Transcript for:
Sanaysay ni Jacinto at Elemento Nito

Intro Music Music Buhay na buhay ang maraming social media sites sa araw-araw. Patunay dyan ang napakaraming mga posts na nagvaviral. Ibat-ibang tao, samot-saring content. Marami ang nagpopost para sa kanilang sariling satisfaction. Yung makarami ng likes sa mga netizens kumbaga, Ang iba naman ay ginagawa na itong means of living.

Ekonomiya is lifer, ika nga nila. Ngunit, naging plataporma rin ang social media sa iba't ibang away o gulo dahil sa malabong mga status at magulong mga long posts, rants, ng maraming social media fanatics. San nga ba ang sobra?

Alin nga ba ang kulang? Paano nga dapat magpahayag ng pananaw nang hindi ka nakasasakit o nakasasagasa ng iba? Grade 10, isang magandang wika at maalab na panitikan sa ating lahat.

Tayo ngayon ay nasa ikalimang linggo na ng unang markahan. Nasa kalahati na tayo ng ating mga aralin ng hindi mo namamalayan. Ano yung naging sikreto? Tama, nag-enjoy ka kasi habang natututo.

Kaya huwag kang bibitaw sa ating mga aralin dito, sa classroom ni Ms. Pam. Marami pa tayong araling iaariba, kaya dapat sama-sama ha. Nasisiyahan ako sa ginawa mong pagsagot sa mga katanungan sa nakaraang aralin.

Batihin mo naman ang iyong sarili. Achievement unlock ka na eh. Ipagpatuloy mo lang yan.

At hindi tayo dapat maging kumpiyansa, laging dapat bukas tayo sa bagong matututunan. At dahil naging magandang ating kwentuhan noong nagdaang araw, hinggil sa sanaysay, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isa pang halimbawa ng sanaysay. Suriin at alamin natin ang nilalaman ng sanaysay na may pamagat na ang ningning, At ang liwanag, mula sa liwanag at dilim na isinulat ni Emilio Jacinto.

Ang ningning at ang liwanag ni Emilio Jacinto. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagningningning, ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang liwanag. Tayo'y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang nakaugalian. Nagdaraan ng isang karuahing maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo'y nagpupugay at ang isa sa loob ay mahal na tao ang nakalulan. Tatapway marahil naman ay isang magnanakaw.

Marahil sa ilalim ng kanyang ipatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maralitang nagkakahirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isa sa loob.

Saan kaya ninakaw? The top way maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya'y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay ay sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumita. na maningning. Lalong-lalong na ang mga hari at mga pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon.

At walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan. Sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihan ito. Tayo'y mapagsampalataya sa ningning. Huwag nating pagtakhan ng ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat, ay magbalat kayo ng maningning. Ay, kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang, ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning.

Pagkat di natin pahalagahan at ang mga isip at akalang ano paman ay hindi hihiwalay sa maliwanag na landas ng katwiran. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas na mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan. Ngunit ang kagalingan...

Ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin at maliwanag na napapatanaw sa paningin. Mapalad ang araw ng liwanag. Ay, ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaan ng mga hirap at binatang mga kaatihan?

Bibigyan ko kayo grade 10 ng pagkakataong silipin muli ang tampok nating sanaysay. Suriin ang mga elemento nito. Hmm, naaalala pa ba? Himig, kaisipan, damdamin.

Ayan, wika at estilo. Tema at nilalaman. Anyo at estruktura? Larawan ng buhay. Isinulat ni Emilio Jacinto ang kanyang ningning at liwanag noong mga panahon na ang Pilipinas ay sakop ng mga Kastila.

Ginamit ni Jacinto ang sanaysay upang maipakita ang katotohanan at ma... mailarawan ang mga pangyayari noong mga panahon iyon. At kung susuriin nga natin ang nilalaman ng sanaysay, ay hindi pa rin nawawala ang kahulugan at mensaheng ipinaparating ng akdang ito, maging sa ating panahon.

Ayon sa UP Deksyonaryong Pilipino Binagong Edisyon, ang ningning ay matinding sinag o kinang. Samantala, ang liwanag ay bagay na pumapawi ng dilim. O di naman kaya tumutulong sa mata upang makakita.

Tulad nga ng sinabi sa akda ni Jacinto, ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag, yun yung kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. At ito ang mensahe ng sanaysay. Mula rito, grade 10, hayaan yung dagdagan pa natin ang natutunan natin sa sanaysay.

Alam niyo ba na may dalawang uri ng sanaysay? Ito ay ang formal at di-formal. Ang formal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at karaniwang isinusulat pa na may taglay na maging pag-aaral o pananaliksik ng may akda. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at formal din ang format ng pagkakasulat.

Magandang halimbawa nito ay ang sanaysay na kababasa lamang natin. At ang pahayagang editorial. Ang ikalawa ay ang di-formal na sanaysay.

Ito naman ay maaaring tungkol sa karaniwang mga paksa, yung mga personal na pananaw, o mga sulat na naglalayong makapagbigay-aliw sa mambabasa. Tema at format ng pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay ay kadalasang may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong formal ang mga salitang gamit sa pagsulat. Ang mga sinusulat natin sa ating diary, nagda-diary ba kayo? at journal ay maaaring maituring na di-formal na sanaysay.

Puntahan na natin ang mga pambala sa pagsulat ng sanaysay. O kung hindi man ay pagpapahayag ng ating mga diskurso o argumento. Heto na nga yung sakit sa social media. Maraming long posts o rants o mga comments na nauuwi sa bullying at cyber war. Dahil nga, mas madalas, wala namang talagang linaw o tibay yung mga naisusulat at nababasa sa sockmen.

And this is it, pansit! Tutulungan kitang mas maging power ang iyong mga POVs o point of views o pananaw. Nahahati sa dalawa ang ekspresyon ng pagpapahayag. Ang una ay ang ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Dito, nakapaloob ang ekspresyong iniisip, sinasabi o yaong pinaniniwalaan ng tao at tumitiyak ito sa taong pinagmulan o kung sino ang pinagmulan ng pananaw.

Kabilang dito ang Ngayon sa tauhang si Simon sa El Filibusterismo, habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan. Batay sa Constitution ng 1987, Article 14, Section 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Sangayon sa Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ng Commission on Higher Education na pinagtibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum, OJEC, sa taong 2016. Malinsunod sa tadhana ng batas at sangayon sa nararapat na maaaring ipasyan ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ng pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ginagamit ang mga ekspresyong ito kung mayroong matibay na batayan ng pahayag. Sa makatwid, katotohanan ang isinasaad nito na maaring magsaad ng idea o pangyayaring na patunayan at tanggap ng lahat ng tao. Ang kasunod ay Sa paniniwala ko, ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Sa aking pananaw, Edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.

Sa tingin ng maraming guro na ang pag- Ang tuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila, kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak. Ginagamit ang mga ekspresyong ito batay sa sariling paniniwala, ideya, saluubin at perspektibo. Sa makatwid. Opinyon ang isinasaad nito na hindi maaaring mapatunayan. Kasama pa rin dyan ang inaakala, pinaniniwalaan, iniisip, saganang akin, sa tingin, akala, sa palagay ko.

Okay, ganun ulit. Subukan mong mag-isip ng isang paksa na gagawan mo ng pangungusap na ginagamita mo ng kahit na anuman sa mga ekspresyong katatapos lamang. Meron namang mga ekspresyong nagpapahiwating ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at o kaya naman ng pananaw. Sa isang banda, Mabuti na nga ang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal ng Sagayoy, Masuri nila kung sino ang karapat dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lunsod.

Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabas ang isyong pampolitika, hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politiko. yung pinagkakatiwalaang mamuno dito. Ginagamit natin ang mga ekspresyong ito kung magbabago ang tema at paksa ng pinag-uusapan sa isang pahayag.

O sige, grade 10, subukan mo. Dito naman tayo. Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya Kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.

Matalinong pagpapasya ang kailangan. Kung sino ang karapat dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto. Maraming mga tao ang lugmok sa kahirapan habang ang iba ay nagpapakasasa sa kaban ng bayan. Mapapansin na ginagamit ang samantala sa mga kalagayang mayroong taning o pansamantala. Ginagamit naman ang habang kung ang isang kalagayan ay walang tiyak na hangganan o mahaba.

Basta tatandaan sa paggamit at pagpapahayag ng mga ekspresyon, mangyaring siguraduhin lamang ang wastong paggamit nito at At pakinggan din kung naayon ba ito sa paglalahad o pagbibitiw ng pangungusap. Ayan na, magsasanay na tayo. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw o ekspresyong nagpapahiwating ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw sa bawat talatang aking ipakikita.

Simulan natin. Para sa unang talata. Nakita mo ba ang mga ito? Sa kasalukuyan, higit pa rito. Ayon sa, sa tingin niya.

Galing ah! Sige, isa pa nga. Patingin nga ng iyong sagot, pareho kaya tayo?

Sapagkat, gaya ng sa isang banda. Madali lamang, di ba? Pero, medyo nakulangan ako.

Parang bet na bet kung tayo naman ang maglalagay ng tamang ekspresyon para makompleto ang diwa ng mga pangungusap na ipakikita ko. Grade 10, pupunan ng angkop na ekspresyon ng bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Kayang-kaya nyo yan! Ang mga ekspresyong pagpipilian na nasa loob ng ating mahiwagang kahon.

Alinsunod sa? Ayon sa? Inaakala ng sang-ayon sa, sa paniniwala ko, sa tingin ko.

Item bilang isa. Patlang, tauhang si Psyche sa mitolohiya, kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban mo ito. Item bilang isa.

Bilang dalawa, patlang or dinansa. Upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala ang bayan ng aso mo, itali mo. Item bilang tatlo, patlang.

Kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito hadlang upang makamit niya ang tagumpay sa buhay. Item bilang apat. Maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

Item bilang lima. Patlang. Kailangan ng pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng individual sa isang lipunang ginagalawan o kinabibilangan.

Tapos ka na ba? Reviewin mo kaya muna ang lahat ng iyong sagot. May oras pa naman tayo. Sigurado ka ha? Sige, narito ang mga sagot.

Pareho kaya tayo? Napakahusay! Natapos mo rin ang aralin. At sanay, naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa sanaysay ng Greece at sa mga pahayag sa pagbibigay ng pananaw.

Naway magamit mo ang mga ito sa pagsusulat mo ng sanaysay at maging sa pagpapahayag ng iyong mga opinion, pananaw at paniniwala. Lalo pa sa pagpopost mo sa social media. Lagi mong tatandaan, real time sa SOCMED. Laging may ebidensya na sa iyong mga naisulat o nasabi, kaya gaya ng madalas sabihin, bilang paalala, laging think before you think.

At iyan nga grade 10 ang ilan sa mahalagang dapat mong tandaan hinggil sa ating tampok na aralin. Ano mang aralin, pagtutulungan nating alamin at unawain. Magpinig, magmasid at makiisa sa ating mga aralin dito sa DepEdTV dahil ang pagkatuto, hindi lamang sa isip, dapat tagos hanggang puso. Tandaan, sa panitikang Filipino, abot kamay mo ang mundo.

Kahit hindi ka pinigil sa tama, kaya pa'ng itumit ang patagal balik Tinwala, umasabay, iwanag, dahil habang umuhay, di siya titigil Siya lamang at wala na ibabahal Kalitong ipinigay, pamitin sa tama Kaya pa ang ituwin, ang pagkakamali Matutupad din Pagpasok ba'y liwadan na'y habang buhay di siya tinigil Pagpahalin ka di siya tinigil