Transcript for:
Kasaysayan ni Bonifacio at Katipunan

Sa pagsusulat ng kasaysayan, napakahalaga ang magtanong, nasaan na tayo? Maayos na ba ang buhay sa Pilipinas? Ano ang itataya mo para sa ating kalayaan? Panoorin ang kwento ng mga bayani sa bayanan daloy ng kanilang buhay at makasakali makahanap tayo ng mga sagot sa nakaraan. Mga sagot sa hamon ng kasalukuyan. Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng imahe ng isang dakilang maralitan. At ang mga tao, nakapaa, bukas ang suot na kamisa de chino at nagpapakita ng matipunong pangangatawan ng isang manggagawa. Kilala natin bilang ama ng katipunan, ama ng himagsikang Pilipino, pero tinatawag ding bobog-budigero, walang pinag-aralan, sugod ng sugod, walang pinanalong laban at walang ibang alam kundi maging bayolente. Ang imaheng ito ay nagmula sa ibat-ibang rebulto sa mga plaza sa buong Pilipinas na tinatawag na Monumento ni Bonifacio. Ginaya lahat ito sa Monumento sa Balintawak, ngayon ay Cloverleaf, na nililok ni Ramon Martinez y Lázaro na pinasinayaan noong September 3, 1911. Ibinatay ito sa isang modelong nakahubad na dinroing naman ni Jorge Pineda para sa El Renacimiento Filipino. Pero kung titignan ang nakasulat sa ilalim ng monumento, alaala ng bayang Pilipino sa mga bayani ng 96. Sa makatawid, hindi ito si Andres Bonifacio. Kinatawan ito ng lahat ng katipon, ng lahat ng anak ng bayan, hindi ng ama ng katipunan. Andres Bonifacio. Ito ang panawagan ng marami. Hubara natin ang kinagis ng mga mito ukol kay Bonifacio upang makilala natin ang tunay na mukha ng bayani. Sa kasamaang palad, isang aktual na foto lamang ni Bonifacio ang naiwan. Ngunit, kaiba ang nakalarawan dito sa matipunong lalaking nakasuot ng bukas na kamisa de chino. Ang lalaki ay naka-amerikana. Isang bintana ang larawang kupas. sa tunay na pagkatao ng taong tinatawag na Supremo. Sa matagal na panahon, iilan lamang ang mga aktual na dokumento na nakitang isinulat by Gat Andres Bonifacio. Wala pang sasampo. Subalit, kamakailan, ang National Historical Commission of the Philippines ay tumanggap ng kopya ng mga kumpiskadong dokumentong katipunan na nakalagak sa Archivo General Militar de Madrid 150 bagong dokumento na gagamitin ng ekstensibo sa paglalahad na ito. Kasama ng iba pang mga tala at mga alaala, ating balikan. Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio? Isinilang si Andres Bonifacio noong November 30, 1863 sa Maynila. Pista ni San Andres Apostol ang isa sa mga patron ng lalawigan. Panganay na anak ni Santiago Bonifacio, minsan na upong tenyente mayor, isa sa mga katuwang ng gobernador Filio, at kay Catalina de Castro, isang kabefilya o pinuno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo. Kaiba sa pananaw na siya ay purong Indio. Si Andres ay may lahing Espanyol, Sapat katang kanyang ina. ay isang mistisa na may amang Espanyol. Sinundan si Andres nila si Riaco, Procopio, Esperidiona, Troadio at Maxima. Bagamat hindi mayaman, hindi na naman napakahirap ng Pamila Bonifacio. Ang bahay nila ay nakatayo sa harapan mismo na ngayon ay Tutuban Central Mall. May panahong nakapag-aral pa siya sa paaralan ng isang Guillermo Osmeña. At kaiba sa dating naisulat ng mga istoryador na si Andres ay naulila sa maagang edad na labing apat. Ang mga vizindaryo ng tundo sa mga taong 1881 at 1884 ay naglilista na buhay pa ang mag-asawang Bonifacio. Sa mga tala ni E. Arsenio Manuel at Diosdado Capino na nakapanayam si Esperidiona Bonifacio, namatay si Catalina noong 1883. na sinunda naman ang kamatayan ng kanyang asawang si Santiago noong 1885. May dalawamput-dalawang taong gulang na si Andres ng maulilang lubos. Anuman maituturing na entrepreneur si na Andres at kanyang mga kapatid, gumawa sila ng baston at abaniko na ibinibenta sa patio ng simbahan. Nakatulong pa kay Bonifacio ang pagtatapos ng kalakalang galyon at pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan sapagkat nakapasok siya sa iba't ibang trabaho sa mga international companies. Bilang bodeggero o nagtatala at nagmamando ng mga laman ng bodega, hindi nakapagtataka na maganda ang sulat ni Andres. Dito makikita na bagamat hindi maralita, maituturing na lubog sa bayan si Andres dahil bahagi siya ng uring manggagawa. Ayon kay Doña Elvira Chrysler, Napansin niyang sa gitna ng pagtatrabaho sa kanya ni Andres bilang ahente ng tiles, tuwing tanghalian lagi itong may tanga na aklat na binabasa. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral, nakapagbasa siya ng iba't ibang mga aklat sa wikang Espanyol. Dahil dito, kaiba sa maraming Indyo, nalaman ni Bonifacio ang nagiging pakikibaka para sa kalayaan sa ibang bansa. Sa kanyang pagbabasa, lumawak ang kanyang mga ideya at pangarap. Sapagat sa loob ng tatlong daan taon, tila bawal mangarap. Sa ilalim ng mga mananakop na Espanyol, ipinatupad ang mga mapaniil na mga pulisiya laban sa mga tumubo sa kapuluang ito na tinawag nilang mga Indyo. Kahit nakakaunti lamang ang kawal ng mga Espanyol, mas nasakot nila tayo sa pagpunla ng isang ideya. na hindi natin kayang maging maunlad kung wala ang mga Espanyol, na ang pagsuway sa Espanya ay pagsuway sa Diyos. Sa pagpabago ng ekonomiya, nagkaroon ng mga Indyong umangat at naging ilustrado. Mga nakapag-aral at naniniwala sa filosopiya ng Enlightenment. Wala dapat hari. Pantay-pantay ang mga tao. Kailangang gamitin ang isip kesa sa bulag na pananampalataya. Sa kabila nito, Hindi pa rin pangtay ang karapatan ng Indyo at ng mga Espanyol. Ang sedola, ang simbolo ng kaalipinang ito. Tumatak sa isip ng henerasyon ni Andres ang mga nakakapangilabot na pangyayari noong 1872. Ang pagbitay sa mga aktivista ng sekularisasyon, ang mga paring Gomez, Burgos at Zamora dahil sa huwad na pagkakasangkot sa isang pag-aelsa. Binalian sila ng leeg sa pamamagitan ng garrote sa harapan ng madla. Walong taong gulang pa lamang noon si Andres. Sa mga dokumento ng magiging katipunan, ang pag-aalsang gagawin nila ay tila paghihiganti sa pagpaslang sa mga paring ito. Kung kaya noon, kapag isinilang kang indyo, mamamatay kang indyo. Isang alipin, walang asenso, walang pag-asa. Ngunit para kay Bonifacio, kung... kaya ng Amerika at Pransya na makuha ang kanilang kalayaan kaya rin ng mga Tagalog. Sa kanyang pinangarap na malayang kapuluan, ang bayan ang hari. Kaya naman, nang itatag niyang katipunan, ang pinili niyang alias ay may pag-asa. Sa ating mga libro, Sumapi si Andres Bonifacio at Deodato Arellano sa Laliga, Filipina ng makabayang nobelista at optalmologo na si Jose Rizal noong mismong pagtatag nito, July 3, 1892. Nais itong pagkaisahin ng buong kapuluan upang maging isang katawan na magdadamayan sa isa't isa, sa mga katawid, isang nasyon. Ngunit matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal. at hindi naglahon ay itinapon sa dapitan sa Mindanao. Kinabukasan, July 7, 1892, nakipagpulong si Bonifacio sa kanyang mga kaibigan sa Kalle Azcarraga at itinatag nila ang KKK, kataas-taasang kagalang-galang nakatipunan ng mga anak ng BAC. Ngunit ayon sa isang bagong dokumento mula sa Archivo General Militar, na isinulat noong January 1892 bago pa itinatag ang katipunan, maliwanag ang intensyon ng katipunang ito sa simula pa lamang. Isinasaysay na ang mga kapuloang ito ay umihiwalay sa Espanya. Nagbuwat sa araw na ito at walang kinikilala at kikilan din pang puno at makapangyayari kundi itong katastaasang katipunan. Dahil si Bonifacio ay miyembro ng masoneria na nagtuturo ng pagkakapantay-pantayin ng lahat, maraming ritual nito ay dinala niya sa katipunan, lalo na sa pagsubok sa bagong mga kasapi. Binibigyan sila ng tatlong tanong. Sa tatlong tanong na ito, binabago nila ang kasaysayang itinuro ng mga Espanyol na bago sila dumating, walang kultura ang sinaunang bayan at nang dumating sila, Binigyan nila ng kaliwanagan. Itinatalastas sa bagong kasabi na may kultura tayo na sariling atin na malaya at maunlad tayo bago tayo inapi at inalipin ng Espada. Na kung tayo magkakaisa, may pag-asa na matimawa ang mga alipin at mababawi natin ang ating kalayaan at kaginawaan. Sumikat na ina sa sinisilahan ang Araw ng Puot ng Katagalugan. 300 taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinhusay kami yung anak sa bagyong masasan ng dalit at hira. Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na ina naming lahat. Hindi agad naghangad si Bonifacio na maging pinuno ng samahan. Bago siya nahalal sa kataas-taas ang Pangulo noong 1895, naging Pangulo muna, si Deodato Arellano at si Roman Baza. Sa mga bagong dokumento na nakasulat sa sariling lihim na alfabeto, makikita na may maayos na sistema ang Katipuna. Isang estruktura na may kataas-taasang sanggunian na pinamamahalaan ang mga sanggunian bayan, na pinamamahalaan naman ang mga sanggunian palangay. Ngunit sa malalaking desisyon, Tinitipon ang mga pangulo ng mga sanggunian at ang kataas-taasang sanggunian upang maging kataas-taasang kapisangan, isang sistemang demokratiko. Ngayon din, meron din silang sistemang pangkatarungan, ang sangguniang lihim. Balo na si Andres noong 1893 nang ligawan niya. Ang labing walong taong gulang na si Gregoria de Jesus, kilala sa tawag na Oriang. Tumutol sa relasyon ng ama ni Oriang dahil sa pagiging mason ni Andres. Kaya kinulog niya ang anak upang hindi na makita ang kanyang katipan. Dahil dito, sumulat si Oriang sa gobernador Filio ng Tundo. Ako po ay si Gregoria de Jesus na taga-Kaloocan, talagang Tagalog. At minor de dad, ako po ay may tratong mag-asawa sa aking nobyo na si Andres Bonifacio. Nang matalastas ng aking mga magulang ang aking magandang hangad, ako po ay dinala rito sa Binondo. Ang lagay ko rito ay tunay na bilanggo. Walang libertad na anuman! Sa inyo pong kapangyarihan, ako po'y kunin ninyo rito. Tawagin ang aking nobyo. Gawin ang dilensya na dapat ipadala sa gobyerno para kami makasal. Lubos na gumagalang, Gregoria de Jesus. Pumayag din ang kanyang mga magulang kaya ikinasal sila sa simbahan ng Binundo. Ngunit sa sumunod na linggo, kinasal rin sila sa ritual ng katipunan. Sa gabi rin yon, umanib siya sa samahan at kinuha ang alias na Lakambine. Tinagap siya ng sangay pang kababaihan ng katipunan. Naging sagisag si Oriang ng papel ng kababaihan. sa pakikibaka para sa kalayaan. Kung may maituturing na pinakamatalik na kaibigan si Bonifacio, ito ay si Emilio Jacinto, malalim ang ugat ng kanilang samahan. Magkasama sa sigarera ang ina ni Andres at ang ina ni Jacinto na si Josefa. Dahil sa kakulangan ng gatas ni Catalina, sa panahon na isinilang niya ang kapatid ni Andres na si Esperidiona, ang ina ni Jacinto ang nagpasuso dito. Estudyante siya sa pag-aabogasiya noong labing siyam na taong gulang lamang siya. Ang kanyang pangalan sa katipunan ay Pingkian, Talaban ng Mga Bolo. Hindi naglaon, naging kalihim ng kataas-taasang sanggunian ng katipunan at sumulat ng moral code ng samahan, ang Kartilya. ng katipunan. Lingid sa kaalaman ng marami, si Andres ay isang aktor sa dulaan at nagtatagpa ng sarili niyang grupo, ang Teatro Porvenir, kasama sina Aurelio Tolentino at si Macario Sacay, mga kapatid din sa katipunan. Bilang aktor, nalalaman niya na kung nais niyang maintindihan at mahikayat ang bayan, kailangang gumamit siya ng wika at ng konsepto na maiintindihan ng madla. Ang paborito nilang dula ay ang awit ni Bernardo Carpio na ginapos sa dalawang nag-uumpugang bundok. Sa paniniwala ng bayan, kapag si Carpio ay nakalaya, palalayain niya ang mga Tagalog. Sa bulong-bulungan nila, bayan, isang paana lamang ang nakagapos. Isang paana lamang! Kaya naman, minsan isang biyernesanto sa mitikal na kabundukan ni Bernardo Carpio. Sa bundok Tapusi, sa bayan ng Montalban, tumungo si Bonifacio at mga kasama upang humanap ng pagkakakutaan. Sa araw ng paggunitan ng sakripisyo ni Cristo para iligtas ang sangkatauhan, kanila ring pinagtibay ang kanilang kahadaan na magsakripisyo para iligtas ang bayan. Ang mga anak ng bayan, tayo si Bernardo Carpio. at kanilang isinulat sa uling sa Kuweba ng Pamitinan, Buhay ang Kalayaan. Dito makikita na naging efektibo ang pinagsamang kaisipan nila Bonifacio at Jacinto sa pag-organisa ng katipunan dahil ginamit nila ang sariling wika at kultura na naiintindihan ng magna. Kaiba ito, sa matagal ng pinakakalat na ginaya lamang ni Bonifacio ang kanilang ideya ng pagkabansa. sa mga kanluraning ilustrado. Kung sa kanluraning konsepto ng pagkabansa, ang nation ay batay sa politikal ng mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan sa konsepto naman ng katipunan ng inang bayan. Tayo ay magkakapatid sa pagsasandugo, mga anak tayo ng bayan na may iisang ina ang inang bayan. Sa katipunan, Hindi lamang politikal ang kalayaan. Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan. At sa psikolohiya ng mga Pilipino, walang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban. Kung pagnanakaw at pangugulang sa kapwa ang iiral, walang saisay ang kalayaan. Ako ang simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda. At ikit na kapure-pure, marangal at iniingatan paaaring matamo ng isang katawag. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may corona. Nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto. Nang dahil sa adikhain ko'y napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ang pangalan ko ay Kalayaan. Kaya naman, sa gitna ng himagsikan noong November 1896, nang pagawa si Bonifacio kay Julio Nactil ng isang antem para sa katipunan, ang marangal na dalit ng Katagalugan. Hindi na lalayo ang mensahe nito ng kalinisan ng kalooban, kapurihan, karangalan at kabanalan. Buhay, buhay, o pasulungin ang Purit Kabanalan, ang Purit Kabanalan. Mga astinay, mairing ng katagalugan, at ngayon iba, wagihang kausayan Malinaw na hindi pagiging bayolente ang unang utos ng katipuran. Dito'y ang kauna-unahang utos ang tunay ng pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos sa pagdadamayan ng isa't isa. Sumasampala tayo sa may kapal ng taimpa. Tim sa puso. Gunam-gunamin sa sarili tuwina na ang matapat na pagsampalataya sa kanya ay ang pag-ibig sa lupang tinubuan sapagkat ito ang tunay na pag-ibig sa kapwa. Pag-ibig sa Diyos, bayan, at kapwa. Hindi maghihiwalay na batayan ng kaisipang katipunan tungo sa kalayaan ng bayan. Lingit din sa sinasabi ng iba. Malinaw din. ang konsepto na inabonifasyo at hasinto ng bansa. Ang kabagayang pinag-uusig ng katipunang ito ay lubos, dakila at mahalaga. Papagisahin ang loob at isipan ng lahat ng Tagalog sa pamamagitan ng isang matinding panunumpa upang sa pagkakaisang ito'y magkalakas na iwasak ang masinsintabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay kalandas ng katwiran at kaliwanagan. Ngunit hindi ibig sabihin, Tagalog ay katagalugan lamang. Sa pakahulugang katipunan, tayong lahat sa kapuloang ito ay tagailog tulad ng ating mga ninuno. Kaya naman, sa hiraya ng katipunan, Kapag naitayo na bansang Tagalog, ang masusunod ay hindi ang hari ng Espanya o sino mang isang tao, kundi ang bayan. Sa makatawid, ang nais nila Bonifacio para sa bansa ay isang tunay na demokrasya. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sumikat ang araw, mahal na kalayaan. Dito sa kabaabang sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag, ang nangagkaisang pagkalahatit magkakapatid ng ligayang walang katapusan. Ang mga ginugol na buhay, pagod at tiniis na kahirapay. Labis ng natumbasan. Taong 1896. Sa apat na taon ng katipunan, hindi lumalaki ang kasapian nito sa tatlong daan. Kaya naman, inilimbag ng tagausig ng katipunan, si Dr. Pio Valenzuela, ang una at huling labas ng pahayagang kalayaan. Si Emilio Jacinto ang naging patnugot nito. Noong paman. Ang mga Pilipino na naghanap buhay sa ibang bansa ay meron ng partisipasyon sa laban para sa kalayaan. Dalawang taga-kalibo aklam, si Nacandido Iban at Francisco del Castillo, na kababalik lamang mula sa Australia bilang mga tagasisid ng mga kabibi at perlas, ang nagwagirin sa loteria at nagpundar para makabili ng imprenta ang katipunan. Dito dumaloy ang mga kaisipan ni Jacinto, ang mga kwento ni Valenzuela, ang mga tula ni Bonifacio. Bagamat wala nang umiiral na kopya nito, nalalabi pa sa atin ang ilan sa mga orihinal na sulat kamay na burador sa Archivo General Militar sa Madrid. Sa paglabas ng pahayagang ito, mas lalong tumami ang sumapi sa katipunan. Sa kalamigan ng loob, katsagaan. katwiran at pag-asa sa anumang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais. Hindi ka nag-iisa, kaming lahat ay mga yungib. Hindi rin masyadong nababanggit na si Bonifacio ang siyang nagbigay ng estrategiya sa katipunan. Inatasan niya ang kanyang mga opisyal na magkatag ng mga kampo sa mga matataas na lugar o mga yungib na hindi basta-basta maaabot ng mga Espanyol. Tinatawag itong mga reales. Salitang Espanyol para sa kampo. Ngunit binatay niya ito sa gawin ng mga sinaunang ninuno natin, na kapag may digmaan o sakuna, ang bayan ay tumutungo sa mga matataas na lugar na tinatawag na ilihan. Sa estrategiya ni Bonifacio, sa bawat paglusog, kailangan ng ligtas na aatrasan ang mga katipon upang hindi malipol, at upang maging lunsaran ng panibagong mga pag-atake sa iba't ibang lalawigan kahalintulad sa pakikidigmang gerilya. Alam ng lahat na tagahanga ni Rizal si Bonifacio. Alam natin na binasa niya ang mga nobelang Nolly Metangere at El Filibusterismo. Ngunit kung titignan ng mga bagong dokumento mula sa archivo, tila mas malalim ang kahugnayan ni Bonifacio sa pamilya Rizal. Isang sulat kay Bonifacio ng Katiponerong may pangalang Halimaw ang nag-uulat na nakapaglikom na ng salapi sa pamamagitan ng isang piging na ibinigay sa pamilya ng ating Pangulo, Dr. Rizal. Buhay pa si Rizal, itinuring na siyang taliba at gabay ng mga ito. Ayon din sa ilang tala, ang kapatid ni Rizal na si Josefa, ang pinakaunang pangulo ng Sangay, pang kababaihan ng katipunan. At kasapi rin ang iba pang kapatid nito na Sinapasiano at Trinidad. Kaya naman, upang sabihan si Rizal tungkol sa mga balak ng katipunan, nagpasya ang kataas-taasang sanggunian na ipadala si Dr. Pio Valenzuela sa lugar kung saan itinapon si Rizal, sa Dapitan. Sa paghaharap ng dalawang doktor, inalok ni Valenzuela si Rizal na maging pinuno ng katipunan. Tumanggi si Rizal at pinayuhan niya si Valenzuela na tiyakin munang handa ang bayan bago maghimagsik. Kakailanganin ang mga armas kaya kinakailangan na humingi ng tulong sa mga mayayaman. Sino mang hindi magbibigay ay magiging kaaway lamang kaya kailangan silang unahan. Kung nadismayaman si Bonifacio sa pasya ni Rizal, hindi niya ito ipinakita. Patuloy na inilagay ang kanyang mga larawan sa mga lihim na pulong ng katipunan. Nang mabaril si Jose Rizal matapos na isangkot sa katipunan noong December 30, 1896, mismong ang irog niyang si Josephine Bracken ang nag-abot sa kanya ng huling tula ni Rizal, na isinali naman sa Tagalog ni Bonifacio. Lubos ng inangkin ng himagsikan si Jose Rizal. Ang priling balakpaslangin ng katipunan dahil sa kabuktutan nito, ang siyang taong pinagsumbungan ng isang katipon ng balak na himagsikan at pagpaslang sa mga Espanyol, si Padre Mariano Gil ng Tundot. August 19, 1896, sinalakay ang Diario de Manila at nakita ang ilang ebidensya at selyo ng katipunan. Agad na nagdeklara ng Hues de Cuchillo. Ang pamahalaang kolonyal na balot ng takot ang Maynira sa pagkakahuli ng napakaraming mga tao. Dali-daling ipinatawag ni Bonifacio ang kataas-taasang kapisanan para sa isang pulong sa Balintawa. Noong August 23 sa Pugadlawin sa Balintawa, gumawa ng simbolikong aksyon ang mga katipon. Kalayaan o kalipinan, kabuhayan o kamatayan, mga kapatid. Halina't ating kalabanin ng mga baril at kanyon upang kampin ang sariling kalayaan. Sabay-sabay na pinunit ng mga katipo ng simbolo ng kanilang pagkaalipin, ang sedula. Kumalas na ang bayan sa nagpatanggap na ina. Mga kapatid, mabuhay ang katagalugan! Matapos ito, tumuloy sila sa bahay ni Tandang Sora sa sityo Gulod, Baryo Banlat, malapit sa Pasong Tamo. Limanda ang tao na ang naroon. Ipinakatay ng matanda ang kanyang mga hayop at ipinasain ang mga bigas. Ang himagsikan ay nagsimula na tulad ng isang piyesta. Sapagkat kinabukasan, August 24, nagpasya ang isanlibong tao. Nasimulan ang himagsikan sa katapusan ng buwan at nagtalaga na ang kataas-taasang Pangulo na si Bonifacio ng mga magsisipamahala sa bayan at mga generales na mag-aakay sa hukbo. Sa pagpapatuloy ng kanilang nakarang noong August 26, nagkaroon ng inkwentro si Bonifacio laban sa mga Guardia Civil sa ilalim ni Teniente Ros sa Pasong Tamo. Nagwagis si Bonifacio. Nagwagi rin ang mga katipon sa Kaluokan at Balabon. Sa balakbak, ipinahayag ni Bonifacio sa buong katipunan ang sabay-sabay na pagsalakay sa Maynila mula gabi ng August 29 hanggang 30, 1896. August 29, alas 9 ng gabi, tulad ng napagkasundoang sabay-sabay na pagsalakay sa buong Maynila, kinubkub ng hukbo ni Bonifacio ang munisipyo ng Mandaluyong At nagwagli roon, August 30, nakapaglaban ang hukbo ni Bonifacio sa imbakan ng Pulbura at armas ng mga Espanyol. Sa El Polvorin San Juan del Monte, sadyang malakas ang puwersa sa Maynila. Sa El Deposito, dumating ang mas malaking puwersa nila at nakalasap ang katipunan ng matinding pagkasawi. Nakilala ito bilang Labanan sa Pinaglabanan na sindak ang mga Espanyol. Noong gabing yun? Pinroklama ni Gobernador General Ramon Blanco ang batas militar sa walong lalawigan na pinaghihinalaan na may katipunan. Palnila, Bulacan, Pampanga, Huevaycija, Tarlac, Laguna, Cavite at Batangas. Ang mga lalawigan ito ay mapapabilang sa walong sinag ng araw ng ating pambansang bandila. Patuloy na lumikha ng mga kuta si Bonifacio. Ayon sa mga bagong dokumento, nakapagtatag sila ng isang mataas na sanggunian ng hilagaan na nakahimpil sa pantayanin sa paanan ng mga kabundukan ng Sierra Madre. May kapangyarihan sa mga katipon sa Maynila, Morong, Bulacan at Nueva Ecija. Naatasang mamuno dito bilang Pangulo si Naisedoro Francisco at pagkatapos naman ay si Julio Napila, Pangulong Huk... Buna man ito ay si General Emilio Jacinto. Ayon sa mga dokumento nito, sibil at militar ang mga opisyalis nito na nag-organisa ng mga halalan, nagplano ng mga labanan, nagbigay ng mga kautosan, humingi ng abuloy at naglabas ng mga katibayan ng pagkakasal at pagbibinyag. Tinawag nila ang sarili na Haring Bayang Katagalugan. Sa gitna ng lahat ng ito, November 1896, sa paanyaya ng Sangguniang Bayan ng Magdiwang sa pamumuno ni Mariano Alvarez upang ayusin ang namumuong hidwaan sa pagitan ng mga Sanggunian nila at ng Sangguniang Bayan ng Magdalo, nagtungo si Bonifacio sa Cavite. Nang huli siyang bumisita rito, nasunugan siya ng bahay. Sa muli niyang pagbabalik, nawala naman siya. ng kanyang sariling buhay. March 1896, sumabi si Emilio Aguinaldo sa Katipunan sa ngalang Magdalo. Matapos ang ritual at nag-alisin ng takip mata, niyakap siya ni Bonifacio. Ayon kay Santiago Alvarez, matapos ang ilang araw, tumungo muli sa tundo si Aguinaldo, ngunit siya ay nilapastangan sa pananalita ng isang opisyal. Nang mapansin ni Bonifacio ang pagtakabalisa ni Aguinaldo, Kanyang itinanong, Bakit? Kapatid, mayroon ba kayong inaalala? Ikinwento ni Santiago ang nangyari. Ni hindi pa tapos ang pagkukwento, hinagwika na si Bonifacio. Kailangang itanggol ang karangalan ng kapatid. Pinadala niya si Dr. Valenzuela at Jose Dizon sa bahay ni Padilla. Inaasa na baka makipagduelo ito kay Aguinaldo. Masayang bumalik ang dalawa. at ikinwento ang pakikipagkasundo ni Padilla. Malalim ang ugnayan ni na Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Nang sunod-sunod na ang pagkapanalo ng mga sanggunian sa Cavite laban sa mga Espanyol sa mga huling bahagi ng 1896. Umigting din ang alitan ng mga sanggunian dito. Ang sangguniang bayan ng Magdiwang at ang bagong sangguniang bayan ng Magdalo. na kumuha ng mga puwersang hindi katipunan upang lumakas sa kanilang hukbo. Sa kasamaang palad, dahil kamag-anak ng mga Alvarez ang asawa ni Bonifacio na si Ka-Oriano, marami ang nag-akalang panig sa magdiwang si Bonifacio. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagkakamali na siya ang pangulo ng magdiwang, gayong siya ang kataas-taasang pangulo ng buong katipunan. kabilang na ang mga sangguniang bayan ng Magdiwang at Magdalo. Upang ayusin ang gusot, magkasundo ang lahat na magpulong sa Casa Atienda ng Tejeros sa petsang March 22, 1897. Sa araw na yon, matapos ang maraming dibate at pagtatalo, sumangayon si Bonifacio na dinggin ang kahilingan ng konbensyon na maghalal na ng magiging bagong mga opisyal ng pamahalaang katipunan sa kabila ng kawalan ng representasyon ng ibang sanggunian. Napagkasunduan na sino man ang ihalal ng konbensyon ay kailangang irespeto. Sa naganap na halalan, nagtamo ng mas maraming boto bilang Pangulo si Emilio Aguinaldo na wala mismo sa konbensyon dahil kasalukuyang nakikipagdigma. Hindi ininda ni Bonifacio ang mga angas-angasan ng pandaraya. Nang maggabi na, hindi na balota ang ginamit, kung hindi ang paghahati sa kwarto ng mga delegado na parang isang kakatwang laro. Sa paraang ito, sa wakas, nanalo si Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interior. Isang Daniel Tirona ang nagsalita. Sandali! Sandali lang mga kapatid, ang katungkulan ng isang Direktor del Interior ay hindi madali at totoong malaki at maselan na hindi maaaring hawakan ng isang hindi-abogado. Ngayon, meron ditong isang abogado, walang iba kung hindi si Ginoong Jose del Rosario. Kahit ating tutulan... Ang katatapos lang na nahalal na wala namang katibayan ng kanyang mga pinag-aralan. Ating helal, ang abugadong si ginoong Jose del Rosario. Nasaktan ang amor propio ni Bonifacio, kaya hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang mga sinabi. Tumangging gawin nito ni Tirona at nagpawala-wala sa dami ng tao. Ito ang nagudyok kay Bonifacio na bumunot ng baril at itutok sa nang insulto na tila naghahamon ng duwelo. Pinigilan siya ni General Artemio Ricarte. At sa puntong iyon, bilang Pangulo ng Konbensyon, pinawalangbisa ni Bonifacio ang resulta ng halalan at umalis kasama ang kanyang mga kabig. Ito ang simula ng wakas. Umalis si Bonifacio na naniniwalang siya pa rin ang... ang kataas-taasang Pangulo ng Katipunan. Ang nangyari sa Tejeros ay isang tangkang kudeta. Ngunit, sa pananaw ng mga naiwang delegado, si Emilio Aguinaldo na ang bagong presidente ng revolusyon. Sa tunggaliang ito, isa lamang ang nararapat na matira. Kinabukasan, gumalik sa casa at yender ng Tejeros, sina Bonifacio upang lagdaan ang Apto de Tejeros na nagpapahayag na si Bonifacio pa rin ang... pinuno ng Himagsikan. Sa kabila lamang ng ilog sa bayan ng Tansa, nanumpa bilang presidente si Aguinaldo sa harapan ni Padre Zenon Villafranca. Noong April 17, 1897, nang ihayag ang bagong mga opisyalis ng revolusyon sa Cavite, kapwa mga Magdiwang at Magdalo ay kabilang na dito. April 19, 1897. Muling ng pulong ang mga kapanalig ni Bonifacio sa kasa-athienda ng NAIC at kanilang nilagdaan ang NAIC Military Agreement na kumikilala sa kapangyarihan ni Bonifacio. Nakakuha si Agnaldo ng ulat na bayarang ahente talaga si Bonifacio ng mga praile upang ipahamak ang kanyang mga kababayan tungo sa pakikidigma. Nabanggit niya rin sa kanyang gunita na sa kanyang pananaw, ang hindi pagkilos ni Bonifacio para sa Cavite ay isang katibayan ng kawalan ng pag-asa sa pakikipaglaban. Gayon din na iulat na nais niyang sunugin ang simbahan at ang buong bayan ng indang nang hindi sila magbigay ng pagkain sa mga ito. Dala ito ng isang hindi pagkakaintindihan. Paano masasabing walang ginawa si Bonifacio para sa Cavite? Gayong sa labanan sa San Francisco noong April 6, 1897, pinalibutan niya ang bayan upang harangin ang mga Espanyol. Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, Makinig kayo. Dito, bubuwis natin ang ating buhay! Gayun din, pinahiram din ng mga kawal ni Bonifacio mula sa Balara ang kanilang mga baril sa ngalan ng pakikipagkaibigan sa mga magdalo upang maipagtanggol nila ang kanila mga sarili. Hindi na nga naibalit ang mga baril na ito. At ukol sa panginigil sa Indab, noong April 24, 1897, isinulat mismo ni Bonifacio kay Jacinto. Tungkol sa pag-iipon ng sanatik ay inaakala kong hindi kailangan ang tayo magpalimos, kundi ang nararapat ang tayo'y humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman. Iba ang paghingi sa pangingikil. Wala rin na italana na sunog ang bayan ng Indang sa mga araw na iyon. Anuman, kumilos si Aguinaldo. Inatasan niya si Coronel Agapito Bonson alias Coronel Intong. na pangunahan ang pag-aresto kay Bonifacio sa Limbon, April 27, 1897. Nang dumating si Intong sa kampo ni Bonifacio, magiliw silang sinalubong, pinakain at binigyan pa ng mga sigarilyo. Ngunit palihim na sumalakay sa kubo ni Bonifacio si na Intong. Binabarilan nila ang mga tauhan ni Bonifacio. Nagulat si Andres at lumabas sa kanyang tubo. Pumagit na sa nagbabarilan, Pinigilan ang kanyang mga tao sa pagpapaputok. Nang may sumigaw, Humarap ang walanghyang supremo na nagtakas ng aming salapi. Mga kapatid, ako'y walang ginagawang kawalangyaan. At walang salaping itinakas o itatakas man. Binaril ang tauhan sa kanyang likura. Pinatay rin ang kapatid niyang si Siriaco. Mga kapatid, tingnan nyo. at ating ding kapatid sa inang bahay ng inyong kapatay. Sugatan sa bala ang kanyang kaliwang balikan. Nilusob at tinalunan siya ng Chinong si Ignacio Paua. Sinaksak sa lalamunan at kanang bahagi ng leeg. Nahilo sa salumpit ng sariling dugo si Bonifacio. Sasaksakim pa sana niya ang Supremo kung hindi lamang napigilan. Sa alaala ni General Santiago Alvarez. Ang Supremo Andres Bonifacio. Matapos manghina sa malubang sukat ay inilagay sa duyan ang kapatid nitong Procopio na may maikpit na ginapos. Manggaling dito'y itunuloy ng naik at doon ang magkapatid na Bonifacio ay inilagay sa isang silid na makipuot at madilim sa ilalim na hangdan ng pasyenda na mga pari. Ipininid na maikpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan. Inalisan pa ng dalawang bilanggo ng dalaw at pakipag-usap sa kanino man at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong ay mamakalawa lamang pinakain, ang pagkain na di dapat sabihin. Isang pangkat na mga tauhan ni Bonifacio sa ilalim ni na Ariston Villanueva at Diego Mojica ang tumungo sa naik upang iligtas ang kanilang pinuno. Sa kasamaang palad, inilipat na sa ibang lugar. ang mga bihag. Ang lahat ng ito ay nagaganap habang unti-unting nababawi na muli ng mga Espanyol ang mga bayan sa Covina. Dalawang beses rin pinagtangkaan ni Intong ang puri ng nakabini. Noong May 1, 1897, sa isang bahay sa Maragondon, ipinagpatuloy ang paglilitis kay Andres at sa kanyang kapatid na si Procopio ng mga taong naghabla rin sa kanila. Kabilang na si Mariano Noriel at Pio del Pilar. Ang mga paratang pag nalakaw ng pera ng katipu. at pagtataksil sa bayan sa tangkang patayin ang Presidente Emilio Aguinaldo. Lihim na hinatulan ng Konsejo de Guerra ang dalawa ng kamatayan noong May 6. Kinabukasan, ipinasa kay General Aguinaldo ang sentensya. Dagli niyang inutos na ibaba ang sentensya sa ama ng Himagsikan. Ngunit sa mismong salaysay ni Aguinaldo, napigilan siyang isalba ang buhay ng Supremo. ... ng mga kagawad ng Konsejo de Guerra, ay dali-dali nilang tinawagan ng aking pansin at sinabing, kung ibig po ninyong magpatuloy ang kapanatagan ng ating pamahalang mapanghimagsik. At kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay inyong pong bawiin ang iginawad na indukto sa magkapatid na yan. Dahil dito'y aking binawi at inutos ko kay Heneral Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Konsejo de Guerra na barelin ang magkapatid. Alang-alang sa kapakanan ng... Habang nangyayari ang pagkakahating ito ng himagsikan, kinubkob na ng mga Espanyol ang maragondon. Ang best mong kaso, at napang atao, puti ang kamay, di atakpong, at puti labaan. May 10, 1897, dinalanin na Lazaro Macapagal... ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon at doon ay lihim na Pinaslang. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig, hanggang sa mga dugoy, ubusing itigis. Kung sa pagtatanggol, buhay ay kapalit. Ito'y kapalaran at tunay na langit. At sa ganitong pangal, tinakos ang buhay niyang bayaning umamak sa mga kapangaliban. at nagtatang ng kataas-taasang, kagalang-galang nakatipunan ng mga anak ng bayan. Niyong taong nagturo sa bayang Pilipino ng tunay na landas upang may bulid ang pangalipin ng mga dayuhan. Niyong kailang matkausap ng kanyang mga kabig ay lagi nang nilalabasan sa bibig ng mga ganitong panguusap. Pagsikapan ninyong huwag makagawin ang mga pagkakasalang makadudungis sa inyong mga pangalan. Matakot kayo sa kasaysayan na siyang di mapagkakailaan ng inyong mga katagawan. Trahedya man sa ating himagsikan ng naging pagpaslang sa ama nito. Ang himagsikang sinimulan ni Andres Bonifacio ay nagbunga pa rin paglaon sa pagtatagumpay natin na palayasin ang mga Espanyol at iproklama ang ating kasarinlan noong 1898. Ito ang nagbunsod sa Pilipinas na maging pinakaunang konstitusyonal na demokratikong republika sa Asia. Taksil man kung ituring ng kanyang mga kaaway si Andres Bonifacio, sa simula at sa pool ay pinagbugaya na ng bayan bilang isa sa pangunahing bayani ng ating bansa. Marami sa kanyang mga bantayog, malapit lagi kung nasaan ang bayan. Walang katapusan. at walang patid ang pagpupugay ng bayan sa kanyang bayani. Lagi nating naaalala si God Andres bilang atapang-atap. Nakalimutan natin na tinuruan din niya tayong umibig. Kung sa pag-ibig nagsisimula ang kabayanihan, pag-asa ang nagbibigay buhay nito. Mula sa ating kalooban, mula sa ating puso. sapagkat Kung may pinakamagandang monumento para kay Bonifacio, ito ay ang malaya, maginhawa, buting Pilipinas. Music Alam natin ano siya eh, nasa teatro siya, artista siya. Eh yung mga Florante at Laura, labanan yun ng mga mapagsamantala at pinagsasamantalaan. Sa tayong Bernardo. Pagkakarapyo, paborito ni Bonifacio yan. Sa mga sarswelo, moro-moro kasi, nagtutunggalian yan una eh, limang characters. Maaring sabihin natin na nahubog yan sa consciousness ni Bonifacio. Pag nga parang mula dun sa stage ng Saraswela, napunta dun sa talagang stage kung saan naglalabanan mga mamamayan laban sa kolonyalismo. Yun, hawak na ng armas. Dahil alam din nila yung armed uprising, yun ang solusyon. Dahil marami ng uprisings dito. Armed uprisings. Sa Europe, French Revolution, armed uprising yun. Sa South America, armed uprising din yun. Yan ang doon din yung kolonyalismo. So, yun ang ang sources ng mga ideas nila. Hindi mo natin maihiwalay ang nangyayari dito. Saan nangyayari sa araw? Yung pag-ibig sa tinubuang bayan, this is inspired by Rizal's essay, El Amor Patrio, Love for Country. He translated it into Tagalog and made it into a poem. At maganda siya. But he also put original elements in it. And then you can see there, the fire of Bonifacio. So he's really an example of love of country. na dun sa kanyang essay naman, yung dapat mabatid ng mga Tagalog, parang may sinasabi si Bonifacio doon, hinting at ang tinatawag kong alipin mentality among Filipinos, which Bonifacio really disliked. And I think there's also a hint there, hindi lamang Kastila ang umaapi sa Pilipino. Kapwa-Pilipino din. That particular essay of his tells us also about problems that we have to solve in the Philippines. To me, that is his worth. Well, I admire Andres Bonifacio for organizing and leading the secret organization that we know as Katipunan. From 1892 to 1896, ibigay na natin kay Andres Bonifacio na siya yung organizer at siya yung talagang the person behind sa pagpapalakas ng Katipunan. ibigay natin kay Andres Bonifacio. yung talagang place niya in history, which is the Katipunan. And William Aguinaldo, ibigay din natin yung place sa kanya, which is the leader of the revolution, and subsequently, the first Philippine Republic. Para sa akin, yung ginawa ni Andres Bonifacio, ay mahirap gawin during that time. Kasi bago ang Katipunan, mga reformist lang ang mga tao. They just seek for reform. But heto, isang tao, nas Andres Bonifacio, sa kabila ng threat, sa kanilang buhay, they continue for four years. So sa tingin ko, malaki yung... At sa tingin ko, hindi magaganap ang revolution without the katipunan. It's a requisite ng revolution. Well, yung ano ni Bonifacio kasi relevant in the sense pinaglaban niya. Sa marami kasing mga kilusan ngayon, sa lukuhin ng panahon, pagtingin ng marami, continuing itong revolution for sovereignty. Tapos pangalawa, yung struggle para mag-respond yung ating pamahalaan para sa karaniwang tao. Kasi yung ating ekonomiya at politika parang inagaw ng mga mayayaman. As represented by yung ginawa nila Aguinaldo, kasama niyang mga elitista, parang inagaw nila yung political power. And hence, hanggang ngayon, kahit na nagkaroon tayo ng mga edsa, revolution, people power, sila yung nakinabang at sila pa rin ang namumuno dyan. So yung spirit ng Bonifacio kasi, isang himagsikan at revolusyon para sa soberanya, at the same time para din ma-restructure yung economy at politics. ...Pilipinas para yung karaniwang tao ay magkaroon ng boses. Ang trabaho natin ay alamin natin kung ano ang totoong nangyari at kung ano ang totoong kasaysayan ng Pilipinas para magamit natin ito sa hinaharap upang magkaroon tayo ng maayos na pamahalaan. Hindi kasi natin mapapaunlad ang ating bansang Pilipinas hanggat hindi natin inaayos ang ating kasaysayan. Maraming tayong dapat naayusin, hindi lang kay Andres Bonifacio. Nandyan din ang mga naging halwa, yung atrocities ng mga... Amerkano noong during the American period and so forth and so on. Pero ang point doon, ito yung nangyari. Hindi natin pwedeng itago itong mga pangyayaring ito sa mga susunod na henerasyon. Since tayo yung hinerasyon, may kakayahan ngayon na itama ang kasaysayan, might as well, gawin natin ng tama. Kasi kung paiiralin lagi natin yung politika, hindi natin mabubuo ang bansang Pilipinas. Hiwahiwalay na nga tayo sa isla, tapos maghiwahiwalay pa rin tayo sa kasaysayan. Walang mangyayari sa atin. And yun ang hamon sa atin. Paano natin pag-iisahin ang bansang Pilipinas? Si Andres Bonifacio ay nabuhay sa panahon ng kawalang pag-aasa. Pag ang Indyo'y namatay, mamatay siyang Indyo, mamatay siyang Mahira, mamatay siyang Dusta at Api. Pero nung kinuha ng pinuno ng Katipuna, ng ama ng Himagsikan, Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, yung pangalang May Pag-aasa. Sinasabi niya sa mga tao na ang kalayaan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng pag-asa. Sapagkat kapag wala kang pag-asa, nagagandang buhay mo. Pag wala kang pag-asa, nagiging hawa ang bayan mo. Titigil ka na lang eh. Pag wala kang pag-asa, titigil ka na sa parihibahan. At titigil ka na rin na umidi. Kaya yung pagkakaroon ng pag-asa, diyan nagsisimula yan sa sarili. kapag ka may pag-asa ka na lalaya ang bayan mo, kaya mo rin palayain ang iba. At kapag ka may pag-asa ka sa sarili mo, kaya mong makiba ka at patuloy kang iibig.