Araling Panlipunan 9 Alokasyon Bago tayo magsimula sa ating aralin, ating munang balikan ang ilang paksa na atin ang natalakay. Batay sa ating naging talakayan sa mga unang video, ay nalaman natin na ang kagustuhan ng tao ay walang hanggan, at ang ating pinagkukunang yaman ay may hangganan o limitasyon. Ito ang dahilan kung bakit tayo mayroong kakapusan.
Ang kakapusan ay tumutukoy sa permanenteng kalagayan na limitado ang ating pinagpukunang yaman. Marapat na malaman na sa bawat paglipas ng panahon ay maaaring maubos ang ating pinagkukunang yaman, kasabay ng tumataas na bilang ng tao na umaasa dito. Ito ay maaaring magdulot ng malawakang kahirapan at pagkakasakit.
Upang mayuwasan ang mga ganitong pangyayari, kailangan ng matalinong pagdebesisyon sa pagdami ng ating pinagkukunang yaman. Dito papasok ang alokasyon. Ano nga ba ang alokasyon? Ang alokasyon ay ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang yaman ng isang bansa sa iba't ibang paggagamitan nito. Ito ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
Upang matiyak na episyente at maayos ang alokasyon ng ating mga pinagkukunang yaman, ay dapat isaalang-alang ang mga katanungang pang-ekonomiya, kagaya ng ano-anong produkto at serbisyo ang dapat gawin. Hindi lahat ng kailangan at gusto ng tao ay maaaring malikha ng isang lipunan. Kailangang matukoy, Kung anong produkto o servisyo ang dapat unahin at dapat ipagpaliban?
Ang pangalawang katanungan ay kung paano gagawin ang produkto at servisyo. Sa ilayang ng katanungan ito ay dapat matukoy kung sino ang gagawa, ang mga materyalos na kakailanganin, ang kaalaman, at teknolohiya at ang halagang kakailanganin upang malikha ang mga ito. Ang ikatlong katanungan ay kung para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo. Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang magsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksyon.
Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Ang ikaapat na katanungan na dapat sagutin ay kung gaano karami ang dapat gawin produkto at servisyo. Kailangang malaman kung gaano kalaki ang pangangailangan ng isang ekonomiya upang ito ay mag-iisip. ito ay makapag-desisyon kung gaano karami ang dapat gawing produkto at servisyo. At ang huling katanungan na dapat masagot ay kung paano ito ipapamahagi.
Sa katanungan nito, ay dapat malaman kung paano maghihahatid at hahatiin ang mga nalithang produkto at serbisyo sa mga tao. Ang bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang tugunan ang mga suliranin na kapaloob sa produksyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan. at paraan upang maisaayos ang produksyon, pagmamayari at paglinang ng pinagkupunang yaman. Sa kasalukuyan ay mayroong apat na sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig.
Ito ang Traditional Economy, Market Economy, Command Economy at Mixed Economy. Traditional Economy o Tradisional na Ekonomiya Ang pagsagot sa sistemang ito sa mga pangunahing katanungan pang ekonomiko ay batay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Sa tradisyonal na ekonomiya, ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tirahan. Ang paglikha ng produkto ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng kanilang mga ninuno. Ano mang produkto na kanilang malilikha ay papamahagi ayon sa kanilang pangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
Market economy o pampamilihang ekonomiya Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok ang kumulang. consumer at ang producer ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng pinakamalaking pakinabang.
Ang mga nasa lakas pagawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais pasukang trabaho at ang mga negosyante ay maaaring magtayo ng negosyo na nais nila. Sa market economy ay pinapahintulutan ang pribadong pagmamayari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatapda kung gano'ng karami ang bibilihin ng mga consumer. Presyo din ang basihan kung gaano karami ang lilikhain produkto at serbisyo ng mga producers. Ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga producers ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga consumers.
Presyo ang nagsisilbing pambalanse ng interaksyon ng mga producer at consumer sa pamilihan. Ang tungkuli ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado. Magpatupad ng mga batas na mga ngalaga sa karapatan, ari-arian at kontratang pinasok ng mga pribadong individual.
Command Economy o Pinag-uutos na Ekonomiya Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya na pinangangasiwahan mismo ng sentralisadong ahensya. Ang pamahalaan ang tumutukoy sa mga gagamitin pinagpupunang yaman sa paglitha ng mga kapital. Madali rin malaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng kasahod. para sa iba't ibang uri ng hanap buhay.
Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatapda sa halaga ng mga produktong nagmumula dito. Ang ganitong sistema ay kasalukuyang umiiral sa mga bansang Cuba at North Korea. Mixed Economy o Pinaghalong Ekonomiya Ito ay isang sistema na kinapapalauban ng elemento ng Market Economy at Command Economy. Sa sistemang ito ay pinapayagan ang malayang pagkilos ng pamilihan.
Subalit, maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan at pagmamayari ng Estado. Sa sistemang ito ay pinaiintulutan din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kumpanya at individual. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugang ganap na otonomiya para sa kanila, sapagkat karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan pa rin ng pamahalaan. Sana ay nalinawan kayo sa ating araling tungkol sa alokasyon at ang mga sistemang pang-ekonomiya.