Transcript for:
Kasaysayan ng Katipunan

Magandang araw! Ako si Ginoong Mark. Narito ako para gabayan ka sa ating aralin. Sa Heroes Park o kilala din sa tawag na Bonifacio Shrine, makikita natin ang monumento ng Supremo ng Katipunan na na si Andres Bonifacio, na hawak ang kanyang taba. Bilang pinuno, nanguna siya sa napakaraming labanan.

May pagkakataong sila ay nagwagi at minsan naman ay natalo. Ngunit anong... Ano nga ba ang mas malalim na kasaysayan ng katipunan?

Sa araw na ito, malalaman ninyo ang iba't ibang pag-aalisa o labanan na ginawa ng mga katipunero makamit lamang ang inaasam na kalayaan. Alam kong nasasabik ka na sa bago nating aralin, kaya ano pang hinihintay nyo? Kunin mo na ang iyong lapis o ballpen, sagutang papel o kwaderno at self-learning module. Tara na, ating pasukin ang maaksyong mundo ng...

ng araling panlipunan. Tayo muna ay magbabalik aral. Bibigan kita ng tatlong segundo para isipin ang tamang sagot.

Unang bilang, ano ang tawag natin sa mga rumurondang alagad ng batas noong panahon ng mga Espanyol para hulihin ang mga pinaghihinalaang kriminal? Sila ba ay Gobernador Cilio o Guardia Civil? Kung ang napili mong sagot ay Guardia Civil, tama ka.

Ang mga Guardia Civil ang nagsisilbing pulis sa panahong iyon. Kalawang bilang, sino ang katipon na nagsiwalat ng lihim ng katipunan? Siya ba ay si Apolonio de la Cruz o Teodoro Patiño?

Kung ang sagot mo ay si Teodoro Patiño, tama ka. Dahil sa kanilang pagtatalo ni Apolonio de la Cruz, naikwento niya sa kanyang kapatid na si Honoria ang lihim ng katipunan. Ikatlong bilang, sino ang kura-paroko noon ng tundo na pinagsabihan ni Teodoro Patiño tungkol sa liham ng katipunan?

Siya ba ay si Padre Mariano Gil o Padre Mariano Gomez? Kung ang napili mo ay si Padre Mariano Gil, tama ka. Kasama ng mga gwardyo-sibil, pinuntahan nila ang Diaryo de Manila upang humanap ng ebidensya at hulihin ang mga katipunero.

Ikaapat na bilang, ano ang tawag sa seremonya kung saan ginagamit ng mga katipunero ang kanilang dugo para isulat ang kanilang lagda bilang miyembro ng kilusan? Ito ba ay sanduguan o pagpirma? Kung ang sagot mo ay sanduguan, tama ka. Ito ang sinaunang paraan ng pagpapakita ng kapatiran o pagkakaisa sa iisang layunin na ginagawa din ng ating mga ninuno.

Ikalimang bilang, ano ang naging resulta sa pagkakabunyag ng lihim ng katipunan? Natakot ang mga katipunero o nagtago muna upang hindi mahuli? Kung ang napili mong sagot ay nagtago muna upang hindi mahuli, tama ka. Isa sa mga nagtakalayo-layo ay si Andres Bonifacio. Ngunit hindi ibig sabihin ito ay tumigil sila sa paglaban.

Alam mo bang sila ay nagpalakas pa ng pwersa at mas maraming tao ang nahikayat na sumali sa katipunan. Bilang isang mahusay na leader, si Andres Bonifacio ay nakatanggap ng nag-uum... ...tumapang na suporta mula sa maraming Pilipino.

Kaya nga, kanyang winika. Kalayaan o kaalipinan. Kabuhayan o kamatayan.

Mga kapatid, ating kalabanin ang mga kanyon at mga baril upang kamtingin ang sarili nating kalayaan. Tara at magbalitaan tayo. Ang bawat malayang bansa ay may matatag na pamahalan at pinuno. Kinakailangang may paninindigan, pagmamalasakit at tapat sa panunungkulan ang isang leader. Kamakailan ay nabalitaan natin sa mga radyo, telebisyon at maging sa social media ang ilan sa ating mga leader na nanguna upang suportahan ang mga mag-aaral upang magkaroon ng devices o gadget na magagamit para sa kanilang pag-aaral.

Alam natin na mahal ang mga kagamitang ito at mabigat. sa bulsa para sa mga magulang. Ngunit, nakakatuwang isipin ang ating mga lider ay naglaan ng pondo at panahon upang matugunan ang suliraning ito upang matuloy ang edukasyon kahit may nararanasang pandemya. Naway, maging inspirasyon ito sa inyong lahat.

Sa oras na kayo naman ang maging pinuno ng ating bansa, tandaan! na lahat ng inyong mga ginagawa ay nararapat para sa ikabubuti ng nakararami, gaano man ito kahirap o kabigat. Gaya ng ating bayani na si Gat Andres Bonifacio, ang kanyang katapangan ay naging inspirasyon sa maraming Pilipino para ituloy ang laban ng buhay. Ituloy ang laban tungo sa kalayaan. Gayahin mo ako.

Kumuha ka ng papel at isulat ang bilang 1 hanggang 5. Nais kong piliin mo ang tamang paraan kung papaano mo iingatan ang gadget na gamit sa pag-aaral. Unang bilang, hayaan itong laging nakasaksak para maging overcharge. Pangalawang bilang, iiwasang mabasa ng tubig. Pangatnong bilang, pukpukin kapag matagal mag-load. Pangapat na bilang, ilagay sa ligtas na lugar.

Panglimang bilang, hahawak ang mabuti. Ang tamang sagot natin ay bilang dalawa, apat at... Sana ay nakuha mo ang mga tamang sagot. Sa ganitong paraan ay mapapangalagaan natin ang mga gadget na kaloob ng ating pamahalaan. Ang pagpapahalaga sa mga kagamitang ipinagkakaloob sa atin ay isang mabuting paraan ng pagpapakita natin ng pasasalamat sa mga mabubuting leader sa ating bayan na humanap ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang edukasyon.

Sa New Normal, alamin ang kaganapan sa bayang pinakamamahal. Ito ang balita ang mag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan. Ang lihim ng katipunan ay nabunyag matapos ang apat na taon dahil sa alitan nina Teodoro Patino at Apolonyo de la Cruz. Marami ang nagtago, ngunit sa pagtatagong ito, sila ay naghanda. Ang damdamin nila ay nag- At higit sa lahat, pinaghandaan nila ang isang madugong himagsikan.

Handa ka na bang malaman ang kagitingan ng mga katipunero? Tara at makinig ka sa aking kwento. Ang katipunan ay isang lihim na samahan.

Hindi nito tinitignan kung ikaw ay isang lalaki o babae. Upang maitago sa mga Espanyol ang lihim na kilusan, may mga miyembro silang kababaihan. na may mahalagang gampanin.

Si Gregoria de Jesus, ang asawa ni Andres Bonifacio at ang lakambini ng katipunan, kasama pa ang ibang kababaihan, ay nagtatago ng mga lihim na dokumento ng kilusan. Tuwing may mga pagpupulong, sila ang nagsisilbing balat kayo upang hindi paghinalaan ang mga lalaking miyembro ng katipunan sa ginagawa nilang mga plano. Sila ay nagkakantahan at nagsasayawan Upang hindi mahalata na mga gwardiya sibil ang totoong nangyayari sa loob ng bahay. Ano ang masasabi ninyo dito mga bata? Matalinong para.

Hindi ba? Hindi kasi pinaghihinalaan ang mga kababaihan noon. Ang nasa isip ng mga Espanyol ay tanging mga lalaki lamang ang nakikipaglaban. Pero teka, huwag nilang mamalitiin ang mga kakayahan ng mga kababaihan.

Kung ano ang kaya ng mga lalaki, tiyak na kaya din ng mga babae. Ngunit, dahil sa pagtatalo ng dalawang katipon, nabunyag. ang Lihim ng Katipunan.

Naalala pa ba ninyo si Todoro Patino? Tama ka! Siya ang nagbunyag ng Lihim ng Katipunan sa pagsasabi nito kay Padre Mariano Hid. Tara't balikan natin ang nangyari sa ating kasaysayan.

Galit na galit ang mga Espanyol nang nalaman nila ang tungkol sa Lihim na Kilusan. Agad na inutos ni Gobernador General Ramon Blanco na hanapin ang mga miyembro ng Katipunan. Imbis na matakot ang mga Katipunero, lalo pang lumakas ang kanilang loob, na labanan ang mga mananako. Dahil nabunyag na ang kanilang sikreto, agad na nagtawag ng pulong si Andres Bonifacio sa Balintawak, Kaluokan.

Kasama niya si Emilio Sinto, ang utak ng Katipunan, si Procopio Bonifacio, ang kapatid ni Andres Bonifacio, at marami pang iba. Sila ay pinatuloy ni Melchor Aquino sa kanyang kamalig. Kanyang pinakain ang mga katipunero at ginamot ang mga sugatan. Siya ay kinilala bilang Tandang Sora, ang ina ng katipunan. Nagkasundo ang mga naroon na kailangan na nilang simulan ang paghimagsik.

Wala ng takot, wala ng pangamba. Ang nasa puso't isip nila ay ituloy ang laban. Ang paglaban gamit ang dahas at armas.

Talagang ang matapang na tao ay hindi tumatakbo sa anumang labanan. Iyan ang dugong Pilipino. Nakakatawa, di ba?

Alam nyo bang may matanda tayong bayani sa ating kasaysayan? At hindi lang siya basta matanda, isa din siyang babae. Si Melchora Aquino ay isang lola, ngunit hindi naging hadlang ang kanyang edad para ipakita ang kanyang kabayanihan. Talagang kapag tulong-tulong, marami tayong magagawa, basta't may pagkakaisa. Tara, at bumalik tayo sa aking kwento.

Nagkita-kita ang mga katipunero sa Pugadlawi noong 23 ng Agosto 1896. Inilabas nila... Ang kanilang mga sedula at sabay-sabay nilang pinunit, sinigaw nila ang, Mabuhay ang kalayan! Mabuhay!

Mabuhay! Mabuhay! Ito ang unang sigaw ng himagsikan. Ito ang nagpaalab sa kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino. Handahan na nilang ibuwis ang kanilang buhay sa labanan.

Makamit lang ang kalayaan mula. sa mga Espanyol. Sunod-sunod ang mga labanang nangyari.

Pinangunahan ito ng Maynila. Hanggang sa nakipaglaban na din ang mga karatig lalawigan gaya ng Cavite, Batangas, Bulacan, Tarla, Pampanga, Laguna at Nueva Ecija. Punong-puno ng galit at nag-aalab na ang pagmamahal sa bayan ang ipinamalas ng mga Pilipino. Isang karangalan ang idwis ang buhay. Para sa pinakamamahal na inang bayan.

Nakakaantig ng puso, di ba? Ganoon ang pagmamahal ng ating mga ninuno para sa kalayaan. Pinaghirapan nila ang labanan. Ibinigay nila ang kanilang buhay.

Dugo at pawis ang kanilang inilaan. Ang hirap sigurong mabuhay noong panahon yun, di ba? Mapapaisip ka talaga.

ng mabuti kung papaano nila kinaya ang ganoong sitwasyon. Sa kasalukuyan, marami tayong nakikitang labanan, ngunit ito ay paglaban sa mga terorista. Ang kanilang mga kilos ay nagdudunot ng kapahamakan sa maraming tao. Nandyan ang pagdukot, pananakit at pagkitil sa buhay ng kanilang mga biktima. Ngunit, ating tandaan na ang ating pakikiisa upang makuli ang mga terorista ay magagawa kung tayo ay magiging matapang na isiwalat at sabihin ang ating mga nalalaman.

Ang buhay ay mahalaga, ang kapayapaan ay mahalaga, walang sinuman ang may karapatan na pigilan ang ating kalayaan. Gaya ng mga katipunero, kahit mahirap, kahit masakit, ginawa nila ang lahat para makamit natin ang kalayaan upang maramdaman ng mga susunod na henerasyon ang kapayapaan. At kalayaan. Kanina ay nabanggit ko ang mga lalawigang lumaban sa mga Espanyol. Ito ay ang Cavite, Batangas, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Laguna, Nueva Ecija at Maynila.

Oh, huwag kang magugulat, tama ka ng narinig. Ang Maynila ay isang lalawigan noong panahon ng mga Espanyol. Ibang iba ito noon.

Dahil wala pang matataas na mga gusali. Alam mo ba na ang walo sa lalawigan ito ay may simbolo sa ating watawat? Suriin mo ang sinag ng araw sa ating watawat. Mayroon itong walong sinag.

Ibig sabihin yan, yan ang kumakatawan sa unang walong lalawigan na lumaban sa mga Espanyol. Sana'y naunawaan mong mabuti ang ating aralin. Ngayon ay dumako tayo sa pagsagot ng isang pagsasanay. Kunin mo ang iyong lapis at sagutang papel.

Bibigan kita ng limang segundo para piliin ang tamang sagot. Unang bilang. Paano nabunyag ang lihim ng katipunan?

Titik A. Nadiskubri ng mga gwardya sibil? Titik B. Ikinuwento ng isang membro ng katipunan? Titik C. Nahanap ang isang sekretong dokumento.

Pangalawang bilang. Ano ang ginawa ng mga katipunero matapos na mabunyag ang lihim na kilusan sa mga Espanyol? Titik A. Nagtago at naghanda para sa himagsikan.

Titik B. Nagtago at humina ang loob para lumaban. Titik C. Nakipagtulungan sa mga Espanyol at nangakong magbabago. Pangatlong bilang Sino ang gobernador-general na nag-utos para hulihin ang lahat ng mga katipunero matapos na mabunyad ang lihim nito?

Titik A. Rafael Izquierdo Titik B. Carlos Maria de la Torre Titik C. Ramon Blanco Pang-apat na bilang Sino ang lakambini ng katipunan? Titik A. Melchora Aquino Titik B. Gregoria de Jesus Titik C. Marina Dizon Pag-sig Panlimang bilang Ito ang pinunit ng mga katipunero na naging hudyat sa kanilang paghihimagsig Titik A Certifico Titik B Sedula Titik C Selyo Pang-anim na bila, paano tinulungan ni Melchor Aquino ang mga katipunero? Titik A, ginamot ang mga sugatan at pinakain.

Titik B, binigyan ng salapi. Titik C, nagpaglawa ng matutuluyan. Ang pitong bilang, ano ang sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas? Titik A, unang walong bayaning Pilipino na lumaban sa mga Espanyol? Titik B, unang walong lalawigang lumaban sa mga Espanyol?

O titik C, pareho ang letrang A at letrang B? Pangwalong bilang, saan naganap ang unang sigaw ng imagsikan? Titik A, San Jose del Monte, Bulacan. Titik B, Pangusay, Maynila. Titik C, Balintawak, Caloocan.

Pag-Siam na bilang, sino ang tinuturing na utak ng katipunan? Titik A, Procopio Bonifacio. Titik B, Pio Valenzuela. Titik C, Emilio Jacinto. Pansampung bilang Ano ang ipinamalas ng mga katipunero dahil buo na ang kanilang loob para isagawa ang himagsikan?

Titik A. Pagkamaunawain at kaisipang liberal Titik B. Katapangan at damdaming makabayan Titik C. Pagkakaisa at pananalig sa Diyos Tingnan natin kung nakuha ninyo ang tamang kasagutan. Unang bilang, tamang sagot, titik B. Pangalawang bilang, tamang sagot, titik A.

Pangatlong bilang, tamang sagot, titik C. Pangapat na bilang, tamang sagot, titik B. Panlimang bilang, tamang sagot, titik B. Pang-anim na bilang.

Tamang sagot, titik A. Pang-pitong bilang. Tamang sagot, titik B.

Pang-walong bilang. Tamang sagot, titik C. Pang-syam na bilang. Tamang sagot, titik C. Pan-sampung bilang.

Tamang sagot, titik B. Ang naganap na sigaw sa Puga o unang sigaw ng himagsikan ay inaalala sa kasaysayan dahil ito ang sukdulang pag-alab ng damdaming makabayan ng mga Pilipino upang labanan ang matagal na pang-aapi ng mga Espanyol. Sana'y magsilbi itong aras sa atin na huwag patagalin ang pagmamaliit at pang-aapi na ating nararanasan.

Tandaan na tayo ay may mga karapatan bilang tao. Ang karapatan natin ay kinakailangang irespeto. Nangyayari lamang ang pang-aabuso kung tayo ay mananatiling tahimik.

Walang imik, walang kibo. Ngunit, kung tayo ay matututong sabihin kung ano ang tama at basto, hindi tayo magiging alipin. Hindi tayo magiging sunod-sunuran.

Makakamit na natin ang inaasam na kalayaan. Utang na loob natin to sa ating mga magigiting na mga bayani, ang mga katipunero. Bilang pagbubuod sa ating aralin, tandaan natin ang mga sumusunod na talasalitaan. Himagsikan. Ito ang tawag sa labanan na gumagamit ng armas at dahas upang matalo ang kalaban.

Sedula. Ito ang maliit na papel kung saan nagpapatunay na ang isang tao ay kailangang sumunod sa anumang ipinag-uutos ng pamahalang Espanyol. Ito ay tanda ng pagkaalipin mula sa Espanya. Kamalig, ito ay bahagi ng bahay kung saan nakaimbak ang mga pagkain gaya ng bigas, prutas at gulay. Makikita din dito ang mga alagang hayop.

Karatid, kalapit na lugar. Revolusyon, ito ang pakikipaglaban upang makamit ang hinahangad na pagbabago. Nais kong malaman kung ano ang iyong natutuhan sa ating aralin.

Kaya naman, gamit ang social media account ng inyong magulang, maaari mong gamitin ang hashtag Mundo ng AP at sagutin ang aking mapanubok na tanong. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng mga Espanyol noon, paano mo ipapakita ang kabayanihan? Bilang isang bata, paano ka makakatulong sa katipunan?

Ang mga mapipili nating sagot ay ating ifeature sa susunod na episode. Huwag kalimutang ilagay ang inyong pangalan at paaralan. Sa susunod na aralin, malalaman natin ang isa sa pinakamalungkot na bahagi ng ating kasaysayan, ang pagkamatay ng ating bayaning si Andres Bonifacio.

Hindi siya namatay sa labanan. Bagkus, namatay siya sa kamay ng kapwa katipunero. sa kamay ng kapwa Pilipino. Kaya bilang takda, maaaring mong basahin ...aralin tungkol sa konbensyon sa Tejeros upang maging handa ka sa susunod nating talakayan.

Muli, ako si Ginoong Mark. Tandaan! Sa araling panlipunan, bidang kabataan dal kayo ang pag-asa ng bayan.