Transcript for:
Sinaunang Kabihasnan at Katangian

Ang mga kabiyas ng sumibol sa Lambak-ilog, Tigris-Euprates, Indus, Wangho at Ilognail. Noong sinaunang panahon, ang mga naninirahan sa mga Lambak at Ilog ay nalinang ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kanilang kapaligiran. Mga paraan na nagbigay daan sa pagbuo ng konsept.

Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod na karaniwang nauugnay sa salitang sibilisasyon. Mula sa nakasanayan sa isang bagay ay nagpapahayag na ang isang tao ay bihasana o magaling na sa larangang iyon. Sa kabilang banda, Ang sibilisasyon ay tumutukoy sa mga pamayanan na umusbong sa mga lambak at ilog, gaya ng Sumer, Indus at Siang. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang lahat ng naninirahan sa mga lungsod ay sibilisado na, o ang mga nasa labas na mga lungsod ay hindi sibilisado.

Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay nagmumula sa kakayahan ng isang lipunan na harapin At malampasan ang mga hamon ng kapaligiran. Ipinapakita nito ang apelidad ng tao na baguhin ang kanyang pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang talino at lakas. Ang prosesong ito ay nagpapalago sa pagkatao ng isang individual.

Mayroon mga pangunahing elemento o batayang salit na naglalayong magkaroon ang isang kabiasnan. Ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na reliyon, espesyalisasyon sa mga gawain pang ekonomiya, uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura, pati na rin ang sistema ng pagsulat. Ayon sa mga eksperto, ang mga unang kabias ng sumibol sa daigdig ay ang kabihas ng Mesopotamia sa Kanlurang Asya, ang kabihas ng Indus sa Timog Asya, ang kabihas ng Wangho sa Silangang Asya, ang kabihas ng Egypt sa Afrika, ating tilalanin ang bawat isa. Ang kabihas ng Mesopotamia ay sumibol sa lupaing dinadaluyan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates.

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Griego na Meso at Potamos. Kung kaya't ang salitang Mesopotamia ay may literal na kahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Sa mga sinaunang kabiasnang na itatag sa daigdig, ang pangkat na mga taong nanirahan at nagtatag ng maunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabiasnan. Ang kabihas ng Mesopotamia ay binubuo ng mga lungsod estado ng Sumer at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babilonya, Assyria at Chaldea.

Ang lungsod estado ng Sumer ay pinaniniwalaang naitatag noong 3500 BCE nang magsimulang mamalagi ang mga nomadikong Sumerian sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog ng Tigris at Euphrates. Ang mga pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nipur at Kish. Ang zigurat ay matatagpuan sa bawat lungsod estado at nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Ang bawat lungsod ay pinamunuan ng mga paring hari na tinatawag na patesi, na tumayo bilang spiritual at political na leader na kumakatawan bilang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos.

Ang mga Sumerians ay naniniwala sa maraming Diyos at Diyosa. Ilan sa mga pangunahing Diyos na kinikilala ay si Anne, ang Diyos ng Kalangitan, si Enlil, ang Diyos ng Hangin, Si Enki, ang Diyos ng Katubigan, at si Nin Horsag, ang Diyos ng Sangkalupaan. Mayroong sistema ng pagsulat na tinatawag na cuniform kung saan. Naitala ng mga iscribe ang mga mahalagang pangyayari, tradisyon at epiko gaya ng Epic of Gilgamesh na nagsilbing katibayan ng kanilang kabihasnan. Naitatag ni Sargon I ang kauna-unahang imperyo sa daigdig noong 2340 BCE nang kanyang masakop ang hiwahiwalay na mga lungsod-estado.

Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod estado ng Akkad o Agade. Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia bago ito bumagsak ay si Naram-Sin. Naitatag ang imperyo ng Babylonia noong 1792 sa pamumuno ni Haring Hammurabi at ang lungsod estado ng Babylon ang naging Kabisera.

Ngunit sa pagkamatay ni Haring Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kanyang kaharian. At noong 1595 BCE ay sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia. 1120 BCE nang maitatag ang Imperyo ng Assyria sa pamumuno ni Tiglat Pileser I nang masupil nila ang mga Hittite. Si Ashurbanipal ay isa sa mga kinikilalang dakilang hari ng Imperyo ng Assyria.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nasakop nila ang bansa ng Elam at Urartu. Ang imperyo ng Assyria ay bumagsak sa isang pag-aalsa sa pamumuno ng mga Chaldean. Sa isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyria noong 612 BCE ay naitatag ang bagong imperyo ng Babylonia sa pamumuno ni Nabopolassar.

Sa ilalim ng pamumuno ng kanyang anak. na si Nebuchadnezzar ay narating ng Chaldea ang pinakarurok ng kanilang kadakilaan. Si Nebuchadnezzar ang nagpatayo ng Hanging Garden of Babylon para sa kanyang asawa na si Reina Amitis. Siya rin ang nagpatayo ng Etemenanki o mas kilala sa tawag na Tower of Babylon. 539 BCE nang bumagsak ang Chaldea.

nang ito ay losubi ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia. Nagsimula ang kabihas ng Indus sa rehyo ng Timog Asya at nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansa ng India at Pakistan. Sa ilog na ito umunlad ang kambal lungsod ng kabihas ng Indus, ang Harappa at Mohenjo-Daro. Pinaniniwalaan na ang mga Dravidians ang bumuo sa kabiyas ng Indus.

Nagkaroon sila ng sentralisadong pamahalaan na siyang namahala sa mga pampublikong proyekto. Planado ang mga lungsod na ito at organisado. Makikita ang mga disenyong kwadrado na may pare-parehong sukat ng bloke ng kabahayan. Mayroong isa o higit pang banyo o palikuran na nakakonekta sa isang sentralisadong sistema ng kanal o drainage system sa ilalim ng lupa.

Kapos man sa mapagkukuna ng supply ng bakal, ay napunan naman ito ng pakikipagkalakal sa mga karatig pook ng kanilang mga produkto tulad ng bulak, mga butil at tela. Ang kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag na pictogram. o ang paggamit ng larawan imbis ng mga letra. Ito ang dahilan kung bakit limitado pa rin ang ating nalalaman sa kanilang kasaysayan sapagkat hindi pa lubos na nauunawaan ng mga eksperto ang kanilang paraan ng pagsulat. Narating na mga Dravidians ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 BCE.

Subalit makalipas ang isang milenyo ng pamamayani. ang kanilang kultura ay nagsimulang humina at bumagsak. Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bundok at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng sinaunang Chino at ang pag-unlad ng isang kabihasnan na pinamunuan ng mga dinastiya at tumagal ng halos 3,000 taon. Ang dinastiyang Xia ay sinasabing nagugat mula sa Longshan, isang kulturang neolitiko na laganap sa lambak ng Wangho. Ngunit sa ilang eksperto, ang dinastiyang Xia ay isa lamang alamat.

Dahil sa kakulangan ng matibay na ebedensyang arkeolohiya, ang Dinastiyang Shang ang sinasabing pinakamaunlad na kabihasnan na gumamit ng bronze sa kanyang panahon. Ang mga naiwang kasulatan ng Dinastiyang Shang ang pinakamatanda sa mga panulat ng Chino at ito ay nasa anyo ng mga Oracle Bones, Tortoise Shell at Cattle Bones. Sa dinastiyang Zhao nagsimula ang paniniwala ng mga Chino tungkol sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ibinibigay ng langit sa kanilang emperador upang mamuno. Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan at kapag siya ay naging masama at mapangabuso ay babawiin ang kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.

Sa dinastiyang Zhao din umusbong ang mga mahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Chino kabilang ang Confucianismo, Daoismo at Legalismo. Sa ilalim ng pamumuno ni Yin Sheng ay nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang Estado at napasa ilalim sa kanyang kapangyarihan. Inihayag niya ang kanyang sarili bilang unang emperador ng China. at kinilala bilang si Shi Wangti.

Sa panahon ng dinastiyang Xin na itayo ang Great Wall of China upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmumula sa hilaga ng China. Ito ay may habang 2,400 kilometers o 1,500 milya. Humina ang dinastiya sa pagkamatay ni Shi Wangti at bumagsak sa dinastiyang Han. Itinatag ni Liu Bang ang dinastiyang Han at kinilala bilang isa sa pinakadakilang dinastiya sa China.

Natamo ng Han ang tagumpay sa pamumuno ni Emperor Wu sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo. Inalis ang marahas na patakaran ng mga Qin at muling ibinalik ang Confucianismo bilang opisyal na filosofiya ng bansa. Sa panahon din ng dinastiyang Han ay naging tanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan dala ang mga produkto ng China gaya ng seda at porcelana.

Sa panahon din ito ay naimbento ang water-powered mill, naimbento ang papel at sa panahon din ito nabuhay si Simakian, ang dakilang historiador ng China. Nang bumagsak ang dinastiyang Han ay nasadlak sa kaguluhan ang bansang China. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga estado upang maging pinuno ng bansa.

Ngunit walang malinaw na nagwagi sa loob ng mahabang panahon. Naibalik ang konsolidasyon ng bansang China sa ilalim ng pamumuno ng dinastiyang Sui. At si Yang Jian ang unang naging emperador nito. Sa panahon ito ay nakarating ang impluensya ng relihiyong buddhismo sa China. Maigsi lamang ang naging pamumuno ng dinastiyang Sui at nagkaroon lamang ito ng tatlong emperador.

Napabagsak ang dinastiyang Sui sa pamumuno ni Li Yuan at naitatag ang dinastiyang Tang. At tinawag siya sa titulong Emperor Tai Kong. Ang dinastiyang Tang ay tinuturing din gininto ang panahon ng China. Dito ay nakaranas ng mahabang panahon ng katahimikan na tinawag na Pax Sinica. Nagkaroon ng pagunlad sa larangan ng teknolohiya at sining.

Sa panahon din ito ay naimbento ang woodblock printing. na nagpabilis sa pagawa ng mga kopya ng sulatin. Sa pagbagsak ng dinastiyang Tang, ay muling nasadlak sa kaguluhan ang China at nagkaroon ng mga digmaan sa pagitan ng mga estado. Muling nabuo ang China sa pamumuno ni General Zhao Kuangyin na tinawag na Emperador Taizu ng dinastiyang Sung. Ito ay itinuring na ikatlo sa pinakadakilang dinastiya sa kasaysayan ng China.

Kahit patuloy ang pagsalakay ng mga pangkat etniko mula sa Hilaga, ay nagpatuloy ang pagunlad ng teknolohiya at naimbento ang magnetic compass, paglilimbag o pag-imprinta, at ang paggamit ng gunpowder. Nasakop at napabagsak ni Kublai Khan ng Mongolia ang dinastiyang Sung at naitatag ang unang banyagang dinastiya sa China, ang dinastiyang Yuan. Sa pamumuno ng dinastiyang Yuan ay nagkaroon ng maraming manlalakbay na pumasok sa China at isa dito ay si Marco Polo, isang mga ngalakal mula sa Venice, Italy. Sa pagpanaw ni Kublai Khan ay nasundan siya ng mga may hinang pinuno at noong 1368 ay bumagsak ang dinastiyang Yuan sa isang rebeliyon sa pamumuno ni Zhu Yuanjiang.

Si Zhu Yuanjiang ay nagmula sa isang mahirap na pamilya at maagang naulila. Siya ay naging monghe at namuno sa rebeliyon laban sa mga Mongol at itinanghal na unang emperador ng dinastiyang Ming. Ang dinastiyang Qing o Qing ay itinatag na mga Manchu. Sila ay nagmula sa Hilagang Manchuria na itinuturing na mga Chino na mga Barbaro. Ang pagkatalo ng China sa mga digmaang Opio laban sa England at France ay naging malaking dagok sa imperyo.

Nagkaroon ng maraming rebeliyon kagaya ng rebeliyong Taiping, rebeliyong Nian at rebeliyong Baxer. Sa panohong din ito ay napasok ng mga dayuhan ng China at nagkaroon ng mga sphere of influence. Natalo ang China si digmaang Chino-French at digmaang Sino-Japanese.

At noong 1911 ay nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China na maganap ang Rebellion ng 1911 na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Republika ng China. Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing Pharaoh. Ang Pharaoh ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing ding isang Diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa.

Ang Pharaoh ang tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan. Kontrolado niya ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian at kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, at pagpapanatili ng hukbo at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt. Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa ilog ng Nile.

Tulad sa Mesopotamia, sumasa ilalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang kanilang mga iscribe ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang sagradong ukit. Ang mga sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari.

Pagsapit ng ikaapat na milenyo bago ang karaniwang panahon, ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt at nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na Nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng Nome o Nomar ay unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng mga pangrehiyong pagkakakilanlan. Panahon ng mga unang dinastiya, dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Ilog Nile, ang kaharian ng Upper Egypt sa Timog at kaharian ng Lower Egypt sa Hilaga.

Maaaring kayo ay nalito sapagkat ang kaharian ng Upper Egypt ay nasa Timog at ang Lower Egypt ay nasa Hilaga. Ito ay dahil sa ang kanilang naging batayan ay ang elevasyon ng lupa mula sa sea level. Kaya't mas mataas ang elevasyon ng Upper Egypt dahil sila ay mas malayo sa dagat kahit sila ay nasa timog ng Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt sa katauhan ni Menes ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay daan upang mapag-isa ang mga lupain sa mahabang panahon.

Si Menes ay isa sa pinakaunang pharaoh sa panahon ng unang dinastiya sa Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, ay nagtalaga din siya ng mga gobernador sa iba't ibang lupain. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng pagkahari ni Menes. Ang matandang kaharian ay nagsimula sa ikatlong dinastiya ng Egypt, ang mga kahangahangang piramid ng Egypt na itinayo sa panahon ito ang nagsilbing monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at kanilang huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisya naman.

mula sa libu-libong tao na nagtayo nito. Isa sa pinakatanyag na piramide na naitayo sa Egypt ay ang Great Pyramid of Khufu sa Giza, Egypt na naitayo noong 2600 BCE at may lawak na 5.3 na ektarya at may taas na 147 metro. Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh Nang ika-anim na dinastiya, pinaniniwalaan na tumagal ng siyamnaput-apat na taon ang kanyang pamumuno at nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan.

Anim na taong gulang lamang si Pepe II nang maupo sa trono at pumanaw sa edad na isang daan. Kasabay ng kanyang pagpanaw ay ang pagbagsak ng Old Kingdom na nagsimulang humina Dahil sa laganap na tagutom at mahinang pamamahala, tinatawag na unang intermediang panahon ang pamumuno ng ikapito hanggang ikalabing isang dinastiya sa Egypt. Nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya mula sa Herakleopolis na nagmula sa linya ni Pharaoh Aktoi at mula sa Thebes na nagmula sa linya ng Inyotef.

Natapos ang kaguluhang politikal ng manungkulan, si Men-Tuhotep I at siyang naging hudyat ng pagsimula ng panahon ng gitnang kaharian. Nailipat sa Itchtaway ang kabisera sa Lower Egypt. Maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria at Eastern Desert upang tumuklas ng mahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin.

Nabuksan din ang kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete mula sa kabiyas ng Minoan. Dumanas ng kaguluhan ang Egypt nang dumating ang mga Hiksos mula sa Asia. Sinamantala nila ang kaguluhan sa Nile upang makontrol ang ilang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa Katimugan. Nagsimula ang paghahari ng mga Hiksos noong 1670 at tumagal ng isang siglo. Nagpatuloy ang pamamahala ng ikalabing tatlo at ikalabing apat na dinastiya sa Ijtawi at sa Tibs.

Subalit ng lumaon ay nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa mga lupain. Ayon sa mga tala, ang ikalabing tatlong dinastiya ay nagkaroon ng limamputpitong hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.

Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang ikalabing-anim na dinastiya na tinatawag ding Great Hyksos Dynasty na namayani sa Avaris at nagawang palawigin ang kanilang pamumuno hanggang sa katimugang bahagi na umabot sa Thebes. Ang pamamayani ng dinastiyang Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng ikalabing-pitong dinastiya. Nagawa nitong mapatalsik ang mga pinuno ng Hyksos mula sa Egypt.

Ang bagong kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabiyas ng Egyptian. Naitaboy ni Amos ang mga hiksos mula sa Egypt noong 1570 at sinimulan ang dinastiya na mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa Katimugan. Si Reina Hatshepsut, ang asawa ni Pharaoh Thutmose II, ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaeng pinuno sa kasaysayan.

Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. At sa kanyang pagamatay ay lalo pang pinalawit ni Thutmose III, anak ni Thutmose II, ang imperyo ng Egypt. Isa pa sa mga tanyag na pharaoh mula sa bagong kaharian ay si Amenophis IV o Akhenaton.

Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming Diyos. Pinasimulan niya ang bagong reliyon na nakatoon sa pagsamba sa iisang Diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Ang ikalabing Sham na dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I. Siya ay sinundan ni Seti I at Rameses II. Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno na mga panahon ito.

Sa loob ng dalawampung taon ay kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Nagtapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hathosilis III, ang hari ng mga Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaan din na ang eksodus ng mga Hudyo mula sa Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Ang ikadalawamput isang dinastiya na tinawag din bilang Tanay ay pinasimula ni Smentes ng Lower Egypt.

Ang dinastiyang ito ay napalitan naman ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman ng ikadalawamput dalawang dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenk I na isang general sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Marami ang nagtutunggali ang pangkat upang mapasakamay ang kapangyarihan.

at ito ay humantong sa pagkabuo ng ikadalawamputatlong dinastiya. Isang nagnangalang piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga nagahari sa Delta. Umabot ang kanyang kapangyarihan hanggang sa Memphis.

Sumuko kalaunan ang kanyang katunggali na si Tefnakte, ngunit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt at siyang nagpasimula naman ng ikadalawamputapat na dinastiya na hindi rin naman nagtagal. Nagsimula ang ikadalawamput-anim na dinastiya sa ilalim ni Semeticus. Nagawa niyang pagbuklo rin ang Middle at Lower Egypt at kalaunan ay nakontrol ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ng pamumuno ni Aprys, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ng mga taga Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kanyang hukbo.

ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghaliling ni Amasis II. Hindi naglaon ay napasakamay ng mga Persyans ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persyan na si Cambyses II ang naging unang hari ng ika-dalawamputpitong dinastiya. Napalayas ng mga Egypsyan ang Persyan sa pagtatapos ng ika-dalawamputwalong dinastiya. Ngunit sa pananaw ng Persya, Ang Egypt ay isa lamang nagre-rebelding lalawigan.

Namuno ang mga Egyptian hanggang ikatatlumpung dinastiya bagamat mahihina ang mga naging pinuno. At panandali ang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persians at itinatag ang ikatatlumput isang dinastiya. Noong 332 BCE ay sinakop ni Alexander the Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang imperyong Hellenistic.

Malawak ang saklaw ng kanyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia, hanggang Indus Valley sa India. Sa kanyang pagamatay noong 323 BCE ay naging satrap o gobernador ng Egypt ang kanyang kaibigan at general na si Ptolemy. Noong 305 BCE ay itinalaga ni Ptolemy ang kanyang sarili. Bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang panahong Ptolemyk, ang dinastiyang Ptolemyk ay naghari sa loob ng halos tatlong siglo.

Si Cleopatra VII, ang kahuli-huliang reyna ng dinastiya, ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE. Ang mga kabias ng sumibol sa lambak ilog, Tigris Euprates, Indus, Wangho at Ilugnayl