Transcript for:
Mga Pagkakamali ng American Airlines

PINAKAMALAKING PAGKAKAMALI NANG AMERICAN AIRLINES Ang $250,000 Unlimited Flight Pass Papaano kung ang naisip mong marketing strategy para kumita ang iyong kumpanya ay lalo pang nagpalugi dito? Tara, mag-usapan natin ang pinakamalaking pagkakamali ng American Airlines Ang $250,000 Unlimited Flight Pass Ang taon ay 1978 Ang gobyerno ng Amerika ay nagpatupad ng batas na tinatawag na Airline Deregulation Act of 1978. Para saan? Ang Airline Deregulation Act ang mag-aalis sa federal government ng kapangyarihan na magpatupad ng patakaran pagdating sa aviation industry.

Hindi na sila magtatakda ng pamasahe, ruta, at pagpasok sa merkado ng mga bagong airline companies. Ang layunin ng batas ay mas patindihin pa ang kompetisyon dahil hindi nahawak ng isang kumpanya lang ang aviation industry. Kahit sinong airline ay pwede nang iyalok sa publiko ang kanilang servisyo.

Dahil dito, nagsimulang maglitawan ang mga murang airlines tulad ng People Express, America West at Midway Airlines. Kahit ang Southwest Airlines ay nagipagsabayan sa mga murang airlines na ito, kagaya ng pag-offer ng point-to-point na biyahe. Dahil sa marami ng mapagpipili ang kumpanya, nagsimulang bumaba ang presyo ng mga tiket.

Ang mga ruta ng paglipad ay nagbago din. Depende sa gusto ng mga pasahero. At dahil mas pinili na ng mga tao ang mas murang airlines, dito nagkaroon ng problema sa pinansyal ang mga mahal na airlines. At dito pumasok ang pinakamalaking pagkakamali ng American Airlines.

Para patuloy na kumita ng malaki sa gitna ng pinansyal na krisis dahil sa biglang pagbaba ng presyo ng mga tickets at tumitinding kompetisyon, nilunsad ng American Airlines ang $250,000 unlimited flight pass. o mas kilala bilang ang A-Air Pass noong 1981. Ang A-Air Pass ay nag-alok ng only first-class na biyahe na isang beses mo lang babayaran sa halagang $250,000. At kung may kaibigan ka o kamaganak na gusto rin makuha ang A-Air Pass, kailangan lang nila ng $150,000 ng isang beses para sa companion pass.

Ang target market ay mga mayayamang mahilig bumiyahe. Ang $250,000 ng 1981 ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na $862,343 sa panahon natin ngayon. Naging matagumpay sa umpisa ang pagbenta ng A.A.

Airpass dahil meron din itong record na 66 sales. Ang ilan sa mga kilala at popular na parukyano ng A.A. Airpass ay si Mark Cuban, Michael Dell at Willie Mays. Sa umpisa Nakita ng American Airlines na talagang nakatulong ang A-Airpass para makabawi ang kumpanya.

Pero paglipas ng panahon, na-realize ng American Airlines na ang A-Airpass ay inabuso ng mga may-ari nito, kaya sa halip na kumita, nalugi pa sila. Dito nila binuo ang Revenue Integrity Unit para tingnan kung sino ang lumalabag sa kasunduan ng paggamit ng A-Airpass. Paano?

Pag-usapan natin ang dalawa sa kanilang customer. na sina Steven Rothstein at Jax Vroom dahil sila ang pinakamalakas gumamit ng A-Air Pass. Ayon sa investigasyon, ginamit ni Rothstein ang kanyang A-Air Pass sa abusadong paraan. Madalas siyang lumipad sa iba't ibang bansa, bumisita sa maraming continent. Sa katunayan, matuturing na siyang public figure sa dalas na makita siya sa mga paliparan sa iba't ibang bansa.

Ginagamit niya ang A-Air Pass kapag gusto lang niyang kumain sa isang malayong lunsod o di kaya lumipad sa ibang lugar para mag-relax at magpahinga. Ayon kay Rothstein, ang kanyang paggamin ng A-Air Pass ay mahalagang parte ng kanyang buhay. Nagsilbing therapy din sa kanya ang paglipad, gaya ng pagharap sa mga personal na problema. Nagkaroon kasi siya ng depresyon dahil sa pagkawala ng kanyang anak na si Josh.

Sa pag-iimbestiga ng Revenue Integrity Unit, Nadiscover na si Rothstein at ang iba pang A-Air Pass holder ay abusadong ginagamit ang pass na sanhinang pagkalugi ng American Airlines ng milyon-milyong dolyar kada taon. Sobrang dalas lumipad ni Rothstein. Ang kabuwang bilang ng kanyang biyahe ay umabot ng 30 million miles o mahigit 48 million kilometers.

Madalas din gamitin ni Rothstein ang Companion Pass para ilibre ng upgrade sa first class ang mga taong nakilala lang niya sa terminal. Marami siyang nililibre na pumunta sa iba't ibang bahagi ng mundo na nagdulot ng malaking pagkalugi sa American Airlines dahil wala silang kita sa mga pasaherong ito. Nakita rin ang mga questionable bookings kada buwan na may mga gawagawang pangalan na madalas hindi naman talaga nagagamit. Gusto lang ni Rothstein na may nakareserve ng upuan sa kanya lagi.

Buwan-buwan, mga upuan na pwede sanang kunin at bayaran ng mga regular na customers. Halimbawa, mula Mayo ng 2005 hanggang Disyembre ng 2008, nag-book siya ng 3,009 na beses pero 84% ng booking ay kansilado o no-show. Meron ding 2,648 na companion pass bookings pero 2,269 dito ay kansilado o no-show din. Kaya nag-decide ang American Airlines na tanggalan ang karapatan si Rothstein na gamitin ang A-Air Pass nitong 2008. Siyempre, hindi basta-basta tinanggap ni Rothstein ng maluwag ang desisyon ng American Airlines.

Nagsampas Rothstein ng dimanda laban sa American Airlines noong 2009 sa U.S. District Court ng Illinois. Nakusahan niya ng paglabag sa kontrata ang American Airlines pagkatapos nabawiin ng airline ang kanyang A-Air Pass na nagbigay ng lifetime first class na paglalakbay.

Sa kanyang demanda, humingi si Rothstein bilang daños ng humigit kumulang $7 million mula sa American Airlines para sa pagbawi ng kanyang A-Airpass. Naghahain ang American Airlines ng mga kontra-demanda laban kay Rothstein, na nag-aakusa ng pandaraya at paglabag sa kontrata ng paggamit ng A-Airpass. Sinalungat ni Rothstein ang desisyong ito.

Sinabi niya na ang airline ay naghahanap lamang ng mga paraan upang mabawasan ang pagkalugi nito sa A-Airpass. at malinaw na walang nakasaad sa kontrata na hindi siya pwedeng magreserba ng upuan. Inangkin din ni Rothstein na ito ay normal na practice ng mga may hawak ng A-Airpass at ang mga empleyado ng airline mismo ay pinapayagan itong mangyari sa loob ng maraming taon. Ginawalang niya ang pag-book ng ekstra ng upuan para sa privacy at personal space. Sa huli, ang korte ay pumanig sa American Airlines.

Ayon dito, ang madalas na pag-book ni Rothstein sa ilalim ng mga pekem pangalan ay isang malinaw na paglabag sa mga rules ng kasunduan. Kumusta naman si Jax Vroom? Binili ni Vroom ang kanyang A-Air Pass noong Enero 1990 sa halagang $356,000, kasama na rin ang Companion Pass. Ito ay installment sa loob ng limang taon na may 12% interest. Kaya masasabing namuhunan talaga si Vroom para sa A-Air Pass.

Alam na alam ni Vroom ang mga amenity ng first-class flight ng American Airlines. Mas alampangan niya kaysa sa mga flight attendant mismo. Ginamit ni Vroom ng todo ang A-Airpass.

Siya ay bumiyahe para sa kasiyahan at para matupad ang pangarap niyang makaranas ng madalas na pagbiyahe gamit ang eroplano. Ang kanyang mga paglalakbay ng madalas ay para lang lumipad ng libo-libong milya para lamang gumugol ng ilang oras sa isang destinasyon at pagkatapos ay uuwi din agad. Ginamit ni Vroom ang kanyang A-Airpass para sa mga personal na gawain at maging sa pagtulong sa iba. Tulad ng pagdadala ng mga pasyente ng AIDS sa destinasyon na kailangan nilang puntahan para sa kanilang pagpapagamot. Pero gaya ng nangyari kay Stephen Rothstein, inimbestigahan din ang American Airlines ang sobrang dalas na paggamit ni Vroom ng A-Air Pass.

Sa kabuuan, lumipad si Vroom ng halos 50 million miles o mahigit 80 million kilometers. Kaya habang nasa VIP lounge ng London Heathrow Airport si Vroom, Isang empleyado ng American Airlines ang nagabot sa kanya ng sulat na nagsasaad na hindi na siya pwedeng lumipad gamit ang serbisyo ng American Airlines. Inakusahan si Vroom ng pagbebenta ng upuan sa ibang pasahero. Ibinunyag sa investigasyon na nakatanggap siya ng mga bayad mula sa mga taong nakasama niya sa biyahe.

Kinontra ito ni Vroom at sinabi niya na ang mga ito ay para sa mga kliyente niya sa kanyang coaching business o di kaya minsan ay bilang regalo. Nadiskubre ng mga abogado ng American Airlines na isang taga Dallas ang nagbayad kay Vroom ng $2,800 para mailipad ang anak niya sa London. Ganun din ang matandang mag-asawa na nagbayad sa kanya ng $6,000 para lumipad papuntang Paris. Sa record ng bank ni Vroom, nakita din ang pagtanggap niya ng mahigit sa $10,000 bilang kabuuan mula sa isang negosyante para makalipad kasama siya. Pero iginit ni Vroom na ang pag-aalok niya ng flight ay isang friendly gesture lamang.

at hindi siya kailanman nang hingi ng pambayad. Nagsampan ng kaso si Vroom laban sa American Airlines para sa pagkansila ng kanyang kontrata sa A-Air Pass. Nag-contra-demanda rin ang American Airlines na sinasabing nilabag niya ang mga rules sa kontrata sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga bayad. Sinabi ng kanyang mga abogado na ang akusasyon sa pagbebenta ng upuan ay hindi angkop dahil hindi ito ipinagbabawal ng kontrata ni Vroom at nangyari lang ang pagbabawal tatlong taon matapos mabili ni Vroom ang kanyang pass.

Noong 2011, nag-file ang American Airlines para sa Chapter 11 bankruptcy. Ang mga pagliliti sa bankruptcy ay nag-freeze sa karamihan ng mga demanda. Kabilang ang kaso nilang dalawa, kaya pansamantalang pinagpaliban ang paglilitis ng kaso. Sa kabuuan, sinamantalanin na Rothstein at Vroom ang A-Air Pass sa pamamagitan ng madalas na paglipad, pag-book at pag-cancela ng maraming flight, at paggamit ng kanilang mga companion pass sa mga paraan na mas napagastos ang American Airlines kesa kumita.

Ang kanilang mga aksyon na sinamahan pa ng madaming loopholes sa kontrata ng A.A. Airpass ay humantong sa tuluyang pagkawala ng programa at malaking pagkalugi sa American Airlines. Tinataya na kay Rothstein pa lang ay nalugi na ng $21 million ang American Airlines habang kay Vroom ay $2 million kada taon sa panahong ginagamit niya ito.

Ang kaso ng A.A. Airpass ay nagsisilbing isang babala. Para sa mga kumpanya na maging maingat at matalino sa pagbuo at implement ng iba't ibang marketing strategies, siguraduhin malinaw ang terms and conditions para hindi makitaan ng loophole at maabuso ito gaya ng nangyari sa American Airlines. Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube Channel at pindutin ang notification bell.