Transcript for:
Kalagayan ng Mangingisda sa San Ramon

Music Isinilang sa dagat ang kanilang mga munting pangarap. Music Sa isla ng San Ramon sa Rapu-Rapu Bicol, sa dagat na kasalalay ang takbo ng buhay. Music Nagdidikta ng kapalaran, nagdadala ng kabuhayan.

Pero gaano man kayaman ang kalikasan, minsan sadyang madamot ang karagatan. Si B-Boy ang ikalabing apat sa labing limang magkakapatid. Sa murang edad na 13, bihasana sa trabaho ng dagat ang bata. Kapag minsan hindi ako sumasama kay Pa, lumalaro lang ako dyan.

Kapag minsan gusto kong sumamang kay Pa. Bakit gusto mo sumamang sa Papa? Gusto ko naman kasi matulungan si Pa.

Dahil? Kasi nahihirapan na siya pag magpunyan. Kapag wala siyang kasama, nagagalit na siya.

Sinahihirapan daw siya. Pag minsan nga di ako pumapasok kahit may pa-mahiskola niya. Di ako pumapasok dahil sinasama ako si Pa. Magbuso. Alas 7 ng umaga naglayag ang mag-ama.

Wala pang laman ang kanilang tiyan, kailangan pang hulihin ang almusal at ang halian. Tulad ng anak, 13 anyos lang din si Tatay Vicente nang matuto siyang magboso-boso o ang paghuli ng isda sa pamamagitan ng pagpapana. Noon daw, sa sobrang dami ng isda, madali lang makahuli ng malalaking isda.

Pero ngayon, ilang oras man sila sa bahura, hindi makahuli ang mag-ama. Nawa ko sa kanya, hindi nakapag-aaral. Naisip ko na lang, kahit kakumboy hindi ka nakapag-aaral muna, tulungan mo nga ako. Ito baga kako, irap-irap na tayo. Kanya ako mamaya, wala tayong kain eh.

Kaya nagpapasama ko sa kanya. Kaya hindi siya nang niminsa nakapag-aral. Makalipas ang isang oras, nagdesisyon ng mag-ama na umahon. Pero hindi para umuwi o magpahinga, kundi para manghuli ng isda sa ibang paraan. Pagtatamba ang tawag nila sa estilo ng pangingisda kung saan binubulabog ang tubig sa pamamagitan ng pagpalo sa tubig.

Ayon sa mga manginisda, kapag nabulabog ang tubig, magsisilanguya ng isda patungo sa lambat na nakalatag. Tapos pagkatapos naubos na yung lambat, yung isang si Tio Mamo, nagpapawalat na rin doon sa isang sapuro, tapos tinatambahan niya, tapos tinatambahan ko na rin. Tapos yung isang kasama, may tatlo kami, nagtatamba rin ng kawayahan. Tamba namin, puponponin mo na yung lambat.

Makalipas ang ilang sandali, hinanguna ang lambat. Umasa si Nabiboy na sana marami silang nahuli. Diretso sa bahay ng financer ang mga bata. Pwede mong alay sa dito. Dito.

Dito. Isirot mo dito. Ayan, dito.

Ano, Paul? Maingat na inilatag ang lambat at isa-isang tinanggal ang isda. Halos puro maliliit na kitong ang huli ng mga bata. Hindi gaanong mabenta ang ganitong klase ng isda. Hindi kasama yung mga itim?

Hindi kasama pag iba ang presyo. Ah, iba ang presyo ng itim? Oo. Magkano yung presyo niyan? Kung bumili ng 30 ang kilo, pwede na.

30 ang kilo? Oo. Ano yung isang ito?

Ah, ito ang 30 ang kilo? Ito. Ah, ito?

Ito 60. Kung hindi, pang-ulam na lang. Mungit pala yan. At nang matapos ang pagkikilo, So, ito, dalawang kilong. Kitong? Kitong di 120. Tapos ito?

21, 120, 141 lahat. Ano yan boy? Pangulam yan. Ha? Kitong.

Ha? Pangulam mo? Hindi.

Higit sa isang daang piso lamang ang ginita ng mga bata sa paglalambat. Ang masakla, hahatiin pa itong sa apa. 40 divided by 4. Umuwi si B-Boy hawak ang 35 pesos na pambili ng bigas. At ilang piraso ng isda na hindi na maibenta sa sobrang liit.

Paano ito ipagkakasya sa isang buong pamilya? Sa kanilang bahay, napansin ko ang isang bata, si Jim Boy, ang bunso ng pamilya. Ilang taon na yan?

Otso? Otso. O otso na?

Ang laki ng tiyan, no? Kasi may... Ano?

May... Pagbalik? Balik. Ay! Patingin.

Oo. Hindi naman naanoan siya. Ano nangyari dyan?

Nang maliit daw siya, nang maliit. Oo. May malaking bukol sa likod ng bata.

Dahil walang pera para sa doktor, hindi na nila pinaoperahan si Jim Boy. Hinayaan na lang itong kusang gumaling at bumaloktot. Noon ko lang naintindihan kung bakit ganun na lang ang pagpupursigin ni B-Boy para kumita. May mga kapatid kasi siyang umaasa pa sa kanya. Pagkatapos man ng halian, diretsyo ulit sa laot ang bata para maghanap naman ng hapunan.

Umaasang sa pagkakataong ito, hindi na magdadamot ang karagatan. Sa unang tingin, tila naglalaro lamang ang mga batang ito. Pero hindi ito laro.

Wus-wus ang tawag nila dito. Isang paraan ng panguhuli ng pusit kung saan pinapalo ng mga bata ang tubig para mabulabog ang mga lamang dagat. Habang may nakalatag namang pabilog na lambat para hulihin sa loob ang pusit.

Halos dalawang oras itong paulit-ulit na ginawa ni Nabiboy sa gitna ng tirik na araw. Pero sa huli, isang piraso lang ng pusit ang nakuha ng grupo. Dati-dati marami raw talagang isda sa isla ng San Ramon.

Pero sa pagdaan ng panahon, nagbago rin ang estilo ng pangingista ng ilan. Aminado ang ama ni Piboy na si Vicente, na bukod sa pagpapana, minsan rin siyang gumamit noon ng dinamita para mangkuli ng isda. Wala kaming magkukuhaan, wala kaming sariling lupay.

Kaya ang sariling eh, lao talaga. Diyan lang kami sa takuang pagtayag. Pero nang unti-unting naubos ang biyaya ng dagat, doon nila natuklasan ang mapait na epekto ng pagdidinamita.

Ngayon, balik sa tradisyonal na pangingisda ang mag-ama, pero tila ba nagtampo na ang dagat. Music Dahil madalang na ang isda sa paligid ng isla, marami sa mga taga-San Ramon na pipilitang pumalaon sa malalayong dagat para lang kumita. Music Taksay ang tawag sa ganitong klase ng bangka na karaniwang nagsasakay ng hanggang 30 manging isda.

Ang pakay nila, mangisda sa laot malapit sa dagat ng Pasipiko. Magkano ang puhunan ninyo dito? 20-30,000 20-30,000?

Ilang banyera ang equivalent ng 20-30,000? 10 10? Music Sampung banyera ng isda ang pakay nilang makuha ngayong gabi para kumita ng pera ang bawat isa.

Pag mas mababa sa sampung banyera, tiyak, lugi sila. Makalipas ang ilang oras na paglalayag, tuluyan ng lumayo sa kalupaan ang aming taksay. Halos tatlong oras na kaming bumabiyahe.

Pero ang sabi ng mga manging isda, malayo-layo pa raw bago namin marating yung boya kung saan nandun daw yung maraming isda na paglalagyan nila ng kanilang lambat. Kung makikita ninyo, yung tubig dito, very very deep blue na siya. Indikasyon niya na talagang sobrang lalim na ng tubig dito. Ang sabi ng mga manging isda dito, madalang na kasi yung mga isda doon sa malapit sa kanilang isla, kaya marami sa mga taga San Ramon.

ang napipilitan na bumiyahe talagang magpakalayo sa laot, minsan hanggang Pacific Ocean para lang kumita ng pera. Palubog na ang araw nang marating namin ang boya na kanilang hinahanap. May maliliit ng isda na nagkukumpulan sa mga dahon na nakakabit sa boya.

Ito na yung hinahanap nila na boya na inilagay many months ago. Tapos nilagyan nila ng mga dahon ng nyog para ito yung makaka-attract daw dun sa mga isda. So hopefully maraming na-attract na isda ito para kapag nagtapon tayo ng lambat, maraming makukuha. Pag-sapit ng dilim, pinailawan ang dalawang Petromax Lamp.

Pagkatapos, pinalutang ang mga ito sa dagat. Paniwala ng mga bangimisda, ang sinag mula sa lampara ang aakit sa mga isda na lumapit sa boya. Habang palutang-lutang ang liwanag, naghanda muna para sa hapunan ang mga bangilisda.

Sa tansya nila, baka abutin ng tatlo o apat na oras bago tuluyang maakit sa liwanag ang mga isda. Hating gabi na nang balikan ang mga manging isda ang Boya. Lumalakas na ang alon noong mga oras na iyon.

Pero nagpatuloy ang mga manging isda sa kanilang trabaho. Maya-maya binigay na ang hudyat para ihagis ang lambat sa paligid ng Boya. Yeah!

Yeah! So kasalukuyin... Yan na nilang inaarya yung lambat.

250 meters yung haba nitong lambat na ito. Tapos iikot ito, hihilahin ito ng bangka hanggang mapalibutan nila yung boya kanina. And hopefully makuha nila dun sa loob yung mga isda. Ikaw yung tumalon? Oo.

Ano ginawa mo dun? Wala. Wala ikaw.

Ilatag mo lang yung lambat? Oo. Makalipas ang ilang minuto, mabilis ding hinangon ng mga pangilisda ang lambad. Tulong-tulong ang lahat sa paghila. Umasa ang lahat na sana magbunga ang kanilang pinaghirapan.

Dalawampung libong piso ang pinuhuna nila para sa biyahin ito. Mahigit sampung banyera ng isda ang kailangan nilang makuha para kumita. Gamit ang isang malaking lambat, hinango ang... ang unang bulto ng mga galungkong.

Ito na nga kaya ang hinihintay nilang biyaya ng dagat. Tulo! Sampung banyera ng isda ang inasahan ng mga banging isdang makuha sa paglalayad na ito.

Pero nang iaho ng lambat. Tulo! Halos di man lang umabot sa kalahati ng sisidlan ang isdang kanilang nakuha. Ang bunga ng sampung oras na trabaho, isang banyera lang ng isda. Lugi, walang may uuwing pera ngayon ang mga bangin isda ng San Ramon.

Wala silang nagawa, kundi ang simutin ang lampat at maghanap ng isdang mapapakinabangan pa para kahit papano may maiuwi silang pangulang sa pamilya. Ha? 100 kilo? Ay ngayon? Alasing ko na ng madaling araw nang makabalik sa Dalampasigan ang Taksay.

Akala ko magpapahinga na ang mga manging isda, pero makalipas ang ilang oras, hetot, pabalik na naman sila ulit sa dagat. Alas 6 ng umaga, siguro mga nakakadalawang oras pa lang kami simula nang makauwi kami mula dun sa pagkataksay. Pero eto, gising na naman yung buong San Ramon.

Hindi para mang isda at magpalaot, ano. Pero ngayon kasi yung kanilang pista ng Peña Francia. At lahat, yung buong komunidad, ay makikisali dito.

Music Nalugi man sila kagabi, baliktaksay ang mga manging isda ng San Ramon. Hindi para maglatad ng lambat, kundi para magkabit ng banderitas. Music Pista ngayon ang Birhen ng Peña Francia sa Bicol at panata na ng mga manginista ang sumama sa prosesyon. Imalas tayo kagabi. Uli namin.

Kiyos kiyos kaya na kami. Salamat tayo. Dahil nakauwi pa.

Dahil nakauwi pa. Sa gitna ng taksay, may espesyal na lugar para sa Birhen ng Salbasyon, ang inang tagapagligtas at tagapangalaga ni ng mga naglalayang. Dasal ng bawat manging isda, sana magbalik na ang biyaya ng karagatan.

Pero kung hindi man, Thank you. at na sa kanilang magpasalamat na nakakauwi sila ng ligtas. Kung ang mga nagtataksay humuhugot ng pag-asa sa mahal na ina ng Peña Francia, ang batang si B-Boy sa eskwela naman naghahanap ng pangarap. Isa ito sa mga araw na maswerteng nakapasok sa paaralan ng bata. Kadalasan kasi, nasa laot siya, nagtatrabaho.

Ang gusto ko talagang, ayaw ko na siya magtaksay. Magtataksi pa siya. Mahirapan pa siya. Daw pa, yung may run siyang pinag-aralan.

Bulpin lang ang hinawakan niya. Pero sa loob ng silid-aralan, panangdaliang nakalimutan ni B-Boy ang kalbaryo sa karagatan. Sa sandaling panahon, naging bata siyang muli.

Ano bang pangarap mo? Gusto ko maging pulis. Gusto ko maging humuli ng mga nag-didinamita. Ano didinamita?

Para dumami ng isda dito sa... Ano? Nakakabit sa dagat ang buhay ng mga tagasan ramon. Ito ang nagdidiktan ang kapalaran nagdadala ng kabuhayan. Apat na araw kaming sumisid ng isda at naglayag sa dagat.

Pero isang banyera lang ang kanyang ibiniyaya. May hangganan ang pasensya ng kalikasan. Paniwala ng mga taga rito, hindi madamot ang karagatan.

Marahil nagtampo lang ito dahil na rin sa ating pakaabuso. Ako po si Cara David at ito po ang Eyewitness.