Transcript for:
Kalagayan ng Likas na Yaman

Magandang araw, class! Muli ako si Mrs. A. At nandito ako upang ituro sa inyo ang ikalawang paksa sa ikalawang module para sa unang markahan ng AP10, mga kontemporaryong issue. Ang ikalawang module ay pinamagatang mga isyong pangkapaligiran. Ang ikalawang paksa nito ay ang pagkasira ng mga likas na yaman. Ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatutong na ismaisa katuparan sa lesson vision ito ay ang Milk No. 2. Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyong pangkapaligiran ng Pilipinas. Mula dito'y inaasahang maisasakatuparan natin ang mga sumusunod na layunin. Una, natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas. Ika-alawa, nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. At ikatlo, naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba't ibang sektor sa paglutas sa bawat suliranig pang kapalikiran. Kaya naman, inaanyayahan ko ang lahat na maupo na ng maayos, ihinto ang anumang ginagawa, makinig ng mabuti, at ihanda na ang kwaderno at panulat para sa pagtatala ng mahalagang konseptong ituturo ng lesson video ito. Handa na ba kayo? Simulan na natin ang pagtuklas sa mga isyong pangkapaligiran. Pagkasira ng mga likas na yaman. Saganang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatangin at pangingisda. Ito rin ang pinagmumula ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba't ibang pagawaan o pabrika. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itong nasisira at nauubos dahil sa mapangabusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahil sa lumalaking populasyon, hindi efektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangalaga sa kalikasan at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman. Paghahawa ng Kagubatan o Deforestation Ayon sa lathalain na inalabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang Philippine Forest Ereglans noong 2015, ang kagubatan na inalabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang Philippine Forest Ereglans noong 2015, pagubatan ng Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sa kalahati, 57% ng kabuang kalupaan ng bansa noong 1934. Noong 2010, ito ay nabawasan at at naging 23% o mga 6.8 milyong hektarya na lamang. Ang datos na ito ay nakababahala dahil ipinakikita nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating kagubatan. Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing tahanan ng iba't ibang uri ng hayop, kundi nagbibigay din ito ng kabuhayan sa mga tao. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagbuho ng muka at nagsisilbing proteksyon sa mga watersheds. Bukod sa mga ito, nakatutulong din ang mga kagubatan sa bintigasyon ng climate change. Sa kabila ng mga pakinabang na nakukuha mula sa mga kagubatan, patuloy pa rin ang deforestasyon o pagkaubos dito. Ayon sa Food and Agriculture Organization o FAO, Ang deporestasyon ay ang pangmatagalan at permanenting pagkasira ng kagubatan dulot ng iba't ibang gawain ng tao. Halimbawa ng gawain ito ay ang iligal na pagtuturoso, iligal na pagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon at fuel harvesting. Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto, hindi lamang sa forest ecosystem. Thank kundi pati na rin sa iba pang ekosistem na may kaugnayan dito. Dahil sa pagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga pagbaha at pag-uho ng mga bundok. Inaanod ang mga lupa mula sa pag-uho. patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin at sa iba't ibang anyong tubig. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniugnay rin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala ng punong nagbabalansi sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na... na pinapagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinigpukuda nila ng kabuhayan. Mga programa at magkilos upang mapangalagaan ang yamang likas. Dahil Dahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang mga pinagkukunang yaman, maraming batas ang ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas ang pinagtibay sa iba't ibang panahon na may layuning pangalagaan ng likas na yaman ng ating bansa. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod. Batas Republika bilang 2706 itinatag ang Reforestation Administration. Layunin nito na mapasilihi ang mga programa para sa riporto. reforestation ng bansa. Presidential Decree 705 ipinagutos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin. Batas Republika bilang 7586 o mas kilala sa tawag na National Integrated Protected Areas System Act of 1992 idiniklara ang ilang buok bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang panghukuli ng hayop, pagtutroso at iba pang komersyal na gawain ng tao. Batas Republika bilang 8749 o kilala sa tawag na Philippine Clean Air Act of 1999, itinataguyod dito ang pagtugon sa suliranin sa polisyon sa hangin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya. Batas Republika bilang 1972 o kilala sa tawag na National Caves and Cave Resources Management and Protection Act. Layunin ang batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa. Batas Republika bilang 9147, o mas kilala sa tawag na Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang pangangalaga sa mga wild animals. wildlife resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang nakalagayang ekolohikal ng bansa. Batas Republika bilang 9175 o mas kilala sa tawag na The Chainsaw Act. Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang iligal na pagtutroso at iba pang gawaing nakasisira ng... Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang gubat sa pamamagitan ng tinatawag na Sustainable Forest Management o SFM. 643-71 o Indigenous People's Rights Act o IPRA. Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan ng mga katulubo at sa kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa kapalikiran. Proclamation No. 643, ibinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Day. Hinikayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, privadong sektor, paaralan, and... NGO at mga mamamayan upang makilahok sa pagtatanim ng puno. Executive Order No. 23 Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinagutos din ang paglikha ng Anti-Illegal Logging Task Force. Executive Order No. 26 ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan para sa national law. cleaning program. Pagmimina o mining Ang pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba't ibang mineral tulad ng metal, dimetal at enerhiyang mineral ay kinabalik. pinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto. Ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity noong 2009, sa mga key biodiversity diversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre at Mindanao, matatagpuan ang 23 malalaking minahans sa bansa. Sa kabila ng mga benepisyong nakukuha mula sa pagmimina, ay matatagpuan ang 23 malalaking minahans sa bansa. marami itong masamang dulot sa kalikasan. Ang mga ilog, lawa at iba pang anyong tubig ay nakukuntamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa mga ilog, nagkakaroon ng mga fish kill, katulad na nangyari sa Leyte na sumira sa kabuhayan ng mga manging isda. Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na bantanang pagbuho ay nagdudulot ng trahedya. Marami ng minahan ang gumuho na naging dahilan ng pagkamatay ng marami. Ang mga inabandon ng minahan naman ay nagdudulot pa rin ng banta ng pagbuho dahil nanatili pa rin itong nakatiwangwang at hindi naakayos. Mga Batas Tungkol sa Pagmimina Dahil sa hindi mabuting epekto ng pagmimina, nagpatupad na mga batas para maiwasan ang mga ito. Philippine Mining Act Ito ay nais sa batas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at ang kapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasakit. Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan. Executive Order No. 79, ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsable ng pagmimina at makapagbigay ng karampatang revenue sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina. Philippine Mineral Resources Act of 2012 Layunin itong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral. Tinitiyak nito ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo at sa mga lokal na komunidad. Pag-coquery Aquarying. Ang pag-aquari-aquarying ay ang paraan ng pagkuhan ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghukay o pagbabarena. Kinagawa ang pag-aquari sa mga buntok at sa mga tabing dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada, tulay, bahay at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa pag-aquarying. Malaki ang ambag ng gawain ito sa pagunlad ng mga pamayanan dahil dito nang gagaling ang mga kagamitang panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa komunidad. Nagbibigay din ito ng trabaho, particular sa mga inhenyero, mekaniko at iba pa, at sa negosyo, particular sa konstruksyon. Sa kabilang banda ay mayroon naman itong masamang dulot sa kapaligiran. Gaya ng polusyon sa hangin, dulot ng alikabok at usok na nagmumula sa quarry site. Bukod sa polusyong dulot nito, maari ding pagmulan ito ng mga sakit sa baga. Nasisira din ang katubigan dahil sa mga basura o quarry waste na naitatapon dito. Ang pagkasira ng biodiversity at ecological balance ang pinakamatinding epekto ng quarrying. Ito ang isa. sa mga isyong pangkapaligiran. Muli ako si Mrs. A na nagiiwan sa inyo ng isang magandang araw. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam!