Mga isyong panlipunan, isyong pangkalusugan at iba pa. Kakikitaan ng malaking pagunlad sa larangan ng agham at teknolohiya ang ita 21 dantaon. Bunga ng mga pagunlad na ito ay nagkaroon ng mahalagang pagbabago sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay.
Mga pagunlad sa agham at teknolohiya. Ang pag-usbong ng internet at paglaganap ng pamayanang digital. Sa paglipas ng panahon ay naging mas madaling gamitin at dumami ang maaaring gawin ng mga mobile phones mula ng maimbento ang mga ito noong huling bahagi ng ikadalawampung dan taon.
Kasabay nito ay naging popular ang short messaging services o SMS bilang pinakamurang uri ng mabilis na komunikasyon. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng iba pang servisyong pang komunikasyon dala ng pag-usbong at paglago ng internet. Nagsimula pa noong dekada 60 ang konsepto ng internetworking ng mga computer.
Tumutukoy ito sa pagkonekta sa iba't ibang network ng mga computer upang makabuo ng mas malaking network at mapadali ang palitan ng mensahe at impormasyon. Bunsod ito ng pangangailangan para sa mabilis at ligtas na komunikasyon ng mga pamahalaan sa harap ng bantanang Cold War. Tinawag na Advanced Research Projects Agency Network ang mga network ng computer na nagsimula sa loob ng kagawaran ng depensa ng Estados Unidos.
Isinapubliko ang konsepto ng internet noong dekada 80 at naging komersyalisado sa mga sumunod na dekada. Binoo ni Vinton Cerf at Robert Kahn ang Transmission Control Protocol o Internet Protocol. na nagsilbing pamantayan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga computer sa iba't ibang network. Taong 1991 naman nang ilunsad ni Tim Barners-Lee ang World Wide Web, na isang malawak na sistema ng magkakaugnay na impormasyon na maaaring ma-access ng publiko sa kanilang computer gamit ang internet. Sa kasalukuyan, ang paggamit ng internet ay isa sa pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng komunikasyon at pagkalap ng impormasyon.
Kaakibat na malawakang paggamit ng internet ang paglaganap ng mga social media at digital community. Sa kabila ng mabubuting epekto ng internet at social media, ay nagdudulot din ito ng iba't ibang suliranin tulad ng digital divide. o agwat sa pagitan ng mga individual, pamayanan o bansa na mayroon at walang akses sa internet at digital technology.
Ang isa pang malaking pag-unlad sa teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay ang pag-usbong ng artificial intelligence o AI. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay nagagawang gayahin ng mga computer at iba pang makina ang mga natatanging kakayahan ng tao tulad ng pagkatuto, pagunawa, paglutas ng problema, paggawa ng desisyon at pagiging malikhain. Pangunahing bahagi ng AI ang machine learning o paraan kung saan natututo ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng napakaraming datos upang humanap ng mga pattern o pagkakaugnay ng mga impormasyon. At mula dito ay bumubuo ng mga hinuha o desisyon kaugnay ng isang gawain.
Isang paraan ng machine learning ay ang deep learning na gumagamit ng patong-patong na neural network na nagpoproseso ng mga datos. Hango ito sa istruktura ng utak ng tao at sa pamamagitan nito ay mas malalim ang pagsusuri ng AI sa mga nakalap na datos ng walang gaanong pakikialam ng tao. Bagamat nakakatulong ang AI upang mapabilis ang ilang gawain, ay nagbigay daan ito sa iba't ibang usaping etikal tulad ng pangangalaga sa intellectual property at mapanlin lang na gawain tulad ng deepfake o mga peking larawan, video o audio recording upang magpakalat ng maling impormasyon. Ang mga isyong pangkalusugan ang mga pandemia. Kabilang sa mga pandayigdigang layunin tungo sa likas kayang pagunlad ay ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan.
Subalit isa sa malaking hamon sa paggamit nito ay ang paglaganap ng mga sakit na mabilis kumalat at makahawa. Ang Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS ay malubha at nakakahawang sakit dulot ng SARS-Associated Coronavirus 1 o SARS-CoV-1. Ang SARS-CoV-1 ay isang uri ng coronavirus na pamilya ng na kadalasang sanhi ng mga respiratory illness gaya ng sipon at rangkaso. Subalit hindi tulad ng ibang coronavirus, ito ay nagdudulot ng mas malubhang sintomas na maaaring humantong sa kamatayan. Maaari itong kumalat mula sa isang tao sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing at close contact.
Maaari din itong makuha sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at paghawak sa iyong mata, ilong o bibig pagkatapos. May pagkakahawig ang sintomas ng SARS sa mga sintomas ng pangkaraniwang trangkaso, tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, ubo, hirap sa paghinga at iba pa. Ngunit kailangang dalhin sa ospital at isa ilalim sa quarantine ang karamihan sa mga nagkaroon ng ganitong sakit upang mapigilan ang pagkalat nito. Wala pang lunas para sa SARS, ngunit nakabatay sa mga sintomas ng pasyente ang mga gamot na ibinibigay. Noong 2003, umusbong ang SARS bilang pinakaunang pandemya ng 21 dantaon.
Lumaganap ito sa 26 na bansa sa Asia, Europa at Hilaga at Timog Amerika. Kabilangan China, Hong Kong, Canada at Singapore sa mga bansa at teritoryo nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng SARS noong panahong iyon. Sinasabing nagsimula ang SARS sa probinsya ng Guangdong, China noong November 2002. Subalit na tukoy lamang bilang bagong uri ng sakit noong February 2003 sa pangunguna ni Dr. Carlo Urbani na isang Italianong doktor mula sa World Health Organization. Umabot sa 8,000 ang naitalang kaso at mahigit 700 ang nasawi. Ang avian influenza o bird flu ay isang uri ng trangkaso dulot ng avian influenza A.
Bagamat mas madalas na nakakaapekto sa mga ibon, maaari din itong maipasa sa ibang hayop at maging sa tao. Maaari itong makuha sa pamamagitan ng direct contact sa mga ibong may ganitong sakit at mga kontaminadong lugar. Ang pagkatay at paghawak ng bangkay ng mga infected na ibon at paghahanda o pagkonsumo ng hilaw na manok at iba pang poultry ay ilan sa mga gawain maaaring magdulot ng paghahawa ng sakit.
Sa kasalukuyan ay hindi pa ito na ipapasa mula sa isang tao patungo sa ibang tao. Mayroong iba't ibang uri ang Avian Influenza A virus. Isa sa may pinakamalaking banta ng malawakang pagkalat ay ang H5N1 virus, na unang natukoy sa mga gansa sa katimugang bahagi ng China noong 1996. At mula noon ay kumalat na ito sa iba pang uri ng ibong ilang at agrikultural sa Asia, Europa, Afrika at Amerika.
1997 na itala ang unang kaso ng H5N1 virus sa isang tao. At sa taong din yun ay labing walong tao ang nahawaan ng sakit sa Hong Kong at anim sa kanila ang namatay. Mula 2003 ay mahigit siyam na raang katao ang naiulat na nagkaroon ng H5N1 at mahigit sa kalahati dito ang namatay. Subalit maaaring mas marami pang kaso ang hindi naiulat. Ilan sa mga sintomas ng H5N1 ang lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan at kalamnan.
Dahil sa potensyal nito na maging malawakang pandemia, ay patuloy na tumutuklas ang mga doktor at siyentipiko ng posibling lunas panlaban sa H5N1 virus at iba pang uri ng avian influenza virus. Ang Human Immunodeficiency Virus ay uri ng virus na umaatake sa immune system na siyang depensa ng katawan laban sa mga sakit. Dahil dito ay humihina ang resistensya ng taong may HIV at mas madali itong nakakakuha ng mga sakit tulad ng pulmonya, tuberculosis at iba't ibang cancer. Kung mapapabayaan, ang HIV ay maaaring humantong sa Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS, na pinakahuli at pinakamalalangyugto ng impeksyon. Naipapasa ang HIV sa pamamagitan ng direct contact sa mga body fluids ng isang taong positibo sa HIV.
Maaari itong makuha sa pamamagitan ng unprotected sex at paggamit ng mga infected injection equipment tulad ng karayom at heringilya. Maaari din itong maipasa ng isang ina na may HIV sa kanyang sanggol sa panahon ng pagbubuntis. Unang natukoy ang AIDS sa Estados Unidos noong 1981 matapos mapansin ang pagdami ng HIV. mga kakaibang kaso ng pulmonya at cancer. Pero bago pa man ito, ay sinasabing matagal nang laganap sa bansa ang HIV na natukoy lamang nasanhin ng AIDS noong 1984. Mula nang magsimula ang pandemyang ito ay 88.4 milyon na ang nahawa sa sakit at 42.3 milyon ang pumanaw.
Sa pagtatapos ng 2023 ay tinatayang nasa 39.9 milyong katao sa buong mundo ang may HIV. Sa kasalukuyan ay wala pa rin tiyak na lunas para sa HIV. Subalit dahil sa pagunlad sa larangan ng medisina, ay mayroon ng ibang paraan upang mapigilan ang pagkalat at paglala nito. Sumasa ilalim ang mga nagpositibo sa HIV sa antiretroviral therapy kung saan araw-araw na umiinom ang pasyente ng iba't ibang gamot na nakakatulong upang mapigilan ang pagkalat ng HIV sa katawan. Bagamat hindi luna sa impeksyon, ay napapababa naman ito ang viral load at napapalakas ang immune system.
Ang coronavirus disease o COVID-19 ay nakakahawang sakit dulot ng bagong tuklas na coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2. Hindi tulad ng SARS-CoV-1 na nagdudulot ng SARS, ang SARS-CoV-2 ay mas mabilis na nakakahawa at mas mabilis magparami. Pumakalat ito sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, pagsasalita at paghinga.
Ang ilan sa karaniwang sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo, pagkapagod, hirap sa paghinga at pagkawala ng pangamoy at panlasa. Maaaring lumabas ang alinman sa mga sintomas na ito labing apat na araw mula sa pagkahawa. Karamihan sa mga nagkaroon ng COVID-19 ay nakakaranas lamang ng banayad o katamtamang sintomas. Subalit mayroon ding malalang kaso, nadudulot ng pulmonya at iba pang komplikasyon na maaaring humantong sa kamatayan.
Mas mapanganib din ang sakit na ito para sa mga nakakatanda at mga individual na may iba pang kondisyong medikal tulad ng hika, sakit sa puso, diabetes, cancer at iba pa. Unang lumaganap ang COVID-19 sa lungsod ng Wuhan, China noong December 2019. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung saan nagmula ang bagong virus, subalit may mga pag-aaral na nagsasabing malaki ang pagkakatulad nito sa virus na nagmula sa isang paniki na posibleng nakaranas ng iba't ibang mutation habang kumakalat sa populasyon ng tao. Mabilis na kumalat ang sakit sa buong mundo kaya noong March 2020 ay idineklara ng WHO ang COVID-19 bilang isang pandemia.
Upang mapigilan ang paglaganap ng sakit ay nagpatupad ang bansa ng mga lockdown at community quarantine. May 2023 ay diniklara ng WHO ang patatapos ng COVID-19 pandemic bilang isang global health emergency. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na tuluyan ang natapos ang banta ng COVID-19. Mahigit 765 milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 at mahigit 7 milyong tao ang namatay.
Kasabay ng pagbangon ng mga bansa mula sa krisis na dulot ng pandemia, ay inaasahan na magkaroon ng pangmatagalang hakbang upang matugunan ang banta ng COVID-19 at maiwasan ang muling paglaganap nito. Mga isyong panlipunan, isyong pangkalusugan at iba pa.