Pag-unawa sa Karapatang Pantao

Mar 8, 2025

Karapatang Pantao

I. Konsepto ng Karapatang Pantao

  • Tumutukoy sa mga karapatan na dapat tinatamasa ng isang tao, anuman ang kanyang kasarian, kulay, edad o katayuan sa buhay.
  • Prinsipyo ng paggalang sa isang indibidwal, na nagtataglay ng dignidad.
  • Saklaw ng aspeto: cibil, politikal, ekonomikal, sosyal, at kultural.

II. Katangian ng Karapatang Pantao

  • Universal: Dapat tinatamasa ng lahat ng tao saan mang panig ng mundo.
  • Inalienable: Hindi maaaring kunin mula sa individual.
  • Indivisible: Hindi maaaring hatiin ang karapatang pantao ng isang individual.
  • Interdependent: Magkakaugnay ang mga karapatan; ang paglabag sa isa ay maaaring makaapekto sa iba.

III. Uri ng Karapatang Pantao

  1. Natural Rights
    • Taglay mula nang isilang.
    • Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian.
  2. Constitutional Rights
    • Ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.
    • Klasipikasyon:
      • Karapatang Politikal
      • Karapatang Sibil
      • Karapatang Sosyoekonomiko
      • Karapatan ng Akusado
  3. Statutory Rights
    • Kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng bagong batas.

IV. Kasaysayan ng Karapatang Pantao

  • 539 BCE: Pagsakop ni Haring Cyrus ng Persya sa Babylon, pagpapalaya ng alipin, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi. Nakasaad sa Cyrus Cylinder.
  • 1215: Magna Carta ng England - paglilimita sa kapangyarihan ng hari.
  • 1628: Petition of Right sa England - mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis ng walang pahintulot ng parlamento.
  • 1787: Saligang Batas ng United States - naglalaman ng Bill of Rights.
  • 1789: Declaration of the Rights of Man and of the Citizen sa France.
  • 1864: Geneva Convention - pangangalaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo.
  • 1948: Universal Declaration of Human Rights ng United Nations.

V. Mga Dokumentong Pang-Proteksyon

  • Article 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987
    • Kilala bilang Bill of Rights.
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
    • Naglalaman ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
    • Nagbibigay tangi at malaya ang tao na makamit ang kanyang mithiin at mabuting pamumuhay.