Matapos ang matagumpay na pagpasok ng mga Amerikano sa puluan ng Pilipinas, sila ay nagsimulang magtatag. ng pamahalaan noong 1898. Kaya sa araling ito ay ating tatalakayin at pag-usapan ang mga uri ng pamahalaan at mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano dito sa Pilipinas. Nung mga panahon ngayon, nakita ng mga Amerikano na kailangang ayusin muna ang sitwasyong pangkapayapaan sa Pilipinas kaya naisipan ng mga Amerikano na magtatag ng pamahalang militar para kontrolin ang bansa lalo na ang mga lugar na mayroon pa rin nagaganap na pag-aalsa. Sa pamamalagi ng mga Amerikano dito sa Pilipinas, may dalawang uri ng pamahalaan ang naitatag.
Ito ang pamahalaang militar at pamahalaang sibil. Pag-usapan na natin ang pamahalaang militar. Itinatag ang pamahalaang militar ng mga Amerikano sa bansa noong Augusto 14, 1898. sa pamumuno ng isang gobernador militar. Nung mga panahon yun, ang Pangulo ng Amerika noon ay si William McInley.
Kaya ang ginawa niya, nagbaba siya ng kautusan na isa ilalim sa pamahalaang militar ang Pilipinas at inatasan niya itong si General Wesley Merritt na pamunuan ang pamahalaang militar. Ang layunin ng pagkakatatag ng pamahalaang militar ay upang tuluyan ng wakasan ang panganib na dulot ng mga Pilipinong patuloy pa rin nakikipaglaban. at upang magkaroon na rin ng kaayusan at kapayapaan dito sa Pilipinas.
Tumagal ng tatlong taon ang pamahalaang militar at narito ang ilan sa mga nagawa noong mga panahon ito. Una, naging mapayapa ang ilang bahagi ng bansa. Pangalawa, ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano.
At ang panghuli, nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. At bago kumakalimutan, sa pamahalaang militar pala, Ang batas ay nasa kamay ng mga militar o ng mga sundalo noon. Kaya masasabi natin na noong mga panahon ng pamahalang militar ay kontrolado ng Amerikano ang malaking bahagi ng Pilipinas.
At naging limitado na lamang ang mga lugar kung saan mayroong nangyayaring pag-aalsa o paglaban sa gobyerno. At maraming mga Pilipino ang naisantabi ang karapatan at kalayaan noong mga panahon yan. Pag-usapan naman natin ang pamahalaang sibil. Itinatag ang pamahalaang sibil noong ikalawa ng Marso 1901. Si William Howard Tuff ang naging gobernador sibil sa bagong tatag na pamahalaan.
At alam nyo ba, dahil sa Spooner Amendment na ipinanukala noong 1901 ni Sen. John Spooner ang nagbigay daan upang may tatag ang pamahalaang sibil. Nakasaad kasi sa Spooner Amendment na yon. Nawakasan na ang pamahalaang militar at magtatag na ng panibagong pamahalaan At yun nga ang pamahalaang sibil At para sa akin, ito ang pinakamagandang nangyari noong panahon ng Amerikano Ito ang unang hakbang tungo sa kalayaan at demokrasya Bakit ko nasabi?
Dahil nga ang kapangyarihan sa pamahalaang ito ay nasa kamay ng mga sibilyan May layunin itong itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga sibilyan o mamamayan. Nagsasaad din ito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim na lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan. At ito nga ang mga magagandang pangyayari na naganap sa ilalim ng pamahalang sibil sa pamumuno naman ni Gobernador Sibil William Howard Duff. At ito pa, dito ay nabigyan na ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahok sa pamahalaan. At ang pinakamagandang nangyari sa pamahalang ito ay ang pagkakaroon ng karapatan at pagkakataon na mamuno ang mga Pilipino sa sariling bansa.
Isunod naman nating pag-usapan ang mga patakaran na inilatag at ipinatupad ng mga Amerikano. Ito ay ang patakarang pasifikasyon at kooptasyon. Sa kadahilan ng marami pa rin mga Pilipino ang nakikipaglaban sa mga Amerikano upang makamit ang ganap na kalayaan, kaya nagpatupad ng mga patakaran ang mga Amerikano. Una na rito ay ang patakarang pasifikasyon. Layunin ng patakarang ito.
supilin o patigilin ang damdaming nasyonalismo ng nakararaming Pilipino na patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa mga Amerikano. Dahil dito, ipinatupad ng mga Amerikano ang mga sumusunod na batas. Una, Batas Sedisyon.
Nakapaloob sa batas na ito na bawal na bawal ang pagpuna at paglaban sa pamamahalan ng mga Amerikano. Kamatayan o mahabang pagkakakulong ang parusa sa sino mang lalabag sa batas na ito. Ikalawa ang batas rekonsentrasyon.
Layunin ang batas na ito na masukol o mahuli ang mga gerilya o ang mga Pilipinong patuloy pa rin sa pag-aalsa na nagtatago sa mga liblib na puok o pamayanan. Ikatlo ang batas sawatawat. Nakapaloob naman sa batas na ito na ipinagbabawal ang pagwawagayway ng bandilang Pilipino sa anumang pagkakataon, sa anumang lugar sa bansa. Nangyari ito mula 1907 hanggang 1918. Pangapat ang Batas Brigandage.
Pinagbabawalan ang pagsapin ng sino mang Pilipino sa mga pangkat na tahasang tumututol o lumalaban sa mga Amerikano. Pagkakabilanggo ng 20 taon at higit pa o kamatayan ang kaparusahan sa sino mang lalabag sa batas na ito. At dahil nga sa mga patakaran at mga batas na yan, maraming mga Pilipino ang natakot at piniling manahimik at umayon na lamang sa pamamalakad ng mga Amerikano. Pero may mga Pilipino pa rin ang nagpatuloy sa pagkikipaglaban makamit lamang ang minimithing kalayaan para sa kanilang bayan. Samantala, ang patakarang kooptasyon naman ay isang estrategiya upang mapapayag ang mga Pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano.
Sa ilalim ng patakarang ito, unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan. Nabigyan din ang mga Pilipino ng pagkakataong makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan. At bunga nito, na pa sa ilalim sa mga Pilipino ang pamahalang lokal ng bansa.
Naigawad din ang karapatang bumoto ng mga lalaking may taong 23 taong gulang. na nakakabasa at nakakasulat sa patakarang kooptasyon ay marami na ang mga Pilipinong nakapasok at nakalahok sa pamahalaan upang manungkulan. At iyan ang mga uri ng pamahalaan at mga patakarang ipinatupad.
ng mga Amerikano noong mga panahong sakop pa o kontrol pa nila ang ating bansa. Upang higit mo maunawaan ang ating aralin, muli nating balikan. Sa pananatili ng mga Amerikano, dito sa ating bansa ay nakapagtatag sila ng dalawang uri ng pamahalaan.
Una ay ang pamahalaang militar na pinamunuan ng gobernador militar at ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga militar o mga sundalo. At narito ang ilan sa mga naging gobernador militar ng Pilipinas. Una si General Wesley Merritt na sinundan naman ni General Eluel Otis at saka ni General Arthur MacArthur. Ang pamahalang sibil naman ay uri ng pamahalaan na kung saan nasa sibil yan.
Ang kapangyarihan at sa pamalang ito nabigyan ng pagkakataon ng mga Pilipino na makalahok sa mga halalan. At ito ay pinamunuan ni Gobernador Sibil William Howard Tuff. Ipinatupad din ng mga Amerikano ang mga patakarang pasifikasyon at kooptasyon. Ang patakarang pasifikasyon, ito ay ang sumusupil sa damdaming makabayan ng mga Pilipino upang pigilan na o tundukan na ang mga pag-aalsang nagaganap sa iba't ibang panig ng bansa.
Kaugnay nito ay nagpatupad din sila ng mga batas na may kaukulang kaparusahan sa sino mang lalabag alinman sa mga batas na ito. Halimbawa nito ay ang Batas ng Sedisyon, Batas ng Rekonsentrasyon, Batas sa Watawat at ang Batas Brigandage na nagdulot ng takot at galit sa mga Pilipino. At ang panghuli ay ang patakarang kooptasyon. Ito naman ang ginawa ng mga Amerikano bilang pangakit sa mga Pilipino.
na umanib at makiisa sa kanilang pamamahala at manumpan ng katapatan sa mga Amerikano. Dito ay binigyan nila ng pagkakataong mamuno sa pamamahala sa bansa ang ilang mga Pilipino. Hanggang sa dumating sa punto na unti-unti nang pinapalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan.
At hindi lang yun, napasa ilalim din sa mga Pilipino ang pamahala ang lokal ng bansa na igawad din ang karapatang bumoto Music ng mga lalaking nasa 23 taong gulang na marunong bumahasa at sumulat. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng pananakop o pamamalagi ng mga Amerikano dito sa ating bansa, alin sa uri ng pamahalaan at patakaran ang iyong nagustuhan? Hanggang dito na lang at oras na para sagutan mo ang iyong module. Hanggang sa muli, paalam!