Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa araw. Ang mga ito ang bumubuo sa tinatawag nating solar system. Ang lahat ng buhay sa daigdig, halaman, hayop at tao ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw.
Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system. Narito naman ang estruktura ng daigdig. Ito ay binubuo ng crust, mantel, at core. Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig.
Umaabot ang kapal nito mula 30 hanggang 65 kilometro pa ilalim sa mga kontinente. Sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5 hanggang 7 kilometro. Ang mantle naman ay isang patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
Ito ay may kapal na 2,900 kilometro. Ang core naman ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig. Binubuo ito ng dalawang layer, ang outer core at ang inner core.
Ang outer core ay binubuo ng mga tunaw na metal na iron at nickel. May kapal ito na 2,200 km. Ito ay may temperaturang umaabot mula 4,500 hanggang 5,500 degrees Celsius. Ang inner core naman ay binubuo ng napakainit na solidong iron. Ito ay may temperaturang 5,200 degrees Celsius.
Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili ng posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantel. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 cm o 2 pulgada bawat taon.
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpuga ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot na mga paglindol, pagpotok na mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago. Ang daigdig ay may apat na hateng globo o hemisphere. Ang Northern at Southern Hemisphere na hinahati na ekwator. At ang Eastern at Western Hemisphere na hinahati naman ang Prime Meridian at ang 188th Meridian sa kabilang panig.