Ang Geografiya ng Asia at Daigdig Ang geografiya ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ito ay nagmula sa salitang griego na geo o daigdig at grafia o paglarawan. Sa klaw ng pag-aaral ng geografiya, ang anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman, Klima at panahon, flora at fauna, at ang distribusyon at interaksyon ng mga tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito. May limang tema ang geografiya. Una ay ang lokasyon na tumutukoy sa kinaroonan ng mga lugar sa daigdig.
Pangalawa ay ang lugar na tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Pangatlo ay ang rehyon, ang bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural. Pangapat ay ang interaksyon ng tao at kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroonan. At ang panglima ay ang paggalaw, ang paglipat ng tao mula sa kinagis ng lugar patungo sa ibang lugar.
Kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan. Isa ang ating daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Ito ang bumubuo sa tinatawag nating solar system. Ang lahat ng may buhay sa daigdig, halaman, hayop at tao, ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw.
Mahalaga ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosintesis. Mula sa prosesong ito ay nakalilikha ang mga halaman ng oksygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang istruktura ng daigdig Ang daigdig ay nahahati sa tatlong bahagi.
Crust Mantel at Core Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig. Umaabot ang kapal nito mula sa 30 hanggang 65 km palalim mula sa mga kontinente. Ang mantel ay isang patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw na ang ilang bahagi.
At ang core Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga natunaw na metal tulad ng iron at nickel. Ito ang ilan sa mahalagang kaalaman tungkol sa ating daigdig. Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng guhit longitude at guhit latitude ng isang lugar, ay maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo sa paraang absolute o tiyak. Ang meridian o longitude ay mga patayong imaginary lines mula hilagang polo hanggang timog. Ang primary region na nasa Greenwich, England ang itinalaga bilang zero degree longitude na siyang nagahati sa Daigdi, sa Eastern at Western Hemisphere. Ang 180 degrees longitude mula sa primary region, Pakanluranman o Pasilangan, ang tinatawag na international date line na matatagpuan sa kalagitnaan na Pacific Ocean.
Nagbabago ang pagtatakda ng Petya. Alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan man o pakanduran. Ang guhit latitude ay mga pahigang imaginary lines mula silangan pakanduran. Ito ay sumusukat sa distansya mula sa hilaga o timog ng ekwador na siyang itinakda bilang zero degree latitude.
na humati sa daigdig mula sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere. Ang ilan sa mga kilalang guhit latitude maliban sa ekwator na may 0 degrees ay ang 23.5 North at South Latitude at ang 66 degrees North at South Latitude na siyang humahati sa mundo sa mga regiyon ng Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, Arctic Circle at Antarctic Circle. Ang mga guhit na ito ay may kinalaman sa klima na dinaranas sa mga lugar na nasasakop nito.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan. Samantalang ang mga lugar sa Arctic Circle at Antarctic Circle, ang mga lugar na kakaunti lamang ang nakukuhang sinag ng araw, kaya't lubhang napakalamig sa mga lugar na ito. Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay, samantalang ang iba ay napapaligiran ng katubigan. Mayroong pitong kontinente sa daigdig.
Ito ay ang Afrika, Antartika, Asia, Europe, North America, South America, at Australia. Isinulong ni Alfred Wegener, isang German meteorologist at physicist, ang Choryang Continental Drift. Ayon sa Chorya ni Wegener, ang mga kontinente ay dating magkakaugnay, 270 milyong taon na ang nakalipas.
Ito ang supercontinent na Pangaea, na napapaligiran ng karagatan na Pantalasa. 200 milyong taon ang nakalipas. nang magsimulang gumalaw ang mga continental plates sa ilalim ng lupa at mahati ang Pangaea sa dalawang kontinente.
Ang kontinente ng Laurasia sa Hilaga at Godwana Land sa Timog. Nagpatuloy ang paggalaw ng mga continental plates hanggang sa marating ang kasalukuyang kinalalagyan ng mga kontinente. Ito ang ilan sa maahalagang datos ng mga kontinente sa mundo.
Music Topografiya ang tawag sa fisikal na katangian ng isang lugar o region. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanyang kapaligiran. At sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog.
Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris at Euphrates, Indus at Wangho sa Asia at lambak-ilog ng Nile sa Afrika. Ito ang ilan sa mga katangit-tanging anyong lupa at anyong tubig sa ating daigdig. Ang geografiya ng Asia at Daigdig