Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Kumusta kayo mga anak? Ngayong araw ay pag-uusapan natin ng isang napakahalagang paksa na dapat nating matutunan. Ito ay tungkol sa prinsipyo ng likas na batas moral.
Sa module na ito, inaasang may papamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa. Una sa lahat, natutuko yung mga prinsipyo ng likas na batas moral. Pangalawa, nakapagsusuri ng mga pasyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsensya.
Ang presentasyon ng module na ito ay nilikha bilang pansariling material ng mga guro at mag-aaral sa edukasyon ng pagpapagatao grade 10 at makatulong bilang isa sa mga maraming paraan ng pagkatuto. Ito ay pang personal na gamit lamang. Kinagagalak kong ibahagi para sa karagdaga ng paglinang at kong papalakas ng kasalukuyang kaalaman, gawi, kakayahan, kaugalian, informasyon o kagustuhan. Naniniwala ko na magkakaroon ng karagdagang informasyon, linaw o kaalaman pagkatapos ang ating suplementary video. Halika at samaan ako buksan ang module tungkol sa prinsipyo ng likas ng batas moral.
Tara, simulan na natin ang ating aralin at unawain ng salitang Batas Moral. Ang Batas Moral o Natural Law ay ang kakayahan na utusan ng isang tawang kanyang sarili na toparin ang dikta ng nasa taas upang maging maayos at payapa ang pamumuhay para sa kabutiang panlahat. Ito rin ang gumagabay sa kilos at tugali ng isang tao.
Narito ang mga ilang halimbawa ng Batas Moral. BASAHIN AT TUNAWAIN ANG BAWAT SITUASYON SA IBABAK Sakaling ikaw ang maharap sa ganitong pangyayari, ano ang iyong gagawing pagpapasya? Mula sa mga dayalogo, ano-ano ang mga idinidikta ng konsensya sa isip ng tao?
Ano ang iyong naging batayan ng kaisipan sa pagbuo ng pagpapasya? Nakapagtalaka ba ng mga paraan o akbang ng pagkilos ng iyong konsensya na maaaring makatulong sa iyong gagawing pasya? Sa bawat kilos mo, anong klase ng pagpapagkatawang binubuo mo sa iyong sarili? Malamang pamilyar sa inyo ang mga payong ito.
Gamitin mo ang iyong konsensya at ikaw ay magagabayan. Pakinggan mo ang iyong konsensya. Ngayon, anong ibig sabihin ng mga ito? Sa araw-araw nating pabumuhay, hindi natin maiwasan na tayo ay maharap sa krisis o problema. Tayo ay gumagawa ng pagpapasya o disisyon.
At ang konsensya ang nagsisilbing liwanag sa isip upang tayo ay bigyan ng gabay. Sa nagdaang module, ating napagtanto ng konsensya ang isa sa mga tilos ng isip na naguutos o naguhusga sa mabuting dapat. dapat gawin o masamang dapat iwasan.
Nabanggit naman sa Module 2 na ang pinakaangat, na nilikha sa lahat ng nilikha ang tao dahil siya ay biniyayaan ng isip na may kakayahang magnilay o magmunimuni at maunawan ang mga kaganapan. Ayon sa ating napag-aralan, ang tao ay natatangin ni likha at pinagkalooban ng isip, kaya't may kapangyariang magnilay at magmuni dahil may kamalayan siya sa kanyang sarili. Ang kanyang isip ay may ligas ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Sa module na ito, inaasa ng pagsagot mo sa mga sumusunod na mahalagang tanong. Bakit mahalagang maunawaan ang presensya ng konsensya sa pagpapasya? Ano ang tungkulin ng konsensya sa pagpapaunlad ng tao sa kanyang pagkatao tungo sa pagbuo ng kanyang personalidad? Sa kasalukuyan, paano mo masasabing ang iyong kilos ay tama o mali?
Nagagawa mo bang makitang iyong sarili na nasa mabuti? O nasa masama, ano ang sagunian mo bago kaumaksyon sa isang bagay? Tara, ating alamin na mga kasagutan.
Sa ating pang-araw-araw na pakikipa kasaguhay, ginagamit natin ang ating konsensya nang hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan natin kung ano talaga ang naitutulong ito sa ating pagkatao. at sa ugnayan sa ating kapwa at sa Diyos. Ang konsensya ay likas na sa tao ang alamin ng tama at mali, gawin ng tama at iwasan ng mali. Ibig sabihin, ito ay dahil sa kanyang konsensya.
Ang konsensya ay munting tinig sa loob ng tao. Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating sarili na ito ay nagsasabi na ito ay mabuti, ito ang kailangan mong gawin, ito ang nararapat. O kaya naman ay ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.
Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon. na gawin ang mabuti. Ito ay nagbibigay ng payo at naguutos sa tao sa kitna ng isang moral na pagpapasya kung paano kumilos isang konkretong sitwasyon.
Sa madaling salita, ito ang naguudyok sa tao na gumawa ng naayon sa tama ang konsensya ay nagbibigay liwanag sa ating isip upang makita ang kanyang obligasyong moral na maging matapat. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang konsensya ay isang natatangin kilos pang kaisipan, isang pag-uusga ng ating sariling katwiran. Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa pag-uusga ng tama o mali. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensya. Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama.
Bagamat maganda ang tungkulin ng konsensya, hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao. Nagkakaroon ng pagtitimbang sa pagitan ng tama at maling katwiran sa loob ng tao. Maraming mga impormasyon ang pumapasok sa kanyang isipan. Ito ay nakalipende sa kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan.
Tandaan, kung babuti ang ikinilos, ibig sabihin ito, na ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay tama. Kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na ang taliwas sa katotohanan, ang taglay niyang kaalaman. Hindi lahat ng maling gamit ng konsensya ay maituturing na masama.
May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Tama, dahil ito sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay.
Ang kamangmangan ay nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahinatnan ng kanyang ilos sapagkat ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kapabayaan ng tao. Nangyayari ito kapag may nararamdaman ang taong pag-aalinglangan ngunit walang pagsisikap na maunawaan ang tunay na mabuti at basama. Ibig ipahihwating nito na may pagkakaton ang taon na makaalam ngunit hindi nagbibigay ng panahon at pagsisikap upang malaman ang tama o ang mabuti. Narito ang mga uri ng kamangmangan.
Una, kamangmangan madaraig o invincible ignorance. Mayroong pamamaraan na magagawang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang kamang mga madaraig ay nangyayari dahil sa sariling kapabaya ng tao. Narito ang isang halimbawa. Nakikita mong dumarayin sa sobrang sakit ng tiyan ang iyong nakababatang kapatid.
Nais mo siyang bigyan ng gamot pero hindi mo tiyakung alin sa mga gamot sa lalagyan ang para sa sakit ng tiyan. Ano ang gagawin mo? Maliwanag na hindi mo dapat bigyan ng gamot ang iyong kapatid dahil hindi ka-check sa kung ano ang ipainom sa kanya. Sa sitwasyong ito, mahalagang itama ang kamangmangan mo sa pamamagitan ng pag-alam sa gamot para sa sakit ng tiyan.
Isang puni sa magulang o tumawag ng doktor. Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensya kapag ipinagwawalang bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan.
Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensya kapag ipinagwawalang bahala ng tao ang katotohadan at kabutihan. Narito ang pangalawang uri ng kamangmangan. Ang kamangmangan na di madaraig o invincible ignorance ay nangyayari kung walang pamamaraan na magagawang isang tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kanyang kilos o pasya.
Narito ang halimbawa. Nagbigay ka ng pera sa isang batang na mamalimos sa kalye dahil sa labis na awa. Magaan sa loob mo na ikaw ay nakakatulong sa iyong kapwa. Pero nalaman mo na ang pinagamit sa sugal ang perang ibinibigay sa bata.
Sa sitwasyong ito, hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito noong nagbigay ka na ng pera. Mag-iiba ang sitwasyon kung ipagpapatuloy mo ang pagbibigay ng pera sa kabila ng kaalaman mo. Hindi nawawala ng karangalan ang konsensya dahil sa pagkakataong ginawa ang pagbili, pinaniniwalaan mong tama at mabuti ang iyong ginawa. Hindi maituturing na masamang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito.
Ang mahalaga ay magkakaroon ng pananagutan upang ituit ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang katotohanan. Tulad ng ating nasambit, hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng pananagutan.
upang ituwit ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang katotohanan. Ngayon, narito naman ang apat na yugto ng konsensya. Dumarating tayo sa puntong hindi tayo sigurado sa kung ano ang gagawin sa sitwasyong kinakaharap. Sa pagkakatong ito, kinakailangan natin ang ating konsensya upang makapili ng wasto.
Itong haya ng flowchart na nagpapakita sa proseso ng pagkilus ng konsensya na nakakatulong sa ating pagpapasya. Ang unang yugto, alamin at naisin ang mabuti. Gamitin ang kakayahang ibinigay sa atin ng ginawa.
Pakinggan ang sinasabi ng konsensya. Ito ang mabuti. Ito ang nararapat mong gawin. Ito ay masama.
Hindi mo ito dapat gawin. At ang panghuli niyo. Yukto, pagsusuray ng sarili o pagninilay. Pagnilayan ang naging resulta ng ginawang pagpili. Ipagpatuloy kung positivo ang naging bunga ng pinili.
At matuto naman kapag negatibo ang bunga ng pinili. Ngayon, tugungo naman tayo sa mga prinsipyo ng likas na batas moral. Ang batas moral ay ipinagaloob ng Diyos sa tao upang maging gabay sa pagkilala sa mabuti at masama.
Ang konsensya ng tao Nakalapat na ang likas na batas moral ay ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa kapapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Una sa mga prinsipyo ng ligas na patasmuran, gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
Ang tao ay may ligas na kakayahang kilalanin ang mabuti at masama. Mahalagang maging matibay na nakakapit ang tao sa punyay. Ang isipyong ito upang maging matatag siya laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama. Pangalawa, kasama ng lahat na may buhay, may kahilingan ng taong pangalagaan ng kasama. kanyang buhay.
Malinaw ang tinutukoy ng prinsipyong ito. Ang obligasyon ng tao na pangalaga ng kanyang sarili upang mapanatili itong malusog. Sa prinsipyong ito, alam ng tao na hindi lang ang kapag-itil ng sariling buhay ang masama kundi ang itilin ang buhay ng kanyang kapwa. Pangatlo, kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at at papag-aralin ang mga anak.
Kalikasan ng nagtao ang naisin na magkaroon ng anak, ngunit kaakibat ng kalikasan ito ang responsibilidad na bigyan ng edukasyon ang kanyang anak. Ang prinsipyong ito ay dapat na nakatanim sa bawat magulang sa paggabay at paghubog sa kanilang anak. At panghuli, bilang rasyonal na nila lang, may ligas na kahilingan ng tao na alamin ang katotoo. at mabuhay sa lipunan. Ito ay sumasakla sa obligasyon ng tao na hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalaman at obligasyong ibahagi ito sa kanyang kapwa.
Kaya itinuturing na masama ang pagsisinungaling dahil ipinagkakait at napipigilan nito ang iyong kapwa sa paghahanap ng katotohanan. Daan? Ang likas na batas moral ay hindi nagbabago. Bawat tao ay pinahalagahan ang kanyang buhay.
Likas sa tao ang pagnanais na magkaroon ng mga anak. at bumuo ng sariling pamilya. Bilang rasyonal na nila lang, ang tao ay hindi tumitigil sa pagkahanap ng katotohanan. Kandaan, sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama.
Ngunit may kakayaan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kanyang malayang ilos loob. Kaya may likas na batas moral upang bigyang direksyon ang pamumuhay ng tao. Sa kanyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang pakipagkapwa. At dito po nagtatapos ang ating module.
Maraming salamat po! God bless you all and be safe.