Transcript for:
Karunungang Bayan at Paghahambing

Iniyahandog po sa atin ng kagawaran ng edukasyon sa pangunguna at pagsisikap ng Deped ICQS at EdTech Unit. Iniyahandog po sa atin, narito ang Deped Online, ang ating Itulay Online Tutorial. Magandang-magandang hapon po sa inyong lahat. Kumusta kayo? Kasama nyo pa rin po sa ating bagong taong panro. School year 2021-2022 na po tayo. para po sa ating online tutorial. Namiss ko po kayo. Namiss nyo ba ang ating klase sa Pilipino? Naku, mukhang may mga bago na tayong mag-aaral sa ating klase sa Pilipino para sa araw na ito. At yung mga dati pa rin natin, mga mag-aaral na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin, ay binabati din natin. Siyempre, yung mga teachers natin, mga administrators, ano nakasama po natin. Sa hapo na po ito, tayo po ay nasa asignatura ng... para sa baitang walo at tayo po ay tatalakay ng unang quarter. Naku, unang-unang quarter pa lang. Naku, medyo matindi na ang talakay ang gagawin natin dahil wala tayong papalagpasin panahon. Sa ating unang linggo, may kinalaman sa karunungang bayan at pag-hunting. Pero bago ang lahat, dahil first day of classes natin, unang araw ng klase natin at unang linggo natin sa pagbubukas ng ating... pasukan. Nais ko muna kayong kumustahin. Kumusta na ba kayo? Pakicomment naman sa ating comment section saan kayo nanunood o kung anong school kayo galing para mabati natin kayo. Bago ang lahat, magpapakilala muna ako sa mga hindi pa nakakakilala ako si Tutor Ronel, ang inyong duong makabayan sa wika at politikan. Kasama ninyo para sa Filipino 8 tuwing Merkoles. Ipapaalala ko ha 2.20 o alas 2.20 hanggang alas 3.00 ng hapon. At kung napapansin nyo sa screen natin, merong question mark, di ba? Nakasama si Tutor Ronel. So mamaya may surprise ako sa inyo. Kung sino yung bago nating makakasama para sa ating klase sa Filipino para sa Baitang Mula. Excited na ba kayo? Naku, ako kasi napaka-excited o nasasabik na para sa mga gagawin natin sa bagong school year natin o taong panuroan natin 2021-2025. Kaya kung handa ka na, pakipusuan naman yung ating comment section. Gawin natin interactive, lalo na unang session natin ito. Kaya batihin muna natin yung mga nasa comment section natin sa Facebook at YouTube. May mga nanulood, sumusubaybay sa atin. Hello sa'yo, Emeline Samonte mula sa Lubaw East District kay Baby Princess. Hello din. Kay Marquis Amelo. Mukhang mga bago ang mga students natin. Okay, pakishare at pakihahangin. bahagi na sa inyo mga kaklase. Alam ko may mga group kayo, may mga group chat kayo. Pakishare na yung ating live para lahat tayo ay masayang matututo, magkakasama dito sa ating klase sa Filipino. Hello din sa iyo, Jami Salviejo, Mark Isabelo, ayan. Hello din kay Gabriel Quirubin ng Navaliches High School SVOQC. Hello po kay Daisy, ayan. Ang dami nating viewers, mga early bird natin ito. Mark Isamelo, Pumusuna, Gabriel, Arimel, Arimol, Aslam, ang inyulik ng pangalan mo ha. Hello po sa inyong lahat. Kay Daisy, shoutout daw sa Rafael Ocado Balitis, Sir Elementary School. Advisor po, Sir Cipriano Arenas. Hello po sa inyo, pati kay Last Justin Rain Gonzalez. Nagagalak po ako na makasama kayo sa ating klase sa Pilipino ngayong araw. At dahil unang sesyon natin para sa ating unang quarter sa hapon. na ito, ay nais ko munang ibigay sa inyo yung pinakabalangkas ng ating kukuning kurso o programa para sa unang quarter. Nang sa gayon, eh, pwede nyo nang tignan ano yung mga gusto nyo mapanood na episode. O pwede nyo nang planuhin ano paano ninyo gagamitin ng ating Itulay Online Tutorial bilang suplemento o pantulong sa inyong pag-aaral ng module o pag-attend ng mga synchronous classes. So sa mga teachers po nakasama natin, Pwede nyo pong i-screenshot ito ha, yung akin pong ipapakita para po alam po ninyo kung kailan po ninyo pwedeng ipapanood sa mga mag-aaral po ninyo yung mga session po natin. Yung number po sa kaliwa, yan po yung nagpapahiwating ng kung anong linggo yung ipapakita po nating session na may particular na paksa. Halimbawa, para sa unang session, ngayon yun, karunungang bayan at paghahambing po tayo para sa ikalawa, pagpapakahulugan sa mga masining na pahayag. o yung mga matatalinagang pahayag. Ikatlo, para sa ikatlo linggo, yung pagsusuri ng sanhi at bunga. Para sa ikaapat na linggo, mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga. So screenshot ko na po yan para may reference po kayo. Kung ano pong episode o session ang nais ninyo ipapanood sa mga mag-aaral bilang pantulong po sa inyong pagtuturo. Sa mga student, pwede nyo rin iscreen shot yan para updated kayo anong susunod na topic o mga paksa. Sa ikalamang linggo, mga techniques sa pagpapalawak ng paksa. Sa ika-anim, mga hakbang sa pananaliksik. Sa ikapitong linggo, ang pagsasayos ng datos. At sa huling linggo, yung ikawalo, malamang meron pa tayong kulminasyon sa... Huling linggo natin, yung pagsulat ng iresulta ng pananalik. Ayos ba yun? O syempre dahil unang sesyon natin, unang episode natin, katulad ng isang normal na klase o katulad ng face-to-face na klase natin, dahil alam kong mislimis niyo na, meron din tayong mga panuntunan, mga rules na kailangang sundin. Ayos lang ba? May rules tayong dapat sundin para masigurado natin na matututo ang lahat. So meron tayong tatlong M na susundin sa ating... pagdalo sa mga klase ni Ginong Ronel sa Filipino 8 at gayon din kapag kasama na natin yung surprise ko sa inyo mamaya na bago nating makakasamang tutor. So ano yung tatlong M na yan? Unang M, magtala. Kailangan nyo magtala lalo na yung mga mahalagang informasyon kaya siguraduhin na meron kayo dapat panulat at papel sa inyong tabi kung may mga mahalagang informasyon na kailangan ninyo maitala. Alam nyo, mas madaling matandaan. Kapag itinatalaan nyo yung mga bagay-bagay, para hindi nyo kagad malimutan. Bagaman, pwede nyo rin panoorin yung replay nitong ating session para mas tumatak sa isip ninyo yung mga pinag-aaralan natin. Ikalawa, ang ikalawa nating M ay magkomento. Napakahalagan nito. Tuwang-tuwa ako sa mga makabayang mag-aaral natin na laging nagpokomento. Sige nga, mag-comment nga kayo na ulit ng heart. Kayo ay nagnanais na tumupad sa ikalawang panuntunan natin, magkomento. Kung may naisip kayo, mga nais niyong isagot sa mga gawain o tanong natin dito sa sesyon, i-comment niyo yan, ilagay ninyo dyan para mabasa ni Tutor Ronel. O kung may mga nais kayong sabihin, kahit joke o pabate, o may nais kayong sabihin sa akin, huwag kayong magpipigil. Huwag lang syempre yung mga masasamang salita, yung mga hindi magagandang salita. Huwag lang yun, pero kung anong nais nyo sabihin sa akin, nais nyo tumawa, nais nyo magpatawa, nais nyo magbahagi ng iba pang kaalaman, ay pwedeng-pwede nyo yan i-comment sa ating comment section. Nais ba yun? May mga tumutugon. Tuntuan-tuan ako sa mga mabilis tumugon sa mga patanong at pakoment ni Tutor Ronel. Ayan, mahusay, mahusay. At ang panguling aim natin, magsaya o mag-enjoy. Naniniwala si Tutor Ronel na... Pinaka-mabisa ang pagkatuto kung tayo ay nag-e-enjoy. Sumasangayon ba kayo? Hindi ba't mas madaling matutuhan ng isang bagay kapag masaya ka, kapag gusto mo yung ginagawa mo? Kaya ang hiling ko sa inyo, mag-enjoy lang tayo, huwag masyadong seryosoin, huwag masyadong maging mabigat yung damdamin, huwag masyadong bibigin yung mga aralin natin. Dahil ako, kasama yung bago nating surpresa mamaya, e sinikap namin na gawing masaya, interaktibo at Talagang kapanapanabig yung bawat sesyon natin. Lalo pa, gamitin nyo yung hashtag ha. Hashtag Itulay Level Up. Ano mas pinalakas, mas pinalawak na ang Itulay natin ngayong school year. Kaya sisuguraduhin natin na mag-e-enjoy kayo sa mga session na yun. Ayos ba yun? Kung ayos yun, mag-heart naman sa comment section dahil hindi na natin patatagalin pa. At kahit unang linggo natin, magle-lesson na tayo. Ah, Sir Ronel, bakit magle-lesson na agad? Alam ko na sa inyong mga schools, nag-umpisa na rin ang unang linggo at alam ko may pinag-aaralan na kayo kaya hindi tayo magpapahuli. Pag-aaralan na rin natin, natutulungan ko kayo mas maunawaan yung mga aralin may kinalaman sa ating paksa. Kaya, dana ba kayo? Simulan na natin. Meron tayong gawain. Unang gawain natin ay pinamagatan nating pahayag ko, dugtungan mo. Simple lang ang panunod ng gawain. Ito, dudugtungan mo lang yung mga pahayag na nakikita mo sa... screen. O babasahin din yan ni Tutor Ronel. At ang kinakailangan mo lang gawin, dugtungan mo lang base dun sa pagkakaalam mo o kung ano yung naaalala mo, ano may kinalaman dun sa pahayag mo. Ayos ba yun? Ayos ba yun? Sige, kung handa na kayo, bibigyan ko lang kayo ng mga 3 segundo hanggang 5 segundo para mag-comment dahil maiksilang naman ito. Kaya kung handa na, simulan na natin. Unang bila, aalhin pa ang damo. Pat lang, hindi ko na masabi yung sagot. Anong sagot dyan sa una nating gawain? Pahayap ko, dugtungan mo unang bilang natin. Aanhin pa ang damo. Ano kaya ang sunod dyan? Aanhin pa ang damo kung nakakarpet na kayo? Aanhin pa ang damo kung ang bakuran ay sementado? Ano ang tama? Anong pagkakaalam niyo dyan sa pahayag na yan? Aanhin pa ang damo? Patlang, wala pa akong nakikita ang tamang sagot ha. Comment na, anong tamang sagot dito? Baka medyo may delay tayo. Ayun, may sumagot na. Galing. Una si... Gabriel Quirogbi, no, mahusay. Sabi niya, kung patay na ang kabayo. Tignan nga natin kung tama si Gabriel. Ang tama sagot ay, kung patay na ang kabayo. Naks! Galing! Akala ko aahin panda mo kung bakuran niyo ay sementado eh. No, may ibig sabihin yan. Alam niyo ba ibig sabihin yan? Parang ibig sabihin ito eh, aahin mo pa yung isang bagay kung wala na o huli na ang lahat o hindi na maaaring magamit pa yung isang bagay. Naintindihan? May mga sumagot din. Si Mark Isabelo, Graviel, very good, nuhusay. Mark, o minsan iba hindi sumasagot. Di ba, panuntunan natin na magkomento sa mga tanong ni Gino Ronald. Ikalawang bilang, nagtago si Pedro. Patla, ano kaya ano dyan? Ano kaya sabot dito sa pahayag? Pahayag ko, dugtungan mo, bilang dalawa. Nagtago si Pedro... Anong kasunod? Nagtago si Pedro... Hinanap siya ni Juan? Ayan, nasa na yung mga sumasagot natin. Mga makabaya mag-aaral ng Grade 8 sa mga parents, pwede din pong sumagot kung alam ninyo yung sagot. Pati po sa mga teachers natin. Magandang hapon po. O, anong sagot? Nagtago si Pedro Patlang. O, ano? Sige nga, medyo matagal na yung... Ang sagot natin mukhang may delay, kaya sasabihin ko na ang tamang sagot. Ang tamang sagot ay, nakalabas ang ulo. Uy, alam nyo ba ito? Baka di nyo na alam ito. Ito ay isang buktong. Anong sagot dyan? Nagtago si Pedro. Anong sagot ni Gabriel? Nakalabas ang ulo. Tama. Sabi ni Marian, labas din ang ulo. Pwede din. Sabi ni Daisy, ano ito? Tumago si Pedro. Nag-tago si Pedro, tumago si Pedro. Mukhang iba yun ah. Ano ang sagot dito? Nag-tago si Pedro, nakalabas ang ulo. Ang sagot ay, pako. O, familiar pa ba kayo dyan sa mga bugtong? Mukhang hindi na ah. Sabi ni Nins, naiwan ang ulo. Sa naiwan. O siguro pwede din yun ano. Pero ang pinakatama ay nakalabas ang ulo. Yan, sabi ni Nins, pako. Very good. Mausay. Sabi ni Daisy, pako. Ikatlong bilang tayo. Pahayag ko, dugtungan mo bilang patlo, nagsusunog ng patlang. O nag-aaral ng mabuti. Nilagyan ko ng clue kasi baka hindi kayo familiar. Sabi ni Geber, bugtong po yan, Tutor Ronald. Tama, sa'yo bugtong. Nang sagot ay pa po. Sa ikatlong bilang, ano naman kaya itong hinihingi sa patlang natin? Nagsusunog ng patlang. Ano ba, sinusunog? Mga papel? Nagsusunog ng basura? Uy, bawal magsunog ng basura, nakasasamayan sa kalikasan natin. Ano ang sagot? Nagsusunog ng patlang o nag-aaral ng mabuti? O sasabihin ko na ang sagot ha. Ang sagot ay, nangkilay. O ano kayang ibig sabihin niya? Literal ba? Nakilay? O tama si Gabriel, kilay daw. Anong ibig sabihin kapag nagsusunog ng kilay? Hindi literal na nagsusunog ng kilay. O mga mamaya, nakita ko kayo, nagsusunog kayo ng kilay ha. Delikado yun! Ang ibig sabihin natin ng nagsusunog ng kilay ay nag-aaral ng mabuhay. Mamaya mas tatalakayan pa natin yan. Yung mga ganyan. Ikaapat na bilang, o konti na lang, patlang masaganang buhay ang supli. O parang mahirap to kasi parang hindi to familiar masyado sa inyo. Sige nga, kung may makakasagot kaya nito, ikaapat na bilang, masaganang buhay, patlang masaganang buhay ang supli. Sige nga. Uy nga pala ha, yung pinakaaktibo natin sa pinaka... Yung pinakaaktibo natin mag-aaral sa huling sesyon ay bibigyang pagkilala natin sa susunod na sesyon. Para mas mahikayat kayo na magkomento, ipopost natin yung account na kung sino yung pinaka maraming na sagot, pinakaaktibo sa susunod na sesyon bilang pagkilala sa inyong pagiging aktibo. Kaya sumagot kayo para ma-feature, ma-itampo. po kayo sa susunod na episode. Sagot! Nag-aaral ng mabuti, pwede kaya yun? Oo, pwede rin yung nag-aaral lang mabuti, pero ang tama ang sagot natin ay, ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sa'yo. Samasangayin ba kayo? Tama nun, di ba? Kapag mabait ka, kapag mabuti kang tao, malamang magiging masagana ang buhay. Babalik sa'yo yan, ano, ng mundo yung kabaitan mo, susuklian. Malamang higit pa o doble pa. O, panguli na tayo. Ito, madali lang ito. Kung ano ang puno, patlang. Kung ano ang puno, anong sagot? Yun din ang tangkay. Ano kaya ang sagot dito, mga makabaya mag-aaral? Grade 8. Kung ano ang puno, patla. Kung ano ang puno, yun din ang sanga. Familiar ba kayo dito? Naabutan niyo pa ba ito? Ayun, ang bilis talaga ni Mark Isabelo. Sabi niya, number 5, kung ano ang puno? Siya din o siya rin ang... Ayos ba yun? Tama ba yung sagot niya? Siya rin ang... Ano kaya ibig sabihin yan? Sa madaling salita, di ba parang may pinagmanahan? Kung ano ang tatay, yun din yung anak. Kung ano yung nanay, yun din yung anak. At kung ano yung puno, yung pinagmulan, yung pinagmanahan, yung pinanggalingan, yun din yung katangian na makukuha ng buwan. Sinasabi yan kapag parang yung anak nagmana sa magula. Sinasabi yung... Pahayag na yun kung ano ang puno, siya rin ang puno. Ngayon, sa lahat ng tinanong sa inyo ni Tutor Ronel, ano sa tingin nyo ang tawag sa mga pahayag na ito, sa mga salita na ito? Ano kaya ang tawag sa mga pahayag na hinulaan ninyo, sinabi ninyo, tinukoy ninyo yung kabuuan ng pahayag? Ano kaya ang tawag dyan? Tawag natin sa mga nabanggit sa una nating gawain ay Karunungang Bayan. Maaaring itala ha, Karunungang Bayan. Tandaan na may gitling yan at kapag sinulat ninyo na hindi nasa malalaking titik ay maliit na titik bilang yung salitang bayan. O tandaan, mga nabanggit natin ay Karunungang Bayan. Isa-isa niy natin. Bigyan muna nating kahulugan ang Karunungang Bayan. Ito'y tumutukoy sa mga alamat, bugta, Ito ang salawi kay iba pang anyo ng katutubong panitikan na mapaghahanguan natin ang sinaunang paniniwala o halaghan. Ibig sabihin, ang karunungang bayan ay nagmula pa kamino sa ating mga ninuno, sa mga katutubo na malamang bago pa dumating ang mga kastila nang sakupin tayo noong 1500s ay meron ang umiiral ng mga karunungang bayan. Kadalasan daw sinasabi na ito ay pasaling dila o papasa-pasa sa iba pang mga kabahagi ng lipunan sa pamamagitan ng pagpukwento, pagsasambit, pagpapasa sa pamamagitan ng bibig o pakikipag-usap. At ito yung patunay na tayong mga Pilipino, bago pa man tayo magkaroon ng mga mananakop o bago pa man dumati yung mga mananakop na Kastila, ay patunay na mayaman ang kulturo. natura natin sa ating kapuluan. Ibig sabihin nyo, mga umiral na pangkat etniko dito, hindi totoo na yung sinasabi nila na para tayong mga barbaro na dinatdan dito, hindi totoo. Dahil meron nga tayong, biruin nyo, karunungan. Hindi lang basta kaalaman, mas malalig. Sinasabi sa atin, karunungan. At dahil ito nga ipinaniwalaan ng karamihan, ito ay tinawag na karunungan bayan. At hanggang ngayon, marapat na balikan natin. Ano-ano kaya yung mga karunungang bayan? Ito. Tingnan nga natin. Ang unang karunungang bayan na tatalakayin natin ay bugtong. Ano nga ba ang bugtong? Ito ay isang uri ng palaisipan na nasaan yung patula. Ibig sabihin kapag patula, merong tugma at sukat. O kadalasan, magka-tugma o parehas ang tunog ng huling pantunog. sa dulo ng bawat taludtod. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali o mga pang-araw-araw na buhay o mga bagay o gamit na makikita sa paligid. So, ibig sabihin, kahit ano sa paligid natin, eh pwede natin gawing bugtong. So, dahil ito ay palaisipan, paano po ba ang mechanics tuturunin para makapag-bugtong tayo, makapag-bugtungan tayo. So, ang kadalasang ginagawa dito mga makabayang mag-aaral, Iilalarawan mo yung napili mong bagay o kahit ano sa paligid mo sa pamamagitan ng hindi tuwiran o hindi tiyak ng mga katangin. Ibig sabihin, mga hudyak o clues lang, mga clue lang yung ating ibibigay. Upang hulaan ng ating kabugtuman kung ano yung tinutukoy. Maliwanag? Nai-imagine nyo na ba? Siguro may ideya naman na kayo tungkol sa bugtong, di ba? Pero sa mga wala, nai-imagine nyo na ba kung paano, naiisip nyo na ba kung paano gumagana ang bugtong? So ibig sabihin, magpapahula ka ng isang bagay sa pumagitan ng pagsasabi ng katanginan. Pero bubuin mo sa paraang patula. Ibig sabihin, dapat nag-rhyme o dapat magkatunog yung huling pantig ng bawat talutod sa gagawin. para mas madudas. Kapag sinambit natin, mas magandang pakinggan, saka mas nakapangahamol sa isip. At bago tayo pumunta sa halimbawa, nais kong bigyang pansin ninyo na alam nyo ba na ang bugtungan ay ang anyo ng libangan ng ating mga ninuno noong panahon ng mga katutubo, panahon ng pamayanan, bago pa tayo masakop ng mga kastil. So kung ngayon, ano ng pastime ninyo? Ano na bang libangan nyo ngayon? Mga social media, cellphone. Noon, ang kanilang pastime o libangan, magpasa hanggang ngayon, may mga Pilipino pa rin na itong hilig na libangan, e magbugtong, maghulaan ng mga kanya-kanya. Sagutan nyo nga itong mga bugtong na inihanda ni Tutor Nel. Kung mahuhulaan nyo ba ito, sige nga. Bugtong, dumaan ang hari, nagkagata ng mga pangit. O ano kaya ito? Dumaan ang hari. Nagkagata ng mga pari. Sabi natin kanina, hindi literal o hindi tiyak. Hindi literal na may paring nagkagata. Ang hirap naman siguro nun o si father na ipagkagata. Tapos may hari, wala naman ng hari ngayon. Ano kayang sagot sa bugtong? Ano kayang nilalarawan nito? O, ang bilis din din kasi ang tamang sagot ay zipper. Nice! Ang galing! Mauusay! Sunod! O, ito naman. Isang hook. hukbong mga sundalo, dikit-dikit ang mga ulo. Napapansin ninyo, magka-rhyme o magkatunog yung huling linya. Kailangan lang siguro isa-ayos yung nasa screen natin. Pero yung hangganan ng unang linya ay doon sa sundalo. Tapos katunog niya yung ulo. Nakuhan nyo? So maganda pa rin gan. Isang hukbong mga sundalo, dikit-dikit ang mga ulo. Ganda. Sagot ni Mark ay, post-purpose format ba? May iba po ba kayong mga sagot? Ang tamang sagot ay walis tingting. Kasi di ba yung mga walis tingting kapag tinali yung ulo nila, yung taas na bahagi, dikit-dikit. O medyo nakapangahamon talaga ito ng mga isip. Kasi minsan nakala mo yun ah. Hindi pa pala yun. O panghuli, nakayoko ang reyna, hindi nalaglag ang corona. O magkatunog ulit, reyna corona. Ano kaya ang sagot dito? O hindi literal na corona yun. crown. Isip kayo, ano ba yung mga mukhang may crown o corona? Pwedeng protons, pwedeng bagay, o kahit ano na nakikita sa paligid. Tamang sagot ay bayabas. O di ba yung bayabas, yung dulo ay yung nasa babambahagi. Parang crown o corona. Kaya kahit nakataong, nakapailalim yung corona na yun, hindi daw nalalaglag, sabi nung ito. Kasi nasa ilalim. Nakalaga yung makikita yung corona. Ayos ba? Pwede kayong gumawa ng mga modernong bugtong. Kailangan nyo lang gawin ay sundin yung mga tagubidin ko kanina. Kailangan nilalarawan yung nais nyo pahulaan. Pero syempre, huwag tuwiran, huwag tiyak, huwag literal. Pwede nyo gawa o isipan ng mga palabok o pwede nyo lagyan ng mga pampagulo para mas may nirap hulaan. At syempre, ito ay nasaan yung patula. May supat dapat. Kailangan mas maganda kung magkatunog yun. Marami pa akong bugtong, kaso kukulangin tayo sa oras. Sana nasiyang kayo sa bugtungan natin. Naku na tayo sa susunod. Ang susunod natin ay ang salawikain. Ano naman ang ibig sabihin ito? Nagsisilbi itong butil ng karunungan at itinuturing na batas o tuntunin ng kagandang hasal ng ating mga ninuno. Kadalasan, nagtataglay ito ng sukat at tugma at sinasambit gamit ang matatalinhagang salita. Binigyang diin ko na... O pinakapal ko na yung titik ng mga susing salita. At yung mga susing salita natin, kagandahang asal. O kailangan, para masamin sa lawi kain, dapat nagtuturo ng kagandahang asal. Sa katunayan, sa panahon ng ating mga ninuno, sa panahon ng katutubo at pamayanan, ay ito talaga yung sinusunod nilang mga tuntunin o batas may kinalaman sa mga mabubuting gawi, yung mga do's and don't, yung mga dapat at hindi dapat gawin. At, Pero syempre dahil tayo ay mga masisining, di ba? May lahi tayo ng pagkamalikhaid. Hindi lang basta, kagandahang asal. Isinulat at binuunila yan ng may sukat at tugma. Kaya mapapansin nyo dyan, magkakatunog din yung dulong pantig o iisa lang din yung tulog ng dulong pantig o nahati din sa mga linya. At ang pinakatampok sa salawitain e matalinhaga yung pagkakasabi. Ibig sabihin, hindi literal gumagamit ng mga tayutay, simbolismo o mga pahayag na nagpapahiwating lang ngunit di direct ang sinasabi yung naisip. ipahihwatin. Ibig sabihin, mga makabayang mag-aral, kailangan nyo pangisipin ano kaya ang ibig sabihin o na anong kagandahang asal ang nais ituho ng salawit kain na mababasa o maririn. Okay? O, para subukin ko yung inyong pagsusuri kung malalaman nyo ba anong ibig sabihin ng salawit kain, tignan natin yung mga halimbawa na. Unang halimbawa, ang lumalakad ng matulin kung matinig ay malalim. Kung lumalakad ng mabagal, kung matinig ay mababaw. O makita ninyo, ano yung mga katangian natin? Una, merong sukat at tugma. Magkakatunog yung dulo na mga pantig o mga syllables. Matulin, malalim, lumakad ng mabagal, kung matinig ay mababaw. Tingnan natin, literal ba? Literal kaya ang kahulugan o matalinhaga? Siguro matalinhaga. Kung bakit? Kasi hindi naman siguro literal na... Pag naglakad ka, matitinig ka. O panghuli, natuturo ba ng kagandaang asal? Ano bang ibig sabihin ng salawid kayo na ito? Turiin natin, ang lumalakad daw ng matulin, kung matinig, ay malalim. Ano kaya tinutukoy yun sa paglakad ng matulin? Marahil ang tinutukoy ay yung maaaring mga desisyon sa buhay. Kapag daw padalos-dalos, kapag matinig, umasaktan, malalim, ibig sabihin, matindi magiging... epekto. Pero kapag mabagal, pinag-iisipan, nag-iingat, kapag matinig ka, masaktan ka man, e mababaw na. Hindi ka masyadong masasaktan. Naintindihan ba? So nakita yung tatlong katangian ha? Una, may sukat at tugma. Pangalawa, ano yung pangalawa? Matalinaga, hindi literal. At ikatlo, ano yung ikatlo? May kabutihan o kagandahan asal na ituturo. Tignan pa natin yung ibang halimbawa. Kapag isinuksok, may madudukot. O patulad din yung anyun niya, yung anyun nito, matalinhaga, kasi hindi naman literal na kapag may sinuksok, may madudukot. Siguro sa ibang pagkakataon, literal yan. Kasi kapag may sinuksok pa nga naman, may madudukot ka. Pero yung kagandahang asa na naisipahihwati ka, hindi literal. Anong ibig sabihin yan? Kapag nag-impok ka, kapag nag-ipon ka, sa oras ng pangangailangan, eh may makukuha ka. Sabi nga dito ni... Gabriel Quirovino, wag pong magmamalali sa bawat desisyon, pag-isipang mabuti po. Oo, tama yun. Yan yung interpretasyon nung naaraang salawi tayo natin. Mahusay yan, Gabriel. Sunod, kung walang tiyaga, walang nilaga. Literal ba na nilaga yung tinutuko? Hindi ba pwedeng adobo? Hindi ba pwedeng tinola? Kung walang tiyaga, walang tinola? Kasi yun yung paborito mong food. Kung walang tiyaga, walang kalbere pa, di ba pwedeng ganon? Hindi kasi literal. Ang ibig sabihin lang dito, kung hindi ka magtsatsaga o hindi ka magpapakita ng pagsisikap, eh wala kang nilaga, wala kang makukuhang kapakinabangan, hindi ka gagaling, hindi ka magiging mahusay. Nakukuha yun? So nandun yung lagi yung tatlong katangian. Patalinhaga, sukat at tugma, tsaka kagandaan. Paliwanag! Uy, may pa-hashtag kayo, ha? Hashtag! Tutor Ron from Caloocan High School. Si Tutor Ronel ay galing ng Caloocan National Science and Technology High School o CalNATSY. Baka malito kayo ah. Galing si Tutor Ronel ng CalNATSY. Oo, Mark Clayton, nagbabalik ang ating isa sa mahusay na. Tuti, hello sa'yo. Malamang mga mag-aaral ko siguro itong mga nagko-comment. O hello sa inyo, hello sa inyo. O okay na tayo sa Bugtong at sa Lawi, kain. Adako na tayo sa... Ikatlo natin ang sawikain. Huwag malilito. Iba ang salawikain sa sawikain. Anong pinagkaiba? Ang sawikain, salita o parirala lamang. O dun muna tayo. Para di kayo malito, pag sawikain, maiksilang. Okay? Sabi natin, salita o parirala, ibig sabihin, ilang salita lang. Siguro mga dalawa, tatlong salita lang. Na sinasambit sa parang eufemistiko, patayutayo, o idiomatiko na ginagamit. Kapag may gusto kang ilarawan pero ayaw mong gawin, direkta o tuwiran yung paglalarawan mo. So ibig sabihin, gagamit ka ng matataling hagang pahayag. na nagpapahihwating ng gusto mong sabihin o nais mong ilahawan. Ulitin ko, huwag malilito. Salawi ka in, mahaba yun kasi patula, may mga linya na sinusunod. Kapag sawi ka in, maiksina. Maliwanag? Baka hindi kayo malito. Dahil ito ay mga salita o parirala lang. Anong nais o anong layunin na sawi ka in? Maglarawan sa paraang matalinhaga o hindi tuwiran. Para mas maunawaan, Bibigyan ko kayo ng halimbawa. Halimbawa, kamay na bakal. O diba, tatlong salita lang. Yan yung sawi kain. Naglalarawan niya ng isang bagay o isang katangian. Ano ba ibig sabihin ng kamay na bakal? Sige nga, pakicomment. Yung kamay na bakal ay nagpapahihwating ng pagiging mahigpit o pagiging stricto. Diba, ginagamit natin yung kamay na bakal upang ipahihwating yung mga mahigpit. magpatupad ng batas o ng mga panuntunan. Ano pang halimbawa? Balat-sibuyas. Anong ibig sabihin natin ng balat-sibuyas? Ano naman yan? Yung, di ba, pag balat-sibuyas, madali kang maiyak, di ba? Pag naghihiwakan ng sibuyas, kaya pinapahihwating yan. Siguro yung mga sensitibo na tao, tama? Ano pa? May bulsa sa balat? Ano kaya ibig sabihin yan? May bulsa sa balat naman, nangangahulugan na, Medyo matipin o sa iba pa nga, sabi nila, kuripot. Ano pa? Pinag-isang dibdib? O hindi, literal na naging isa yung dibdib ng dalawang tao. Kapag sinabi natin pinag-isang dibdib, e ikinasan. Maliwanag at panghuli, malikot ang kamay. O ano kaya ibig sabihin pag malikot ang kamay? Hindi literal na yung kamay, e, gumaganyang ganyan, di ba, saan saan napupunta. Ang ibig sabihin yan ay, kumukuha ng hindi sakad. Medyo negatibong katangian pa na yan. Maliwanag, sa katunayan, pwede naman kayong umisip ng mga sawi kain. Sinasabi sa atin na kadalasan daw, kumili ka lang ng katawan, ng bahagi ng katawan ng isang tao, tapos pag may didugtong ka, kadalasan nagiging sawi kain yun. Halimbawa, ulo. Anong mga mayroong sawi kain sa ulo? Matigas ang ulo. Anong ibig sabihin nun? Hindi literal na matigas, kundi ayaw sa muna. Kamay. Ano sa kamay? Kamay na bakal, malikot na kamay, ano pa? Daliri, ano sa daliri? Daliring, kandilang daliri, ibig sabihin magaganda yung daliri. Paa, ano sa paa? Malikot ang paa, mabigat ang paa, ibig sabihin na mabigat ang paa, ibig sabihin masakit manipa, mga ganyan. Maliwanag? Mata, ano sa mata? Kisap mata, mabilis, ibig sabihin. At marami pang iba. So, ibig sabihin, ang tatandaan nyo lang dito, kapag mga salita o parirala lang, na ginagamit upang maglarawan ng isang bagay o katangian, sa pangmagitan ng hindi tuwiran o hindi direktang paraan, matalinhaga, gumagamit ng mga taliw kay simbolismo, sawi kay. Pusong mamon, pusong bato, sa puso pala ang dami. Ayan, mga halimbawa natin. Mahusay, ayesa. Tsaka, oh, hello po. Tutor doon. Tengang kawali, ang dami niyo palang alam. Sa mga bahagi ng katawan, marami talaga yan. Anong pangano niyo? Butas ang bulsa, ibig sabihin walang pera, sabi ni Gabriel. Makapalampalad. Uu sa inyo ha. Tutuwa ako. So nakikita niyo na yung ibig sabihin ng sawi kain. Kaapat natin ay ang kasabihan. Baka malito kayo sa pagitan ng kasabihan at sa lawi kain. Ano bang pinagkaiba? Sinasabi sa kasabihan, ang pahayag na nagbibigay din ng pangaral. E di ba ganun din yung salawi kay Tutor Ronel? Nagbibigay din ng pangaral. Anong sinasabi? Gumagamit din ng sukat at tugma. May linya din siya. May talugtod din. O parang salawi kay din yan, Sir Ronel o Tutor Ronel. Anong pinagkaiba ng salawi kayin at kasabihan? Ang magkakaiba yan sa panghuli. Dahil ang salawi kayin ay matalinhaga, subalit ang kasabihan ay tuwiran. Hindi mo na kailangan mag-isip. Dahil kung ano yung sinasabi ng kasabihan, Yun na mismo yung pinupunto ng kasabihan. Maliwanag? Ang ibang tawag sa kasabihan ay kawikaan. Nakalimutan ko sabihin kanina, yung sawi kain, tinatawag din yung idioma. Samantalang kasabihan, tinatawag din kawikaan. Naintindihan? So ulitin ko, kahalintulad lang din ang salawi kain ng kasabihan. Anong pinagkaiba? Ang salawi kain, matalinhaga. Ibig sabihin, gumagamit ng mga malalalim, tayutay, simbolismo. upang ipahihwating yung kagandahang asal. Samantala, yung kasabihan naman, may sukat tugma din. Diba? Tungkol din sa mabutiang pag-uugali. Pero, Literal. Hindi mo na kailangang pag-isipan. Tuwiran yung pinupunto. Hindi na paligoy-ligoy. Wala ng simbolismo. Para mas maintindihan nyo, bibigaw ko kayo ng halimbawa. Sa halimbawa ng kasabihan ay ang malinis at maayos ay malapit sa Diyos. So kita natin, may tugma pa rin sa dulo ng mga pantig. Maayos Diyos. Nasa parang ano pa rin, may palutut pa rin. Ano pa yung katangian natin kanina ng kasabihan? Sabi natin, may tinalaman sa kagandahang asal. Ano bang kagandahang asal na tinuturo dito? Pagiging malinis at maayo. Sabi, pagiging malapit daw yan sa Diyos. Pero meron pa bang mga malalim na pakahulugan? Wala. Di ba yun na yun mismo? Sinabi na sa'yo. Hindi mo na kailangang pag-isipan. Maliwanag? Maliwanag? O, medyo iwawasto natin yung mga nasa halimbawa ha? Kasi yung mga binipigay sa halimbawa, salawi ka inyan. Halimbawa. Yung halimbawa ni Mark, Platon, sa hinabahaba ng posisyon, sa simbahan din ng tuloy. Yan ay hindi literal. Ibig sabihin matalinhaga yan. Sinasabi yan kapag ang haba ng proseso, doon din naman pala ang punta, hindi literal na sa simbahan ng tuloy. So ibig sabihin kung matalinhaga yan, ano yan? Salawi kayo. Kapag kasabihan, hindi mo na kailangan interpret o bigyang pakahulugan. Direkta na. Ayon, very good, Mark Clayton. Ang pagsasama ng maluat ay pagsasama ng tapat. Ayan, wala ka nang i-interpret dyan. Malinaw ang sinasabi, pag nagsama kayo ng tapat, with honesty, may katapatan, magsasama kayo ng maluat. Naiintindihan? Pero may supat at tugma pa rin, patula pa rin ng anyo, at syempre may kagandaan. Iba pang halimbawa, kumain tayo ng gulay upang humaba ang ating buhay. May rhyme pa din, sa dulo may... parehas na tugma sa dulumpanti gulay, buhay, at nagtuturo din ang anong mabuting gawin pagkain ng gulay. Pero literal, kumain ka ng gulay, hahaba ang buhay. Maliwanag? Ano pa? Last, ang kapalaran hindi man hanapin, dudulog lalapit kung talagang aking. So may kinalaman naman ito sa kapalaran. Kahit di mo daw hanapin ang kapalaran, kung saan darating sa'yo. Literal, wala nang ligoy pa. Maliwanag? Alam niyo kung saan niyo kadalasan naririnig itong kasabihan? Alam niyo kung saan? Una sa matatanda. Kapag pinapayuhan tayo ng mga medyo lolo-lola natin o nakatatanda sa atin, kadalasan may mga kasabihan niyang baon. At pangalawa, saan niyo kadalasan naririnig yung kasabihan? Di ba sa mga pageant? Little Miss Philippines, di ba? Ang batang makulit. Di ba? Ganon. May mga pakasabihan sila. O kahit nga ngayon sa mga palabas sa mga variety show tulad ng Itbulaga, di ba may pakasabihan pa na ginagawa? Doon yung kanilasan na rin ginagawa. Pero karunungang ba yan? Yan, ibig sabihin patuloy na nagagamit natin yung karunungang. O, meron pa tayong iba pero yun yung unang apat, yun yung pinakatampok natin. Tignan nga natin yung ibang halimbawa bago tayo tumungo sa susunod. Sabi kasi dito, alimbawa, may nakita ko eh, yung kay Gabriel, kapag makitid ang kumot, matutok ang mamaluktot. Tanong, literal ba yun? Kapag tungkol yun sa kumot, yung pahayag na yun, literal ba? Diba ang sinasabi no, matutok magtiis, pero literal ba na kumot yung tinutukoy? Hindi, diba? So, ibig sabihin matalinhaga. O ano yun? Kasabihan ba yun o salawi kayo? Salawi kayo. O tingnan pa natin yung mga halimbawa. May nakita akong maganda eh Yung kay Ace, McLendel Kung ayaw mong gawin sa'yo, wag mong gawin sa kapwa ko Pasak yun, kasi may tugma May kaganda ang asa Tapos, literal, kasabihan yun O mukhang naintindihan yun na, dako na tayo sa iba pa O meron din tayong parahulungang Bayan na palaisipan Palaisipan naman, mabilis na lang to Kasi mas tampok yung unang apat Palaisipan naman, hindi kailangan Na ito ay may sukat o tugma Tulad ng bugta pero kadalasang ito ay humahamon sa isip natin. Madalas dito pang palipas oras dahil parang tanungan ito. Parang susubukin mo kung malalaman niyo ba yung sagot sa pumagitan ng mga pinag-isipang palaisipan. Anong mga halimbawa nito? Meron akong palaisipan sa inyo. O bakinig ah, may tatlong magkakapatid na babae. May kasabihan na kapag daw natulog ka, o may pamahiin na kapag daw natulog ka ng basaang buho. Eh, pag kinabukasan, e mabubulag ka. May pamahina ganyan, di ba? Pag natulog kang basahang buhok, pag ising mo kinabukasan, mabubulag ka. May tatlo magkakapatid na sabay-sabay. naligo sa gabi, sabay-sabay nagbihis at sabay-sabay natulog. Pero pag ising nila kinabukasan, dalawa lang yung nabulag, yung isa nakakakita. Bakit ganon? Sige nga. Merinig din na ba yung palaisipan na yan? Actually, mapapanood yan sa isa sa session natin. sa Deped TV. Mamaya ang area ng 305. So pagkatapos nyo dito, pwedeng doon naman kayo dumiretsyo, mga grade 8-7. O ulitig yung kwento ha, may kasabihan, may pamahina kapag doon natulog ka, nang basa ang buhok, magigising ka, nabulag. May tatlong magkakapatid, sabay-sabay naligo sa gabi, sabay-sabay natulog, pero kinabukasan, dalawa lang yung nabulag, yung isa nakakakita. Bakit nakakakita yung isa? sa tatlong magkakapatid na babae. Ang sagot ay dahil wala siyang buhok. Kalbo siya. Naisip niyo ba yun? Nasagot niyo ba yun? At marami pang ibang palaisipan. Magandang pala rin yan eh. Libangan saan. Panghuli, yung bulong. Tutor Ronel, ano naman yung bulong? Medyo seryoso tayo dito kasi may dalawang uri yung bulong sa ating kulturang Pilipinas. Yung unang bulong, yun yung ginagawa o sinasambit natin kapag Meron tayong naisabihin sa mga extraordinary o supernatural na mga elemento sa paligid natin. Sa magandang halimbawa dyan, kapag naglalakad kayo sa mga masusukal na lugar, anong sinasabi kadalasan na mga matatanda o kahit ngayon sinasabi pa rin na mga bata? Anong kadalasan sinasabi? Tabi-tabi po sa mga nunong nandito. Yung pagsasabi nun, isa yung karunungang bayan na tinatawag na bulong. Bumubulong ka sa mga supernatural o extraordinaryong mga elementong pinaniniwalaan sa paligid natin. Ay kalawa namang ginagawa sa kultura ng Pilipino, may kinalaman sa bulog, may kinalaman sa mga Yumao. Bago daw Yumao, ang ginagawa daw ng mga Pilipino, bumubulong doon sa Yumao habang siya ay nakahimlay para magbigay ng huling wish o huling hiling. Alam mo, gabayan mo kami o lagi mo kami titignan o aalalahan. Para daw pag may... Puntan na halimbawa sa langit, matupad yung kahilingan na ibinulong doon sa nahinlay. Okay yun? Okay yun yung sa bulong natin? So yan lang naman yung hindi naman masyadong pinakatampok talaga natin yung apat, pero mainam na alam nyo akin yung dalawang karunungan mo. Pala-isipan at bulong. Sabi niya niya sa love trip daw yung tatlong magkakapatid na babae. Kalbo pala yung isa. Panoorin nyo po yung Depend TV episode 1 natin. po yung animation niya para ma-imagine niya talaga anong itsura nung kalbo na kapatid na babae na hindi na bulag kasi kalbo siya. Okay, medyo overtime na tayo kaya bibilisan natin. Ang susunod nating gawain, gawain dalawa, ay pinamagatan nating alin, alin, alin ang naiba. Simple lang ang panuto ng gawain ito. Magpapakita ko ng dalawang larawan sa screen. Ang kailangan mo lang gawin ay tukuyin ang pinagkaiba ng larawan. Nice ba yun? So parang spot the difference. Ganun lang kadali. Uy, sali kayo ha. O, pag tingnan nga kung anong pinakaiba ng dalawang larawan na ito. Mahilig ba kayo sa mga ganyan? Sa mga dyaryo, madaming ganyan eh. O sige, kada tatlong segundo i-re-reveal ko. I-re-reveal ko ang ilan sa mga pagkakaiba. Hop! O, yun na yung una. Yung isa may bilog, yung isa wala. O, kayo, kayo, kayo. Magana. kayo, bangunahan ko kayo niyan. Hop! O, yun! Wala yung frame dun sa kabila. O, sabi ni Menes, HL. HL ba? O, yung picture daw wala. Very good. Ano pa, mga makabay mag-aral? Hop! O, yung orasan. Di ba yung aparador? Sabi ni ano meron sa aparador? Ah, oo. Oo yung aparador. Ito muna yung paso. Kunti lang yung dahon ng isang pato Yung hawakan ng cabinet, sabi ni Mark. Sige nga. Ah, iba pa rin eh. Ayan. Yung libro. Napansin niyo ba yung libro? May star yung nasa kaliwa. Yung nasa kanan, walang star. May ulap po sa... Ah, hindi ko nakita yung ulap sa bitana. Ang galing na na. Tingnan pa nga natin. Yung libro. Magkaiba yung libro. Tama ba? Ano pa? Yung una, niba yung kulay? Ano pa? May saging ata doon sa kabila. Ah, yung sa libro, may puti. Oo, gagaling nyo talaga. At yung panghuli, yung sa aparado, o sa drawer. Hindi ko nabilugan yung ulap. Hindi ko nakita. Ang gagaling nyo, ha? Oo, tama kayo. Sino yung nakahula ng ulap? Si Ace. Kulang ng isang una na blue. Ang gagaling nyo, ha? Sabi ni Kana, wala pong ulap. Mark ulap. Rain ulap. Oo. Ang dami. Napansin nyo? Hindi ko napansin yung ulap. Okay, dahil ang gagaling ninyo, anong proseso ang ginawa ninyo para mahulaan ninyo? Kung ang iyong wala dun sa isa at meron dun sa isa, ang ginawa ninyo ay tinatawag na paghahambing. So marahil ay ginagamit nyo na ito sa inyong pang-araw-araw na paikipag-talastasan, paikipag-usa, pero tuuwi natin ano ba yung dalawang uri ng paghahambing. Una, pahambing na magkatulad. So ginagamit natin ito kapag maghahambing tayo ng mga bagay na magkatulad. Sa anong mga salita na dinudugtong natin sa katangian o pang-uri o pang-abay na ginagamit natin para maipakita natin yung paghahambing ng magkatulad? Halimbawa dyan, mga panlaping magka, sing, sim, sin, magkasing, magsinga, pareho at kapwa. Sabi ni Nins comparison, sabi ni Gabriel, pinaghambing ko. Mahusay. Halimbawa natin ang paghahambing ng magkatulad, sa titik A, magkasing tangkad ang magkapitbahay na sinak... Kevin at Elson. Ibig sabihin, dahil ginamit natin yung panlapin na magkasing, nagpapahihwating ito na parehas. Ibig sabihin, magkatulad. So, pag tinignan mo si Kevin at si Elson, magkasing pangkat sila. Pareha sila ng taas, ng high. Sa ikalawang, sa titikbi naman, ang magpinsang sina AJ at Diana ay kapwa, mahilig kumanta. Ginamit naman yung salita na kapwa. So, ibig sabihin, kapag tinignan natin yung interest na sa pagkanta, pareha silang mahilig dito. Si AJ, at siya na magkatulad. Napakadali, di ba? Napakadaling intindihin. Samantala, sa kabilang daku naman, eh meron tayong tinatawag na paghahambing na di magkatulad. Ang pinaghahambing naman natin dito, ginagamit naman natin yung mga panlapit, mga silpang ito upang ipahihwating na hindi parehas yung katangian. Maaaring yung isa ay lamang, at maaaring naman yung isa ay maliwanag. So pag-usapan muna natin yung palamang. So tinatawag natin itong paghahambing ng di magkatulad na palamang. Pinibigyang tuon sa paghahambing na ito yung nakahihigit. Maliwanag, ang pinag-uusapan, mas higit siya. Ang pinakatampok na paksa na pinag-uusapan sa isang pangungusap na gagamit ng paghahambing na di magkatulad na palamang ay ano? Yung kalamangan niya. Kung bakit siya higit sa katangiang inilalarawan. Para mas maintindihan, tignan natin yung mga halimbawa higit labis lalo mas liha. Halimbawa, Ang pamumuhay sa lungsod ay di hamak na madali kaysa sa nayon. So ang tuon natin dito, saan daw lamang, sabi natin palamang, saan mas higit yung buhay sa lungsod kaysa sa nayon? Sa pagiging madali. So ibig sabihin, mas lamang yung lungsod sa pagiging madali kaysa sa pamumuhay sa nayon. Titikbi, ang K-pop ay higit na tinatangkilik ng mga kabataan kumpara sa OPM. Okay lang naman tumangkilik sa K-pop, pero huwag din natin kalimutan yung hope. Tignan natin ang pangungusap. Ginamit ang silitang higit upang ipahihwating na lamang ang K-pop may kinalaman sa ano? Pagtangkilik ng mga kabataan. Kumpara sa isa na okay. So tandaan lang mga kabayo mag-aral kapag pagkahambing na di magkatulad at palamang ang tuon ay kung ano yung nilalamang niya. Kung saan siya mas higit. Samantala, yung pasahol naman, kabaliktaran. ang tuon naman natin ay sa kung saan siya kulang o saan siya mas mababa. Kulang sa katangian. Kaya ginagamit natin yung mga salita o parirala na di gaano, di gasino, di masyado. Anong halimbawa natin dyan? Ang mga mangga dito sa Maynila ay di gaano matamis kumpara sa mga mangga ang galing sa Gimara. So ang tuon natin, mas mababa. Pasahol. Ibig sabihin, mas mababa yung katangian niya. Mas may kulang sa kanya. Anong kulang sa katangian ng mangga? Pagiging matamis. Kaya ginamit natin yung salitang di gaano. Samantala sa titik B, ang klima sa Baguio ay di gaano mainit kung ikukumpara sa gitnang luzon. Ano yung mas mababang katangian na pinaghambing natin sa titik B? Yung temperatura sa Baguio at sa gitnang luzon. Sinasabi na mas di gaano mainit sa katangian na pagiging mainit, mas mababa yung sa... Ayan, sa bagyo. Naintindihan? So tandaan nyo lang, sa magkatulad, madali lang yun kasi magkasingsing. At iba pa, at kapag sa di naman magkatulad, may dalawa lang yan, palamang at pasahol. Kapag palamang, nakatuon sa kalambangan. Kapag pasahol naman, nakatuon sa kakulang. Naintindihan, may gawain tayo dito pero dahil kukulangan na tayo ng oras, eh siguro yung unang dalawa na lang ang sasagutin. Ayos ba yun? Piliin lang ang salita na angkop sa paghahambing sa bawad. Pangungusap. Unang bilang, higit na o magkakasing tayog ang karunungan bayang taglay ng iba't ibang pangkat etniko sa Pilipinas? Ang tamang sagot ay magkakasing. Sige nga, sabay nga kayo sa akin sa pagsagot. Ikalawang bilang, labis na di masyado kahangahanga ang pinakitang talento ng unang kalahok kumpara sa sumunod na nagtanghal? Ano kayang tamang sagot? Tamang sagot ay di masyado. Ikatlo, uy, na-reveal na ka agad. Di gaano o higit na? Pinagpala ang may mabubuting talooban kaysa sa kapwang walang pakialam sa kanyang kapwa. Kaysa sa walang pakialam sa kanyang kapwa. Anong tamang sagot? O syempre, higit na pinagpapala yung may pakialam. Kaya, higit. Ikaapat, ang salawi kayo ni kasabihan at kasabihan ay pareho o digasino na nagtataglay ng mga aral. Syempre, parehong nagtataglay kasi magkatunan. At panguli, ang bugtong ay mas o kapwa madaling unawain kayo sa sawi kayo. job. Pwede natin pagkumparahin, tasabihin natin, mas. Kasi may pahiwating na salitang kaysa. Naintindihan ba? Naintindihan ba? Madali lang ito yung paghahambing. Magkatulad at di magkatulad, tatandaan nyo lang yung mga salita na kailangan nyo gamitin upang ipahihwating ang paghahambing. Dito na tayo nagtatapos at syempre hindi natin pwedeng tapusin ang session na ito. Nang hindi natin sinasagot ang lagi natin sinasagot na tanong sa bawat pagkatapos ng sesyon na bakit mahalagang pag-aralan ng mga karunungang bayan, gawin din yung paghahamding na pinag-aralan natin. Sinasabi natin, sasagutin natin ito sa paraang patula. Nandana kayo? Ang karunungang bayan, sa bayan na igintong yaman, dapat balikan at pag-aralan, mapahalagahan at ang yaman. Mahalaga talaga na babalikan natin ang mga karunungang bayan na ito. Dahil ito ay yaman ng ating kultura at pagkapilipino. Ito ang bumubuo sa ating pagkahakilanlan at hindi natin dapat kalimutan. Sa kabila ng mga umiira, pag-usbong ng teknolohiya, pag-unlad sa iba't ibang panig ng mundo, marapat na tayo ay may matibay na kaugnayan pa rin sa ugat na ating pinagmulan, lalong-lalong na may kinalaman sa kultura, wika at pan. Bago tayo magtapos, ito na yung surprise ko sa inyo mga makabayang mag-aaral. Handa na ba kayo? Pakikilala na natin ang ating bagong makakasama sa ating programa sa Pilipino para sa Baitang Walo. Tuwing Merkoles po yan, 12.20 hanggang alas 3 ng hapon. Sa mga susunod na sesyon, may makakasama na tayong isang mahusay, makabayan at modelong guro para sa asignaturang Pilipino. Tinatawagan na natin para maipakilala ko sa inyo. Ang bago nating tutor mula din sa SDO Kaloocan, walang iba kundi si Tutor Mel. And virtual clap naman tayo para kay Tutor Mel, ang bago nating tutor sa Filipino Aid. Tutor Mel, andiyan ka na ba? Ay, abangan natin si Tutor Mel. Abatiin nga natin si Tutor Mel. Hello! Ayan na si Tutor Mel. Tutor Mel, kumusta po? Abatiin niyo po yung ating mga makabayang mag-aaral. Ay, hello mga makabayang mag-aaral. nananabik ako at nasisiyahan sa isang makabuluhang pag-aaral kasama kayo bilang makabayang Pilipino, makabayang kabataan. Ay mga makabayang mag-aaral natin, paki-welcome natin si Tutor Mel dahil sa mga susunod nating mga sesyon ay makakasama na natin siya lagi-lagi sa mga bawat talakayan at bawat pag-aaral natin sa asignatuang Pilipino. Tutor Mel, bago po tayo magtapos, Ano po ba na yung mga maasahan namin sa inyo sa mga darating na sesyon natin? Ano yung mga aabangan nila? Ano ng ating mga makabaya mag-aaral? Marami silang aabangan sa akin, Tutor Ronel. Talagang mananabdik sila sa pag-aaral ng kultura, panitikan, at saka wika na kung saan ito ang magiging sandigan nila para mas makilala at mas matutunan nila ang wikang Pilipino. Maraming salamat, Tutor Mel. At dito na tayo. Nagtatapos ngayon kilala niyo na kaming dalawa na makakasama niyo tuwing Merkoles, 12.20 ng alas 3 ng hapon. Dito na po kami magpapaalam. Tutor Mel, kaya na ba nating mag-extro ng pakilala? Opo. Sige po, muli ako si Tutor Mel, ang inyong gurong makabayan na laging nagpapaalala, ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa salitang dakila. Paalam! At syempre ako naman po si Tutor Ronel, ang inyong gurong makabayan sa Weekend Panitikan. Magkita-kita tayo sa susunod na linggo. Yun lang mga makabayan mag-aral. Paalam! Salamat!