Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Sep 3, 2024

Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Layunin ng Module

  • Matutunan ang mga prinsipyo ng likas na batas moral.
  • Masuri ang mga pasya sa araw-araw batay sa konsensya.
  • Magsilbing material para sa mga guro at mag-aaral sa Edukasyon ng Pagpapakatao Grade 10.

Batas Moral o Natural Law

  • Kakayahan ng tao na utusan ang sarili na sundin ang tamang asal para sa kabutihan ng lahat.
  • Gabay sa kilos at ugali ng tao.

Konsensya

  • Ang munting tinig sa loob ng tao na nagsasabi ng tama at mali.
  • Ito ay nagbibigay ng obligasyon na gumawa ng mabuti.
  • Gabay sa moral na pagpapasya.
  • Ayon kay Santo Tomas de Aquino: isang natatanging kilos pangkaisipan.

Kamangmangan

  • Kamangmangan Madaraig: Maaaring malampasan sa pamamagitan ng pagsisikap at pag-aaral.
    • Halimbawa: Hindi tiyak sa gamot na ibibigay sa may sakit na kapatid.
  • Kamangmangan na Di Madaraig: Walang paraan upang malampasan, bumabawas sa pananagutan ng tao.
    • Halimbawa: Nagbigay ng pera sa batang namamalimos na ginamit pala sa sugal.

Apat na Yugto ng Konsensya

  1. Alamin at Naisin ang Mabuti
    • Gamitin ang kakayahang ibinigay ng Diyos.
  2. Pagkilala sa Partikular na Kabutihan
    • Kilatisin gamit ang moral na prinsipyo.
  3. Paghatol para sa Mabuting Pasya
    • Pakinggan ang konsensya: gawin ang mabuti.
  4. Pagsusuri ng Sarili o Pagninilay
    • Ipagpatuloy ang positivo; matuto mula sa negativo.

Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

  • Gawin ang Mabuti, Iwasan ang Masama
    • May kakayahan ang tao na kilalanin ang mabuti at masama.
  • Pangalagaan ang Buhay
    • Obligasyon na panatilihin ang kalusugan.
  • Pagpaparami at Pagpapaaral ng mga Anak
    • Responsibilidad sa edukasyon ng mga anak.
  • Alamin ang Katotohanan at Mabuhay sa Lipunan
    • Masama ang pagsisinungaling dahil pinipigilan ang paghahanap ng katotohanan.

Konklusyon

  • Ang likas na batas moral ay hindi nagbabago.
  • Sa pamamagitan ng batas na ito, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama.
  • Mahalaga ang pagsunod sa batas moral para sa makabuluhang pakikipagkapwa at pamumuhay.

Salamat sa pakikinig! God bless at maging ligtas tayong lahat.