Magandang araw sa inyo! Maligayang pagdating sa ikaapat na module. Ikinagagalak ko na natapos mo na ang ikatlong module.
Napakahusay mo! Sa araling ito, ipamalas mo ang iyong angking galing. talento at kakayahan sa pagpapahayag ng sarili mong pananaw, pagbibigay puna, opinion at pagsulat ng argumento.
Sa ating pagpapatuloy, narito muna ang nilalaman ng video. na ito. Una, ano ang talumpati? Ikalawa, bahagi ng talumpati. Ikatlo, uri ng talumpati ayon sa layunin.
Ikaapat, uri ng talumpati ayon sa pamamaraan. Ikalima, mga bahagi at dapat taglayin ng isang talumpati. At ang panghuli, katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentativo. Dumako na tayo sa unang bahagi.
Ano? Ano nga ba ang talumpati? Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin itong humikayat, tumugon, mga tuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibig ka sa harap ng maraming tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati o extemporaneous speech ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na imprompto sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa. Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati.
Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos at sinusulat muna ang talumpati upang basahin ang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang. Dumako naman tayo ngayon sa bahagi ng talumpati. Nahan! Hati sa tatlo ang bahagi ng isang talumpati.
Una, panimula. Ikalawa, katawan. Ikatlo, pangwakas. Sa panimula, inilalahad ang layunin ng talumpati. Kaagapay na ang estrategiya upang kunin ang atensyon ng madla.
Sa katawan naman, nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mga mananalumpati. At sa pangatlo, ang pagkakasokdol ng buod ng isang talumpati. Dito na kalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katwiran upang makahikayat ng pagkilo sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Dumako naman tayo sa uri ng talumpati ayon sa pamamaraan. Mayroon itong tatlong uri. Una, imprompto o biglaan. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain. Ikalawa, ekstemporanyo o maluwag.
Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapag-isip-isip sa paksang doon din lamang ipinalam sa kanya. Kaya't karaniwang naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain. Ikatlo, preparado o handa.
Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpatian, ang paksa ay ipinalam na ito ay sa jump. pinaghahandaan ng husto, sinaliksik, isinaulo, at pinagsasanayan pa. Marahil, nauunawaan mo na ang pagkakaiba ng tatlong uri ng talumpati ayon sa pamamaraan. Dumako naman tayo sa uri ng talumpati ayon sa layunin.
Unang uri, talumpating pampalibang. Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan, Ito ay binibigas pag Katapos ng isang salusalo. Ikalawang uri, talumpating nagpapakilala. Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli, lalo na kung ang ipinapakilala ay may pangalan na.
Isang halimbawa ay ang pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos. Ikatlong uri, talumpating pangkabatiran. Ito ang gamit sa mga panayam, konbensyon at mga pagtitipong pangsiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa. sa iba't ibang larangan.
Ngayon, dumako naman tayo sa ikaapat na uri, Talumpating Nagbibigay Galang. Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin. Pagtanggap sa kasapi, o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
Sa ikalimang uri naman, talumpating nagpaparangal. Layuni nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Halimbawa, talumpating nagbibigay pugay kay Heidi Lindia sa pagkamit ng ginto sa Olympics 2021. Ikaanim na uri, talumpating pampasigla.
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig. Napakinggan mo ang iba't ibang uri ng talumpati ayon sa layunin. Dumako naman tayo sa mga bahagi na dapat taglayin ng isang talumpati.
Mayroon tayong apat na bahagi na dapat taglayin ng isang talumpati. Una, panimula. Sa bahaging ito, tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.
Ikalawa, paglalahad. Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyo at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Ikatlo, paninindigan.
Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kanyang pangatwiran hinggil sa isyo. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig. Ikaapat, pamimitawan.
Sa bahaging ito, binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din itong magtaglay ay ng masining na pangungusap upang mag-iwan ang kakintalan sa mga tagapakinig. Napakinggan mo ang iba't ibang bahagi na dapat taglayin ng isang talumpati.
Marahil ngayon, makakapagsimula ka ng gumawa at maghanda. Alamin naman natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng tekstong argumentativo. Ang tekstong argumenta table ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro o pagkakataon.
Pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyo. Alamin naman natin ang katangian at nilalaman ng isang mahusay na tekstong argumentativo. Una, mahalaga at napapanahong paksa o isyo. Ikalawa, maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa unang talata ng teksto.
Ikatlo, malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto. Ika- Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya at argumento. At ang panghuli, matibay na ebidensya para sa argumento. Siguro ngayon, malinaw na sa iyo kung ano nga ba ang talumpati. Ito ay kabilang pa rin sa Module 4 ng ikalawang markahan sa Filipino 9. Munting paalala muli sa iyo.
Huwag kalimutang i-like at mag-subscribe sa channel na ito. upang mas updated ka sa mga bagong video na lalabas pa tungkol sa aralin mo sa Filipino. Maraming salamat muli sa iyong panunood sa channel na ito.