Ang unang digmaang pandaigdig ay isa sa pinakamadugong digmaan sa kasaysayan. Ang World War I ay tunggalian ng dalawang koalisyon ng mga bansa ang allies na binubo ng France, United Kingdom, Russia, Italy, Japan at USA at ang central powers na binubo naman ng Germany, Austria-Hungary at Ottoman Empire. Nagsimula ang ating istorya noong 19th century. Makalipas ang Napoleonic War, nagkasundo ang mga pangunahing bansa sa Europe na panatilihin ang balance of power sa kontinente para maiwasan ang madudugong digmaan. Siniguro ng mga Europeyong bansa na hindi magiging sobrang lakas ng isa man sa kanila para mapanatili ang balanse ng kapangyarihan sa Europa.
Dahil sa pagpupursiging ito ng mga Europeyo, nagkaroon ng ilang dekadang kapayapaan ng Europe kung saan tinawag ang kapayapaang ito bilang Concert of Europe. Nabasag lamang ang balanse ng kapangyarihan na ito noong 1866 nang maitatag ni The Iron Chancellor Otto von Bismarck ang German Empire. Sa diwa ng nasyonalismo, hinangad ng bagong tatag na German Empire na higitan ang kaunlaran at kapangyarihan ng lahat ng Europeyong bansa. Sa makatawid, nianais ng Germany na tanghaling pinakamalakas na bansa sa Europa.
Sa pamumuno ni Bismarck, kanyang itinatag ang Triple Alliance na kinabibilangan ng Austria-Hungary, Italy at Germany. Itinatag ng Germany ang alyansang ito bilang pananggalang sa pinakamalaki nitong karibal, ang France. Sa ganitong paraan, masisiguro ng German Empire na may mga bansang tutulong sa kanya sa kali. sakaling atakihin sila ng France. Nagtaguyod din si Bismarck ng kasunduan ng neutrality sa Russia para masigurong hindi kakampi ang bansang ito sa France sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Gayunpaman. Nang maging emperador si William Kaiser, kanyang pinatanggal sa pwesto si Bismarck na nagresulta sa pagkawala ng neutrality agreement sa pagitan ng Germany at Russia. Sinamantala ito ng Great Britain, isa pang karibal ng Germany, para magdatag ng isang alyansang kokontra sa Triple Alliance. Ito ang Triple Entente na kinabibilangan naman ng United Kingdom, France at Russia. Kinalaunan ang Triple Entente.
Tant ay kikilalanin sa tawag na allies, samantala ang Triple Alliance naman ang central powers. Bukod sa mga alyansa, malaki din ang kinalaman ng militarismo sa pagsiklab ng digmaan. Nagpaligsahan ang dalawang panig sa paggawa at pagpapaunlad ng kanilang hukbo at armas sa pandigma. Ang mabilis na paglaganap ng militarismo sa Europa ay lalong nagpatindi sa tensyon.
Sa pagsapit ng 1914, ang Europe ay isang bombang naghihintay ng sumabog. Noong June 28, 1914 sa Saravejo, kapitolyo ng Bosnia-Herzegovina, pinaslang ang tagapagmana ng Austro-Hungarian Empire na si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawang si Sophie. Ang pumatay sa kanya ay si Gavrilo Princip, isang Serbian na miyembro ng Black Hand, isang freedom movement para sa pagpapalaya ng Bosnia-Herzegovina mula sa kontrol ng Austria-Hangari.
Dahil sa galit at panguudyok ng mga German, sinisi ng Austria-Hangari ang Serbia. Binigyan nila ng ultimatum ang mga Serbian kung saan hiningi nila na sila ang mag-iimbestiga sa kaso at kinakailangang ibigay sa Austria-Hungary ang lahat ng mga Serbian citizen man o hindi na may kinalaman. sa pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand. Kinakailangang sundin ng kanilang ultimatum sa loob ng 48 hours dahil kung hindi, magdedeklara ng digmaan ang mga Austrian-Hangarian laban sa mga Serbian. Ang mga kondisyon na hiningi na ito ay labag sa pagkabansa ng Serbia, kaya't hindi nila ito nasunod.
Dahil dito, nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Nagreact dito ang Russia kung saan pinatawag nito ang kanyang hukbo at ipinadala sa border ng Austria-Hungary at Germany. Itinuring itong agresibong hakbang laban sa Austria-Hungary na kaalyado naman ng Germany. Kaya naman, nagdeklara ang German Empire ng digmaan laban sa Russian Empire. Para maunahan ang France na kaalyado ng Russia, agarang nagdeklara ng gera din ang mga German laban sa mga French.
Ayon sa Schlieffen Plan, ang battle plan ng mga German, 80% ng kanilang pwersa ang sasalakay sa France. Samantala, ang kakaunting sundalong natitira ay mananatili sa kanilang border sa Silangan para pigilan ang anumang pag-atake ng mga Russian. Makalipas nilang matalo ang France, ang mga sundalo sa Western Front ay mabilisang dadalhin sa Silangan gamit ang napakaraming tren ng mga German.
lakayin ng German ang neutral Belgium. Ito ay para maiwasan nila ang mga sundalo at depensa ng mga Pranses sa kanilang shared border. Mula sa Belgium, didiretso ang mga German patungo sa Paris, ang kapitolyo ng kanilang kalaban. Ikinagalit naman ang United Kingdom ang ginawang pagsalakay ng mga German sa isang neutral na bansa.
Kaya naman, nagdeklara ng digmaan ang mga British laban sa mga German bilang suporta sa Belgium. Mabilis na nakaabante ang pwersang German sa Western Front kung saan kanilang napaatras ang halos lahat ng pwersang Allied sa Ilog Marne. Ang mga French naman ay kahihahiyang natalo sa Battle of the Frontiers dahil sa kanilang makalumang paraan ng pekinigma kung saan ang mga sundalo nila ay nakasuot ng makukulay na uniforme kaya naman naging madali para sa mga German na puntiryahin sila.
Sumunod dito, ang mga French ay gumamit ng bayonet charge para salakayin ang mga machine gun nests ng mga German. Nagresulta ang mga makalumang paraan na ito ng paikidigma ng libu-libong kamatayan. Ang pagkatalong ito ng mga Pranses ay nagresulta sa 260,000 na casualty kung saan 27,000 sa mga ito ang napatay. Bilang suporta sa kanyang mga kaalyado sa Western Front, sumalakay ang mga Rasyan sa Silangan, sanhi upang ilipat ng mga German ang ilang batalyon ng kanyang mga sundalo pa Silangan. Ang walang habas na pag-abante ng mga German ay nahinto ilang kilometro na lamang ang layo mula sa Paris nang salubungin sila ng puwersang allied sa ilog Marne.
Nakilala ito sa tawag na First Battle of Marne kung saan nagawang mapaatras na mga British at French ang mga German sa unang pagkakataon. Naghudyat din ito ng kabiguan ng Schlieffenplan at ng mabilis na panalo sa Western Front. Makalipas lamang ng apat na buwan, higit 1.5 milyong sundalo na ang namamatay o nasugatan, ngunit wala pa ding malinaw na resulta ang mga labanan. Para protektahan ang kanilang mga sarili, naghukay ng mga trenches ang magkabilang panig. Pagsapit ng 1915, daan-daang kilometro ng mga trenches ang nahukay mula North Sea hanggang sa border ng Switzerland.
Ito na nga ang simula ng trench warfare sa Western Front at ang pagsisimula ng iba. Ibang klaseng karahasan na hindi pa nasasaksihan noon. Mula 1915 hanggang 1917, ilang napakadugo at napakarahas na mga labanan ang naganap sa Western Front para wakasan ang stalemate. Gain pa man, lahat ng labanang ito ay hindi naging decisive o masasabi nating walang napala.
Noong February 1916, nagsimula ang Battle of Verdun kung saan sinalakay ng mga German ang mga French. Tumagal ito ng sampung buwan kung saan tinatayang 700,000 na mga French at German na sundalo ang nasawi at lagpas milyon pa ang mga nasugatan. Sa kabila ng napakabigat na casualty, walang malaking pagbabago sa teritoryong hawak ng parehong German at mga French.
Kasabay ng labanan sa Verdun, umatake naman ang mga British sa Somme. Ang labanan sa Somme ay nag- nagresulta sa 1.1 million casualty. Ngunit, kagaya ng Verdun, wala ding mahalagang resulta na napala sa madugong labanang ito. Dahil sa desperasyon, gumamit ang magkabilang panig ng mga katakot-takot na armas na nagresulta sa napakaraming kamatayan.
Sa aong April 1915, gumamit sa unang pagkakataon ang mga German ng chlorine gas para itaboy ang mga Allied sa kanilang trenches. Bagamat nabigla, agarang naka-adapt ang mga British at French kung saan, kumanti rin sila ng gas attack. Di mabilang ang mga sundalo na nasawi, nabulag o permanenteng napinsala ng mga gas attack na ito. Para wasakin ang trenches ng mga German, pinakawalan naman ng mga British ang pinakaunang tunay na tanking pandigma, ang Mark 1 Tank. Noong Battle of Fierkoselet, sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin sapat ang mga teknolohikal na pagbabagong ito para tapusin ang stalemate sa Western Front.
Sa karagatan naman, nagharap ang German High Seas Fleet at ang karibal nitong British Royal Fleet. Nagawang matalo ng mas malaki at mas eksperyensyadong mga British ang mga German sa Battle of Jutland. Sa laban ng ito, nakamit ng mga British ang kontrol sa karagatan. Dahil sa kawalan ng kakayahang tapatan ng British Navy sa harapang labanan, gumamit ang mga German ng U-Boats o Submarino para putulin ang supply ng United Kingdom mula sa pinakamalaki nitong trading partner, ang United Kingdom.
States of America. Sa isang pagkakataon, kanilang napalubog ang RMS Lusitania kung saan 120 mga Amerikano ang nasawi. Nagresulta ito sa unti-unting pagbabago sa attitude ng mga Amerikano mula sa pagiging neutral patungo sa pagiging anti-German. Sa Eastern Front naman, ang labanan sa pagitan ng mga Russian at Pwersang Sentral ay mas mabilis dahil sa kawalan ng mga trenches.
Sa simula ng digmaan, nagawang matalo ng mga Russian ang Pwersang Sentral sa Battle of Galicia. Tinatayang 400,000 na mga Austro-Hangarian ang nasawi o nasugatan, kung saan halos mapilay ang buong Austro-Hangarian Army. Nakabawi ang Central Power sa Silangan dahil sa pagdating ng German reinforcement. Matinding pagkatalo ang dinanas ng mga Rasyan sa Battle of Tannenberg kung saan higit 170,000 na mga Rasyan ang nasawi, nasugatan o nabihag. Ang pagkatalong ito ng mga Rasyan ay nagresulta sa pagpapatiwakal ng kanilang Commanding General na si Alexander Somzunov.
Sinundan ang kanilang pagkatalo ng isa pang pagkatalo sa labanan sa Masurian Lake kung saan dinurog ng mga German ang Russian Second Army na nagresulta naman sa 125,000 casualties. Ang mga pagbawaging ito ng mga German sa Eastern Front ay nakredit sa mahusay na pamumuno ni Field Marshal Paul von Hindenburg. Ganap na napaatras sa buong Eastern Front ang Russia noong June 1915. Nang simula ng mga Austrian at German ang Gorlice-Tarnow Offensive Gamit ang kanilang mas superior na armas at mga sundalo Nagawang paduguin ng Central Powers ang Russian Empire ng higit isang milyong mga sundalo nito Ganyan kadami ang mga Russian na napatay, nasugatan o nawawala makalipas lamang ng isang buwan at kalahating labanan Pagsapit ng 1916, lubos nang nararamdaman ng Russian Empire ang kakulangan sa supply at dami ng mga namamatay nitong sundalo. Lalo pang lumala ang sitwasyon ng mga Russian dahil sa palpak na pamumuno ni Empress Alexandra, asawa ni Char Nicholas, sa produksyon ng pagkain at iba pang pangangailangan ng parehong mga Russian citizen at Russian na mga sundalo.
Pagsapit ng March 1917, isang revolusyon ang naganap sa Russia kung saan pinabagsak ng mga revolusyonaryo ang Rasantsyar dahil sa kagustuhan ng mga tao ng pagbabago sa pamahalaan at ng agarang kapayapaan. Umusbong ang revolusyon ito sa isang ganap na civil war kung saan naglaban-laban ng iba't ibang mga paksyon sa loob ng Russia. Bumuo ng provisional government ang mga Rasyan, ngunit ito ay pinabagsak ng mga Bolshevik sa pamumuno ni Vladimir Lenin noong October 1917. Nang kanilang makuha ang kapangyarihan, agarang pumirma ang mga Bolshevik ng kapayapaan sa Central Powers. Ito na nga ang hudyat ng pagbagsak ng Eastern Front, kaya naman agarang pinalipat ng mga German commander ang mga sundalo sa Russia patungo sa Kanluran. Para naman kay Char Nicholas, Empress Alexandra at kanilang mga anak, sila ay minasaker ng mga Bolshevik noong July 1918. Sa Timog Europe naman, ang Italy ay nananatiling neutral nang sumiklab ang digmaan.
Ating tandaan na ang Italy ay kabilang sa Triple Alliance kasama ang Germany at Austria-Hungary. Gayunpaman, Kinumbinsi ng Triple Entente ang Italy na bumaliktad at kumampi sa kanila. Kapalit nito, ipagkakaloob daw ng mga ito sa Italy ang mga teritoryong hawak ng Austria-Hungary. Tinanggap ito ng mga Italian at kanilang tinraidor ang dati nilang mga kaalyado. Gayunpaman, ang Italian Army ang itinuturing na pinakamahinang army sa Europe noong World War I dahil sa labis na kakulangan nito hindi lamang sa armas, kundi maging sa training at leadership ng mga sundalo nito.
Naganap ang mga labanan sa Italian Front sa ibabaw ng mga kabundukan, kung saan halos walang progresong nagawa ang mga Italian at ang kanilang mga katapat na Austro-Hungarian. Nabasag lamang ang depensa ng mga Italian nang sumalakay ang mga German kasama ang mga Austrian sa Battle of Caporetto. Higit 275,000 na mga Italian ang nabihag ng Central Powers at ganap na natulak ang mga Italian pabalik sa kanilang pinagmulan. Sa Asia Pacific naman, bigo ang mga German na protektahan ang kanilang mga kolonya sa Asia dahil sa naval blockade na ginagawa ng mga British.
Agarang sinalakay ng New Zealand ang kolonya ng mga German at kanilang inukupa ang German Samoa. Sinamantala din ng mga Japanese ang pagkakataong ito upang mapalawak ang kanilang teritoryo. Sinalakay ng Imperial Japanese Navy ang German port ng Qingtao sa China at ang mga island colony ng mga German sa Palau, Micronesia at Marshall Island. Hindi rin nakaligtas ang kontinente ng Afrika sa galamay ng digmaan. Sa Kanlurang Afrika, nagharap ang puwersang allied at sentral sa Togoland at Cameroon kung saan parehong panig ay gumamit ng libu-libong mga sundalong kolonyal.
Libo-libo rin mga Afrikano ang ginawang mga kargador at manggagawa ng mga Europeo. Ang mga ito ay kadalasang walang sapat na pagkain, kasuotan at proteksyon. Sa Timog Afrika naman, sinalakay ng Union of South Africa na kaalyado ng mga British ang German colony na Southwest Africa. Dahil dito, napaatras ang mga German sa kabundukan, kung saan kinilala sila bilang isa sa pinakahuling unit ng German Empire na tumigil sa pikipaglaban. Bumaba lamang ang mga German na ito sa kabundukan ng kanilang mabalitaan na tapos na ang digmaan.
Ang Ottoman Empire naman ay nasangkot sa digmaan dahil sa pag-aasam nitong makaganti sa mga pagsalakay dati ng mga Russian. Inasam din ng mga Ottoman na makontrol ang ilang teritoryo sa Black Sea na noon ay hawak ng mga Russian. Pinangakuan sila ng mga German na ibibigay sa Ottoman Empire ang mga Russian teritoryo na ito kung sila ay papanig sa Central Powers.
Isinara ng mga Ottoman ang Dardanelles. Ang pangunahing daanan ng Russian fleet at mga supply nito, Sanhi, upang makulong ang mga barkong Russian sa Black Sea. Binoo ang isang pinagsamang pwersa ng mga British, French, New Zealand at At Australian kung saan sila ay dumaong sa Gallipoli. Niyalayo nilang buksan ang Dardanelles at padaanin ang Russian Navy.
Gayunpaman, sa tulong ng mga German, kahiyahiyang tinabukasan. Pinaboy ng mga Ottoman ang kwersang allied sa Gallipoli kung saan higit 300,000 ang kanilang naging casualty. Ang pagsali ng Ottoman Empire sa digmaan ay nagsanhi ng isang kahindik-hindik na maramihang pagkitil ng buhay kung saan humigit-kumulang isang milyong mga Armenian ang kanilang pinatay dahil sa takot na magrebellion ang mga ito habang nagaganap pa ang digmaan. Noong 1914 naman, ang USA ay nananatiling neutral para maiwasan ang napipintong digmaan. Ninais ng mga Amerikano na umiwas sa digmaan dahil para sa kanila, ang problema ng Europe ay problema lamang ng mga Europeo.
Gayunpaman, unti-unti ding nahatak ang kanilang opinion dahil sa mga U-Boat attacks ng mga German. Noong May 1915, pinalubog ng mga German U-Boats ang barkong British na RMS Lusitania, kung saan 1,200 nitong mga pasahero ang nasawi. Kabilang dito ang hindi bababa sa 120 na mga Amerikanong sibilyan, sanhi upang lumala ang anti-German opinion sa Amerika.
Dalawang taon makalipas nito, lalong lumala ang relasyon ng Germany at USA dahil sa Zimmermann Telegram. Nagpadala ng telegrama ang German Foreign Secretary na si Arthur Zimmermann kung saan binabalak nilang makipag-alyansa sa Mexico laban sa USA. Di umano'y pagkumampi ang Mexico sa Germany, ibibigay nila dito ang Texas at iba pang teritoryong Amerikano sa US West Coast.
Sa kasamaang palad para sa mga German, ito ay na-intercept ng mga British at isinapubliko. Labis itong ikinagalit ng mga Amerikano. Kaya naman, noong April 1917, nagdeklara ang USA ng giyera laban sa mga German.
Nagmadali ang Germany na matalo ang Allied Forces sa Europe bago paman tuluyang madala ng USA ang kanilang buong puwersa. Gamit ang mga sundalo mula sa Eastern Front agarang bumuo ng planong pagsalakay ang mga German. Tinawag ang pagsalakay na ito bilang German Spring Offensive of 1918 kung saan kanilang tinarget ang Paris at ang mga pantalang ginagamit ng mga British.
Ayon sa plano ng mga German, kapag naging matagumpay ang kanilang opensiba, sila ay hihingi agad ng armistice o tigilputukan at sisimula na nila ang paikipag-usap para sa kapayapaan. Nagsimula ang opensiba noong March 21 kung saan naging napakasuksesful ng mga pag-atake ng mga German dahil na rin sa kanilang makabagong paraan ng paikipaglaban, ang paggamit ng mga stormtroopers. Ang mga sundalong ito ay eksperto sa infiltration tactics at pagsira ng mga infrastructure sa likod ng frontline.
Lubos na matagumpay ang simula ng German Spring Offensive kung saan nagawa nilang mapasok ang teritoryo ng mga French sa pinakamalayong distansya mula ng magsimula ang digmaan. Gahin paman. Unti-unti ring bumagal at tuluyang napahinto ang kanilang pagsalakay dahil masyadong naging mabilis ang kanilang pag-abante kung saan hindi na makasabay ang kanilang mga supply.
Karagdagan pa rito na unti-unti na ring humihigpit ang depensa ng mga British at French. Pagsapit ng July 1918, tumigil ang opensiba dahil sa pagdating ng mga Amerikano. Agarang gumanti ng pagsalakay ang Allied Forces, ang Hundred Days Offensive.
Agaran din ng Pag-a-Ali-d-Forces, ang Pag-a-Ali-d-Forces. nilang nabawi ang mga teritoryong nakamkam ng mga German sa kanilang spring offensive. Sa makatuwid, walang saisay ang mga opensibang ito dahil wala namang teritoryong nakamit ang parehong panig ngunit milyon-milyon ang kanilang mga naging casualty. Tinatayang 600,000 na mga German ang napatay, nasugatan o nawawala dahil sa kanilang spring offensive.
Ang 100 days offensive naman ay nagresulta sa 1 milyong casualties sa Allied Forces at 1.1 milyon naman para sa mga German. Kumpara sa Allied Forces na suportado ng napakaraming bansa, particular na ng USA, ang Germany ay unti-unti nang nasasakal dahil sa unti-unting pagkaubos ng mga supply nito at ng kanyang mga sundalo. Sa katunayan, karamihan ng mga sundalong rekrut noong 1918 ay mga kabataan na kalalabas lamang sa paaralan.
Sa parehong taon, isa-isang bumagsak ang mga kaalyado ng Germany. Tuluyang bumagsak ang Central Powers nang magbitaw sa kanyang trono si Emperor Wilhelm Kaiser ng Germany. Noong November 11, 1918, Pumirmas Armistice o Tigil Putukan, ang Germany.
Lumabas sa mga trenches ang mga sundalo ng parehong panig at nagdiwang. May ilang pagkakataon pa na nagyakapan ang mga sundalong kanikanina lamang ay magkakalaban. Formal na nagwakas ang digmaan noong June 28, 1919, makalipas na mapirmahan ang Treaty of Versailles.
Iminungkahi ni Woodrow Wilson, presidente ng USA, na kinakailangang tapusin ang digmaan ng walang nanalo. Ika nga sa kanya, peace without victory. Ibig sabihin, walang itatanghal na panalo sa...
sa digmaan at hindi dapat parusahan ang Germany dahil maaari itong pagsimulan ng isang panibagong digmaan. Gayunpaman, iba ang nasa isip ng ibang Europeyong bansa, lalo na ang France. Para sa mga ito, kinakailangang parusahan ang Germany at tiyaking hindi na muling makakaatake pa sa hinaharap.
Pinawi sa Germany ang Alsace-Lorraine, samantala isinailalim naman sa bagong tatag na League of Nations ang Saarland. Sa silangan naman, ilang bahagi ng teritoryong German ang napunta sa bagong tatag na bansang Poland. Hindi rin sila pinahintulutan na magkaroon ng army na lalagpas sa isandaang libong miyembro.
Inalisan din sila ng karapatang magkaroon ng tanke, malalakas na artillery at mga warplane. Pati navy ay hindi din nakaligtas kung saan maliliit na patrol boats lamang ang pinahihintulutan. At panghuli, ibinuntong ang buong sisi ng digmaan sa Germany.
Pinagbayad sila ng bayad pinsala na nagkakahalaga ng 55 billion dollars. Napakalaki ng halagang ito para sa mga German. Kaya naman, magkakaroon sila ng economic crisis para mabayaran ito.
Dahil sa pagwawakas ng digmaan, apat na mga imperyo ang bumagsak. Ang German Empire, ang Austria-Hungarian Empire, ang Russian Empire at ang Ottoman Empire. Ang pagkakawatak-watak na ito ng mga imperyo ay magiging basihan ng mga bagong tatag na bansa makalipas ang digmaan. Para masigurong wala ng digmaang katulad nito ang magaganap sa hinaharap, nagkasundo ang mga bansa na bumuo ng isang samahan.
Ito ang League of Nation. Inaasahan na sa pamamagitan ng samahan ito, maisasaayos na mga bansa ang kanilang mga gusot nang hindi gumagamit ng dahas. Tinatayang umabot sa 22 milyong katao ang namatay, kung saan 6 hanggang 13 milyon dito ay mga sibilyan.
Milyon-milyong mga sundalo at sibilyan din ang permanente na pinsala ang katawan. Sa kabilang banda, ang digmaang ito ay nagbunsod naman ng ilang kabutihan. Bumilis ang pag-unlad ng teknolohiya at syensya, particular na sa larangan ng transportasyon, komunikasyon, militar at medisina. Nakatulong din ang World War I para mapabilis ang pagtaas ng karapatan ng mga kababaihan.
Naypakita sa puntong ito na ang kakayahan ng kababaihan ay tulad lang din ng sa lalaki sapagkat habang nasa labanan ang mga kalalakihan, ginampanan ng mga kababaihan ang kanilang mga naiwang gawain. Puno ng pag-asa ang mga ordinaryong tao. Nasa visa ng Treaty of Versailles at ng League of Nations, hindi na muling magkakaroon ng digmaang kagaya nito.
Maling-mali ang kanilang pag-asa. Ang pagsising ginawa sa Germany at pagpaparusa ay mag-iiwan ng galit sa puso ng mga German. Isa sa mga nagalit na German na ito ay si Adolf Hitler.
Gamit ang nilalaman ng Treaty of Germany, of Versailles. Pagbubuklod-buklod din niya ang mga galit na German at kanilang aagawin ang kapangyarihan ng pamahalaan. Sa loob lamang ng halos 25 taon, ang daigdig ay muling mabubulid sa isang mas madugo at mas marahas na digmaan. Ang ikalawang digmaang pandaigdig. Meron na tayong episode ukol dito.
Maaari nyo itong mapanood sa ating channel. Marami pa tayong kasaysayang pag-uusapan. Kayat si Siguraduhing na pindot nyo na ang like and subscribe button. Muli, ako si Sir Ian at sama-sama nating pag-aralan ang kasaysayan.