Transcript for:
Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Hello students! Mapagpalang araw sa inyong lahat. Welcome sa ESV Channel na kung saan ay tinatalakay ang mga araling sa edukasyon sa pagpapakatao by Tangshan. Ako si Ginang Alma Ardenzos, Guru Mula.

sa Edukasyon sa Pagpapakatao by Tang Syam. Sa araw na ito, ay tatalakayin natin ang Module 5 sa ating Self-Learning Module na may pamagat na Karapatan at Tumpulin. Bago tayo magpatuloy sa ating paksang araling, nais kong malaman ninyo kung ano ang inaasahan dapat maintindihan mo bilang mag-aaral ng ESP-9. Ito ang Most Essential Learning Competencies o tinatawag nating MELS.

Sa pamamagitan ng arali na ito, inaasahan na maipamamalasit mo ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan. Ating alalahanin ang nakalipas na paksa sa Quarter 1, Week 7 and 8. Ano ang Lipo ng Sibil? Ito ay ang kusang pag-oorganisa sa ating mga sarili tungo sa samasamang pagtutulungan. Sinusulong ito ng mga mamamayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan na maaaring hindi matugunan ng pamahalaan.

Hangad ng lipunang sibil na maging katuwang ng pamahalaan sa pagtugo ng pangangailangan ng mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na hindi kaagad nabibigyan ng tulong. May limang uri ng lipunang sibil. Ito ay ang mga sumusunod.

Una, Samahang Sibil. Ito ay grupo ng mga mamamayan na may pare-parehong gawain at adikain na gumagawa ng misyon sa iba't ibang lugar sa bansa upang maghatid ng tulong sa mga tao. Halimbawa, ito ay ang mga nagaganap sa ating bansa na community pantry.

Alam natin ito at naging palasakito sa atin. Pangalawa, media. Ang pangunahing inaasahan ng mga tao na makapagbibigay sa kanila ng iba't ibang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa. Lagay ng panahon, entertainment at mga isyo na nakakaapekto sa ating buhay.

Halimbawa, mga ulat ng mga lockdown upang makaiwas sa maaaring pagkahawa It's a whole beef. Pangatlo, simbahan. Ito ay may kinalaman sa moral at espiritual na buhay. Halimbawa, mula noong nag-lockdown, magsimula ang pandemya, malaki ang naging bahagi ng simbahan sa pagpapatatag ng ating pananampalataya na hindi na matakot tayo ay dahil meron tayong simbahan na napuktahan kaya napapalakas ito at napakalakas ito. At napapatatag ang ating pananampalataya at nagtutuon tayo ng ating isipan sa pag-asa na merong Diyos na tutulong sa atin.

Pang-apat, social media. Ito ay nagagamit ng tao sa pag-update tungkol sa kanyang sarili at sa mga nangyayari sa paligid maging sa iba't ibang uri ng public service. At ang panlima, Partylist Group.

Kumakatawa nito sa mga sektor ng ating lipunan na nangangailangan ng wastong pagkalinga. Ginawa nila ito dahil sa nais nilang makatulong at makapag-inggan niya na din sa ating mga kababayan na magkaisa sa panahon ng pandemya. Kunin at ihanda ang inyong self-learning module, notebook at ballpen.

Panatilihing bukas ang SLM upang masundan nyo ang paliwanag kung paano gagawin ang activity sheet. Merong Gawain 1 at Gawain 2. Sa Gawain 1 ay merong dalawang kolom. Sa unang kolom, isulat ang iyong mga karapatan. At sa ikalawang kolom naman, isusulat ang tungkulin na kaakibat ng iyong karapatan na dapat mong gampanan.

Halimbawa, Karapatang Mabuhay. Ilalagay ko ito sa unang kolom. Isusulat ko naman sa ikalawang kolom ay tungkulin kong ingatan ang aking sarili sa pamamagitan ng paggamit ng face mask sa tuwing ako ay lalabas ng bahay upang makaiwas ako sa paglanghap ng virus upang di ako magkasakit. Dumako naman tayo sa mga tanong.

Basahin at unawain mabuti ang mga katanungan upang makapag-isip ng sagot ng may kahusayan. Palaging alalahanin ang rubrik sa pag-uwas to upang malaman nyo paano binibigyan ng puntos ang inyong mga kasagutan. Sa ikalawang gawain naman, gagawa ka ng isang kulaj ng artikulo o larawan sa dyaryo at magazine na nakakikitaan mo ng pagtupad o pagsunod sa karapatang pantao na nagaganap sa loob ng tahanan, paaralan, pamayanan o lipunan. Idikit ito sa nakalaang bahagi ng learning activity sheet sa iba ba at ipaliwanag.

Magiging madali ang pagsagot kapag iyong naunawaan ang ating paksang aralin. Katulad ng paliwanag ko sa unang gawain ay ganun din ang magiging basihan sa pagbibigay ng puntos sa ikalawang gawain. Bago ko simulan ang pagtatalakay, pinaasahan ko na kayo ay nasa komportabling lugar, hawak ang module, notebook, at ballpen para maitala ang mga mahalagang nilalaman ng ating aralin. Mahalagang magkaroon kayo ng fokus sa tinatalakay upang maunawaan nyo ang mahalagang nilalaman ng module. matutunan ang mga konsepto, maisabuhay at maging gabay sa pang-araw-araw na buhay.

O, handa na ba kayo? Simulan natin ang ating talakayan sa pamamagitan ng isang laro. Guess the Jumble Word Suriin ang Likod Larawan.

May papakita akong larawan sa inyo at susuriin ninyo. Ayusin ang mga letra upang mahulaan ang tamang salita. May mga naka-jumble words doon sa aking ipapakitang mga larawan.

At uhulaan ninyo kung anong salita ang pwedeng mabuo. Oo, ganyan na ba kayo? Simulan natin. Pipigyan ko lang kayo ng limang segundo para masagutan ang bawat larawan.

Unang larawan. Tama! Madali lang, di ba?

O, eto naman. Tama! 5, 4, 3, 2, 1 Tama!

O, madali pa rin diba? Subukan naman natin ito. 5, 3, 2, 1 Tama! O, nag-e-enjoy ba kayo sa pagsagot?

Napakadali lang, di ba? Tingnan naman natin ito. Tama! Magaling!

Sige, ituloy pa natin ang pagsagot. Tama! Mahusay! O, eto kaya? Wow!

Mahuhusay kayo sa pagsagot! Congratulations! Ang aralin na ito ay naglalayon na matulungan ang mga mag-aaral na maisagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay, pamayanan o lipunan at bansa.

Kung ating ihahambing ang tao sa ibang nilikha ng Diyos, ang tao ang mas nakahihigit ang halaga sapagkat siya ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Ang Ang halagang ito ay tinatawag na dignidad, na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Ang pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa ay ang taglay na dignidad.

Naguugat ang dinidad na ito sa kanyang kakayahang mag-isip at makapamili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ang bawat karapatan ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng tao. Ano nga ba ang karapatan?

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at ang kinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay. Kailangan ang karapatan para sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kalayaang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.

Bakit nga ba tinawag na ang karapatan ay kapangyarihang moral? Kapangyarihang moral dahil Kikinabangan lamang ng tao dahil tao lamang ang makakagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ng tao na akuin at tuparin ang kanyang mga karapatang.

tungkulin. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may anin na uri ng di maiaalis na karapatan o yung tinatawag nating inherent at inalienable rights. Ano nga ba ang mga itinuturing nating karapatan? Isa-isahin natin. Una, Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan.

Dahil kung wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan. Ito ay karapatan sa... Tama!

Ito ay karapatan sa buhay. Very good! Dapat mangibabaw ang karapatan sa buhay sa iba pang mga karapatan kung malalagay sa panganib ang isang tao.

Kahit nasa sinapupunan pa lang ay may karapatan ng mabuhay. Ang ating bansa ay hindi legal ang tinatawag nating aborsyon. Kaya, kung halimbawa Sa mga kabataan, may hindi inaasahan o hindi magandang pangyayari at nais ipalaglag ang isang sanggol, ito ay hindi inaayunan ng ating batas. Dahil ang buhay sa sinapupunan ay may karapatang mabuhay. Ang ikalawang uri ng karapatan ay naglalarawan na ang bawat tao ay may karapatan na magmay-ari upang mabuhay ito ng maayos at makapagtrabaho ng produktibo sa kapakinabangan ng sarili at lipunan.

Anong uri ng karapatan ang inilalarawan dito? Mahusay Ito ay karapatan sa pribadong ari-arian. Kailangan ng tao ng mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Halimbawa, madami sa ating mga kababayan ang namahagi ng kanilang tulong mula sa kanilang yaman at pagmamayari. Lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Marami ang nagkaroon ng pakikiisa, pakikibahagi ng kanilang yaman at ari-arian. Ito ay ang tinatawag na bayanihan. Sa kabilang daku naman ay maituturing na isang pang-aabuso sa karapatang ito kung naaapi at naaargabyado ang mga manggagawa sa kanilang mga sweldo o sa mga benepisyo. Inilalarawan dito, Sa ikatlong karapatan ay ang karapatan ng tao ang bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. Anong uri ng karapatan nito?

Tama! Karapatang magpakasal at magkaroon ng pamilya. May mga paalala para sa mga kabataang 17 years old pa baba. na kailangan ay may pahintulot ng kanilang mga magulang upang mapangalagaan siya laban sa kapahamaan.

Pinag-iingat din sa mga mag-asawa ang mga nakahahawang sakit o may sakit sa isip. Kahit taglay pa rin nila ang karapatang makapag-asawa. Kasama sa karapatang ito ang lumipat o tumira sa ibang lugar o ibang bansa upang mabigyan sila ng pagkakataong makapagtrabaho o magkaroon ng komportabling buhay na ligtas sa anumang panganib.

Anong uri ng karapatan ang inilalarawan dito? Mahusay! Karapatang pumunta sa iba't ibang lugar.

Pero sa ngayong panahon na to ng pandemia, ay kailangan nating sundin ang ipinatutupad ng batas para sa ating proteksyon. Hanggat maaari, maging masunurin tayo sa tinatawag na health protocol. So, sa ngayong pandemia, ito ay...

Hindi masyado nating nagagamit o hindi masyadong pinapahintulutan sapagkat may kakaiba tayong sitwasyon ngayon. So kailangan nating sumunod sa tinatawag nating health protocol at yung pag-iwas na pumunta sa iba't ibang lugar. Dahil sa panahon na to, ito ay hindi makabubuti para sa ating talusugan.

Sinasabi sa karapatan ito na ang tao ay maaaring pumili ng kanyang reliyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao at mapalago ang kanyang relasyon sa Diyos at sa kanyang kapwa. Anong uri ng karapatan ito? Very good! Ito ay karapatang sumamba o ihayag ang pananampalataya.

Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na reliyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan. Karapatan ng taong pumili ng trabaho upang matugunan ang kanyang pangangailangan at maiangat ang kalidad ng kanyang pamumuhay sa legal na paraan. Anong paglalarawan nito ng karapatan?

Mahusay! Karapatang magtrabaho o maghanap buhay. Tungkulin ng pamahalaan na makapagbigay ng legal na hanap buhay sa mga mamamayan upang mabuhay ng maayos at mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May mga karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa para mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan.

Ano ang tungkulin? Ito ang obligasyong moral na gawin o hindi gawin o iwasan ang isang gawain. Ano yung tinutukoy ditong iwasan? Ang iiwasan natin ay yung mga bagay na hindi tama at hindi makabubuti para sa atin at para sa ating kapwa na mga gawain.

Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos loob ng tao. Kailangan gawin ang mga tungkulin sapagkat ito ang nararapat o nakabubuti. Narito ang anim na tungkulin tutugon sa angkop na karapatan. Una Karapatan sa buhay.

Tungkulin pangalagaan ang kalusugan at paunlarin ang angking talento. Tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kanyang kalusugan at ang kanyang sarili sa panganib ng katawan at kaluluwa. Tungkulin niyang paunlarin ang kanyang mga talento at kakayahan sa aspektong kalusugan.

pangkatawan at pangkaisipan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at moral. Obligasyon niya na pagpapagamot kung sakali o pumunta sa ospital kung kinakailangan. Pangalawa, karapatan sa pribadong ari-arian. Tungkulin ng tao na pangalagaan at palaguin anumang ari-arian niya. at gamitin ito upang tulungan ang kapwa at paunglarin ang pamayanan.

Tungkulin na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at gamitin upang tulungan ang kapwa at paunglarin ang pamayanan. Halimbawa, pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan. Hindi lamang yun. Yung tinatawag nating bayanihan sa panahon ng pandemya, napakarami ang mga bukas palad sa kanilang pagtulong gamit ang kanilang ari-arian. Pangatlo, karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya.

May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabaya ng mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Maging mabuting halimbawa sa mga anak. Pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhinang pagsira ng pangalan ng pamilya. At pagsasabuhay ng mga bertud bilang isang pamilya. Ang ikaapat ay ang karapatang pumunta sa ibang lugar.

Tungkulin ang bawat individual na igalang ang patutunguhang lugar. Tungkulin na igalang ang mga pribadong boundaries. Kaakibat ng karapatang ito, nakilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa.

Tungkulin na sumunod sa mga batas na pinaiiral ng ibang lugar o bansa. Halimbawa, curfew, stay home, work from home. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa, magkapatid o magkaibigan.

Ikalima, karapatang sumamba o ihayag ang pananampalataya. Tungkulin ng tao sa kanyang kapwa na igalang ang ibang reliyon o paraan ng pagsamba ng iba. Tungkulin ng tao na palaguin ang kanyang ugnayan sa kinikilalang Diyos.

Panghuli, karapatang magtrabaho o maghanap buhay. Ikalima, karapatang sumamba o ihayag ang pananampalataya. Tungkulin ng mamamayan na maghanap buhay ng marangal. Tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanap buhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga ang katapatan sa mga empleyado sa kanilang trabaho.

Ibig sabihin, nakafokus. Tungkulin ang tao na mapaunlad ang kanyang kakayahan ng buong husay na maipakita sa anumang gawain. Sa pamamagitan ng paghahanap buhay ay uunlad din ang kanyang buhay at mahahasa ang talento o galing. Ang pagsasabuhay ng karapatan at paggawa ng tama.

Sa kanyang tungkulin ay maituturing na misyon mo bilang isang kabataang Pilipino. Paano naman ang tungkulin mo bilang isang mag-aaral? Una, mag-aaral ng mabuti. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto.

Gamitin ang kakayahan ng buong husay. Makilahok sa mga gawain sa paaralan. pagyamanin ang mga kakayahan at matutunglutasin ang sariling mga suliranin.

Ano naman ang tungkulin mo bilang anak? Maging mapagmahal at magalang. Maging masino.

Tumulong sa mga gawain bahay. Tungkulin mo bilang isang kapatid. Mahalin at respetuhin ang bawat isa.

Magdamayan sa oras ng pangangailangan at magtulungan sa mga gawain. Ano ang kanyang tungkulin sa sarili? Panatilihing malinis at malusog ang pangangatawan. Paunglarin ang talento at kakayahan. maging makabuluhan sa paggamit ng hilig, at maging responsabling humaharap sa mga pagbabago sa buhay dala ng paglaki.

Bilang consumer ng media, ano naman ang tungkulin mo bilang isang kabataan? Una, think before you click. And number two, before you post, thing. Now, ano yung thing? Merong acronym yung thing.

Letter T, is it true? Sa letter H? Is it helpful? Sa letter I.

Is it inspiring? Sa letter N. Is it necessary?

Sa letter K. Is it kind? So, think before you click and before you post, think.

Okay? Okay? Now, ang panghuli, bilang isang kabataan na nagmamahal at nagmamalasakit sa kalikasan, ano ang dapat mong gawin o tungkulin mo?

Una, ihiwalay ang mga basura at itapon sa tamang tapunan. Pangalawa, panatilihing malinis ang paligid. Pangatlo at panghuli, tumulong sa paglilinis ng bakuran.

Diba magandang alalahanin at pagnilay-nilayan ang mga tungkulin ng mga kabataang katulad nyo. Maging mabuting halimbawa ang mga kabataang katulad nyo. Ano ang tungkulin mo sa iyong pamayanang iyong kinabibilangan?

Thank you. Ano ang pwede mong magawa? Una, panatilihing malinis at maayos ang paligid.

Sumali sa mga programang pangkabataan sa barangay. Maging mulat sa mga pangyayari sa pamayanan. At maging tapat sa lipu ng kinabibilangan.

Ikaw bilang isang kabataang mananampalataya. Ano naman ang iyong tungkulin? Una, ugaliin ang palagiang pagdarasal.

Pangalawa, makilahok sa mga pambatang programa ng singbaan. Palaging tandaan ang ating paksang aralin, karapatan at tungkulin. Lagi nating isipin na ang karapatan ay may kaakibat na tungkulin o obligasyon na dapat nating gampanan. At merong 6 na uri ng karapatan na nakapaloob din ang tungkulin. So yung 6 na karapatan na ito at 6 na tungkulin ay ang mga sumusunod.

Karapatan sa buhay, karapatan sa pribadong ari-arian, karapatan sa pagpapakasal o pagkakaroon ng pamilya, karapatan pumunta sa ibang lugar, Karapatang sumamba o ihayag ang iyong pananampalataya at karapatang magtrabaho o maghanap buhay. Lahat ng iyan ay may kaakibat na responsibilidad, na tungkulin, na obligasyon na dapat nating gampanan. Isang aralin na naman ang natapos natin naway madami kayong naalala, naunawaan at natutunan upang magamit niyong gabay at maisabuhay sa araw-araw.

Upang mas lalo ninyong maunawaan ang ating aralin, basahin at patuloy ninyong unawain ang nilalaman ng inyong module. Mangyari lamang na makipag-ugnayan kayo sa inyong mga guro sa ESP9. Maaari kayong gumawa ng mensahe mula sa inyong GC o group chat sa inyong klase. Huwag mag-atubiling magtanong sa atin. Ating mga guro, kung sakaling may mga hindi tayo nauunawaan sa ating aralin upang matulungan kayo at magabayan kayo sa inyong pag-aaral at sa pag-unawa ng ating aralin.

Para sa ating mga magulang, patuloy po nating gabayan, encourage at imotivate ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral. Natutuwa po at nagpapasalamat po ng lubos ang paaralan at ang mga guro dahil tatuwang namin kayo sa paggabay at pagpatnubay at pagpupursige sa pag-aaral ng inyong mga anak. Hanggang sa muli, ito po si Ginang Alma R. de Jesus, guro sa ESP 9. Outro