Sa video nito, pag-uusapan natin ang iba't iba mga trabaho, duties and responsibilities ng isang third mate sa barko. So, si Tricero Oficial o Third Mate, Third Officer, isang tao lang yan. So, simulan na natin. Gusto ko muna mag-disclaimer na hindi ako graduate sa kursong Marine Transportation or Marine Engineering. Ibig sabihin, hindi ako graduate ng kurso ng Pagsisiman.
Pero ganun pa man, ako ay isang marino. Ako ay isang seaman, at the same time, seaman vlogger din. So gusto ko lang ibahagi sa mga nanonood dito sa channel ko, yung aking mga naging karanasan or pansariling experience.
Ibig sabihin, yung mga sasabihin ko sa inyong trabaho ni Third Mate, eh yun yung nakita ko na ginagawa dun sa barko namin, sa kumpanya namin, sa agency namin, sa principal namin. Different kind of vessel, different kind of company, different kind of principal or agency, maaaring magkaroon ng... pagkakaiba-iba.
Gayun pa ma, simulan na natin ang kwentuhan tungkol kaila third mate. So, sa third mate, bago ka maging third mate, kailangan ma-experience ka muna as AB. Maaring dumaan ka sa pagkakadete, tapos napromote ka as OS, tapos naging AB ka.
Dito sa position na AB or able-bodied seaman, dito majority nagtatagal yung ibang mga seaman. Kasi madalas kahit pa meron ng experience sa barko, tapos nakabasa na rin sa examination, meron na silang lisensya para umakto na third mate. Hindi naman kaagad sila napaplasahan.
Idagdag mo ba dyan yung bago mo makumpleto yung requirements, training, certificates na kakailanganin mo para maka-acto ka na third mate. So magti-training ka, kukuha ka ng mga certificate of competency na yan, iba't iba mga dokumento, papeles, mas maraming certification na kakailanganin ka. So kakasos ka ng pera bago mo makumpleto yung requirements para maka-acto ka as third mate.
So dito tumatagal kasi yung budget. Yung ibang mga A, B, siyempre, pipiliin nilang sumakay na lang ulit ng barko kesa pagkagastusan yung pagkarami-rami mga trainings para maka-akto. So, kailangan kasi paglaanan mo ng, bukod sa time, kailangan mong paglaanan din ng budget or pera yung pagkua mo ng mga training certificates na yan para maka-akto ka as third mate.
So, kapag nakumpleto mo na lahat ng mga papeles, meron ka ng lisensya, meron ka ng experience, ang antayin mo na lang is yung promotion. Minsan, mailap ang promotion. May... pagkakataong swertihan din kasi yan. Swertihan sa barkong masasampahan mo or dun sa senior officer na makakasama mo.
Halimbawa, yung chief mate na makakasama mo kung susuportahan ba niya yung promotion mo. Pati na rin si kapitan kung willing ba siyang ipromote ka as third mate. Yung isbali kasi yung promotion na gaganap sa barko, madalang mangyari na sa agency kayo ipopromote. Yung sa lupa, galing ka ng AB tapos nag-apply ka sa agency mo, gusto mo pagsampahan mo dun sa barko, third mate ka na.
Madalang mangyari yun. Mas gusto kasi ng mga principal or ng mga agency, mga crewing manager ay sa barko ka ma-promote kasi at least pag sa barko ka na-promote, medyo familiar ka na dun sa barko. At the same time, may basbas na rin ang senior officer mo na nakasama dun during that time na ipopromote ka.
So that's the time medyo confident na si crewing manager na hindi ka mabubuli liyaso pag naging third mate ka sa barko. So ano bang trabaho ng third mate? Usually, ang third mate ay naka-duty sa bridge. Officer on watch siya. Ang oras niya is...
8 to 12. Apat na oras siya sa umaga, apat na oras din siya sa gabi. Alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali, siya ang naka-duty officer on watch sa bridge. Tapos, pagdating ng gabi, alas 8 ng gabi hanggang alas 12 ng hating gabi, si third mate din ang nakabantay sa may bridge.
Pagkatapos ng duty niya, papalitan siya ni second mate. 12 to 4 naman si second mate. Tapos, 4 to 8, si chief mate naman yung re-relievo kay second mate. So, paikot sila. Nag-re-relioboan silang tatlo.
So ano bang binabanta yan? Bakit ba may duty sa bridge? Siyempre, unang-una, pag nasa navigasyon o nasa gitna ng karagatan, yung official sa bridge, sila yung may responsibility na panatilihin na yung barko ay umaandar ng maayos.
Siyempre, para ligtas yung mga taong nasa loob nito, at the same time, ligtas din yung karagatan or yung environment sa paligid nito. Siyempre, pag naaksidente yung barko, for example, nabahura, nabutas yung barko, pwedeng tumapon yung mga fuel oil sa dagat. Kaya malaking pollution yan sa environment. So, si officers on watch, o si third mate, isa siya ang officer on watch sa bridge.
Kailangan sa oras ng kanyang duty, sa oras ng kanyang watch, ay mapanatili niyang maayos ang paglalayag ng barko na sinasakyan niya. So, sa navigation, sa open sea, ang main duties ng officer on watch sa bridge, o sa third mate, pag naka-duty siya doon, unang-una yung navigation ng ship. So, navigational equipment, kailangan pamilyar siyang gumamit ng iba't iba mga radars, yung ECDIS.
at iba mga radio communication. So, syempre, umaandal yung barko. Pag open sea, walang problema kasi wala ka naman makakasalubong or madalang lang yung makakasabay mo sa paglalayag. So, yung navigation ng ship, medyo safe ka nyan. Depende na lang kung mayroong bad weather.
Syempre, kung may bagyo or may nakita kayo minsan. For example, sa may Atlantic Ocean, madalas dyan yung twister or yung tornado. Minsan, sabay-sabay yung tornado na nasa harapan ng barko nyo.
So, delikado yun. Kailangan, tawagan mo si kapitan. I-inform mo siya para siya yung mag-desisyon kung anong gagawin.
Hiinto ba yung barko para hindi makasalubong yung mga buhawi na yung mga tornado or mag-aalter ng course. So, si third mate as an officer on watch, sabi ko nga, kailangan panatilihin niya na yung navigation ng barko ay nasa maayos na kalagayan. So pagka medyo matraffic dito bandang Asia, sa China, sa Vietnam, sa Malaysia, sa Singapore ang daming mga fishing vessel na nagkalat. At kung ang sinasakyan mo ay mothership or malalaking container vessel minsan mahirap iwasan yung maliliit na mga fishing vessel na yan. Kailangan pagka may traffic or maraming mga bangka, maraming barko sa paligid kailangan mas maging vigilant na mga officer on watch or officer on duty sa may bridge.
Usually may kasama sila na... AB, yung mga helmsman, sila yung tumatayong lookout. Tagatingin sila, nakabinocular sila. Tinitignan nila kung may mga fishing vessel or may mga maliliit na bangka, may mga barko sa paligid na maaaring mamiss ng officer on watch.
Siyempre, kapag nabangga o nagkaroon ng collision, malaking problema yan. So, meron kasi mga local fishing boats, mga maliliit na manging isda. Meron silang parang pamahiin. Kailangan sa pag dadaan yung malaking barko, ay matawidan nila yan sa harapan.
So, habang naglalay ka, diretsya yung course mo, bigla niyang i-alter yung course nila, tatawid yan o ikakat ka niya sa harap. Pag nagawa daw kasi nila yun, magkakaroon sila ng magandang huli or madami yung isdang mahuhuli nila. Ang problema, pagka sila naman ay nabangga ng barko mo at ikaw yung naka-duty doon as third mate, yari ka, pati na rin damay rin si kapitan.
Kasi magkakaroon ng collision accident. Accidente yun at... Minsan hindi mo makikita, hindi mo napansin na bangga mo na pala o nasagasaan mo pala yung bangga nila.
Although meron mga radar, nandyan yung X-band saka S-band radar, minsan hindi dyan madedetect or hindi dyan magre-reflect yung mga fishing boat na malilit. Kaya importante pa rin na may lookout. So bukod sa navigation, bukod sa avoiding the traffic, kailangan din marunong ang third mate na mag-responde sa kahit na anong emergency na pwedeng mangyari sa barko. Kasi, kunyari, ikaw yung third mate, naka-duty ka 8 to 12 sa bridge. Tapos, alas 9 ng umaga, for example, may tumawag sa'yo, man overboard, nahulog si Bosun sa barko.
Kailangan, in punto na yun, alam mo yung gagawin mo as third mate. So, since man overboard, kailangan i-raise mo yung alarm ng man overboard. Ano ba yung alarm ng man overboard? Three long blasts. So, dapat alam mo kung saan mo pipindutin, ano yung gagalawin mo, o paano mo i-raise yung alarm na yun.
Para ma-alarma lahat ng crew sa barko o ma-inform sila na merong nahulog sa dagat. So makakapag-proceed sila sa emergency man overboard procedure kung anong gagawin. So may mga duties kasi during emergency bawat crew sa barko. So kailangan pamilyar si third mate sa gagawin niya.
I-raise yung alarm tapos i-inform lahat ng crew or gumawa ng public address. Attention all crew, attention all crew, we have man overboard on the starboard side. Tapos kailangan ilag niya din kung anong oras nahulog, tapos yung position kung saan nahulog para madaling mabalikan ng barko.
At the same time, alam ko sa ECDIS meron nung pinipindot man overboard para mamarkahan yung mismong location at oras nung pinaghulugan ng tao. At the same time, kailangan familiar din si third mate sa iba't ibang procedure ng equipment. communication protocols. For example, yung Global Maritime Distress Safety System. Kailangan kasi i-broadcast sa ibang barko, sa ibang shore station na malapit sa vicinity ng area ng pinaghulugan na merong man overboard.
So pwede niyang i-inform gamit yung iba't ibang distress signal or communication equipment na nandodon sa bridge. Madalas naman walang nangyayaring emergency. Wala naman parating nauhulog sa dagat. So kailangan lang... Pag dumating yung time na emergency, alam ng third mate as a duty officer kung ano ang kanyang mga dapat gagawin during emergency situation.
Madalas kasi boring lang naman yung paglalayag. Boring yung mag-duty sa bridge lalo pag mag-isa sa third mate sa umaga, alas otso, hanggang alas dosi ng tangali. Pagpapasyalan ko nga siya doon minsan, tapos mag-check ako ng kung ano equipment o magpapalit ako ng ilaw sa bridge.
Makikipagkwentuhan muna sa akin yan kasi sabik siya eh na may makausap. Sipin mo, apat na oras siya doon, wala siya makausap. Meron naman siya makausap si kapitan. Pag umakit si kapitan, e paano kung masungit si kapitan, ayaw makipagkwentuhan.
So boring si third mate. Kaya pag may nakakita siyang ibang crew, lalo na si Elec, pakalat-kalat si Elec sa iba't ibang lugar ng barko, makipagkwentuhan mo lang, chismis, anong nangyari, anong balita, konting chika, konting biruan. Pero pag dumating na yung emergency, sinasabi ko, kailangan na lang ni third mate yung gagawin niya. Isa pang example ng emergency situation, nagkaroon ng sunog, or kahit hindi pa confirmed na sunog.
Alarma pa lang, fire alarm or false alarm, fault alarm ng fire alarm system. For example, Yung isang smoke detector, nagbigay ng fault alarm doon sa control panel, ng fire alarm control panel sa bridge. So it's either i-ignore ni 3rd Mate yun, ah wala naman, lagi lang naman ganyan yan. Or tawagan niya yung mga engineer, tawagan niya si Elec, pakicheck nga yung fire alarm system, pakicheck nga yung ganitong sensor, nag-a-alarma dito. Para makonfirma kung fault alarm lang ba talaga yun, o totoong meron ng umuusok doon, o nasusunog na yung purifier room.
So kailangan during emergency situation, si third mate ay alam niya kung ano ang gagawin niya, sinong tatawagin niya para maiwasan yung mas malala o mas malubhang mga sakuna. Pero as a duty officer, nandunong ka sa bridge, kailangan talaga i-master mo yung mga navigation, coastal navigation, yung mga electronic equipment. Dati may mga navigational chart pa eh, tapos mano-mano pa.
Pero ngayon uso na kasi yung electronic chart, display information system, nandiyan na lahat ng kailangan mo. Kailangan alam mo rin bumasa ng mga lakas ng hangin, taas ng mga tides, kaano kalakas yung alon, yung current, yung draft, yung trim, yung underkill clearance, yung estimated speed ng barko nyo. Dapat alam mo lahat yan. So dapat meron ka rin supplemental information sa mga nautical publication, mga sailing direction, mga tables, mga notice to mariners, radio navigational warnings.
Lahat ng mga bagay na yan, kailangan alam mo yan as a duty officer. So yung mga magnetic compass, gyro compass, yan ay nagpapakita na sa'yo. Madali na, nakikita mo na kung anong course yung ini-steer mo.
Pero may mga error yan, kailangan as a navigational officer. Kahit paano, alam mo yung mga error o paano i-correct yung mga error na yan. Since yung mga modern ship ngayon ay may autopilot system na, ito type mo lang doon yung course na sa under na mag-isa yung barco.
Kasabay nung navigation, ang trabaho rin ng third mate sa bridge ay mag-log. Pwede yung every hour may nilalag sya doon sa deck logbook o bridge logbook. Additionally, meron din sya mga iba't iba mga paperwork na kailangan i-update from time to time.
So 24-7, kailangan merong naka-duty na opisyal sa barko doon sa may bridge. It's either si third mate, si second mate, si chief mate, or si kapitan. Hindi pwede yung mawalan ng duty officer sa bridge. Napaka-importante na merong tao sa bridge.
Yan ang parang pinaka command center. Hindi yan pwedeng iwanan. Kahit pa may autopilot, kailangan may tao dyan.
Never na never yan pwedeng iwanan. Dyan naman nakakalamang yung mga engineers. Kasi yung mga official, alimbawa, nagkaroon ng holiday, walang pasok or half day lang, kasi Pasko, tapos sa sakit na kayo ng karagatan. O magpaparty tayo.
Hindi makakasama yung duty officer sa oras ng duty niya dun sa pagpaparty ng mga crew. Kasi hindi niya pwedeng iwanan yung bridge. Kailangan may tao lagi dun.
Or at the same time, for example, Saturday or Sunday, half day lang yung trabaho ng mga taga-makina, yung mga makinista. Sila third engineer, second engineer, half day lang. Or support engineer, half day lang.
Si third mate, du-duty pa rin siya sa gabi. Hindi naman pwedeng walang du-duty sa gabi. So, du-duty siya sa umaga, du-duty din siya sa gabi. Although, nakatayo lang naman siya doon sa bridge, naka-aircon naman yung bridge, pero at least, du-duty hours pa rin yung binubuno niya.
Daily yun. Automatic, may eight hours of du-duty na kagad si third mate, second mate, saka si chief mate. So pagdating ng alas 12 ng tanghali, lunch break na, kakain na si 3rd mate, pupunta na yan ng officer's mess. Or kung hindi sasanay kumain sa officer's mess, sa crew mess pa rin yan kakain. Pero yung pagkain na dadot na niya doon ay malamig na.
Malamang i-oven na na lang yan para initin. Kasi madalas late na bumaba si 3rd mate, meron pa kasing handover eh. So pagkakain ni 3rd mate, pahinga ng konti, babalik pa yan ng alauna ng hapon. Alauna hanggang alas 3 ng hapon, may mga retain yan.
Dito sa... malikling oras na to depende sa kumpanya sa amin 1 to 3 pm yung pasok nya pa eh sa iba hanggang alas 4 so depende minsan kapag kakailangan may tatapusin na trabaho mag-overtime si third mate so wala kasing ibang gagawa ng trabaho mo sa parko kundi ikaw lang subukod sa navigational watch pagkatapos ng watch nya sa bridge si third mate papaba ng alauna hanggang alas 3 para gawin yung maintenance nya sa mga iba't ibang life saving appliances saka life saving equipment At the same time, additionally, yung firefighting equipment, responsibilidad din yan ng isang third officer. So, for example, ano na ba yung mga life-saving equipment?
Una-una dyan, yung life jacket, saka immersion suit. Bawat kabina ng mga crew ay meron mga ganyan. So, iisa-isa yun yan, check-in niya bawat isa niyan. Every month or every two months, depende, or every quarter, kailangan masigurado niya na maayos pa ang lahat. Halimbawa, yung immersion suit ay maayos pa yung zipper, nabubukas, nasasara pa.
At the same time... Yung mga ilaw niyan sa immersion suit, sa life jacket. Tapos yung mga life buoy, yung mga life ring.
Maaaring sira na yan or low bat na yung battery. Tapos kailangan palitan. So si third mate din yan. Tapos yung mga life boat.
Si third mate, nini-check ka rin kung gumagana pa yung life boat. Maayos pa ba? Kompleto ba yung provision doon? Wala bang expired na? pagkain o tubig doon sa loob ng lifeboat.
In case na magkaroon ng abandon ship, ready ba yung lifeboat? Dabit na may release sa dagat agad-agad yung lifeboat para makaligtas yung mga crew. Or in case na magkakaroon ng rescue operation, may naulog sa dagat, tapos para pick upin yung crew doon, mababay yung lifeboat, gagawing rescue boat. So kailangan, during emergency, yung mga emergency equipment, mga life-saving equipment, yung mga firefighting equipment ay gagana.
For example, magkaroon ng sunog sa barko Tapos isasaksak yung fire hose dito sa fire hydrant Na malapit sa sunog, sa area ng sunog Tapos pagbukas ng balbula, putol pala yung balbula Kinalawang na pala, hindi mabuksan yung fire hydrant Kasi hindi minay-maintain ni third mate So, imbis na maapulagad yung apoy Ay lalaki yung sunog at maaaring mauwi sa abandoned ship So, napaka-importante ng mga life-saving equipment Lalo-lalo na yung mga firefighting equipment na yan Bukod dyan, pati yung mga breathing aparatos. May video ko, nagpapalit kami o nagre-refill kami ng hangin doon sa mga bote ng breathing aparatos. Kasama ko si third mate.
So, kailangan laging ready to use yung mga yan. Yung mga fireman suit, kailangan kumpleto yan. Yung boots, yung helmet, yung fireman's outfit.
Kung kailangan, kung may sira na dyan, i-report na ni 3rd Mate. Siya nag-check niyan, siya nag-maintain. At kung may sira, i-report niya.
Tapos sasabihin kay Chief Mate para magawa ng requisition, mapalitan. Additionally, yung mga portable fire extinguisher, tinicheck din ni 3rd Mate yan. Kung may leakage ba, o may sira ba, o expired na ba. Para kung expired na, kailangan niya ng orderan. Papalitan na o paparipila na ng bago.
Basta lahat ng mga life-saving equipment, life-saving appliances, firefighting equipment. Si third mate ang may responsibility dyan. So, hindi naman porkit siya yung may responsibility.
Siya na lahat yung gagawa niyan. Siyempre, kung hindi niya alam gawin, pwede naman siya umingi ng tulong. Kung medyo technical at wala siyang skill o wala siyang tools, pwede naman siya magpa-assist sa mga taga-engine department.
Pero si third mate, bilang junior officer, siya ay under in command ni chief mate. Si chief mate ang head ng deck department. So, si Chief Mate pa rin ang masusunod kung may gusto siyang ipatrabaho kay Third Mate.
Itong muna ipa-prioritize mo, itong muna yung trabawin mo bago mo gawin yan. So, si Chief Mate yung boss ni Third Mate. So, during maneuvering operation, syempre si Third Mate involved dyan kasi kasama siya sa bridge team.
Tapos, yung mooring operation, pag didikit na, itatali na yung barko sa puerto or bibitaw na yung barko sa puerto, mooring operation. Si Third Mate kasama din dyan sa operation na yan. So, habang yung barko nasa puerto... May port watch din na tinatawag.
So nakatikit yung barko, nakatrakas sa puerto. Ang gagawin naman ng mga officer on watch, ang gagawin ni third mate during sa duty niya, ay magkakaroon siya ng watch sa cargo operation. Abos na na yung cargo operation, may problema ba yung mga crane, may problema ba yung mga estiba, may problema ba sa cargo operation na nadidelay. So si third mate makikipag-coordinate sa mga shore personnel.
So although si chief mate pa rin yung overall in charge. Pero kasama sa watch. o support watch ng isang third mate or third officer yung cargo operation pag nasa puerto yung barko.
So palit-palitan sila niya ni second mate. So bukod sa monitoring ng cargo operation kasama din dyan yung fire watches pati security watches. Ano ba yung security watches?
Pwede kasing may umakyat na taga shore na umakyat sa barko para maging stowaway. For example, nasa Afrika yung barko nyo tapos may egoy, akit, magtatago sa loob ng barko. Para pag nating nung parko niya sa US o sa Amerika, magiging Amerikano na siya o American citizen na siya ng taga-Africa. Tataka siya dun sa third world country, gusto niya pumunta o mag-migrate sa ibang bansa.
So may mga ganong senaryo. So kasama yun sa security watches ng isang third mate or officer on watch kapag nasa puerto yung barko. So security watch, pwede rin hindi lang stowaway, pwede rin masamang loob, pwede rin gustong magnakaw, mga pugante. May kukunin na... equipment o mga tools, mga gamit sa barko tapos ibababa, itatapon doon may bangka pa lang nakaabang doon sa gilid ng barko nyo so may mga ganong senaryo so kailangan as a third mate kasama yan sa duty mo, security watch sa port watch o pagka nasa puerto yung barko at the same time, yung monitoring ng mga anchor line mga mooring line kapagka nakatraca o nakadikit nakatali yung barko sa puerto may no monitor din yan ng officer on watch pwede kasing lumuwag yan or maging masyadong tisado during cargo operation.
Siyempre, nagkakarga ng mga kargamento sa barko, nagbabago-bago yung draft niyan. So, marami pa ako kung hindi nabanggit dito pero umawat na naman tayo ng 20 minuto. Kaya, palagay ko tatapusin ko na yung video natin for today. At sana, kahit pa pano, ay nabigyan ko kayo ng konting ideya, konting kaalaman kung ano-ano ba ang mga ginagawa ng isang third mate or third officer sa barko.
Actually, may isa pa naman akong video si second mate, si second officer. Halos magkaparehas din ng konti yung trabaho ng third mate saka second officer yung mga duties nila. So yung mga watch duties nila. So abangan mo na lang yung continuation ng video series natin.
So paano mga kaleki? Maraming salamat sa panunod. Hanggang dito na lang.
Thank you very much for your support. At hanggang sa muli. Paalam!