A lot of the work on the general education curriculum was parallel to the work on K-12. After the 12th year, they would be presumably better equipped for the jobs out there. So they would not have to go to college anymore. Ang sinasabi nila, Ikulang daw yung dating sampung taon ng ating basic education. Hindi daw umabot ito sa tinatawag nating international standards.
Para daw may iangkup yung ating basic education sa iba pang mga sistemang pang-edukasyon sa buong daigdig, ay kinakailangan daw na umabot ito sa labing dalawang taon. Isang sagabal daw sa labor mobility ng mga manggagawang Pilipino, ang kakulangan natin ng dalawang taon. Kung kaya... Ang pangunahing layunin talaga nito ay pagpapadulas, pagpapabilis ng paghahanap ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino sa ibang mga bansa. Na sa tunayin ay hindi naman talaga malaking problema dahil tayo na ang ikalawang bansa na nagpapadala ng napakaraming overseas contract workers.
Hindi lamang ito sa konteksto ng pandaigdigan, kundi sa konteksto rin ng ASEAN. Sa usapin ng ASEAN integration ay labindalawang taon din daw ang kinakailangan para sa ating basic education. Ito yung sinasabi nilang parang harmonization ng ating sistema sa iba pang mga bansa. Dating natin pinupuna ang malaking mga kakulangan sa ating kasulukuyang basic education. Yung ating pangamba kapag dinagdagan ng dalawa pang taon ay lalo pang mababanat yung dati ng kulang na mga rekurso.
Malala ang kondisyon ng Pilipinas. Sa Southeast Asia, tayo ang masasabing may isa sa pinakamalaking dropout rate. Ang maaaring maging implikasyon ng K-12 ay mas marami pang bilang ng mga estudyante Pilipino ang hindi man lang makapagtatapos ng high school. Nangangaba tayo doon sa usapin ng streaming ng mga estudyante na meron ng stream na pang voc-tech na lamang.
Ibig sabihin, pagkatapos ng vocational technical course, Nang labing dalawang taon na yan ay diretsyo na daw sila sa trabaho. Pinililit nito yung posibilidad at yung aksesibilidad ng tertiary education. Ang sinasabi sa kanila ay huwag na lang kayong maghangad ng masyadong mataas at kayo ay makuntento sa mga trabahong mumurahin na i-export natin sa ibang mga bansa. Meron tayong mga tindig kaugnay ng K-12.
At pangunahin siyempre ang ating tindig naman ay hindi naman usipin lang ito ng bilang ng taon. Ang usapin talaga dyan ay sapat na suporta ng Estado para sa batayang o basic education. Para may sapat na aklat, may sapat na silid-aralan, may sapat na mga upuan, yung mga guro ay mabigyan ng sapat na pagkakataon na mapaunlad ang kanilang kakayahan. Sa kabila naman ng kahirapan ng nakaraming Pilipino, ay yung sapat na suporta rin na maibibigay sa kanila para matiyak na makapagtapos ang isang daang porsyento ng ating mga kabataan ng basic education.
Dahil yan talaga ang hinihingi. ng pag-unlad ng isang bansa. Isang daang porsyento dapat ng lahat ng mga kabataan ay makapagtapos ng basic education. What happened to Filipino? Binura ba ito from the general education curriculum, from the college curriculum?
So essentially, we said no, that most of the Filipino is now in grades 11 and 12 in basic education. And the whole 36 units in general education can be taught in English or Filipino. So it is up to you.
up to the higher education institutions. Well, yung CHED Memo, nagtatakda ng bagong general education curriculum para sa mga universidad at kolehyo sa buong Pilipinas. Mula sa mga 60 units or more na general education curriculum ngayon, binawasan ito magiging 36 units na lamang.
Dahil umano sa pagpapatupad ng K-12, particular yung senior high school. Marami sa mga subject na tinuturo dati sa general education curriculum ng mga colleges, ibababa na sa senior high school ayon sa CHED. Matindi ang epekto nitong CHED memo na ito.
Unang-una ay wala itong Filipino subject na required. Hindi na magiging malay na bahay. Nag-bagi ng buhay ng ating mga mag-aaral sa universidad at kolehyo ang wikang Filipino. Marami na nababalitaan na magsasarang mga departamento ng Filipino sa mga pribadong paaralan.
Yung mga contractual naman na mga teaching staff sa pribado at pampublikong paaralan, hindi na lang i-renew ang mga ito. Mawawalan sila ng kagyat ng trabaho dahil wala na raw silang ituturo. Wala na magpapatuloy ng higher level na pananiliksik sa Filipino. Ibig sabihin, kahit bilang isang akademikong disiplina, manganib ang wikang Filipino. Pinapatay nito ang intelektualisasyon, ang tuloy-tuloy na pagsulong at paglaganap ng Filipino bilang isang akademikong gawain sa ating mga pamantasan.
Hindi ito nagbibigay galang o respeto sa naabot na ng wikang Filipino bilang isang larangan ng siyentipiko at akademikong pag-aaral. Ang Filipino bilang isang wika ay isang simbolo ng ating pagkabansa. Pero hindi lang dapat ito manatili bilang isang simbolo. Ito dapat ay maging isang wika na ginagamit natin sa lahat ng mga larangan ng ating kaalaman. Ang pagpaplanang pang wika ay bahagi ng tiyatawagin ng applied linguistics o social linguistics kung saan may tatlong area itong tinitignan o binibiyang pansin.
Corpus planning, status planning at saka language acquisition. O paano ba? Binibigang pansin o pinapahalagahan ng wika sa usapin ng bilang wikang pambansa at kung gayon magiging opisyal na wika, siya kagaya ng sinasaad sa ating konstitusyon at magiging wika ng pagkatuto. So, sa usapin ng karanasan at pagpapakahulugan, nakatuon ito sa policy at paglutas ng mga problema sa wika.
Ang dilema at lugaming kalagayan ng wika, lalo na ng ating pambansang wika, Ay nasa balangkas talaga ng internationalization at saka yung tinatawag nating marketization of education. Mangangailangan ito ng isang malakas na pwersa ng kontraagos sa kolonyal na sistema ng edukasyon para talaga bawiin yung mga tagumpay na nasimula na sa Constitution 1987. Yung curriculum, yung K-12, yung CHED memo, hindi mahihiwalay sa... Patakaran sa national development na pinatutupad ng Aquino administration sa balangkas na neoliberal globalization.
Sa mga patakaran ng privatization, deregulation, liberalization, pag-atras ng gobyerno, sa malaking papel sa ekonomiya, sa social services, at iba pa. Pag-promote ng... Labor export policy, paghikayat ng foreign investment, pero hindi sa industrialisasyon, hindi sa pagpapaunlad ng agrikultura, kung hindi sa mga servisyong inahanap ng mga foreign corporations, katulad ng business process outsourcing.
call center at iba pa. So yung curriculum ay binabagay sa ganyang direksyon ng ekonomiya. At ang problema nga, mas nakatuon tuloy sa pangangailangan ng mga dayuhang bansa, mga mas mayayamang bansa, hindi yung sa pangangailangan ng nakararaming mga Pilipino.
Kaya naman, Ingles ang... ang wika na talagang sinusulong sa ilalim ng kurikulum na ito at pinapahina naman yung Filipino. Pagka pinatupad na yung senior high school, ay may taon na mawawala ng enrollment ang mga universities and colleges.
So, may pangamba na libo-libo ang matatanggal sa trabaho. At dahil pa sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED, ay tinanggal na ang subject ng Filipino. May particular na pangamba na talagang malulusaw ang mga departamento ng Pilipino.
Maraming Pilipino teachers ang matatanggal. Obligasyon ng Aquino administration sa Constitution na ipalaganap at itaguyod at paunla rin ang Pilipino bilang pambansang wika at wikang panturo. Ngunit yung CHED memo ay tahasang lumalabag dito.
Kailangang ilaban natin ang patuloy na paggamit ng Pilipino sa higher education, pagtuturo nito bilang iwalay. na subject at paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa iba pang mga kurso sa higher education. Kailangan matiyak natin na itong pag-i-echeap puwera sa Pilipino sa ating GE program sa tertiary level ay hindi ma-exact katuparan. Yan yung pagwasak ng presensyo ng wikang Pilipino sa akademya ano bilang isang lehitimong wika ng pananaliksik at gawain intelektual.
So ang usaping wika ay usapin ng pagsusuri din sa sistema na edukasyon o sa bakabuan sa ideolohiang kumakalat o lumalaganap sa ating lipunan. Tiyaking walang maisasarang departamento o walang matatanggal na guro, lalo na sa larangan ng araling Pilipino at nagtuturo ng wikang Pilipino. Tinututulan natin ang CHED Memo sa konteksto ng pagtutul natin sa K-12. at sa iba pang mga patakarang pang-edukasyon ng Aquino Administration na hindi tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng nakararaming Pilipino.