Transcript for:
Kaunlaran ng Bansa at Pagsusuri

Konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran Isang mapagpala at magandang araw mga bata Sa video na ito ay sisiyasatin natin ang konsepto at mga palatundaan ng pambansang kaunlaran. Pero paano nga ba masasabi na ang isang bansa ay maunlad? Kapag ito ba ay may mga nagtataasang gusali, magkagarang sasakyan, daanan, tulay, teknolohiya at maraming dayuhang mga ngalakal? Ayon sa Merayam Webster Diksyonary, Ang pagunlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamunuhay. Ang kaisipan na ito ay maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong. Sa aklat na Economic Development noong 1994 ni Feliciano Alfajardo, inilahad niya ang pagkakaiba ng pagunlad at pagsulong. Ayon sa kanya, ang pagunlad ay isang progresibong at aktibong proseso. Ang proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao tulad na lang ng pagpapababa ng atas ng kahirapan, kamangmangan, kawalan ng hanap buhay, di pagkakapantay-pantay at pananamantala. Sa Samantala, ayon pa rin sa kanya, ang pagsulong naman ay resulta o produkto ng pagunlad. Ito ay nakikita at nasusukat. Halimbawa, ang proseso ng pagbabago sa pagsasaka mula sa pag-aararo gamit ng kalabaw. At ngayon ay paggamit ng makina. Masasabing may naganap na pagunlad. Ang bunga nitong mas maraming ani, ito ang pagsulo. Sa aklat pa rin sa economic development noong 2012, inilahad din na Michael Pitodaro at Stetan C. Smith na may dalawang magkaibang konsepto ng pagunlad, ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw. Sa tradisyonal na pananaw, ang pagunlad ay ang pagtatamo ng patuloy na pagtas ng antas ng income per capita para mas magbilis na maparaming ng bansa ang kanyang output. kaysa sa paglaki ng populasyon nito. Samantalang sa makabagong pananaw naman, ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlitunan. Ayon naman kay Amartya Sen sa kanyang akdang Development as Freedom noong 2008, ang kaunlaran ay matatamulaman kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito. Sa aklat na Economics, Concepts and Choices noong 2008 ni na Sally Mick, John Morton at Mark Shul ay inisa-isa nila ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong na ekonomiya ng isang bansa. Nariyan na ang likas na yaman, tulad na lang ng yamang lupa, tubig, kagubatan at mineral. Ikalawa ay ang yamang tao, hindi lamang in terms sa dami ng lakas paggawa, kundi higit ay ang kaalaman at kakayahan ng mga ito. Ikatlo, kapital. Tulad ng makinarya sa mga pagawaan ay nakakalika ng mas maraming produkto at serbisyo. Tikaapat, Teknolohiya at Inovasyon. Kailangan lagi tayong mag-a-upgrade ng teknolohiya. Ayon sa Aklat na Economics, Araling Paglipunan ni Nabalitaw Bernard R. et al., hindi sapat ang GNP, GDP, makabagong teknolohiya at nagtataasang gusali para masabing ganap na maunlad ang isang bansa. Ang HDI o Human Development Index ay ginagamit din bilang isa sa mga panukat. sa antas ng pag-undal ng isang bansa. Ang HDI ay ang pangkalatang sukat ng kakayaan ng isang bansa upang matugunan ang mahalagang aspekto ng kaundarang pantao, tulad na lang ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Ito ay nilikha para bigyan diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pangalatang. pagsukat ng pagunlad ng isang bansa. Mayroong tatlong antas ng kaunlaran ang bansa. Una, maunlad na bansa o ang developed country. Ito ay ang may mataas na GDP, income per capita at HDI. Ikalawa, umuunlad na bansa o developing country. Sila naman ang hindi pantay ang GDP at HDI at wala pang mataas na antas na industrialisasyon. At ang ikatlo ay ang papaunlad na bansa o ang underdeveloped country. ay mababa na antas ng agrikultura, GDP, income per capita at HDI. Sana may natutunan kayo sa araling na ito. Paalam, hanggang sa muli! Thank you