Limang tema ng Heiografiya Ikaapat na araw Ang mga anyong lupa at tubig ay pinagkukunan ng pagkain, tirahan, kabuhayan at transportasyon ng tao. Malaki ang impluensya ng mga ito sa uri ng hanap buhay, pamumuhay at kultura sa bawat lugar. Balikan natin ito sa aral ng nakaraan. Sandigan ng kinabukasan. Anyong letra?
Piliin ang letra ng tamang sagot. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga karagatan sa mundo mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Arctic, Southern, Indian, Atlantic at Pacific. Ang bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa daigdig.
Sa ang bansa matatagpuan ang bundok Everest, Nepal at China. Ang mga bulkan ay bukana ng lupa kung saan lumalabas ang mainit na magma, abo at gas mula sa kailaliman ng daigdig. Kadalasan, ang mga aktibong bulkan sa mundo ay matatagpuan sa isang rehiyong tinatawag na Ring of Fire. Saan matatagpuan ang Ring of Fire?
Sa paligid ng Pacific Ocean, karamihan sa mga lupaing agrikultural ay nalinang malapit sa ilog. Mahalagang malaman ang pisikal na katangian ng daigdig sapagkat ang kapaligiran ang nagtatakda ng ikabubuhay ng tao. Naka-apekto ng malaki ang katangiang pisikal ng daigdig sa pamumuhay at kultura ng tao.
Tinatawag na topografiya ang pag-aaral ng anyong lupa at tubig sa isang lugar o rehyon. Sa paglipas ng panahon, natutong nakiangkop ang tao sa kanilang kapaligiran batay sa topografiya nito. Ang pag-unawa sa topografiya ay susi sa mas malalim na pag-aaral ng geografiya at ng mundo. Ang salitang geografiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Nagmula ito sa salitang griego na geo o daigdig at grafiya o paglalarawan. Sa makatwid, ang geografiya ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at ng ugnayan nito sa tao. Ngunit hindi lamang ito nakatuon sa mga pagbabago sa estruktura ng mundo, kundi sinusuri rin nito kung paano nakaapekto ang kapaligiran sa pamayanan maging ang ugnayan ng mga pamayanan ng tao sa kanilang kapaligiran.
Mayroon itong dalawang pangunahing sangay. Ang Geografiyang Pisikal at Geografiyang Kultural Ang Geografiyang Pisikal ay tumutukoy sa pag-aaral ng estruktura ng daigdig at mga prosesong nagdudulot ng pagbabago sa kapaligiran. Kabilang dito ang mga agham tulad ng geology na nag-aaral ng mga bato at natural na estruktura sa balat ng lupa. Ang Geografiyang Kultural naman ay kilala bilang geografiyang pantao na nakatoon sa pag-aaral ng tao, pamayanan at kultura. Pinag-aaralan din dito ang ugnayan ng tao at kapaligiran, pati na rin ang epekto ng kapaligiran sa pamumuhay, wika, reliyon, kabuhayan at pamahalaan.
Layunin nitong maunawaan ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon sa kasalukuyang panahon. Upang mas mapadali ang pag-unawa sa mundo at sa ugnayan ng tao sa kapaligiran, binilangkas noong 1984 ng National Council for Geographic Education at Association of American Geographers ang limang pangunahing tema sa pag-aaral ng geografiya. Ang limang tema ay tumutulong upang mas madaling maunawaan ang kalikasan ng daigdig at ang ugnayan nito sa tao. Ang limang tema ng geografiya ay ang Lokasyon, Lugar, Regiyon, Interaksyon ng Tao at Kapaligiran at Paggalaw Tema Hunt Ang tanong ang sinasagot. Tuklasin ang limang tema ng geografiya sa pamamagitan ng tamang pagtukoy ng tanong na sinasagot ng bawat tema.
Ang tanong na anong uri ng pamumuhay mayroon sa isang lugar ay temang Interaksyon ng Tao at Kapaligiran. Ano ang pagkakatulad ng lugar ay ang tanong na sinasagot ng rehyon? Saan matatagpuan ay ang temang sinasagot ng lokasyon? Paano nauugnay ang mga lugar sa isa't isa at sa mundo ay sinasagot ng temang paggalaw? Ano ang mayroon dyan ay ang temang sinasagot ng lugar?
Lokasyon Sinasagot ang tanong na saan matatagpuan. Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. May dalawang paraan ng pagtukoy ng lokasyon. Una ang lokasyong absolut na eksaktong lokasyon gamit ang coordinates na latitude at longitude. Ikalawa ang relatibong lokasyon Nalokasyon batay sa paligid o ugnayan sa ibang lugar.
Mayroon tayong bisinal o mga karatig lupain at insular o mga karatig anyong tubig. Lugar Sinasagot ang tanong na, ano ang mayroon dyan? Nagsasaad ito ng mga katangiang naaayon sa isang puok.
May paraan ng paglalarawan ng lugar. Ito ang katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa, anyong tubig at likas na yaman. At katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura at mga sistemang politikal. Ang katangian ng kinaroroonan ay katangiang pisikal samantalang ang katangian ng mga taong naninirahan ay katangiang pantao.
Regiyon. Sinasagot ang tanong na ano ang pagkakatulad ng lugar. Nagsasaad ito sa mga bahagi ng daigdig na pinag-iisa dahil sa pagkakapareho ng mga katangiang pisikal at kultural.
Halimbawa, ang Pilipinas ay kasapi sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations na may layuning itaguyod ang paglago ng ekonomiya kaunlarang panlipunan, pagsulong ng kultura at pagpapalaganap ng kapayapaan sa rehyon. Kapaligiran. Sinasagot ang tanong na anong uri ng pamumuhay mayroon sa isang lugar.
Ito ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan. Ang kapaligiran ang pinagkukuna ng pangangailangan ng tao at dito rin niya ipinapakita ang kanyang kakayahang makiangkok sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang kapaligiran. Paggalaw Sinasagot Ang tanong na, paano nauugnay ang mga lugar sa isa't isa at sa mundo? Nagsasaad ito ng pag-alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar.
Kasama rin dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan. May tatlong uri ng distansya ng lugar. Ang linear o gaano kalayo ang isang lugar? Ang time o gaano katagal ang paglalakbay at psychological o paano tinatanaw ang layo ng lugar.
Geografika Kilalanin ang mundo sa limang tema. Suriin ang geographical na kalagayan ng isang bansa gamit ang limang tema ng geografiya. Halimbawa, ang Pilipinas. Ang lokasyon, ang absolutong lokasyon, ay 4.23 hanggang 21.25 degree hilagang latitude at 116 hanggang 127 degree silangang longitude.
Ang relatibong lokasyon ng Pilipinas ay, sa bisinal, malapit ito sa Taiwan, Indonesia at Vietnam. Pagdating naman sa insular o mga karatig anyong tubig ng bansa, sa hilaga makikita ang Bashi Channel, sa timog ang Dagat Celebes, sa kanluran ang West Philippine Sea, at sa silangan ay Pacific Ocean. Lugar Ang katangiang pisikal ng Pilipinas, ito ay binubuo ng 7,641 islands.
Pagdating sa katangiang kultural, May higit 180 na wika, may kristyano't muslim at tradisyong tulad ng panagbenga. Rehiyon May labing walong rehiyon ang bansa, kasama ang Cordillera Administrative Region, natahanan ng mga ifugaw at hagdan-hagdang palayan. Interaksyon ng tao at kapaligiran Gumawa ng hagdan-hagdang palayan sa Banaue bilang kanilang pag-aangkop sa kabundukan.
Paggalaw Umaalis ang mga overseas Filipino workers upang magtrabaho at magpadala ng remittance. Linear distance May 8,000 kilometers mula Pilipinas patungong halimbawang United Arab Emirates. Time distance Tumatagal ng siyam hanggang labing dalawang oras ang biyahe depende sa bansa.
Psychological distance. Kahit malapit lang ang bansa, pakiramdam ay malayo dahil sa matinding pangungulila. Geo Gap Blankong mundo, ikaw ang magbubuo. Una ng patlang ng tamang sagot. Ang geografiya ay mula sa salitang Griego na Geo o daigdig at Grafia o paglalarawan.
na nangangahulugang paglalarawan sa daigdig. Nahati ito sa dalawang pangunahing sangay, ang heyografiyang pisikal na tumatalakay sa likas na katangian ng daigdig at heyografiyang kultural na sumusuri sa ugnayan ng tao at kapaligiran. Mayroon itong limang tema.
na nagsisilbing gabay sa mas malalim na pag-unawa sa mundo at sa pamumuhay ng tao. Sa Lokasyon Nalalaman natin kung saan matatagpuan ang isang lugar. Sa Lugar Nakikita ang mga pisikal at kultural na katangian nito. Sa Rehiyon Nahahati ang mga lugar sa mga bahagi upang mas makita ang pagkakaiba-iba.
Sa Interaksyon ng tao at kapaligiran, nauunawaan kung paano nakaapekto at ginagamit ng tao ang kapaligiran. At sa Paggalaw, nalalaman kung paano naglalakbay ang tao, produkto at ideya. Anong tema mo?
Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehyon, interaksyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. Rehyon Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio. Lugar Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino. Dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
Interaksyon ng tao at kapaligiran. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nanghihikayat sa maraming NARS na Pilipino na doon magtrabaho. Paggalaw. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region o NCR sa Pilipinas ang nagbigay daan upang patuloy na pagtuunan ng pansit Ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod. Interaksyon ng tao at kapaligiran.
Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. Paggalaw Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India. Lugar Ang Singapore ay nasa 1°20'00 latitude at 103°50'00 longitude. Lokasyon Matatagpuan ng Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.
Lokasyon Portugues ang wikang ginagamit ng mga mamayan ng Brazil. Lugar Sa pag-unawa sa geogra- hindi lang natin natutuklasan ang daigdig. Natututo rin tayong kilalanin ang sarili, ang kapwa at ang ugnayan natin sa kalikasan.