.

Sa kabuuan, ang dami ng produkto na naisibenta ng mga producer Ang mga producer ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalansi sa interaksyon ng consumer at producer sa loob ng pamilihan. Samantala, hindi direkta ang tungkulin ng pamahalaan tulad ng pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pagmamayaring pampribado, kabilang ang mga batas na mga ngalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata sa pinapasukan ng mga pribadong individual.

Kahit maraming bansa ang nagsasabi na sila ay may market economy, walang bansang may purong market economy dahil hindi may iwasang manghimasok ng pamahalaan. Karamihan sa kanila ay may mixed economy. Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy dahil bawat bansa ay may iba't ibang antas ng paghahalo ng dalawa.

Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay ng katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang paktilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang Mixed Economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng paghisanib o kombinasyon ng Command at Market Economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan, subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping na uukol sa pangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan at pagmamayari ng Estado.

May pribadong pagmamayari sa mga sarik ng produksyon, infrastruktura at mga organisasyon. Ang sistema ng mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa na mga pribadong pagpapasya ang mga kumpanya at individual. Gayunpaman, ito ay hindi nangang hulugang ganap na otonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyon ay ginagabayan ng pamahalaan. Halimbawa ng mga bansang may mixed economy ay ang mga bansang Estados Unidos, Australia, Pransha, South Korea, at Pilipinas.