Undas o Todos los Santos, yan ang tawag sa atin sa holidays na ginaganap din sa iba't ibang bahagi ng mundo tuwing sasapit ang November 1 which is All Saints Day at November 2 na All Souls Day naman. Sa kasaysayan ng Pilipinas, may mga tradisyon at paniniwala din sila kung paano nila pinaghahandaan at pinapahalagahan ang mga labi ng mga Yumao. Naging tradisyon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa ang paglilibing ng mga yumaong mahal sa buhay.
Ngunit dahil sa iba't ibang kultura at iba't ibang paraan at paniniwala na rin ang nahubog sa mga ito. Sa Pilipinas narito ang ilan sa mga paniniwala at mga paraan ng paglilibing ng mga yumao. Una na rito ay ang banga ng mananggol o yung tinatawag na mananggol jar.
Sa mito ng mga Griego, ang kaluluwa ng mga namatay ay sumasakay ng bangka ni Sharon sa ilog ng Styx patungo sa lugar ng mga patay. Maaari kayang mayroon rin kahawig na paniniwala ang mga sinaunang mga tao sa Pilipinas? O pwede kayang katauhan ni Sharon ay hango sa mga sinaunang paniniwala na nanggaling sa Timog Silangang Asia? ang banga ng mananggol ay pinaniniwalaang nagmula sa taong 890 to 710 BC.
Mayroon itong dalawang figura sa tuktok ng takip. Ang isa ang nagsasagwa ng bangka at ang nasa harap ay tila bangkay na nakatiklop sa dibdib ang mga kamay. Sinasabing ang bangka na ito ay naghahatid ng namatay na kaluluwa patungo sa huli nitong hantungan.
Nahanap ito sa Yungib ng Mananggul, isang pook libingan noong panahon ng Neolitiko. Kasama ang Mananggul sa importanteng grupo na mga Yungib ng Tabon sa Lipon Point, Palawan. Pinaniwala ang ginamit ang banga para sa sekundary burial, kung saan inilalagay sa loob ang buto ng namatay, ngunit hindi ibinabaon ang banga. Gawa ang banga sa luwad at buhangin.
at mayroon itong disenyo ng takip na hawig sa mga alon ng dagat. Kasamang nadiskubre din ang bangkay ng Tabonman malapit sa banga ng mananggol. Tunay na walang katulad ang disenyo at hubog ng banga ng mananggol at itinuturing na mahusay ang naghubog nito. Pinatutunayan nito na mayroong paniniwala sa susunod na buhay o buhay pagkatapos ng pagkamatay.
ang mga unang tao sa Pilipinas. Ang ikalawa naman ay ang hanging coffins in Sagada. Kung karaniwang 6 feet under the ground ang sistema ng paglilibing sa mga yumao sa Pilipinas, kakaiba ang nakaugalian ng mga naunang katutubo sa hilagang bahagi ng Luzon kung saan pataasan ang pagsabit ng ataol sa kanilang pumanaw na mahal sa buhay sa gilid ng bundok.
Isa sa mga atraksyon ng turismo sa Sagada Mountain Province ang kanilang hanging coffins, kung saan makikita ang mga ataol na nakasabit sa matigas na bahagi sa gilid ng bundok. Sinasabing mahigit dalawang libong taon na ang tradisyon sa paglilibing sa gilid ng bundok na sinimulan ng mga ninuno ng katutubo sa Sagada. Isa umano sa paniniwala sa ganitong tradisyon.
ay mas mataas ang pwesto, mas malapit sa kinikilala nilang Diyos. Hanggang ngayon, may ilan pa rin nakatatanda sa sagada ang nais ilibing sila sa mataas na bahagi ng bundok sa halip na sa simenteryo. Sa sagada rin makikita ang paraan ng mga pagpe-preserba sa mga labi ng yumao o gawing mami ang pumanaw. Makikita rin sa lalawigan ang isa pang tradisyon ng paglilibing dito sa pamamagitan ng pagpapatong-patong ng mga ataol sa mga kuweba. Ang ikatlo at huli sa ating listahan ay ang My Tomb Anthropomorphic Boreal Jar.
Ang mga My Tomb Anthropomorphic Boreal Jar ay mga earthenware, pangalawang libingan na natuklasan noong 1991 ng pangkat ng mga arkeologo ng National Museum of the Philippines sa Eye of Cave. Barangay Pinol, Maytum, Sarangani Province. Ang mga banga ay anthropomorphic na ilalarawan sa pamamagitan ng isang disenyo na nagmumungkahin ang mga figura ng tao na may kumpleto o bahagyang mga tampok ng pagmumuka ng mga unang naninirahan sa Mindanao.
Ayon kay Dr. Eusebio Dizon, pinuno ng grupo ng arkeologo, ang ganitong uri ng mga paglilibing ay kakaiba at nakakaintriga sapagkat hindi ito natagpuan sa ibang lugar sa Timog Silangang Asya. Sa makatawid, maraming mga arkeologo mula sa Vietnam, Thailand, Malaysia, Laos, Cambodia, Burma at Indonesia ang nagkaroon ng interes sa paghahanap ng mga artifacts kagaya nito. Ito man ay sa pamahalaan o privado na nag-i-sponsor.
Ang mga banga ay may mga katangi ang kabilang sa Developed Metal Age period sa Pilipinas na tinatayang mula pa noong 190 BC. Hanggang 500 AD, gumamit ang mga dalubhasa na mga sampol ng uling na kinuwa mula sa dingding ng isang maliliit na sisidlang lupa na matatagpuan sa loob ng isa sa mga libingang banga na ito. Ang mga impormasyon tungkol sa mga palayok na naglalaman ng mga anyo ng tao habang nagahanap ng mga kayamanang naiwan mula sa digmaang Pasipiko.
Ito ay ibinahagi sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono. Noong June 3, 1991, sa pagitan ng isang geologist sa pagkonsulta na nagngangalang Michael Spadafora at isang archaeologist na nagngangalang Dr. Eusebio Dizon. Tatlong araw makalipas, nakatanggap ang arkeologo na mga larawan na mga pambihirang artifacts na nakolekta ng mga lokal na residente.
Ang mga artifacts na ito ay may mataas na posibilidad na makabuluhang hindi lamang sa kasaysayan ng Mindanao, kundi pati na rin sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Sa videong ito ay ipinakita namin ang ilang mga informasyon patungkol sa mga paraan ng paglilibing ng mga Pilipino o mga sinaunang Pilipino sa mga yumaong na mahal sa buhay. Bilang pagtatapos sa videong ito, nais naming pasalamatan ang mga walang sawang sumusubaybay sa aming channel.
Nawa ay pagpalain kayo ng Panginoon. Maraming salamat!