Transcript for:
Revolts and Secularization of the Filipinos

Before 1872, merong mga revolts against the Spanish colonialism. Ibang revolts, Gabriela silang, Palaris revolt, Tamdut revolt. Ibang revolts sila pero hindi sila magkakasaba, ibang hiwalay. Kaya siguro isang dahilan din yung bakit sila natatalo.

ng kolonya. Sa isang banda, gusto ko rin sabihin na yung mahaba nating tradisyon ng pahibaka para magkamit ng kalayaan sa sektor ng reliyon. Pabalik pa tayo doon sa mga unang Pilipino na ang kanilang mga... pag-aansa, merong orientasyong religyoso. So, banggitin natin, halimbawa, si Bangkaw sa Leyte, si Sumuroy sa Samar, si Tapar sa Panay, mga 17th century.

Karamihan dyan, mga babaylan o anak ng babaylan na parang gusto nilang bumalik sa dating relisyon. At isa sa mahalagang nagpatuloy nyan ay si Hermano Pulig. Diba alam natin na 1841 nangyari yung paano dinurog ng pamahalaang kolonyal na Espanyol yung kanilang samahan na Cofradia de San Jose sa Tayabas. Ang mga membro nito nakaanap na sa buong tibong Katagalugan.

Nakita ng ilang praile na itong mga to ay kakumpetensya natin. Kaya sila nag-move para i-persecute itong Cofradia de San Jose na ito. They resisted and they even won one of the battles. Pero namasakyan sila, na obliterate.

At ang kwento nga dyan ay pinugutan at pinagparti-parti ng katawan ni Herman Apun. Grabe yung pagsupil na ginawa ng pamahalaan. Pakalipas ng mga dalawang taon, nag-alsa yung rehementong Tayabas.

Kasi taga-Tayabas si Hermano Pule, Polinario de la Cruz. So itong Tayabas regiment, alam nila ang nangyari na grabe ang nangyari kay Hermano Pule. Ang ginawa nila, inatakot. Yun na ang Fortune Charger.

This was January 19 to 20 of 1843. Yung sinisigaw ng mga taong ito ay independensya. Dito natin makikita may aspirasyon na putulin yung ugnayan sa Espanya. Pero of course, sila ay nabigo. Isa sa mga pinaniniwalaan ng mga istoryador na nakaugnayan ni Hermano Puli, ayon sa mga nakitang dokumento, ay isang pare na ang pangalan ay Pedro Pelaez. At alam natin, nasa kasaysayan ng Pilipinas, si Padre Pedro Sebastian Pelaez.

Siya yung isa sa mga pioneer noong tinatawag nating sekularisasyon. So, itong laban sa gusto ko ma-empower ang sarili ko, Connected siya sa sekularisasyon ng parakyat na dapat hawak yan ng mga paring sekular. So connected na yung laban sa religious freedom, ikukonect natin kinabangkaw, sumuroy, kapar, hermano-pule, tatawid sa Gumbursa.

Pero hindi mag-i-end sa Gumbursa. 1868 nangyari yung tinatawag nilang Glorious Revolution sa Spain. Bumagsak yung monarkiya, pinalitan ng isang Republican government.

So syempre sa mga kolonya gaya ng Pilipinas, nagpadala ng isang Liberal Governor General na si Carlos Maria de la Torre. So sa loob ng dalawang taon, 1869 to 1871, may mga changes na inilunsad. At ginawa ni de la Torre ang kanyang makakaya na makuha ang loob ng mga Liberal at ng mga Pobresido, ng mga... uri ng tao sa Pilipinas. Kasama na yung mga pare, mga abogado, at ilang mga negosyante.

Kaya lang, pagkatapos ng mga dalawang taon, ganyan, bumagsak na naman yung gobyerno ng Republican sa Spain, bumalik na naman ang monarkiya. Yun na nga eh, kasi yung orientation natin ng liberal at conservative ay nakabatay din kung anong klase ng governor general ang ipapadala mula sa Espanya. Eh ang mangyayari dyan, pagdating ng panahon, pinadala sa atin si Rafael Desquierdo.

Si Rafael Di Izquierdo ay napaka-igpit. Hindi niya masyadong like yung mga liberal. Dito nagkaroon ng problema kasi si Carlos Maria de la Torre ay isang gobernador general na nagpakita ng pagbubukas ng kaisipan. Kung makikita natin sa kanyang advice kay Izquierdo, kanyang successor, binanggit din niya yung balance between yung mga seculars, yung mga local natin, at priests, and then yung mga friars, yung mga nagmimission dito from Spain. During his administration, nakikita na niya yung ganong issues na parang magpipre-prevail pa rin moving forward pagdating sa bagong administration.

Nung 19th century, nagkaroon ng malaking liberalismo sa Europa. Nagkaroon ng pagpapalit ng gobyerno. At dahil dyan, yan ay naka-apekto sa mga pulisiya sa Pilipinas.

Isa na dyan yung abolition of galleon trade. Dati monopoly lamang yan. ng mga Espanyol.

Tayo ay pinamumunuan kasi ng Spain through Mexico. 1565, nag-start si Legazpi. Hanggang 1815, no, malapit ang lumaya ang Mexico, meron tayong napakatagal na relasyon sa Mexico.

Ang impact nun, nung lumaya ang Mexico, naputol ang galleon trade. Ngayon, ano ang kapalit ng galleon trade? Nagbukas tayo sa world trade noong 1834. Pumasok na dito yung iba't ibang mga foreign traders. Noong 1869, unang-una meron ng vapor. Ibig sabihin steam engine, mas mabilis na yan.

Tapos, biluksan yung daan dito sa Egypt. From Mediterranean Sea, papuntang Indian Ocean hanggang Pilipinas, dadaan na sa Suez Canal, 1869. So, ang pagbubukas ng Suez Canal ay nagbigay daan doon sa mabilisang pagpasok ng mga ideas. Yung mga liberal thinking o philosophies galing Europe, yung kina Voltaire, yung mga ideas ng French Revolution, yung ideas ng American Revolution, yung mga liberal ideas nila Jean-Jacques Rousseau, nila John Locke, na about the theory of a good government.

At siyempre ang edukasyon, unti-unti na rin naliliberalize. Ang daming pumasok ng mga liberal ideas na ayaw na ayaw ng mga praile. Kasi parang nag-insinuate ka na ngayon na may karapatan pala kami maging malaya, may karapatan pala kami ng tratuhin ng pantay ng mga Espanyol. So ito yung mga pumasok ng ideas 1869. Nung panahon na ito, apat na lang kolonya ng Espanya.

Yung Cuba, Puerto Rico, Guam. at saka Pilipinas. 1872, bagsak na yung Spanish Empire sa Latin America. So ito yung sitwasyon ng Pilipinas. Yung mga progressive na mga katutubo sa Pilipinas, nag-iisip na, ang tagay naman ng mga reforma na yan.

Andami na nagbagong mga pananaw sa Europe, tapos kami dito, ganito pa rin na kailangan, lumuhod ka pa rin sa praile. Yan yung atmosphere ng Pilipinas noong 1869 to 1872. Music Noong sinaunang panahon, meron tayong tinatawag ng mga babaylan. So, pagdating ng panahon, darating yung mga praile. Lilipat ngayon yung paggalang ng mga Pilipino sa babaylan doon sa mga praile.

Music Kung titignan natin yung kwento ng prilokrasya sa Pilipinas, kung bakit sabi ni Marcelo H. Del Pilar na merong soberanya monakal o monastic supremacy sa Pilipinas, ganito lang naman yan eh. Yung mga civil officials mo, yung mga alkaldes mayor, yung mga gobernador general, sila ay narito lamang ng ilang taon, tatlong taon, pero yung prilis ay isang bayan. Yan ay nananatili ng hanggang 40 taon o higit pa. So, ibig sabihin, pero may ikaw ang pinagkukumpisalan ng mga tao, alam mo yung mga sikreto nila, nagkakaroon ka ng kapangyarihan. At dahil nagkakaroon ka ng kapangyarihan, may ilan, ilan lamang naman, na nakitang umabuso doon sa kapangyarihan na iyon.

At isang dahilan din dyan ay dahil mayroong racial aspect sa panahon na iyon na mababa ang tingin sa atin. Indyo nga tayo eh. At sila yung nagbibigay sa atin ng kultura. Ang pananaw nila sa lahat dito, binibigyan nila tayo ng kultura, tinutulungan nila tayo. Pero, buong bad side yun, which was of course yung mga polisiya, mga polo yung servisyos, yung mga bandala, yung mga yan na inimpose, yung mga encomienda system, asyenda system na yan.

Nagkakaroon ng kapangyarihan yung praile na magkaroon ng mga asyenda. So yung asyenda na yun, hindi lang sa lupa. Yun ay merong profit na nangyayari ngayon dahil kung yan ay gagawin mong farm, yan ay gagawin mong bakahan, rancho or whatever, yung estansya na tinatawag natin. Eh, ibig sabihin, hindi ka na lang nagiging spiritual leader. Nagkakaroon ka ng kapangyarihan pinansyal at kapangyarihan politikal.

Talagang dumami rin in the 19th century yung mga tinatawag na tulisan, bandido, mga taong labas. Kasi nga, the only way to have some justice was to become a tulisan. To get back dito sa mga priling, masyadong naging problema.

In Cavite kasi, we have so many tracts of lands. At marami na displaced dyan dahil dun sa mga pangamkam ng mga lupain. Ang Cavite ay nakilala bilang La Madre de los Loredrones. O hindi na naman nga magnanakaw, sabi ng panahon ng Kastila.

Sa dami ng mga lawless elements sa Cavite. Pero sa pag-aaral ni Dr. Isagane Medina sa kanyang Cavite before the revolution, napatunayan niya na kaya maraming mga quote-unquote lawless elements sa Cavite ay dahil dun sa kinamkam. ng mga brailen, ang kanilang mga lupain.

So no choice sila para lumaban sa sistema ng pamahalaan. So ito yung pagtingin na kinukuha lang ulit nila yung kanila. Isang halimbawa dyan yung 1745 na pag-aalsa sa silang. Sa may mga ganon.

Kung kaya't umabot yan ng 19th century, pero syempre, kailangan ng kapayapaan. Si Mariano Gomez ay hindi tubong Cavite. Siya ay tiga Santa Cruz, Maynila, na nadestino sa Cavite bilang parish priest sa Bacoor. At tumagal siya rito ng halos na 48 years.

Ang tagal, no? Kung kaya nakilala si Padre Gomez dito bilang community worker, hindi lamang sa simbahan. Para siyang one-man NGO.

At talagang malapit sa mga mamamayan. Nagpatayo siya ng mga kalsada, in-improve yung servisyo sa mga tao. In fact, even in the economy, yung pagtatanim ng mga asinan.

Kasi nga, along the coast, ang bakoor, pagka humihingi. Iidaw ng kapital, yung mga tao doon, ay binibigyan ni Father Gomez para magsimula sila ng industriya ng asinan. So meron ganun mga kwento na siya'y bukas sa loob, magpahiram. Para kung ikabubuti naman ang buhay ng mga tao ng Bacoor, tutulong siya.

Kaya napamahal sa lugar ng Bacoor. So nakasama siya dyan sa mga ganyang bagay. Hindi lamang yung spiritual care ng mga Pilipino during that time, kundi pati yung economic development nila.

Nakilala din siya bilang tagpamagitan ng mga lumalaban sa batas noong panahon na yon. Dahil itong Luis Parang case, agrarian unrest niya, isang tao na dahil sa pagkamkam sa lupa ay namundok. Father Gomez climbed the mountains to ask him to go down. At nagtagumpay siya.

At nagkaroon ng peace pact. Between Luis Parang and the Governor General, sa Malacanang Palace mismo, invited si Father Mariano Gomez. So, nung panahon ni Father Mariano Gomez, isa siya sa mga naging instrumento para humina ang banditry sa Cavite.

Music The mother, again, you know, the mother is still very influential in the lives of Filipinos. So... Music It's always the dream of the mother, I think in this particular case, become a lawyer, no? And well, Father Zamora preferred to become a priest. Tinan natin yung roots ni Zamora.

Si Zamora ay taga Pandacan, Manila. Si Father Gomez ay taga Santa Cruz, Manila. Sa mga Manilenyo ito, siyempre, nandyan ang pinakasentro, nandyan ang Manila Cathedral, nandyan ang Letran, nandyan ang U.S.

State. Talagang malaki ang posibilidad na yun ang pangarapin mo. Nakaklase sila ni Burgos, no?

And sa exams, nung pagdating sa appointments, 1863-64, he's just in the top three, no? So, agawan sila nila Burgos and another Zamora. So, magaling talaga na tao, no? Brilliant. Kung NGO worker si Father Gomez, si Father Burgos ang talagang nagsunog ng kilay.

Pito ang kanyang degree na natamo. Dalawa doon sa diploma na yun, doktorado. Tapos, 35 lang siya. Silang patlo, halos pare-pareho ang edukasyon. Nag-aaral sila sa Kulehiyo de Salmón de Letran, tapos nag-aaral sa UST.

Iba-iba ang kanilang kurso, may theology, may philosophy, and then kailangan mo pong mag-aaral ulit sa seminaryo ng Menina para sa pagpaparik. In the case of Father Gomez, In one occasion, nung bakante yung parokya ng ermita, he submitted this application but since he was younger than another candidate, he didn't get it. But he got finally bakoor.

Mariana Gomez, siya ang pinakamatanda sa tatlo and siya yung mag-stay lang talaga sa isang lugar. Siya ay pura ng bakoor since 1824 kung base tayo sa appointment papers niya. Kung maniniwala tayo sa isa pa niyang nephew, si Marcelino, na saying he's born in 1799, and yung sa last will din naman niya, saying na he's over 70, some sources would say na Chinese descent, others Japanese descent. Pero at the moment, we cannot be really sure.

Kasi nga, nung piniramahan niya yung will niya, wala siyang nilagay na ethnicity. Isa sa mga kinikinala na halos katawang ni Padre Pelae si Padre Mariano Gomez. Asinto Zamora, he's the second oldest, no? Although medyo kalapit lang na edad ni Burgos, he's just mid-thirties at the time. Siya yung pinakamaraming parishes na pinaglingkuran.

He's been to Batangas, he's been to Pasig, Marikina. At times, nag-alternate sila ni Burgos in Manila. We do not know kung ano ba yung descent niya.

As in, more like Padre Gomez din. You cannot ascertain for sure kung anong half niya. Si Jose Burgos, napaka-sikat din talaga. Kasi nga, nagtuturo siya at that time. It's a way din to influence yung mga kabataan.

Naging estudyante niya si Paciano Rizal. Kaya mga Rizal ay naiuugnay kaya Padre Jose Burgos. Like Zamora, brilliant. And then, sa Manila talaga siya, nagsaserve. Napakalapit niya sa higher-ups ng simbahan sa Pilipinas.

At in fact, itong si Padre Jose Burgos, na kilalang liberal, ay kaibigan at sumasama pa sa mga pigig nitong si Carlos Maria de la Torre. His life is public. Open na open siya sa mga tao. Unlike Zamora siguro, na unti lang talaga yung alam natin about him.

That's why Burgos din is more well-known, even outside his home province. Creolio siya na pinanganak sa Vigan, Provincia de Ilocos. Kastila ang mga magulang.

At sinasabi na siya ay may dalawang kapatid na babae, pero siya lang yung lalaki. At nung siya ay orphan, he was sent to Manila from Vigan and pursue his studies. May panahon nung pagdating nung ikalabingsyam na siglo, o 19th century, na actually meron ng mga secular priests na mga kuraparo. So, alimbawa, Si Padre Mariano Gomez ay kuraparoko na ng Bacora, Cavite.

Si Padre Jacinto Zamora ay kuraparoko naman ng Marikina. Si Padre Jose Burgos, siya ang may haawak ng pinaka-importanting simbahan sa sangka-kristyanuhan sa Kapilipinuhan, Manila Cathedral. Doon mo makikita, meron na. Meron na talagang mga secular priests.

Ang problema, by the 1850s, 1860s, nagkakabawian, may mga secular parishes na iti-takeover ulit ng Orden. Kasi 1850s pa lang, di ba, mainit na issue kasi yung sekularisasyon. Babalik tayo kay Padre Pedro Pilaes na siya talaga yung forerunner ng movement.

Kinakampanya ng mga Indyo, mga Mistiso at mga Insular na mga kaparian sa Pilipinas na dapat i-abandonahin na ng mga Pryle o ng mga tinatawag ng mga paring regular yung mga parokya. Kasi yun naman talaga ang trabaho ng mga paring regular, sila nga hawak ng mga parokya. Pero itong mga Pryle, ayaw nilang itagubilin or ilet go dahil alam natin na may mga privilehiyo na tinatamasa ang mga Pryle.

Nung dumating ang mga Kastila, meron tinawag silang tuntunin na linabas ang Council of Trent. Now, the Council of Trent sinabi niya, okay, pagpunta niyo sa mga bagong lugar na inyong sasakupin, dapat may hatian ng trabaho. So, itong mga regulars will do mission work lang, conversion. Wala silang hakawakan na parokya.

So, ang magpapatakbo ng parokya ay ang seculars. So very clear yung pagtatakda ng trabaho para hindi magulo. Pero nung simula, kumukokonte ang mga Spanish seculars ay napunta yung mga parokya sa mga regulars.

I-clarify ko lang yung pinakaiba ng paring regular at paring secular. Yung word na friley, ibig sabihin brother. Ang isa pang tawag sa kanila ay mga paring regular from the word regla o reglas o reglamentos, bound by the rules. May mga sinusunod kasi na vows ang mga praile.

So yung Dominicans, Augustinians, Recollects at saka Franciscans, meron silang tatlong vows. Vow of poverty, vow of celibacy at saka vow of obedience to the head of the religious order. Yung mga Jesuits, o yung mga tinatawag natin Hiswita or Society of Jesus, may pang-apat silang vow.

Yung vow of obedience to the Pope. Kaya may claim ang mga Jesuits na hindi daw sila praile. Kasi may pang-apat silang vow.

Ngayon, ang unifying factor, lahat sila Espanyol, lahat sila peninsulares. Lahat sila full-blooded Spaniards born in the Iberian Peninsula. On the other hand, yung mga sekular, binubuo ito ng ibang mga social classes na hindi...

Full-blooded Spaniard born in the peninsula. Yung pag sinabi mong sekular, ito yung mga pare na under sa bishop, o yung tinatawag nating diocese. At ang point dito, may banggaan yan, ang mga sekular at mga regular, kasi ito mga priley, ayaw magpa-under sa bishop. Sabi nila, may religious order kami, may head ang aming religious, doon ang aming loyalty, doon ang isang vow. Pero pag nag-utos ang obispo o arsobispo, hindi kami basta-basta susunod yan.

So may ecclesiastical clash din, yung mga sekular at yung mga regular. Alam naman natin na sa mahabang panahon ng Spanish period, talagang meron tinatawag na patronatorial o royal patronage kung saan magkakaisa ang gobyerno, yung estado at yung simbahan. Yung gobyerno kailangan niyang suportahan yung pangailangan at proteksyon ng mga praile na galing sa Espanya at sa Mexico at sa kabilang banda kailangan suportahan din ng mga kaparian ang gobyerno. Pero by 1768, nagkataon na yung hari ng Espanya, noong panahon na yun, ay nakaaway niya ang Pope. Bihira mangyari yan.

Pero nangyari yun, nasa galit noong King of Spain, ang pinag-initan sa Pilipinas at sa buong Latin America, ay ang mga Jesuits. Kasi sila ay may pang-apat na vow. Vow of loyalty to the Pope of Rome.

So ano ang nangyari ngayon? 1768, nagsimula yung pagpapatalsik ng lahat ng Jesuits sa Pilipinas. So ang kanilang mga parokya, nakuha ng mga rekuletos.

Yung mga rekuletos, ang mga parokya nila, nakuha ng mga paring sekularo. So sa panahon na yun, malaki ang pribilehyong nakuha ng mga paring sekularo kasi kahawak sila ng mga parokya. Yun naman talaga ang kanilang pangarap.

Ngayon, ang nangyari, bumalik ang mga Jesuits after halos siya medikadya. Bumalik sila 1859. So nung dumating ang mga Jesuita, siyempre binawi nila ang kanilang mga parokya. Lalo yung mga parokya sa Mindanao. Ngayon, sino ang nawalan?

Mga rekuletos kasi sila nga humawak noon. So ang rekuletos napinitan na bawiin din yung mga parokya na hinawakan ng mga paring sekular. So ano nangyari?

Ang paring sekular nawalan. Parang domino effect ang nangyari. Kaya umigting yung tinatawag na pagpapalawak noong secularization.

na ito na yung panahon ng mga Pilipinong pare na tayo na yung mamumuno sa simbahan na of course, hindi masyadong enthusiastic o komportable itong mga priling Espanyol. Dahil ang pagkakaroon ng parawalan, ay kapagyarihan. Pag sinabi mong sekularisasyon, kailangan iwan na yan ng mga pareng regular, ibigay na sa mga sekular. Kaya lang, saan nakaugat, no?

Yung matagal na pag-usag dyan sa isyo na yan. Kasi nga, alam natin na grabe yung racism, no? kasi tinatawag natin na limpieza de sangre. Ibig sabihin ay purity of blood, racial purity.

Feeling ng mga Espanyol, sinangang pure blood, sinangang superior. Pag nahaluan ka ng baka mistizo, medyo low quality ka na. How much mo kung wala ka talaga ng baka puti na hindi ka mistizo, mas mababa pa.

Kasi nakadepende sa dugo eh, yung hierarkiya ng lipunang kolonya. Napaka-unfair para sa mga Pilipino. Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw ng mga praile o ng pamahalang Espanyol na ibigay yung sekularisasyon ay dahil matindi ang paghihinala nila na itong mga paring katutubo, itong mga paring sekularo ay marahil sila ay nagpaplano ng revolusyon o pagpapatalasik sa kanila.

Balikan natin ang konteksto. Nangyari kasi yan sa kaso ng Meksiko. Doon sa Meksiko, 1810, nung gusto nilang lumaya sa Espanya, Ang namuno ng revolusyon sa Mexico, pare eh, si Padre Miguel Hidalgo. Siyempre, namatay din naman si Padre Hidalgo, pero yung 1821, officially, nakalaya na yung Mexico.

Siyempre, natuto din sa kisaysayan ng mga Espanyol, para bang baka sa Pilipinas, itong mga pare din ang nakakatakot. Naging mapaghinala sila na itong mga Pilipinong pare o yung mga sekular ay sila ang potensyal na maaaring maglunsad ng revolusyon. Kapag tinignan mo yung mga main players sa secularization movement, marami sila.

Pero yung makikita natin na pinakasentral, si Padre Pedro Sebastian Pelaez. Na siya yung mentor ng marami sa kanila, including Father Jose Burgos. Ang problema lang, si Pedro Sebastian Pelaez, namatay siya noong 1863 earthquake. Nadaganan siya ng Manila Cathedral. Na nakakalungkot.

Kaya pinagpatuloy nitong mga pare yung kanilang laban. At sa panahon na yan, bago pa ang 1872, siyempre meron na silang kilusan. Kasi naman na dyan yung si Padre Mariano Gomez, Padre Jacinto Zamora, at iba pang sila yung mga pare, pero may mga kasama pa silang mga negosyante, abugado, at mga journalist.

Na sila yung tatawaging Comité de Reformadores. Itong comité na ito ay magsusulong nung mga kinakailangan reforma nung mga panahon na iyon para umunlad naman yung Pilipinas at magkaroon ng pagbabago. sa mga tao.

Itong Comité de Reformadores na ito, nagkaroon sila ng mga followers, mga studyante sa Universidad de Santo Tomas. Kung titignan mo yung works ni Padre Burgos, tinuturing siya ng ilang antropologo na isa sa ating mga pioneer na anthropologist sa Pilipinas. Ayon sa ilang tala, in-explore niya yung ilang mga aspekto ng sinaunang kulturang Pilipino. Yan din yung gagawin ni Narizal, ni Isabel de los Reyes, pagdating ng Papaganda Movement. Tingnan mo ang kasaysayan, balikan mo sina Lapu-Lapu, balikan mo yung kultura ng mga bagani at mga babaylan para ipakita mo na hindi totoo yung sinasabi ng mga Espanyol, na hindi magaling ang mga Pilipino.

Na yun ang lagi nilang sinasabi, kaya ayaw din nilang gawing paris-pris ng mga Pilipino. Kasi ang tingin nila sa mga Pilipino priests ay hindi maganda. Kaya nga, eventually, itong mga studyante na ito, doon sa tinatawag nating demonstration of 1869 sa USD, sila ay magpapakalat ng mga liplet sa mga classroom na basically ang sinasabi, hindi kang... karapat dapat sa mga Indyo ang mainsulto o tumanggap ng insulto mula sa inyong mga profesor namin. Sapagkat kung bubuksan nyo ang mga aklat ng kasaysayan, makikita ninyo na karapat dapat kaming respetuhin.

Just imagine na ang problema noon sa Pilipinas, hindi talaga poverty. Dahil maraming mga Indyo ang naging mayaman dahil doon sa pagtatapos ng galleon trade, sa pagpasok ng ibang mga bansa sa pakikipagkalakalan, na kinuha silang mga middlemen. Kaya nagkawal yung mga Indyo eh.

Nakapagawal na sila sa USD. Pero ang main problem nila, na kahit na sila ay nakapagawal, Kapag-aaral na at tingin pa rin ng mga Espanyol sa kanila ay napakaliit. Walang dangal.

So, ang nangyari, napaning yung mga Espanyol at in-identify nila itong mga pinunong ito. At sinabi nila na may kinalaman si Padre Mungos dyan. Kasi idolo nila si Padre Mungos. So, sino ba yung mga kabataan na ito?

Familiar? Ilan sa kanila? Si Maximo Paterno, si Paciano Rizal, si Felipe Buengamino, at yung nagbasa ng Declaration of Independence natin, si Ambosho Rianzares Bautista. In the future, they will be part of the Paterno. the propaganda movement and the revolution.

Yung mga studyante at yung comité de reformadores. So, isa sa mga pinakaunang student movement sa Pilipinas. Yung nangyaring yan. At sinangkot nila si Bogus yan.

Pinagsuspecha. Si Father Burgos, nanguna siya dito sa mga isyong ito ng secularization. At kasama niya dito si Father Gomez na kura-paroko naman ng Bacoor, na naging kasama niya sa hiling na dapat ay ilukluk na mga Pilipino sekular.

At si Zamora naman kasi ay kasama ni Father Burgos sa Manila Cathedral. Pag nakita niya yung picture ni Burgos, talagang kastila siya, pero may karisma siguro dahil nahihikayat niya, kapwa niya, Criollo, Pilipino, Chinese Mestizo, na talagang kumilos na. para mawasto ang sitwasyon. Ang main message niya palagi, may kakayahan ng mga Pilipino. Itigil na yung diskriminasyon sa kanila.

Diskriminasyon na sinasabing walang kakayahan, di naman aral, etc. Linabas na niya. In a sense, matapang rin siya eh.

I think during this time, ang mga Pilipino ay medyo nagiging matapang na. Unti-unti, hindi na sila pwedeng lagyan ng busal dahil talagang linalabas na nila. Despite the lack of freedom of expression and press.

They were coming out with expressing themselves, telling the truth, asking for reforms, asking for changes. I think at this time, talagang naabot na rin ng mga Pilipino yung rurok na hindi na pwede ito. Yung forced labor at saka yung taxes, napaka-opressive, napaka-marahas o mapanil sa mga Pilipino, yung mga ganong bagay.

So itong si Denatore, para makuha niya ang loob ng mga Pilipino, nagkaroon ng mga pagbabago, nagkaroon ng privilegio, exemptions. Pero syempre, sa iskierdo, nung siya talagang kamay na bakal ang ginawa niya, talagang tinanggan niya yung mga privileges na nga. Hindi lang mga indyo ang naiinis sa sitwasyon. May mga malalaki tao na ang tingin nila itong kolonyal na sistema ay hindi talaga mag-work. And so, dahil hindi natin mapalayas itong sistema nito, kailangan na ng aksyon.

So may mga nagplano na ilang tao na may kapangyarihan. Yung Cavite Nutini ay nangyari noong Enero 20, 1872 doon sa arsenal ng Espanya na nasa tinatawag na Fort San Felipe sa Cavite City. So talagang nag-alsa itong mga Pilipino.

Ayon sa ilang batis, ang kasaysayan, sinasabi nila na ang bahilan talaga nito nga ay reaksyon ng mga Pilipinong mga gawa deon. Sila yung mga sundalo na nagtatrabaho sa Cavite Absinal na pinanggalan ng prebleo ng pamahalaan. So ang efekto nito talagang nag-sitlap ng damdamin ng mga Pilipinong doon sa pumumuno ni Sergeant LaMadrid.

Ang mapapasa natin, sundalo talaga, kaya mutiny lang siya. Hindi siya revolt na kasama yung mga sibilyan. At na-control nila yung lugar, and pinatay nila yung mga Kastila. And the Governor General was informed early in the morning, kasi gabi ito nangyari, and he sent reinforcements, and they were able to crush naman the mutiny.

And the result of it was not only death of some of the ones who were part of the mutiny, there were some also who were arrested. Na hindi lamang mga tao doon sa mutiny. Now, eto na ngayon. Di natalo na yung mga nag-beauty ni na kubkub na sila, na palibutan na sila. Susuko na sila eh.

At sila'y pinalabas. So lumabas kayo. Lumakad kayo dyan, lumabas kayo dyan.

Pagdating nilang lahat sa labas, pinagbabaril itong mga sumuko. Sumusuko na. Makita mo, walang hawa talaga.

Una sa lahat, ang akala natin yung Cavite Mutiny, e sa Cavite lang pinlano. Sila lang yung nag-rise up nung panahon na yun. Kaya may mga Pilipino din nun, tulad nila Father de la Vera, sinasabi nila na localized event lang yan.

Apparently, ayon sa pag-aaral ng mga dokumento ni Father John Schumacher, isang Jesuit historian na recently lang sumakabilang buhay, Mayroong palang mas malaking conspiracy na magaganap. Sa pananaw ng gobyernong Espanyol, itong pag-aalsa na ito actually ay may plano talaga papagsakin ang buong gobyerno at ito ay pinunduhan ng mga Pilipinong liberal. So yung Cavite Mutiny, hindi lang siya Cavite Mutiny.

Magaganap din yung mutiny sa Maynila. Ang problema, may natanggap na sulat. si Governor General Rafael D. Izquierdo na nagkukwento tungkol sa plot na ito.

Nalaman ngayon yung pag-aalsa na pinaplano. Ngayon, ang nalaman, ito palang si Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at saka si Enrique Paraiso. Mga mason, sila pala yung mastermind.

according to the documents. Pero, the worst they got was that they were arrested at sila ay ipinatapon sa Marianas o sa Guam. At ang nangyari ay, shinif yung blame, gusto tatlong pare. Sa teorya ni Father Schumacher, itong si Governor General Izquierdo ay isang mason. So, nakita niya, kapwa mason yung mastermind, pinatapon niya lang.

At merong nagpatunay doon sa Cavite Mutiny daw na mayroong isang pare na nagbayad sa kanila. At yung pangalan daw ng pare na yun ay si Jose Burgos. Yung pangalan nung nagdawid kay Jose Burgos, si Francisco Saldua. Si Francisco Saldua, kasama talaga siya sa nag-alsa, pero bumaliktad siya at ang sabi, gumawa siya ng kwento na dinamay niya si Father Burgos.

At yun na yung naging batayan na ma-arresto tong tatlong pare na connect. sa secularization movement. During the time, mainit din yung issue ng secularization.

At nung nagkaroon ng quote-unquote investigation, sinasabi na may kinalaman yung tatlong pari, na si Gomez, si Burgos, at si Zamora. So, kaya even sa books natin, sinasabi, they were implicated. Wala naman talagang sapat na ebedensya, accordingly. Yun na nga naging very convenient eh, na sige, dahil pumutok ito, arestuhin yung mga...

supposed, suspicious Filipinos. Ang talagang makikita natin dito, lahat ito ay haka-haka. Wala pang dokumentong lumilitaw na directang nagsasabi at nagpapatunay na sila ang utak ng botin de cabite.

Kaya dinamay talaga si Father Burgos and then yung dalawang pare, si Father Gomez. May edad na si Fr. Gomez, no?

Nasa 72 na siya. Siya talaga yung naka-base sa Bacoor, Cavite. Nung arestuhin nga siya, yung mga tao talagang ayaw siyang ibigay sa kuwadya si Will. They were protecting him. Pero sinabi niya, sige, hayaan niyo, babalik rin ako.

Sabi niya, huwag kayong mag-alala, babalik rin ako. So ganung kamahal ng mga taga-Bacoor noon si Fr. Gomez.

Noong panahon na yun, si Burgos o si Zamora, bata pa sila, 35 si Burgos, 36 si Zamora, nandun sila sa Manila Cathedral. Merong sinasabi na ibang Zamora'y kinahanap, pero doon sa bahay ni Jacinto Zamora, nakahanap daw sila ng sulat. Nakalagay daw doon sa papel, dalhin ng bala at pulbura. Yung bala at pulbura is code for, ito yung perang ginagamit sa sugal.

Kaya daw siya na-arresto. Pagamat maaaring totoo yung kwento ng pag-iimbita sa mga kasama sa sugal gamit yung code na bala at pulbura, sa palagay ko, implicated din siya dahil totoong kasama siya sa seksyo. Polarization Movement.

Kumbaga bayani din talaga si Jacinto Zamora dito. At nakita na natin na nakasama na niya si Jose Borges Nuntan. Therefore, the three priests were arrested.

Talagang napaka-tenuous yung connection. Ang mangyari dyan, may lagay sila sa Fort Santiago. So, bago binita yung tatlong pare sa bagong bayan, lunayta ngayon.

Doon muna sana kinulungan sa Fort Santiago, sa loob ng Intramuros din. Yun na, may trial na yung tatlong pare. Kasi sila ang tinuro na utak ng Cavite Mutiny.

And then, of course, yung si Zaldua, Francisco Zaldua is a key witness din. Yung pakilala niya is messenger siya ni Burgos. Ginawa lang niya ito para makaligtas doon sa verdict.

At problema, convicted din siya. His sentence din is katulad din sa gumburza na execution. January 20 yung mutiny, in less than a month, tapos yung trial. You know, the trial was very fast. It was a military trial.

And what is strange is that the documents of the trial have never been found up to this time, when that should have been declassified. Marami silang prisoners from the mutiny, although yung mga statements sila, we cannot be certain. Kasi nga, meron lang tayo is sources outside the trial. Wala tayong mismong trial documents sa ngayon. All the more points to the mockery of the trial.

Naatulan silang mamatay. Yung arsobispo ng Maynila, si Meliton Martinez, ay nilapitan ni Gobernador General Rafael de Izquierdo. Sabi, hindi dapat mamatayan na nakaabi to. Kasi sila yung mga erehe, taksil, traisyon, rebeliyon. Kailangan ubakan sila, hindi dapat sila maging pare.

But the Archbishop said, no, they will be wearing their religious garb when they will be executed. And sabi rin nitong Archbishop of Manila, I will toll the bells for them. Because that means he believed in the innocence of the three. Because if he did not believe, then he will follow the orders of the governor-in-general, but he did not. Eventually, inilipat sila one day before the execution doon sa kwartel ng mga Espanyol sa may bagong bayan.

Ito'y dating nakatayo doon sa ngayon ay Japanese Garden ng Rizal Park, Luneta. Kinulong sila doon and supposedly may mga nakarinig nung kanilang huling mga salita. Isang sinabi daw ni Padre Mariano Gomez, sinabi na pumili na ho kayo ng pare na pagkukumpisalan nyo, yung huling kumpisalan.

Sabi ni Mariano Gomez, kahit kunin niyong pare, yung pinakamatindi naming kahaway na pare, para malaman nila kung gaano kalinis ang aming budi. So, kung totoo itong sinabi niya ito, Dito rin makikita yung sinasabi ng istoryador na si Luis Camaraderi na itong mga paring ito ay may mga nakaalitang mga praile. Lalo na si Burgos na siyang nagdiin sa kanila. And then, eto nga, may isang sinabi rao si Padre Burgos bago siya matay.

Ang paniniwala ay binanggit niya ito sa ilang bumisita sa kanya. Ang sabi rao niya ay pumunta kayo sa mga museyo at aklatan sa ibang bansa upang malaman ninyo kung sino ang inyong mga ninuno. Parang sinabi niya na maging mabuting Pilipino, pero isang edukadong Pilipino. Hindi natin malaman yung veracity ng statement niya na yun.

Pero hindi rin ako magtataka kung galing sa kanya yun. Kasi consistent si Padre Burgos. Yung buong buhay niya doon sa statement na yun, tuklasin mo ang kasaysayan para makilala mong hindi ka bobo.

Magaling ka, magaling ang lahi mo, magaling ang mga... ni Nuno mo. At yung importansya ng edukasyon. Dahil siya mismo ang nagpakita nun eh. Siya mismo yun.

Ang umaga ng Pebrero 17, 1872. Sa bagong bayan, daming tao. Curious yung mga tao, dun sa tatlong paring bibitayin. And yung pagbitay nun, yung tinatawag na garote.

Yung bang nalagyan ng turnilyo dito, tapos merong bakal, tuunti hinihipitan niyang turnilyo hanggang sa bali, spinal column mo. Karamihan depicted yun, may takip yung ulo. So, isang uri yun, ang death penalty noong mga panahon na yan.

So, nung pagbibitay, Saldua was the first one na binitay. Pangalawa ay si Father Gomez. Parang ano na siya, is ready in a way, if we base on descriptions available. Kung baga, hinarap niyo yung kamatayan ng Kalmado. Pangatlo na binitay si Father Zamora na talagang nasiraan na ng bait.

Nung inilagay siya doon sa platform, ang sabi ng ilang tala ay tahimik lang siya, tulala, nabaliw na siya. Dahil doon sa mangyayari sa kanya, nawala na siya ng loob at nawala na siya ng kaisipan. At panghuli si Father Burgos.

Si Padre Jose Burgos, siya yung talagang umiiyak. At sabi ni Prof. Rambet Ocampo, umiiyak siya hindi naman dahil mamamatay siya. Yung pag-iiyak niya ay tinatanong niya, bakit siya mamamatay? Wala naman siya kinalaman doon.

Parang senseless yung death. 35 years old ka, 7 degree mo, tas ito lang mangyayari sa'yo. A lot of people were thinking na nangyayay sa buhay niya.

So nakikita natin na yung unfolding of the event will be the climax of Father Burgos being executed. So, tumunog ang mga kampana na mournful to give respect to the three priests. They say that after they were executed, their remains were brought, they don't know where, no? But finally, they were able to discover that it was brought in the Paco Cemetery.

And now, if you go to Paco Cemetery, there's that spot where the three priests were supposed to have been buried. If we consider yung efekto nila sa revolusyon and then sa ating pagkabansa, napakalaki talaga nung efekto. ng tatlong pare. Sapagkat kung babasahin natin yung mga sinulat ni Emilio Jacinto na naging miyembro ng kataas-taasang kagalang-galang nakatipunan ng mga anak ng bayan na itinatag ni Andres Bonivacio.

Meron siyang sanaysay na ang pangalan ay Gomez, Burgos at Zamora. At sinasabing yung Gomburza, yung pinaykle, yan ay ginawang password sa kilusan. At sabi dun sa sanaysay ni Emilio Jacinto, pinaghihiganti namin ang pagkamatay ng tatlong paano. Kaya kami naghihimagsikan.

Yung historiador na si Teodoro Agoncillo, siya'y nagsabi na yung 1872, wala daw kasaysayan ng Pilipinas bago ang taong ito. Magugulat ka, what? Paano yung mga ninuno natin?

Paano sila? Pulapo, di ba? Pero ang ibig sabihin niya doon kasi ay, kung hindi daw nangyari yung 1872, hindi magkakaroon ng damdaming makabansa yung mga Pilipino.

Kasi bago daw yung panahon na yun, ang tingin ng tao sa sarili niya ay Ibi Kulano, Ilocano, Tagalog, Kapampangan. saya. Pero hindi Pilipino.

Pero dahil nagkaroon daw ng iisang manifestasyon ng pangamba dahil sa nagyari sa tatlong pare, eventually, ito'y magiging inspirasyon dun sa pagsusulong ng nasyonalismo ng mga katulad din ng Jose Rizal and eventually Andres Bonifacio. Na may tama naman, may punto yun. Although marami din istorya doon nagsasabi na hindi dapat ito isento lang dun sa 1879 ng kundi tingnan yung mga konteksto na nangyari bago noon at pagkatapos noon.

Kasi ang 1872, pag titignan mo, ay talagang very dramatic change kasi yung pagkabitay ng tatlong pare, parang hindi maubos isipin ang mga Pilipino noon. ng mga Espanyol na kitlin ang buhay ng mga pare. Imagine, saan mo nakakita na ang pare ay pinapatay?

Kung ikaw ay karaniwang mamamayan, bakit pinapatay ang pare? Ito yung mga close to sains, di ba? So may problema. May problema ang sistema. There was the account of a French Prusso who gave a narrative of the day of the execution.

Na nung sila ay binibitay na sa pamagitan ng Garoteville, talagang yung mga Pilipino lumuhod, no? Lalong-lalong na nung oras na ni Burgos na bitayin. at sila ay mga nagdasal. So talagang sa aking pananaw, very traumatic sa mga Pilipino makita yung ganon at masaksihan. At lumalabas na mula nung panahon na iyon, 1872, talagang naging tahimik ang mga Pilipino.

Ang nangahas na lang magbanggit ng tatlong pare ay si Jose Rizal nung kanyang dinadicate, yung kanyang El Filibusterismo. Sa tatlong pare. Malapit na magkasama si Rizal at si Pasyano, si Pepe at si Pasyano. Yung relasyon ng dalawang magkapatid ay malalim.

Kaya hindi malayo na na-implomensyahan ni Pasyano si Pepe dun sa nangyari sa pagkamatay ng tatlong pare sa bagong bayan. Sabi niya nga, medyo late, but still, I have you in my memory. Konektado yung mga pangyayari na para bang kung wala yung gumbursa, kung hindi sila binitay, hindi makakaroon ng bagong generasyon na tinatawag natin na kilusang propaganda. Sina Rizal, Del Pilar, Lopez Jaina, Ponce, pero reforma lang ang propaganda movement. And then, kung ano man ang laban nila, tinuloy na ang Laliga Filipina na Rizal muna, pero nahuli si Rizal, pero tapos napitan, tinayo naman ang katipunan ni Bonifacio.

At yung katipunan na ito, ang nabigay daan, kaya nagkaroon ng himagsikang Pilipino. Hindi na ito laban ng iisang uring panlipunan. Nagsama-sama na sila, lapang sa Pilinsonares na pinakamataas. Doon na nagsimula, yung 1872, ang kahalagahan ng pagbubuo ng bansa. So yung konsepto ng nationalist campaign ng mga Pilipino ay binabanggit na dito nagmula.

Ito yung dahilan kung bakit nagkaroon ng sense of nationalist consciousness sa mga Pilipino. So yun yung isang mahalagang ambag ng kamartiran ng tatumpari. Kung tutusin, ginawa siyang rallying cry ng mga nagsilang sa ating bansa, noong mga bayani natin. Na itong mga martir na ito ay naging inspirasyon ng propaganda movement.

Katipuneros up to the time of the revolutionary period. Hanggang sa Aguinaldo, ito para ang ating kalayaan, 1898. They were remembered and they became a battle cry for the Philippines. Ruso! Mo!

Pupulikara Pilipinas! Mo! Pupulikara Pilipinas! Mo!