Narito tayo ngayon sa Kawit-Kavite, sa tahanan mismo ng ating unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ating kilalanin si Emilio Aguinaldo at ang makulay na kasaysayan ng ating bansa, kung papaano unti-unting iginapang at maisakatuparan ang pagkamit ng pagkakapantay-pantay, katarungan at kalayaan ng bansang Pilipinas. Maraming labanan ang nangyari sa ating kasaysayan para makamit ang inaasam na kasarinlan.
Nagdaan tayo sa malulungkot na bahagi kung saan may kapwa Pilipino ang naglaban-laban dahil sa iilang inggitan at di pagkakaunawa. Ngunit dumating din sa punto na ang mga Pilipino ay binigkis ng isang pamahalang naglalayong wakasana, ang pagmamalupit ng mga Espanyol. Alam kong gusto mo nang matutuhan ang ating bagong aralin. Ang yata mong pino Tayo muna ay magbabalik aral. Bibigan kita ng tatlong segundo para isipin ang tamang sagot.
Unang bilang, sino sa sumusunod ang tinaguriang Visayan, Jowan of Art, dahil sa kanyang husay sa pakikipaglaban? Siya ba ay si Trinidad Texon o Teresa Magbanwa? Kung ang napili mong sagot ay si Teresa Magbanwa, tama ka.
Siya ay tubong ilo-ilo at nagtapos bilang isang guro. Ngunit iniwan niya ang pagtuturo at sumali sa labanan. Pangalawang bilang, ano ang...
ang ginampan ng papel ni Josef Rizal, Gregoria de Jesus at iba pang kababaihan ng Katipunan para makatulong sa himagsikan. Ito ba ay iningatan at tinago ang mga importanteng dokumento ng Katipunan o nagsulat ng mga babasahin para labanan ang mga Espanyol? Kung ang napili mong sagot ay iningatan at tinago ang mga importanteng dokumento ng katipunan, tama ka! Mahalagang ingatan ang mga dokumentong ito dahil nakasulat dito ang mga pangalan ng mga tumutuloy. At kasapi ng samahan, sila din ang nagtatago ng mga revolver at timbre ng katipunan.
Pangatlong bilang, sino ang kauna-unahang babaeng miyembro ng katipunan at tumulong sa proyektong pinansyal ng kilusan? Siya ba ay si Melchora Aquino o Marina Dizon Santiago? Kung ang napili mong sagot ay si Marina Dizon Santiago, tama ka. Ano mo bang sila ang naging tagapagmatsyag sa mga gwardya-sibil upang hindi malaman ang lihim na pulong ng mga katipunero?
Pang-apat na bilang. Sino ang pinakamatapang na babae sa ating kasaysayan na naging tiniente-heneral dahil sa kanyang husay sa pakikipaglaban? Tinagurian siyang ina ng biyak na bato.
Siya ba ay si Marcela Agoncillo o Trinidad Texon? Kung ang napili mong sagot ay si Trinidad Texon, tama ka. Natatandaan mo pa ba na maliban sa pakikipaglaban? Ginamot din niya ang mga sugutan kaya binansagan siyang ina ng Cruz na Pula para sa kanyang paglipas.
kasama ng mga katipunero. Panlimang bilang, ano ang naging taguri kay Marcela Agoncillo? Ito ba ay lakambini ng katipunan o ina ng watawat ng Pilipinas? Kung ang napili mong sagot ay Ina ng Watawat ng Pilipinas, tama ka!
Isa siya sa tatlong babaeng nagtahin ng Watawat ng Pilipinas na dinisen yung mismo ni General Emilio Aguinaldo. Sana'y nakuha mo ang lahat ng mga tamang sagot. Dahil sa hindi pagtupad ng parehong panig sa kasunduan sa biyak na bato, nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol.
Ang mga ipinatapong pinuno ng rebeliyon sa Hong Kong ay naghanda ng bagong taktika para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. Ang perang ibinayad sa kanila ay ginamit para bumili ng bagong arma sa Hong Kong at dinala sa Pilipinas. Pinagawa din General Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas kung saan mayroong mukha ng araw na siya mismo ang nagdisenyo. Pinatahin niya ito kay Marcela Agoncillo na tinulungan ng kanyang anak na si Lorenza de Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad, ang pamangkin ni Dr. Josep Rizal.
Nagpalapat din siya ng oposisyon kay Julian Felipe na tutugtugin. Sa oras ng kanyang deklarasyon ng kasarinlan, buo na ang loob ni General Emilio Aguinaldo na pagsamasamahin sa iisang layunin ang mga Pilipino ang wakasan ang 333 taong kolonya ng Espanya. Tara't bumalik tayo sa nakaraan. Nakumbinsi ng mga Amerikano sa pamumuno ni George Dewey na bumalik sa Pilipinas sa General Emilio Aguinaldo at sinabing tutulungan nila ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
Sa pagbabalik ni General Emilio Aguinaldo ay tinipon niya ang kanyang hukbo at sinimulan ang madugong labanan. Itinatag niya ang pamahalang diktatorial ayon sa payo. ni Ambrosio Rianzares Bautista.
Ginawa ito upang mas mapalakas ang pwersa sa pakikidigma. Nagwagi ang tropa ni General Emilio Aguinaldo sa labanan sa Alapan na tumagal ng halos limang oras na gawa nilang pasukin ang hukbo ng mga Espanyol. Isang tagumpay ng lahing Pilipino, ipinakita ng mga bayaning Pilipino ang kanilang katapangan sa labanan.
Ipinakita ni General Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa mga bihag na sundalong Espanyol at ipinamukha na nalalapit ng isilang ang bansang Pilipinas. Kitang-kita natin ang pagnanais ng mga Pilipinong maasam ang kalayaan. Bilang isang lider, pinahanap ni Emilio Aguinaldo ang mga makuhusay at matatalinong Pilipino upang siya ay gabayan sa pamumuno.
Alam ba ninyo kung bakit? Hindi kasi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Noong kumalat ang sakit na kolera, napilitan siyang huminto sa pag-aaral sa kolehyo ng San Juan de Letran.
At bumalik na lamang sa Cavite Viejo, ang dating pangalan ng Kawit, para tulungan ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo sa pananim. Ang ganing diba, hindi lahat ng kakayahan ay makikita sa iisang tao. Kailangan natin ng tulong ng ating kapwa, lalo sa paggawa ng mabibigat na desisyon, lalo na para sa ikabubuti ng bansa, sa ikabubuti ng mga Pilipino.
Dito niya naging tagapayo ang dakilang lumpo, ang abugadong si Apolinario Mabini. Noong ikalabing dalawa ng hunyo, 1898, sa Cavite Viejo, unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Ang mga pinuno ng Himagsikan ay lumagda sa kasulatan na binibigyan si General Aguinaldo ng sapat na kapangyarihan upang pamunuan ang pamahalaan. Ang akto ng pagpapahayag ng kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Si Apolinario Mabini naman ang naglingkod bilang pinunong tagapayo ni General Aguinaldo.
Iwinigay Y sa bahay Ni Emilio Aguinaldo sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas. Unang narinig at itinugtog ang Marcha Nacional Filipina na siyang naging pambansang awit ng Pilipinas. Tuwang-tuwa ang mga Pilipino.
Isang bagong umaga ang dumating sa kanilang buhay dahil pagkatapos ng maraming taon ng pagkakaalipin ay lumaya na sa wakas ang mga Pilipino. Lumaya na! sa mananakop na Espanyol.
Dito mismo sa balkonaheng ito, iminigayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas. Saksi ang Kawit-Kawite sa nag-uumapaw na kasiyahan ng mga Pilipino dahil nakamit na natin ang kasarinlan. Pero teka, alam ba ninyong panandalian lamang ito?
Tama ka ng iyong narinig sapagkat papasok na tayo sa susunod na yung... Nang bagong mananakop, sila ay mas makapangyarihan kaysa sa mga Espanyol. Dahil sa kalidad ng kanilang armas, teknolohiya at kagamitan sa pakikidigma, sila ang mga mananakop na Amerikano.
Tara't balikan natin ang kwento ko. Noong 23 ng Hunyo 1898, bilang pagsunod sa payo ni Mabini, pinalitan ni Aguinaldo ang pamahalang diktatorial ng pamahalang revolusyonaryo. hinalinhan ang tawag ng diktador at ipinalit ang Pangulog bilang katawagan sa pinuno ng pamahalang revolusyonaryo.
Layunin ng pamahalang ito ang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang bansa upang maitayo ang isang pamahalang republika. Ngunit may nagaganap na palang kasunduan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Amerikano. Sa kasunduan sa Paris, ibinibenta na pala ng mga Espanyol ang kopuluan ng Pilipinas sa mga Amerikano bilang mga bagong mananakop nito.
Naramdaman ni Aguinaldo na hindi pa tapos ang laban. Kailangan, may masama pang balita. Nangako ang mga Amerikano na wala silang interest dito sa Asia.
Sa katunayan ay, sinabi ng Consul Spencer Pratt sa Singapore, nakapulong natin ang Estados Unidos sa pagkakaroon ng independensya. Ano man ang magiging usapan ng Estados Unidos at Espanya, ay kailangan nilang kilalamin ang ating Republika ng Pilipinas. Ikaw si Emilio Aguinaldo, ano ang iyong mararandaman nung nalaman mo na ikaw ay nalimlang sa pangako ng mga Amerikano?
Maiinis ka ba? Magagalit o mag-aalala? Alinman sa mga ito, Ito ang iyong kasagutan, iisa lang ang nakikita natin.
May malalim na dahilan ang mga Amerikano kung bakit nais nila tayong tulungan at sakupin. Ganito kakulay ang ating kasaysayan. Tinuturoan tayo...
mula sa mga desisyon ng ating mga bayani at pinuno upang maging gabay sa kasalukuyan. Kung tayo ay mabilis maniwala sa pangako, maaaring ito ang ating ikapahamak. Mabigat na tungkulin ang nakapatong sa balikat ni Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa edad na 28. Ang mga pangako na kanyang pinaniwalaan mula sa mga Amerikano ang siyang nagbukas sa isang isa na namang yugto ng pagkakaalitin sa bagong mananako. Sana'y naibigan mo at naunawaan ang ating aralin. Ipinapayo kong panoorin mo ang pelikulang El Presidente upang mas makilala ang ating bayani, ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.
Dumako tayo sa isang pagsasanay. Bibigan lamang kita ng limang segundo para piliin ang tamang sagot. Isulat mo sa iyong sagotang papel o kwaderno ang bilang isa hanggang anim. Unang bilang. Siya ang naging punong tagapayo ni Emilio Aguinaldo at nakilala bilang ang Dakilang Lumpo.
A. Apolinario Mabini B. Julian Felipe C. Ambrosio Rianzares Bautista Ikalawang bilang. Sa ang labanang nagtagumpay si Emilio Aguinaldo at pinabagsak ang hukbo ng mga Espanyol? A. Labanan sa biyak na bato.
B. Labanan sa teheros. C. Labanan sa alapan. Ikatlong bilang, ano ang kasalukuyang pangalan ng Cavite Viejo kung saan unang iwinigayway ang watawat ng Pilipinas?
A. Tanza B. Bakoor C. Kawit Ikaapat na bilang, ilang taong gulang si Emilio Aguinaldo nang siya ay naging Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas? A. 27 B. 28 C.
29 Ikalimang bilang, sino ang pinuno ng plotang Amerikano sa Silangan na nakausap ni Emilio Aguinaldo at tumulong para makabalik siya sa Pilipinas? A. Spencer Pratt B. George Dewey C. Benjamin San Luis Ika-anim na bilang, kailan ang kasarinlan ng Pilipinas? A. Mayo Labingsham, 1898 B. Hunyo 12, 1898 C.
Hunyo 23, 1898 Ang tamang sagot sa ating pagsasanay ay ang sumusunod. Unang bilang, titik A, Apolinario Mabini. Ikalawang bilang, titik C, Labanan sa Alapan. Ikatlong bilang, titik C, Kawit. Ikaapat na bilang, titik B, Dalawamputwalo.
Ikalimang bilang, titik B, George D. Ika-anim na bilang, titik B, Hunyo 12, 1898. Sana ay nakuha mo ang mga tamang sagot. Kung hindi naman, ay maaari mong balikan ang pagsasanay na ito sa official YouTube channel ng DepEdTV at madadownload ang video sa DepEd Commons. Nakita natin na kahit sa murang edad ni Emilio Aguinaldo ay ipinamalas niya ang kanyang kausayan sa pamumuno mahuhusay at matatayo ng Pilipino ng kanyang panahon. Hindi niya tinignan ang kapansanan ni Apolinario Mabini.
Bagkus, ay nakita nito ang kanyang husay kaya itinalaga niya bilang punong tagapayo. Tayo sa kasalukuyan ay mahilig tumingin sa pisikal na katayuan ng isang tao at mabilis natin silang husgahan. Tandaan natin na sa likod ng kanilang pisikal na anyo ay nandoon ang kanilang tunay na pagkatao, ang tunay na galing, ang tunay na ugali, ang tunay nilang kakayahan. Hindi sukatan sa kausayan ng isang tao ang kanyang forma, pananamit o maging pisikal na hitsura.
Mas mahalagang matuto tayong kilalanin muna sila ng mabuhay. at siguradong hindi tayo magkakamali. Kaya para sa ating mga kapatid na may kapansanan, huwag kayong mahihiya at ipakita ang inyong husay at galing. Magsilbing inspirasyon sa atin si Apolinario Mabini na hindi naging hadlang ang kapansanan para paglingkuran ang bayan.
Bawat tao na mahininga at buhay ay kayang magdulot ng malaking pagbabago para sa ikabubuti ng bayan. magturo ng kabutin. Magturo ng kaalaman, huwag ninyong ikahihiya ang anumang kakulangang pisikal.
Dahil ang totoong mahina ay ang taong walang pakialam para sa bayan. Dito nagtatapos ang ating aralin. Sana ay marami kang napulot na aral ng buhay mula sa ating kasaysayan.