Konsepto, kasaysayan, katangian at uri ng mga karapatang pangtao. Maraming pagkakataon na nanabasa mo sa mga posts sa iba't ibang social media platform. Pahayagan, narinig sa radyo o napanood sa telebisyon ang paksa tungkol sa karapatang pangtao. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magtanong sa mga tao, na iyong makakasalubong kung ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao, maaaring iba't iba ang maging sagot na iyong makukuha.
Ito ay dahil sa iba't ibang karanasan na humubog sa kanila batay sa kinaaanibang relisyon, uri ng kultura, at lipunang kanilang kinabibilangan. Taglay ng bawat tao ang mga karapatang nakabatay sa prinsipyo ng paggalang sa isang individual. Lahat ng nabubuhay na indibidwal ay may taglay ng mga karapatan dahil bawat isa ay nararapat na tratuhin ng may dignidad. Saklaw ng tao ang kanyang mga karapatan sa aspektong sibil, politikal, ekonomikal, sosyal at kultural. Ngunit ano nga ba ang karapatang pang tao at paano ito nagsimula?
Ang karapatang pangtao o human rights ay tumutukoy sa mga karapatan na dapat tinatamasa ng isang tao, anuman ang kanyang kasarian, kulay, edad o katayuan sa buhay. May ilalarawan ang mga katangian ng karapatang pantao bilang universal, inalienable, indivisible at interdependent. Ang karapatang pantao ay universal sapagat ang karapatang pantao ay dapat tinatamasa ng lahat ng tao kahit sa ang mang panig ng mundo. Ang karapatang pantao ay inalienable sapagat ito ay hindi maaaring kuhain sa individual ninuman o kailanman dahil ito ay kanyang taglay mula nang siya ay isilang. Ang karapatang pantao ay indivisible.
Sapagat ang karapatang pantao ng isang individual ay hindi maaari at kailanman maaaring hatiin. Ito ay dahil ang karapatang pantao ay interdependent o magkakaugnay. Ang isang karapatang pantao ay maaaring maapektuhan kung ang unang karapatan ay nalabag o naapektuhan na. Kaya dapat laging isaisip na ito ay pantay-pantay.
Kung kaya't dapat ito ay pantay-pantay din na pinaprotektahan at iginagalang. May iba't ibang uri ng karapatang pantao. Ito ang natural rights, constitutional rights, at statutory rights.
Ang natural rights ay tumutukoy sa mga karapatan na taglay ng tao mula nang siya ay isilang. Ito ay hindi na kailangan pang ibigay sa kanya ng estado upang maging efektibo dahil likas sa bawat isa ang ganitong uri ng karapatan. Kabilang sa mga karapatang ito ay ang karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian.
Pangalawa ay ang constitutional rights o ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. Ito ay may apat na klasifikasyon. Una ay ang karapatang politikal o ang kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
Ikalawa ay ang karapatang sibil, mga karapatan na titiyak sa mga pribadong individual, na maging kasiyasiya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais ng hindi lumalabag sa batas. Ikatlo ay ang karapatang sosyoekonomiko o mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibidwal. At pang-apat ay ang karapatan ng akusado.
Ito ay mga karapatan na magbibigay proteksyon sa mga indibidwal na inakusahan sa anumang krimen. At ang ikatlong uri ng karapatang pantao ay ang statutory rights. Ito ay mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng isang panibagong batas.
Ngunit paano nga ba nagsimula ang konsepto ng karapatang pantao? 539 BCE nang sinakop ni Haring Cyrus ng Persya, at kanyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga halipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idiniklara rin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi.
Ang mga kaganapang ito ay nakatala sa isang baked clay cylinder na tanyag sa tawag na Cyrus Cylinder na tinagurian bilang world's first charter of human rights. Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece at Rome. Ang mga reliyon at pananampalataya na itinatag sa Asia tulad ng Judaism, Hinduism, Christianismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin ito sa kanyang kapwa. Noong 1215 ay sapilitang lumagda si Haring John I ng England sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England.
Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pag- Pagpapasya ng hukuman, sa dokumentong ito ay nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa. At noong 1628 ay ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis ng walang pahintulot ng parliment, ang pagbabawal sa pagkulong ng walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Noong 1787 ay inaprubahan ng United States Congress ang saligang batas ng kanilang bansa.
Sa dokumentong ito ay nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong December 15, 1791. Ito ang nagbigay proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong naninirahan sa bansa. Noong 1789 ay nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Noong 1864 ay isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeyong bansa at ilang estado ng United States. Sa Geneva, Switzerland, kinilala ito bilang the first Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pag-aalaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo ng walang anumang diskriminasyon.
At noong 1948 ay itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt. ang asawa ng yumaong Pangulong Franklin D. Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon ay nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights.
Upang mas mapagtibay ang mga karapatan, mayroong mga dokumento na sinusunod at dapat sundin ng mga mamamayan upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga karapatang pantao ng bawat isa. Ito ang Article 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 o mas kilala bilang Bill of Rights. at ang Universal Declaration of Human Rights. Ang Article 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, o mas kilala sa pamagat na Bill of Rights, ay ang Katipunan ng Mga Karapatang Pantao.
Nakasaad sa artikulong ito ang lahat ng mga karapatan na dapat tinataglay ng bawat Pilipino. Ang Universal Declaration of Human Rights ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad na mga karapatang pantao ng bawat individual na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao katulad ng karapatang sibil, karapatang politikal, karapatang ekonomiko, karapatang sosyal, at karapatang kultural. Ang mga karapatang nakapaloob sa UDHR ay tunay na nagbibigay tangi sa tao bilang nila lang na nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghatid sa kanya upang makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting pamumuhay.
Konsepto, kasaysayan, katangian at uri ng mga karapatang pangtao.