Magandang buhay mga mabubuting tao! Isang pinagpalang araw na puno ng karunungan ang pinagkaloob sa atin ng may kapal. Nalangin ko na tayong lahat ay nasa mabuting kalagayan at malusog na pangangatawan. Naririto na naman tayong muli sa isa pang edisyon ng ating pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang Sampu.
Samahan ninyo ako sa paghubog ng ating kaalaman upang tayo ay matuto at magpakatao. Ang paksa natin sa araw na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency o MELC. Tayo ngayon ay nasa araling pito na tumatalakay sa mga yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasya. Ang pamantayang nilalaman ay tungkol sa yugto ng makataong kilos at ang mga kasanayang pagkatuto.
Nari rito ang mga sumusunod. Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasya, diba? Ito ay madalas mong ginagawa sa pang-araw-araw na buhay.
Bawat segundo, bawat minuto, bawat sandali ng iyong buhay. Pamilyar ka ba sa mga katagang, Bahala na nga! Pwede na yan!
Sige na nga! Ang mga katagang ito ang mga madalas nating nabibigkas lalo na kung hindi tayo sigurado sa ating mga pasya o kuya kung nagmamadali tayo sa isinasagawang kilos. Sa module na ito ay malilinang ang inyong kaalaman, kakayahan at pangunawa tungkol sa mga yugto ng makatawang kilos na makakatulong sa inyong pagdidesisyon.
Bago natin harapin ang bagong aralin, tara at magbalik tanaw tayo sa ating nakaraang pinag-aralan. Anong nga ba ang mga kilos na dapat mapanagutan? Tandaan natin, sa mga nagdaang aralin ay natutunan mo na kapag sinabi natin na makataong kilos, ito ay kilos na isinagawa ng tao ng may kaalaman.
Malaya! At kusa, ito ay resulta ng kaalaman na ginamitan ng isip at kilos loob, kung kaya may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Tandaan na ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan. Lagi tayong may freedom to choose.
May kalayaan tayo sa pagpili ng ating gagawin at isasa kilos. Kung kaya, mahalaga na tayo ay maging mapanagutan. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating mga kilos ay bahagi ng ating pagpapasya.
Ang pagiging makabuluhan ng mga kilos na ating isinasagawa ay nakasalalay sa ating pagpapasya o pagdidesisyon na ating gagawin sa tulong siyempre ng kakayahang ipinagkaloob sa ating pagpapasya. sa atin ng Diyos. May mga pagpapasya na pinag-iisipang mabuti at naaayon sa moral na pagpapasya at pagiging mapanagutan.
Kaya dapat dun tayo lagi nakatuon. Kung kaya, napakahalaga o napaka-importante na mapalalim pa natin ang ating pag-unawa. Mapapansin mo na sa bawat oras o araw, Ikaw ay nagsasagawa ng pasya.
Magsisimba o maglalaro? Mag-aaral o tatambay? Gagawa ng gawain bahay o matutulog na lang?
Ayan. So, naging madali ba sa inyo ang pagpapasya? Napansin mo ba ang naging epekto nito sa'yo? at sa iyong kapwa. Maraming bagay sa buhay ang kinakailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung ano ang kilos na dapat gawin.
Mahalaga na makita mo kung ang pipiliin mo ay nakabatay sa makataong kilos. Kung ito ba ay may mabuting idudulot sa iyo at sa ibang tao. Tandaan mo, ang sinabi ni Keri Russell, sometimes, It's the smallest decision that can change your life forever.
Tignan natin ang mga proseso para tayo ay matulungan sa ating pagdidesisyon. Kaya kung tayo ay masasagawa ng kilos o pasya, nararapat lamang na ito ay nakatoon sa mabuting kilos. Itinuturing na mabuti ang isang makataong kilos kung ito ay ginamitan ng isip, Upang makabuo ng mabuting layunin at ang kilos loob upang isagawa ito sa mabuting pamamaraan. Kung makikita ninyo sa ilustrasyon na ito, ang mabuting kilos plus mabuting pamamaraan ay mabuting kilos. Ngunit, kung mabuting layunin, ngunit masama naman ang pamamaraan, ito ay masamang kilos na.
Gayon din naman, kung ito ay masamang layunin at kahit ito man ay mabuting pamamaraan, ito ay masamang kilos pa rin. At gayon pa man, syempre kung masama ang layunin, masama ang pamamaraan, ito ay masamang kilos. Masasabi natin na nakabatay sa makataong kilos ang iyong piniling pa siya. Kung ang bunga nito ay mabuti para sa iyo at sa iyo.
Alam niyo ba kung ano ito? Tama, ito ay isang manibela. Para sa mga nagbamaneho, ikaw lamang ang may hawak ng manibela at ikaw lamang ang magtidesisyon kung saan ka patungo.
Ganun din. din sa iyong buhay. Ikaw ang may hawak ng sarili mong manibela. Ikaw lamang ang makakaalam kung saan patungo ang iyong buhay.
Saan direksyon mo nga ba gustong pumunta? Nais mo bang puntahan ang iyong destinasyon? O magingat dahil baka ikaw ay patungo na sa destruction.
Ito ay dahil sa iyong pagpapasya. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may labing dalawa o 12 na yugto ng makataong kilos na nahahati sa dalawang kategorya na gumagabay tungo sa pagkakaroon ng tiyak na pagiging mabuti ang kalalabasan ng isinagawang kilos. Ito ang yugto, may pagkakasunod o sequence.
Ang pagsasagawa ng makataong kilos ayon kay Santo Tomas de Aquino. Ito ay may labing dalawang yugto na nahahati sa dalawang kategorya. Ito ay ang isip at kilos loob.
Tingnan natin. Narinito ang mga yugto ng makataong kilos na nahahati sa isip at kilos loob. Una, Pagkaunawa sa layunin. Pangalawa, nais ng layunin. Pangatlo, paghuhusga sa nais makamtan.
Pangapat, intensyon ng layunin. Panglima, masusing pagsusuri ng paraan. At panganim, paghuhusga ng paraan. Pangpito, praktikal na paghusga sa pagpili.
Pangwalo, Pagpili at pangsyam, utos, pangsampu, paggamit, at panglabing isa, pangkaisipang kakayahan ng layunin, at sa ikalabing dalawa ay ang bunga. Kung mapapansin ninyo, ito ay nahahati sa isip. Ito ay nangyayari pa lamang sa isip o sa part ng ating pagdedesisyon, at ang kabilang bahagi ay sa kilos loob.
Ito ay may kinalaman na sa ating Isang halimbawa, nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall, kung saan siya ay namamasyal. Lahat ng kanyang kaibigan ay mayroon na nito. Ano kaya ang makataong kilos na hakbang na gagawin ni Alvin? Ang unang yugto ay mula sa isip ang pagkaunawa sa layunin. Dito, Ito ay tinatawag na simple apprehension of the good.
Ang pagkaunawan ng tao sa isang bagay na gusto o kanyang ninanais masamaman nito o mabuti. Sa ating sitwasyon, matagal nanais ni Alvin na magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay lumana. Sa ikalawang yugto, ito ay mula sa kilos loob.
Nais ng layunin. This is a simple volition. To acquire it.
Kung baga, ito yung pagsangayon ng kilas loob kung ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang ninanais ba ay nakaakma o may posibilidad. Kung saan, sa una, inisip niya pa lang, kung baga si kilas loob, nagkaroon na siya ng free will. Okay?
Ito na yung tugma ito sa isip. at kilos loob. Kasi sa sitwasyon ni Alvin, ang unang reaksyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito.
Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para makabili nito. Pangatlo, ayan, so nandito na tayo sa isip ulit. Ang paghusga sa nais makamtan. This is a judgment that a good is possible. Sa yugto na ito, Hino-husgahan ng isip ang posibilidad na maaaring makuha o makamit ang ninanais.
Sa sitwasyon ni Alvin, ito ay nais na kanyang kalooban ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone. So, ito yung nais ng kanyang kalooban o nais na makamtan. Ika-apat, kilos loob ulit. So, dito sa ika-apat ay ang intensyon ng layunin.
This is an intention to achieve the object. Ang pagsangayon ng kilos loob ay maaaring isang intensyon kaya ang tao ay may intensyon na makuha ang bagay na kanyang ninanais at kung paano ito makakamit. Si Alvin ay nag-isip ng isang mga alternatibo tulad ng paghihiram ng pera sa barkada. Ito ay ibig sabihin yung kanyang moral na kilos ay magpapatuloy. Situasyon ni Alvin, kailangan niyang pumili.
Kung bibilhin ba niya yung bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos ang pera niya para sa kanyang pag-aaral sa koleyo. Kasi kung gagamitin niya yung sarili niyang pera, eh paano na lang yung pinaglalaanan niya sa kanyang pera. Kung ititigil na niya ang idea sa pagbili ng cellphone, natapos na rito ang moral na kilos. kumbaga nag-stop na, hininto na niya ang kanyang pag-iisip, patinigil na niya yung kanyang... layunin, wala na siyang kilos na isinigawa.
Ngunit, kung naisip niya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa kaibigan o sa barkada, ang moral na kilos ay magpapatuloy pa. So, tuloy pa rin ang yugto. Sa sitwasyon, napag-isipan na ni Aldin ang iba't-ibang paraan upang mabili ang bagay na yun.
So, bibili niya ito ng cash. Sa panglima, Ito ay balik ulit sa isip. Ito yung masusing pagsusuri ng paraan.
Dito, this is an examination of this means. Ibig sabihin, pinag-iisipan na o sinusuri na ng tao ang mga paraan upang makamit ang kanyang layuning. Dito, hinihimay-himay mo na yung options.
Sinusuri mo na yung bawat panig o bawat option or mga desisyon na posible mong gawin. Dito ay sa sitwasyon ni Alvin ang pagsusuri ng paraan na kanyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsangayon niya sa mga masasabing pagpipilian. Anim ay yung paghuhusga ng paraan. So this is the consent of the will to this means.
Ibig sabihin, ang pagsangayon ng kilos loob sa mga posibleng paraan upang makamit ang layunin. Yung isip at yung kilos loob, kailangan nagkokonek siya. Kaya kung mapapansin ninyo, dito sa kilos loob, dito na maghuhusga ng paraan.
Dito mo titignan or dito mo i-judge ang pinakamabuting paraan. Mabilisan yung bawat yugto, mabilis lang na nangyayari. Hindi mo na namamalayan, pero hindi mo napapansin na ikaw pala ay dumaraan na sa mga yugtong ito. Gayunpaman, kailangan pa rin maging maingat sa pagsusuri ng bawat yugto.
Sa sitwasyon na ito, nanghusga na. Ngayon ay huhusgahan na niya ni Alvin kung alin ang mabuti. Pagbabayan siya ng kabuong halaga.
Magbabaya siya ng pakunti-kunti o ang masama baka pag nakawin pa niya. Dito ay huhusga na siya ng pinakamabuti sa lahat. Kulit sa isip, ito ay practical na paghuhusga sa pagpili.
This is the deliberation of the pites means. Sa yugtong ito, tinitimbang ng isip ang pinakaangkop at pinakamabuting paraan. Dito na yung pipili ka na. Unti-unti ka na nakakabuo ng iyong desisyon.
Kung napapansin ninyo, nangyayari ito sa inyong pagdidesisyon, minsan nyo, ano kayang gagawin ko? Hindi mo alam na ikaw ay dumaraan na sa yugto ng makataong kilo. Kung nangyayari kay Alvin, sa isip niya ay kasalukuyang pumipili na siya ng pinakamabuting paraan. Sa ikawalo, sa kilos loob, ay pagpili.
This is the choice of this means. Ang pagpili ng kilos loob sa pamamaraan upang makabit ang layunin. Dito pumapasok na ang malayang pagpapasya. Ito na yung ating free will.
Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasya na kung saan ang kanyang isip ay nag-uutos na bibilin na niya ang cellphone. Yan. So, dito, dito na siya namili ng pinakamabuting option. Ika-Sham ay ang utos.
This is the command or the ordering of the act. Dito yung nagbibigay na ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang kanyang intention. Dito matapos na niyang bilhin, ginamit niya na.
Inutos na ng isip kung ano yun talagang gagawin niya. Go! Sabi.
Maggamit sa number 10. This is the active execution of performance. Dito ginagamit na ng kilos loob ang kanyang kapangyarihan sa katawan. At sa pag- sa pakultad na taglay ng tao upang isagawa ang kilos.
Ngayon, maunawa niya noong angkop ba ang kanyang isinagawa ang kilos. Dito, parang marirealize na ni Alvin na angkop ang kanyang piniling kilos. Labing isa, yung pagkaisipang kakayahan ng layunin. This is the exercise of this faculties or powers. So, dito nagsasagawa sa utos ng kilos loob gamit ang kakayahan ng physical na katawan at pakultad na kakayahan ng tao.
Ngayon, ay ikinatutuwa na ni Alvin na natamu niya na yung cellphone. Dito na-realize siya na yung kakayahan niya na mag-isip, mag-nilay, at mag-decision making. Dito yung na-achieve na ng kanyang isip ang kakayahan ng kanyang pagkamit ng kanyang layo. Sa kilos loob, ito na yung bunga This is the delectation of the will or the satisfaction with achieving the end. Ito na yung kaluguran o yung satisfaction, kumbaga, nakuha ko na, yes, na-achieve ko, yung mga ganon.
Ito yung kaluguran ng kilos loob na natapos na yung isang kilos o makataong kilos. Natapos na yung pagdedecision mo. Ito yung resulta ng ginawa niyang pagpapasya.
Kaya si Alvin, ang pinagpasya niya, Ang pinili niya ay nabili niya na yung kanyang cellphone. Kasi diba kapag ano yung layunin mo, kapag nakuha mo sa dulo yung ninanais mo, lalo na kung ito ay mabuting makataong kilos, may fulfillment, may satisfaction. Pero kailangan, syempre, para maiwasan natin yung kasabihang nasa huli ang pagsisisi, Kaya mahalaga na kailangan natin dumaan sa prosesong ito.
Timbangin natin. Alamin natin ang mga yugto. Kung saan, hihimay-himayin natin ang mga opsyon.
Ito ba ay mabuti? Ito ba ay masama? Kung masama, X na agad. Kung ito ay mabuti, Kailangan mong isipin kung ito ay mabuti sa'yo at sa ibang tao.
Huwag naman puro laging sa sarili mo lang. Kailangan isipin mo rin o timbangin kung ito ba ay may mabuti. Alala ko lang din, ang moral na kilos ay magtatapos na sa pagpili.
Kung kaya't kailangan ng masusing pagninilay bago may sagawa ang pagpili. Ibig sabihin sa ikawalong yugto o yung pamimili, doon kailangan masigurado mo na ito ay nakatoon sa moral na kilos o nasa mabuting panig ka. Hindi ito madali. Dahil kailangan nitong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anumang maaaring kahihinatnan neto. Diba nga katulad ng mga sinabi natin kanina, anumang kilos na iyong isinagawa ay may kahihinatnan.
Kaya ang iyong pagbili, kailangan isipin mo ano ang kahihinatnan neto. Napakahalaga ng moral na pagpapasya. Kung saan, sa bawat pagpapasya natin, tayo ay nakatuon sa moral. Sa moral values natin. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Dito yung part na natitimbang-timbang mo. Pag nagtimbang ka, lagi mong iisipin kung ano ang nakabubuti. Ito yung moral na pagpapasya. Kasi minsan yung ibang tao hindi na nila tinitimbang.
Ang ginagawa nila, pili ng pili, pili ng pili. Hindi nila naiisip. ang kabutihan o kasamaan.
Pero pag sinabi mong moral na pagpapasya, it is the time na namili ka, nagtimbang ka, at kung ano yung mabuti, yun ang iyong pipiliin. Pag sinabi natin moral na pagpapasya, ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpipili. Mahalaga ito na mabigyan ng sapat na panahon sapagkat mula rito ay mapagninilala ang bawat panig ng isinasagawang pagpili. Mahalagang paglaanan ng panahon ang pagpapasya upang makita ang panig ng bawat opsyon o possible nakahihinatnan ng mga opsyon o pamimilian mo. Kaya nga, kasama ng moral na pagpapasya, ang paglalaan ng sapat na panahon.
Kaya nga, para maiwasan natin yung kasabihan na sa huli ang pagsisisi. Mabuti na isaalang-alang ang moral na pagpapasya. Huwag pa dalos-dalos. Kailangan dumaan tayo sa yugtong ito. Mabilisan lang ito, hindi mo ito mamamalayan.
Pero ang mahalaga, nagtimbang ka. Ikaw ay gumamit ng moral na pagpapasya. Tulad nga ng sinabi ko kanina, Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, araw-araw tayo ay dumadaan sa pagpapasya. Kasi simula nang tayo'y magkaroon ng isip, ang tao hanggang sa kanyang kamatayan. Nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasya.
Ang malaking tanong ayon kay Father Neil Sevilla, naaayon ba ang pagpapasyang ito sa kalooban ng Diyos? Kapag ikaw ba ay nagdedesisyon o nagpapasya? Kino-consider mo ba ang Diyos?
Naisasama ba ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasya sa kanyang ginagawa? Kapag may ginagawa ka ba, sinasabi mo na, Masaya kaya si God sa aking ginawa? Gusto niya kaya ito?
O baka napapasakitan mo siya sa iyong mga ginagawa? Alalam muli ayon kay Stephen Covey that I am not a product of my circumstances. I am a product of my decisions.
Tandaan nyo, hindi aksidente ang lahat. Yan, kung ano ka, kung ano tayo, kung ano ako, ay bahagi ng aking decision. Diba nga, napakahalaga na dumaan sa isang proseso bago magsagawa ng pagpapasya. Kung kaya, makakatulong sa iyo ang proseso hakbang sa moral na pagpapasya. Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensya at ang moral na pagpapasya.
Number one, ito yung hakbang. Kung kanina ay tinalakay natin ang mga yugto ng makataong kilos, dito naman, ito yung mahalaga na gabay natin sa ating pagpapasya. Ito yung mga hakbang sa moral. na pagpapasya. Number one, look for the facts.
Ibig sabihin tayo ay nararapat na magkalap ng mga patunay. Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili kung ano, sino, bakit, at saan nangyari ang sitwasyon. Mahalaga na magkalap ka ng mga patunay. Wag kang pa basta-basta magdidesisyon.
Isipin mo, ano nga ba mangyayari sa sitwasyon? Bakit ito nangyayari? Bakit sila napasalis sa sitwasyon? At sino-sino ang mga sangkot? Agad maniniwala sa mga marites.
Okay? Magkalap muna ng patunay. Look for facts. Pag sabing facts, yung totoo ang ating hahanapin.
Pangalawa, Imagine possibilities. So, isaisip ang mga posibilidad. Tatanungin mo yung sarili mo kung ano ang magiging epekto nito sa iyong sarili. So, dito naman, mahalaga na tignan mabuti ang mga posibilidad kung ano ang magiging epekto o maaaring maging mangyari sa iyo pinagpasyahan.
So, always consider ang kahihinatnan ng isang opsyon. Mahalaga na makita mo ang mabuti o masamang kalalabasan ng iyong pagpapasya. Ano ang magiging epekto nito?
Hindi lang sa sarili mo, pati na rin sa ibang tao, higit lalo sa iyong pamilya. May nakita kang wallet sa lamesa na may lamang isang libong piso. So, alamin mo yung mga possibilities.
Maaring makulong ako kung nalaman nila na kinuha ko yung perang ito, o kaya kawawa naman. Kapag yung may-ari nito ay nangailangan ng pera. Look for the possibilities at ano ang kahihinatnan nito kapag ginawa mo yung isang bagay.
Nga'tlo, take insight beyond your own. Maghanap ng ibang kaalaman. So dito, kailangan mo pa rin maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring magbigay sa'yo ng...
Um, idea o ng kaalaman. Kasi hindi lamang lahat ng oras ay alam natin ang mga bagay-bagay, di ba? Kailangan magabayan pa rin tayo ng mga tamang kaalaman mula sa mga tamang tao at mahalaga na may tamang guidance tayo sa mga nakatatanda at huwag magpadala sa bugso ng damdamin.
Humanap tayo ng mga credible na mga tao na mayroon ng mga narating at mayroon ng mga mayaman na ang kanilang kaalam. sa pagbibigay sa iyo ng payo. O maghanap tayo ng magagandang kaalaman na maaaring magbigay sa atin ng inspirasyon upang gumawa ng tama. Ang gabay ng Diyos. Seek insight beyond your own.
Huwag lang lagi sa sarili. Maghanap ka ng ibang kasagutan sa iyong mga tanong. At tandaan ninyo, Walang ibang makakasagot niyan kundi si God.
Kasi sabi niya, I am the way, the truth, and the life. Siya lang yung way para sa tamang pagdidesisyon mo. At yan ay masisit mo in reading your Bible. Tignan ang kalooban or turn inward.
Lahat ng katanungan ay kailangang sagutin. Sa pagkat sa anumang pasya na iyong gagawin, ay kailangan na masaya ka rin, syempre. Isipin. Sabihin mo, yung masaya ka at masaya rin ang iba.
Hindi yung pwedeng masaya ka lang. Hindi pwedeng masaya lang sila. Kailangan balance.
Ano ang sinasabi nito sa'yo? Yung sa kalooban mo tungkol sa isang sitwasyon. Ano ang sinasabi sa'yo ng iyong konsensya?
Pag may ginawa ko ba, ay labag ba ito sa iyong konsensya? O ito ay nakaakma sa iyong konsensya? At ano ang personal mong nararamdaman sa isang sitwasyon? Lahat ng katanungan. ay kailangan sagutin.
Sapagkat, anuman ang iyong pasya sa bandang huli, ikaw pa rin ang makikinabang yan. Ikaw pa rin ang sasagot. You are the one accountable of it. Kaya kailangan siguraduin mo na masaya ka rin. Panglima, respect and trust in God's help.
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti sa ating Sa atin, kung kaya, napakahalaga at ugaliing manalangin. So we must develop prayer as your habit.
Magtiwala lamang tayo sa tulong ng Diyos. Leave everything to Him. Expect and seek for God's help.
Si God lang ang nakakaalam ng napakamabuti para sa atin. Marami tayong plano, pero hindi ito makakabuti sa atin. Kailangan isipin natin yung plano ni Lord.
Paano natin yung malalaman? Ano nga ba plano sa atin ni Lord? Mag-pray tayo, no? Para bigyan niya tayo ng wisdom.
Bibigyan niya tayo ng tamang kaalaman. Kasi hindi natin kakayanin kung tayo lang mag-isa. Kailangan kakampi natin siya, kasama natin siya. Laging manalangin.
Ang panalangin ang pinakamabisa nating sandata sa pagharap ng mga pagpapasya, mga pagsubok, sa lahat ng kahit anong kinakaharap natin ngayon. Through prayers, magkakaroon tayo ng ugnayan sa Diyos. At magkakaroon tayo ng pag-asa at lakas ng loob para maharap ito.
Kahit anong religion pa natin, it doesn't matter. Lahat tayo ay nananalangin. Kailangan natin ma-develop ang habit of prayer.
Diba, sabi nila, when a prayer becomes your habit, miracle become your lifestyle. Part yan. Okay, so we need to expect and trust God's help all the time.
Because God is good. Hindi niya tayo pinapabayaan. Tayo lang ang nagkukulang sa pagtawag sa Kanya. Tandaan natin, no? For I know the plans I have for you, declares the Lord.
Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future. Ito yung promise ni Lord sa atin from Jeremiah 29.11. Napakaganda ng plano niya. All we have to do is seek His guidance.
May maganda siyang plano. Ayaw niya tayong mahirapan, ayaw niya tayong maghirap, ayaw niya tayong masaktan. Ang gusto lang niya, mag-isip ka.
Ang gusto lang niya, tumawag ka sa kanya. At pang-anim, magsagawa ng pasya. Name your decisions. At dito, kailangan mong magpasya ayon sa moral na pamantayan.
Tao lamang ang binigyan ng Diyos ng isip at kilus loob. Ito ay para gamitin at magsagawa ng mabuting pasya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal hindi lamang sa kapwa, higit lalo sa Diyos. Bawat kilos at pasya na gagawin mo ay may epekto sa iyong sarili at kapwa.
Kung kaya't kailangan na ito ay isinagawa ng maingat gamit ang talino na ibinigay sa atin ng Diyos. Huwag tayo maging makasarili. Huwag nating isipin yung ating palaging sariling kaligayahan.
Isipin natin ang ating kapwa at isipin natin kung ito ba ay ayon sa kagustuhan ng Diyos. Matikita at matagumpay mong natapos ang ating araling pito. Piliin maging mabuti at makatao sa lahat ng oras at pagkakataon. Muli ako ay nagpapasalamat sa inyong oras at pagsubaybay sa ating talakayan sa araling dito sa edukasyon sa pagpapakatao. with Teacher Meledep.
Tahakin natin ang daan patungo sa kabutihang asal at pagpapakatao. Hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa ating kapwa at para sa Diyos. Tandaan natin, aanhin mo ang kagandahan, aanhin mo ang katalinuhan, aanhin mo ang kayamanan, kung wala ka namang wisdom at pagpapakatao. Ito ay masasayang lamang.
Kung kaya, inibitahan kitang muli. sa susunod na edisyon ng ating pag-aaral sa edukasyon sa pagpapakatao upang tayo ay matuto at magpakatao. God bless you all!