Makasaysayang araw po! It's showtime! Ayon sa ilan, si Jose Rizal, na pinaslang ng mga Espanyol 120 years ago, December 30, 1896, ay naging bayani dahil sa kanyang mga sinulat na nagbuo sa atin bilang isang nasyon at komosyon sa mga nakabubulag sa atin tulad ng Prylokrasya.
Ngunit, ilang oras bago siya barilin? Pinamahan daw ni Rizal ang isang dokumento na nagsasabing siya raw ay isang katoliko at binabawi niya lahat ng kanyang mga sinulat laban sa simbahan. Nakilala ang dokumento bilang Ang Retraktasyon, The Retraction. Dahil daw dito, naikasal sila ni Josephine Brackett ang kanyang huling pag-ibig.
Ayon sa ilan, mas lalong naging dakila si Rizal sa pagkilala ng kanyang mga kamalian. Ngunit para naman sa iba, kung sa uling sandali ng kanyang buhay, binawi niya ang kanyang mga sinulat. Ang dahilan ng kanyang mismong pagkabayani, siya ay dapat na ituring na duwag. Kahit natagpuan ng sinasabing dokumento na naretraktasyon noong 1935, patuloy ang pagdududa lalo na sa itinuturing na natatanging eyewitness ng pangyayari, si Padre Vicente Balaguer.
Paano naman kasi? Ang resonabling si Rizal ay bigla na lamang nagising na mag-iisip. na makailang beses, nang umpisa ng apat na beses, nagpamisa, nang umunyon, at nagrosaryo pa. Kakatuwa ito para sa akin.
At para sa akin, hindi na matatapos ang retraction controversy. Isa lamang ang maaaring magresolba nito. Kung magkakaroon ng isa pang eyewitness account na maaaring magpatunay o magpasinungaling sa retraktasyon.
Dito ang August 4, 2016, binasa ni Commissioner Rene R. Escalante, ang OIC ng National Historical Commission of the Philippines, ang isang professorial chair lecture sa Rizal Studies na pinamagatang Re-examining the last 24 hours of Rizal using spy reports sa De La Salle University. Sa mga dokumento ng mga espiyang Espanyol na tinatawag na Cuerpo de Vigilancia, matatagpuan ng ulat na isinulat sa araw ng kamatayan ni Rizal ni Federico Moreno na nagkukwento ng pahayag sa kanya ng isang bantay sa Zelda, ahente ng Cuerpo, sa makatwid, isang additional independent eyewitness account. Ayun. Sa pag-aaralan sa pahayag, sumulat si Rizal ng isang papel na narinig niyang ang retraktasyon.
Binanggit rin ang dalawang paring eswita na pumasok sa piitan ni Rizal, si Padre Jose Villaclara at Padre Estanislao March, at dalawa pang tao, si Juan del Fresco. At Eloy More. Ang kanilang mga pangalan ay tumutugma sa dalawang pirma na makikita sa dokumento ng retraktasyon na tumayong mga saksi. Gayun din binanggit ng gwardiya na bago dalhin sa luneta si Rizal, ikinasal siya kay Josephine Bracken.
At ang nakagugulat, itinala ni Moreno ang lahat ng taong pumasok sa selda noong gabing yun. Niminsan, walang binanggit na may pumasok na Padre Balaguer. Mayroon akong malaking paniniwala na walang dahilan para magsinungaling ang gwardiya o si Moreno.
Lalo na at ginawa nila ang tala sa mismong panahon na iyon. Kaya naman, sa liwanag na dala ng mga bagong labas na mga dokumentong ito, maaaring ang si Jose Rizal ay nagretract. Maaaring ang totoo ang retractasyon.
Ngunit, mahalaga ba talaga kung totoo ito? Mababago ba ang paninindigan at nagawa ng isang tao sa kanyang buong buhay ng pagtindig at katapangan ng isang papel na pinirmahan niya sa araw ng kanyang kamatayan? Hindi.
Hindi. Ako po si Shau Chua para sa PTV News. And that was Shau Time.