Para sa episode nating ito, ating pag-uusapan ang digmaang kumitil sa kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno noong 1898. Ito ang Philippine-American War. Binago ng digmaang ito ang kapalaran ng bagong sibol na Pilipinas at patuloy na nakaapekto sa atin hanggang sa kasalukuyan. Pero bago iyan... Nais ko munang batiin ng ating komrad na sina Albrecht Brosas Mark James Aurinto Roland TV Christian Fresco Ariel Andres Kamikaze Don Pablo Escabeche James Solomiano Vergara Christian at Calixto Lido Maraming maraming salamat sa inyong pagsuporta sa Sir Ian's Class Para mas lalo nating maunawaan ang mga kaganapan noong Philippine-American War, atin munang balikan ang panahon ng mga Espanyol.
Makalipas ang higit tatlong daang taong dominasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas, sumiklab ang damdaming makabayan ng huling bahagi ng 19th century. Ang unang nasyonalistang grupo ay pinangunahan ng mga ilustrado o mga edukadong Filipino. Humingi ang mga ito hindi ng kalayaan sa Spain kung hindi ng reforma sa pamahalaan, pantay na karapatan, at gawing probinsya ng Spain ang Pilipinas.
Ilan sa mga Pilipinong ito ay sina Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaina, Mariano Ponce at Jose Rizal. Tinawag ang kilusang ito bilang propaganda movement. Gayunpaman. Bigo ang mga propagandista na magkamit ng malawakang pagbabago sa buhay ng masang Filipino. Dahil sa kabiguan ng paikipag-usap, sa armas na aasa ang mga Filipino at sa pagkakataong ito, hindi na reforma ang kanilang hiningi kung hindi ang ganap na kalayaan.
Sa isang bahay sa Ascaraga Street sa Maynila, isang kilusan ang nabuo. Ito ang kataas-taasan. kagalanggalangan na katipunan ng mga anak ng bayan o mas kilala bilang katipunan.
Pinangunahan ito ni Deodato Arellano, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Nadis Claudiwa, Jose Dizon at ni Supremo Andres Bonifacio. Mabilis na lumaganap ang kilusan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at noong 1896, sumiklab na nga ang Philippine Revolution. Habang nagaganap ang revolusyon, dalawang paksyon ang nabuo, ang magdiwang sa ilalim ni Mariano Alvarez at ang magdalo sa pamumuno naman ni Baldomero Aguinaldo. Para pag-isahin ang mga paksyon at bumuo ng isang nagkakaisang pamahalaan, isang eleksyon ang naganap kung saan natalo si Andres Bonifacio sa pagkapangulo, samantala hinirang naman ang batang general na si Emilio Aguinaldo. bilang Pangulo ng bagong Revolutionary Government.
Bagamat hindi nanalo sa pagkapangulo, ang Supremo ay nanalo naman sa posisyon bilang Director of Interior ngunit siya ay ininsulto ni Daniel Tirona dahil sa kawalan niya ng formal na edukasyon. Muntik ng barilin ni Bonifacio si Tirona at makalipas nito, kanyang nilisan ang pagpupulong at pinasawalang visa ang eleksyon sa Tejeros. Dahil sa paniniwalang nakasasama sa revolusyon ng awayan sa kanilang hanay, nakumbinsi ang bagong pangulo na si Aguinaldo na ipaaresto si Bonifacio. Inaresto si Bonifacio at pinatay sa paanan ng Mount Buntis kasama ang kanyang kapatid na si Procopio.
Sinamantala ng mga Espanyol ang kaguluhang ito sa hanay ng mga revolusionaryo. Ibinuhos ni Governor General Camilo Folabieja ang kanilang pwersa sa Cavite kung saan. Nabawi nila ang lahat ng teritoryong hawak ng mga revolusionaryo. Dahil sa tindi ng opensiba ng mga Espanyol, nawalan ng pag-asa si Aguinaldo na makababawi pa sila sa labanan.
Kaya naman, siya ay pumirma ng kasunduan sa mga Espanyol. Ito ang Pack of Biak na Bato. Ayon dito, ititigil na ng mga Filipino ang revolusyon at lilisanin ng mga leader nito ang Pilipinas. Kapalit, Ang mga lider ng revolusyon ay pagkakalooban ng 800,000 Mexican pesos. Babayaran naman ng 900,000 Mexican pesos ang pamilya ng mga namatayan na kanilang paghahati-hatian.
Pagkakalooban naman ng amnestia ang mga Filipino fighters na susuko sa pamahalaan. Nilisan naman ni Aguinaldo ang Pilipinas. Noong December 30, 1897, kasama ang ilang lider ng Katipunan patungong Hong Kong. Sa kasamaang palad, hindi na ibigay ng buo ang kabayaran kay Aguinaldo dahil sa awayan ng mga Filipinong revolusyonaryo na naiwan sa Pilipinas.
Ang ikalawang installment na nagkakahalaga ng 200,000 Mexican pesos ay tinanggap ni Isabelo Artacho at kanyang pinamigay sa mga lider ng revolusyon na naiwan sa Pilipinas. Wala itong pahintulot kay Aguinaldo. Dahil sa kaguluhan at kalituhan na rin, itinigil ng mga Espanyol ang pagbabayad.
Sinundan pa ito ng kawalan ng aksyon ng mga Espanyol sa mga pangako nitong amnestia at reforma. Kaya naman ng mga unang buwan ng 1898, bumagsak na ang kasunduan sa biyak na bato. Habang nasa Singapore, nakilala ni Aguinaldo ang US Consul na si Spencer Pratt. Dito niya nalaman na sumiklab na pala ang Spanish-American War.
Kinumbinsin nito si Aguinaldo na ipagpatuloy ang revolusyon pero sa pagkakataong ito, meron na silang tulong mula sa Amerika. Pinangakuan ng mga Amerikano si Aguinaldo na kanilang kikilalanin ang kalayaan ng Pilipinas. Binintahan din nila ang mga Filipino ng armas kagaya ng rifle at napakaraming bala. Gayunpaman.
Isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Aguinaldo sa negosasyong ito. Wala silang formal na kasunduang pinirmahan at tanging verbal agreement lamang ang pinangahawakan ni Aguinaldo. Sa pagsiklab ng Filipino-American War, malalabasin ng mga Amerikano na sinungaling si Aguinaldo at sasabihin wala silang kasunduang pinirmahan.
Habang nagaganap ang negosasyon sa pagitan ni Pratt at Aguinaldo, Isang malakas na pwersang Amerikano na pala ang patungo sa Pilipinas. Ito ang US Asiatic Squadron. Nang umaga ng May 1, 1898, dinurog ng makabagong US Navy ang mga lumang barko ng Espanya sa Battle of Manila Bay. Nagtamo ang Spanish Navy ng 400 casualty, samantalang siyam na sugatan lamang sa panig ng mga Amerikano. Makalipas nito, noong May 19, 1898, nakabalik si Aguinaldo ng Pilipinas sakay ng barkong Amerikano.
Sa pagkakataong ito, muling sumiklab ang Philippine Revolution. Halos isang buwan makalipas niyang makauwi, nabawi na agad ng mga Filipino ang halos lahat ng Spanish occupied territory maliban na lamang sa Maynila at ilang bahagi ng Cavite. Libo-libong mga Filipinong sundalo ng Spain ang bumalik. At sumapi kay Aguinaldo, sanhi para magpanik ang pamahalaang kolonyal at ialok sa mga revolusionaryo ang otonomiya. Tinanggihan ito ng mga Filipino.
Dinurog ng mga revolusionaryo ang mga Espanyol sa Battle of Alapan. Sa labanang ito, unang winagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas. Ilang araw makalipas nito, nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit noong June 12, 1898. Kaiba sa kalaman ng nakararami, sa puntong ito natunugan na ni Aguinaldo na may masamang pakay ang mga Amerikano.
Pinagbawalan niya ang mga American forces na lumanding sa mga teritoryong hawak na ng mga Filipino. Naging mahirap ang posisyon ng mga Amerikano dahil sa utos na ito ni Aguinaldo. Wala na silang iba pang lugar na pupwedeng kubkubin at landingan maliban na lamang sa Maynila na hawak pa ng mga Espanyol.
Sa kabilang banda naman, sa loob ng Intramuros, desperado na ang sitwasyon ng mga Espanyol. Ang Manila Bay ay sinara ng US Navy. Sa lupa naman nag-aabang ang hindi mabilang na mga sundalong Filipino.
Marami sa mga sundalo at sibilyan nito ang pagod na at nais ng sumuko. Gayunpaman, hindi sila makasuko dahil sa kehiyan. at sa bantan ng parusang pagkakakulong o bitay pag uwi sa Spain dahil sa sala ng kaduwagan.
Nag-aalala din ang mga Espanyol na kapag sumuko sila sa mga Filipino ay baka gantihan sila ng mga taong kanilang inapi ng daan-daang taon. Sa kabutihang palad para sa mga Espanyol, sila ay nailigtas sa problemang ito ng mga Amerikano. Sa pangunguna ni Wesley Merritt ng USA, nakipag-usap sila sa commander ng Spanish forces sa Maynila at At nagkasundo na magsasagawa ng kunwa-kunwariang labanan. Ito ang MAC Battle of Manila.
Ayon sa plano, magsasagawa ng token defense ang mga Espanyol at agarang susuko sa mga Amerikano. Isa itong win-win situation para sa mga Espanyol at mga Amerikano. Una, makasusuko ang mga Espanyol. ng walang paglaban at buo ang kanilang dignidad. At para naman sa mga Amerikano, meron na silang lupaing pwedeng mapuntahan ng mga sundalo nila.
Nang August 13, 1898, binomba ng mga barkong Amerikano ang bahagi ng Intramuros na walang sundalo. Sinundan naman ito ng ground assault ng mga US forces mula sa Malate. Habang umaabante, Pinigilan ng mga Amerikano ang mga Filipino forces na sumali sa bakbakan. Gayunpaman, hindi nagpaawat ang mga Filipino at sumali sa labanan. Nauwi ito sa isang three-way battle kung saan 19 na mga Amerikano ang nasawi, 49 na mga Espanyol at mas marami pang mga Filipino.
Ginawa ng US forces ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga revolusionaryo na pumasok ng Intramuros. Kanilang inakusahan ang mga Filipino na nagsasagawa ng pandarambong at pagwasak, kaya't hindi nila pinayagan ang mga ito na makapasok ng World City. Ang pagwawakas ng labanan sa Maynila ay ang nagsimbolo din ng pagwawakas ng Spanish-American War.
Nagbunyi ang maraming mga Filipino sa pangyayaring ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang Pilipinas pala ay naibenta na ng mga Espanyol sa mga Amerikano. Sa Treaty of Paris, ibinigay ng Spanish Empire ang kanilang pagmamayari sa Pacific sa USA kapalit ng 20 million dollars. Ito ang Guam at ang Pilipinas. Noong December 21, 1898, naglabas si President McKinley ng US ng isang deklarasyon.
Ito ang Benevolent Assimilation. Ayon sa Benevolent Assimilation, Ang USA ay hindi mananakop kundi isang kaibigan at tagaprotekta ng mga native people mula sa pananakop ng mga Europeo. Nabasa ito ni Aguinaldo at agarang sinagot ng kontra-manifesto. Dagbabala si Aguinaldo ng kaguluhan kung uukupahin ng US ang anumang teritoryo ng Pilipinas. Itinuring itong informal na deklarasyon ng digmaan ng mga US commander.
Kung kaya't ipinagutos nila ang pagbuo ng mga trenches sa kanilang posisyon. Ipinagutos naman ng revolutionary government ng Pilipinas ang pagtatanim ng pagkain sa lahat ng lupaing tiwangwang bilang paghahanda sa paparating na digmaan. Masasabi natin na ilang buwan bago pa ang mismong digmaan, mataas na ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng USA. Sumambulat ang naipong tensyon na ito noong February 4, 1899. Sa kanto ng Sosego, isang patrolyang Filipino ang pinaputukan ng Amerikanong sundalo na si Private William Grayson. Agarang lumaganap ang kaguluhan sa hanay ng parehong mga Amerikano at Filipino para pahupain ang kaguluhan.
Ipinadala ni Aguinaldo si Isidore Torres sa kampo ng mga Amerikano para makipag-usap. Gayunpaman, tinanggihan ni General Elwell Otis. Ang appointed military governor ng US sa Pilipinas ang offer ni Aguinaldo.
Ayon kay Otis, nagsimula na ang digmaan at kailangan na nila itong tapusin. Ito na nga ang simula ng Philippine-American War. Inatasan sa General Arthur MacArthur, tatay ni Douglas MacArthur, na pamunuan ang opensiba laban sa mga Filipino.
Umabante pahilaga ang US forces patungo sa Kapitolyo ng Pilipinas. Ang malolos. Ang opensiba ng Amerikano Pahilaga ay sinalubong ng pinakamabisang Heneral ni Aguinaldo, si General Antonio Luna.
Kumpara sa maraming lider ng Revolutionary Army, namumukod-tangi si Luna dahil sa kanyang formal na edukasyon sa Military Science. Nag-aaral si Luna ng Guerilla Warfare at pagbuo ng defensive structure sa ilalim ni General Gerard Lehman ng Belgium. Si Lehman ay kinalaunang kikilalaning war hero ng World War I. Hinarang ng pwersa ni Luna ang mga Amerikano sa Battle of Caloocan. Gayunpaman, natulak ng 3,000 mga Amerikano ang 5,000 mga Filipino defenders paalis ng Caloocan na nagresulta sa pagkakabihag ng dimog na dulo ng Dagupan Manila Railway.
Ilang araw makalipas nito, muling sumalakay si Luna at sa pagkakataong ito kasama niya naman si Mariano Llanera para bawiin ang Caloocan. Sinunog ng mga revolusionaryo ang mga kabahayan sa paligid ng Maynila sa inhi para magpanik ang mga Amerikano habang abala ang mga ito sa pagpatay ng sunog, tsaka naman buong lakas na sumalakay si na Luna at Llanera. Sa simula ng labanan, nakalamang ang mga Filipino ngunit dahil sa kawalan ng maayos na komunikasyon, muling natalo.
ang mga Filipino. Tinatayang 180 na mga Amerikano ang nasawi at 500 na mga Filipino naman ang napatay. Dahil sa pagkabutas ng depensa sa kaloocan at pagdating ng American reinforcement, mabilis na nakaabante ang mga Amerikano papuntang Malolos.
Dahil dito, inilipat ang Kapitolyo ng Bansa sa San Isidro, Nueva Ecija, sa Timog Luzon naman. Ang Opensibang Amerikano ay pinamunuan ni General Henry Lawton. Mabilis na bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Las Piñas, Paranaque at Bacoor dahil sa tulong ng bombardment ang US Navy. Panandaliang napahinto ng mga Filipino ang mga Amerikano sa Battle of San Mateo.
Sa pangungunan ni General Liserio Geronimo, tinalo ng mga Filipino ang mga Amerikano sa San Mateo Rizal, kung saan kanilang napatay si General Henry Lawton. ang highest ranking general ng mga Amerikano na napatay sa digmaan. Gayunpaman, hindi sapat ang panalong ito para pahintuin ang American war machine.
Isang malakas na depensa ang itinatag ni Antonio Luna sa Kalumpit, Bulacan, sa pampang ng Bagbag River. Sa tindi ng kanyang depensang nagawa, nag-alangan ang mga Amerikano na sumalakay ng harapan. Humingi ng reinforcement si Luna kay General Tomas Mascardo para patibayin ang Kalumpit Apalit Defense Line gamit ang kanyang 21,000 na mga sundalo. Gain pa man, tumanggi si Mascardo at nagpunta sa Arayat, Pampanga. Sa galit ni Antonio Luna, nilisa niya ang Kalumpit Line kasama ang buong Cavalry at Artillery para parusahan si Mascardo.
Iniwan niya ang depensa ng Kalumpit sa batang General na si Gregorio del Pilar. Ito ang pagkakamaling hinihintay ng mga Amerikano. Biglang sumalakay ang mga Amerikano nang wala na si Luna at binutas ang depensang Filipino.
Sa pagbabalik ni Luna, bagsak na ang depensang kanyang binuo. Umatras ang pwersa ni Luna pahilaga at sinunog ang mga tulay para pabagalin ang mga Amerikano. Sa puntong ito ng digmaan, isang istatihiya ang nabuo ni Antonio Luna. Dahil hindi nila kayang tapatan sa harapang labanan ang mga kalaban, gagamitin nila ang geografiya ng Pilipinas laban sa kanila. Ito ang Cordillera Redoubt kung saan magsasagawa ng delaying tactics ang pwersang Filipino habang anti-anti silang umaatras patungo ng kabundukan ng Cordillera.
Dito gagawa sila ng matibay na mountain fortress at unti-unting paduduguin ang mga Amerikano sa pamamagitan ng hit and run tactics. at guerilla warfare hanggang mapilitan ang mga ito na makipagnegosasyon. Habang abala ang mga Filipino General sa battlefield, matinding kaguluhan din ang nagaganap sa loob ng pamahalaan ni Aguinaldo.
Si Apolinario Mabini ang tumatayong Prime Minister ni Aguinaldo at ang kanyang Chief Advisor. Para kay Mabini, ang tanging katanggap-tanggap na kapalara ng Pilipinas ay ang ganap na kalayaan of full independence. Gayunpaman, inilatag ng mga Amerikano ang offer ng otonomiya o otonomi.
Ayon dito, ang mga Filipino ay malayang pamunuan ng kanilang pamahalaan, ngunit sa ilalim ng patnubay at proteksyon ng Amerika. Marami sa mga Filipinong ilustrado ang unti-unting nakumbinsi ng mga Amerikano. Ilan sa mga ito ay sina Pedro Paterno at Felipe Buencamino na parehong miyembro ng pamahalaan ni Aguinaldo.
May kita dito na hindi united ang pamahalaang Filipino sa paglaban sa mga mananakop. Nagbitiw sa kapangyarihan si Mabini at napalitan ni Pedro Paterno bilang pangulo ng gabinete. Sa battlefield naman, ang pangunahing lider ng hukbo ay si Antonio Luna. Bagamat may kakayahan sa peykinigma, si Luna ay mayroong maikling pasensya at ugaling hindi kanais-nais sa marami. Mayroong mga kwento na nagsabing ipinagutos ni General Luna ang pagsunog sa mga tahanan ng mga kapwang Pilipinong hindi sumusunod sa kanyang utos.
Nakilala din siya sa pagiging napakahigpit kung saan handa siyang ipabaril ang kanyang mga sariling tauhan na hindi sumusunod sa kanya. Sa madaling sabi, maraming naging kagalit ang General at marami din ang nagnanais na siya ay mamatay. Noong June 2, 1899, Di umano'y pinatawag si Antonio Luna sa Kabanatuan Nueva Ecija ni Aguinaldo para pag-usapan ng pagbuo ng bagong kabinete.
Kasama ng ilang mga sundalo at ni Colonel Francisco Roman, nagmamadaling tumulak si Antonio Luna. si Luna papuntang Kabanatuan. Ang mga sumusunod ay rekoleksyon ng iba't ibang mga witness ukol sa mga kaganapan sa Kabanatuan. Ayon sa mga tala, nang makarating si Luna sa simbahan ng Kabanatuan ang tumatayong headquarters ni Aguinaldo, kanilang naabutan dito si Felipe Buencamino. Ang nagbabantay naman sa headquarters na ito ay ang Kawit Batalyon.
Ang batalyon na ito ay may personal na galit kay Antonio Luna. Makalipas niyang parusahan ang mga miyembro nito dati. Muling nagtalo si Luna at Buen Camino sa loob ng simbahan.
Ngunit natigil ito nang makarinig sila ng putok ng rifle sa labas. Bumaba si Luna ng gusali nang bigla siyang koyugin ng mga tauhan ng Kawit Batalyon. Inagsasaksak at pinagtataga si Luna na matapang namang lumaban gamit ang kanyang revolver.
Habang nagaganap ito, sumisigaw ang general ng traidor at duwag. Nagtamo si Luna ng apatnapung sugat na kanyang ikinamatay. Agaran siyang inilibing kinabukasan ng mayroong full military honors.
Ngunit wala ni isa sa kanyang mga pumatay ang nilitis. Kasamang nasawi ni Luna ang kanyang planong Cordillera Redoubt. Sa mga isla naman ng Visayas, sinalakay ng mga Amerikano ang Iloilo.
Sinunog ng mga revolusionaryo ang syudad para pabagalin ang mga kalaban, ngunit bumagsak din ito kinalaunan. Ang Cebu naman ay mabilisang sumuko noong February 22, 1899. Bilang ganti, sinalakay ng mga revolusionaryo ang parehong mga Amerikano at Cebuanong kolaborator. Ipinahayag ng mga guerilla leader na sina Arcadio Maxilom at Leandro Fulion na kanilang papatayin ang sino mang Filipinong may kipagtulungan sa mga Amerikano.
Ang mga negrense naman ay malugod na tinanggap ang mga Amerikanong mananakop. Kapalit nito, ang negros ay pinagkalooban ng kalayaan na pamunuan ang kanilang sarili sa ilalim ng US government. Sa Mindanao naman, gumamit ng mahusay na diplomasya ang mga Amerikano para payapain ang mga Moro.
Sa pangunguna ng mahusay na negosyator na si General John Bates, nakabuo ang USA ng kasunduan sa Sultan ng Sulu. At iba pang Muslim leader ng Mindanao, ito ang Bates Treaty. Ayon dito, ikilalani ng mga Muslim leader ang soberanyang Amerikano sa Muslim Territory. Kapalit nito, ginagarantiya ng mga Amerikano ang otonomiya ng mga Moro, ang kanilang kalayaan sa relihiyon, at ang buwanang bayad sa kanilang mga leader. Gayunpaman.
Ito ay panandaliang solusyon lamang ng mga Amerikano habang magulo pa sa Luzon at Visayas. Pinalaunan, ang Mindanao naman ang guguluhin ng mga Amerikano at pagsisimulan ng tinatawag nating Damoro Rebellion. Ating pag-uusapan nito sa ating susunod na episode. Nang mapatay si Luna, bumagsak ang moral ng Revolutionary Army. Libo-libong mga sundalo at napakaraming commander ng hukbo ang sumuko sa mga Amerikano.
Si Aguinaldo naman ay walang humpay na hinabol ng mga Amerikano pahilaga. Hindi magawang magregroup ng pwersa ni Aguinaldo kung saan ilang beses na nalipat ang Kapitolyo ng Pamahalaan. Dahil sa desperasyon, dinala ni Aguinaldo ang Pamahalaang Filipino sa Kabundukan.
Kasunod nito, ipinagutos ni Aguinaldo ang pagbuwag ng regular army. Napagpasyahan niya ito dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga revolusionaryo na tapatan sa harapang labanan ng mga Amerikano. Kapalit, ipinagutos niya ang paggamit ng mga Filipino ng guerilla warfare laban sa mga mananako. Araw-gabi nagmarcha ang tropa ni Aguinaldo patungong kabundukan.
Gawin paman, hindi sila makalayo sa mga agresibong humahabol sa kanila. Isang malaking sakripisyo ang kinakailangan para maisalba ang Republika. Ang rearguard ng puwersa ni Aguinaldo ay pinamumunuan ni Gregorio del Pilar. Iminungkahi ng batang general na ito na labanan ang mga Amerikano sa matarik at makipot na pasong tirad. Sa ganitong paraan, mapapabagal ang mga Amerikano at makalalayo si na Aguinaldo.
Nagpaiwan sa pasong tirad si del Pilar at 60 na mga sundalo at ofiser. Sila ay agarang naghukay ng mga trenches sa magkabilang panig ng daanan at hinintay ang mga humahabol sa kanila. Noong December 2, 1899, narating ng mga Amerikano ang Pasong Tirad.
Agaran silang pinaulanan ng bala ng mga Filipino na nagkukubli sa mataas na posisyon. Napaatras ang mga Amerikano at hindi nakaabante ng ilang oras dahil sa mahigpit na depensa ng mga Filipino. Sa kasamang palad, isang lokal na nagngangalang Januario Galut ang nagturo sa mga Amerikano ng lihim na daan patungo sa likuran nila del Pilar. Walang habas na pinagbabaril ng mga Amerikano ang mga Filipinong defenders mula sa likod.
Sumalakay naman ang mga natitirang Amerikano sa harapan. Nabaril sa muka si Del Pilar at agarang nasawi. Makalipas ang marahas na bakbakan.
52 na mga Filipino ang nasawi at 8 naman ang nabihag. Dalawang Amerikano naman ang napatay at siyam ang sugatan. Nang madatnan ng mga Amerikano ang labi ng batang general, siya ay hinubaran at kinuha ang lahat ng kanyang gamit bilang souvenir.
Ang sakripisyon ni Del Pilar ay nakatulong para makatakas si Na Aguinaldo. Gayunpaman. Naging mabagal ang kanilang pagtakas dahil kasama nila sa marcha ang asawa, anak, kapatid at nanay ni Aguinaldo.
Para mapabilis ang kanilang marcha at masiguro ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, noong December 25, 1899, isinuko ni Aguinaldo ang mga ito sa mga Amerikano. Nagpatuloy naman ang tropa ni Aguinaldo sa pagtakas sa kabundukan hanggang kanilang marating ang palanan Isabela. Habang nagaganap ang mga bakbakan sa kabundukan at kagubatan, isang grupo ng mga Filipino ang umusbong sa mga syudad. Ito ang mga kolaborator.
Isinulong ng mga kolaborator na itigil na ang paglaban at mamuhay na lamang ng mapayapa sa ilalim ng mga Amerikano. Ilan sa mga kilalang kolaborator ay sina Cayetano Arellano, Pedro Paterno, Felipe Buencamino, Rinedad Pardo de Tavera. Benito Legarda, Gregorio Araneta at marami pang mga edukadong Filipino. Dahil sa sunod-sunod na talo sa mga labanan at agresibong propaganda ng parehong mga Filipinong kolaborator at Amerikano, libu-libong mga revolusyonaryong sundalo ang sumuko.
Sa kabila nito, hindi pa din mahuli-huli na mga Amerikano ang mailap na si Aguinaldo. Sobrang delikado para sa mga Amerikano ang daan patungong Palanan Isabela. Ito'y dahil ang daan patungo dito ay matarik, liblib at puno ng mga tauhang loyal kay Aguinaldo. Para maiwasan ang kamatayan ng maraming mga sundalo, nagpas siya ang US Commander na si Colonel Frederick Funston na magsagawa ng naval infiltration at panloloko kaysa atakihin ng diretsya ang Palanan Isabela. Sakay ng barkong Vicksburg, palihim na lumanding ang kanyang pwersa na binubuo ng mga Pilipinong kolaborator na kung tawagin ay makabebe scout sa likuran ng depensa ni Aguinaldo.
Makalipas nito, nagkunwari ang mga ito na reinforcement at kanilang bihag si Colonel Frederick Funston. Pagdating nila sa kampo ni Aguinaldo, sila ay malugod na tinanggap at pinakain pa. ng makakuha ng Chimpou. Biglang sumalakay ang mga bagong dating at agarang inaresto si Aguinaldo.
Mabilisang pinadala sa Malacanang si Aguinaldo at ng April 1, siya ay nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at hinimok ang mga Filipino na sumuko. Dito na nagwakas ang Philippine-American War. Marami pang mga Filipino ang nagpatuloy sa laban kagaya ni Vicente Lucba ng Samar, Miguel Malvar ng Batangas.
at Macario Sakay ang tagapagtatag ng Tagalog Republic. Gain paman, hindi naging mabisa ang kanilang paglaban para pigilan ang pananakop ng mga Amerikano. Tinatayang 20,000 na mga Filipino fighters ang nasawi at 200,000 na mga Filipinong sibilyan. Gain paman, ilang eksperto ang nagsasabi na umabot sa isang milyong Filipino ang nasawi sa napakamapaminsalang digmaang ito.
Napakalaking bilang nito dahil tinatayang 7.5 milyon lamang ang populasyon ng Pilipinas noong panahon ito. Sa kabilang banda naman, ang Amerika ay nalagasan ng 4,200 na mga sundalo. Ang digmaang ito ang pumatay sa pinakaunang Asyanong Republika sa kasaysayan. Dahil sa digmaang ito, nagbago ang halos lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Filipino mula sa relihiyon, kultura, spirit, sports, painiwala, politika, ekonomiya at parami pang iba.
Ang mga pagbabagong ito ay patuloy pa din nating nadarama hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa dito nagwawakas ang ating istorya kaya't siguraduhin na kapagsubscribe na kayo sa ating channel. Muli, ako si Sir Ian at sama-sama nating aralin ang kasaysayan.