Transcript for:
Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas

Para sa video lecture na ito, ating tatalakayin ang Panahon ng Propaganda at Himagsikan Kaligirang Kasaysayan at Mga Manunulat Ang panitikan ay mahalagang sangkap sa kasaysayan ng ating bansa Ito ang nagsisilbing salamin ng mga tunay na pangyayari, nagsisilbi rin itong larawan ng mga karanasan at damdami na siyang nagpapalalim sa kaalaman at pag-unawa sa konteksto ng panahon. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng panitikan, natututuhan ang pagpapahalaga sa sariling kultura, wika at kasaysayan. Ang Pagsilang ng Nasionalismo 1872-1896 Panahon ng Propaganda Ang kilusang propaganda, ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad ni Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaina, Antonio Luna, Mariano Ponce. Jose Maria Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reforma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito. Ang kanila mga isinusulat at kilos ay naglalayong magbigay liwanag sa mga Pilipino tungkol sa kanilang kalagayan at ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamagitan ng mapayapang paraan. Ang kilosang ito ay nagkakaroon ng malaking impluensya sa pagpapalaya ng Pilipinas mula sa kolonyalismo ng Espanya. May limang layunin ang panahon ng propaganda. Ito ay, una, magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila. Pangalawa, gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Pangatlo, magkaroon ng kinatawan ang Cortes ng Espanya Pangapat, gawing Pilipino ang mga kura paroko At panlima, ibigay ang kalayaan sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon at pagpapahayag ng regalo Dumako naman tayo sa panahon ng Himagsikan Nabuo ang Katipunan o ang KKK na kataas-taasang kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan. Dito ay may apat na layunin. Ito ay, una, makabuo ng matatag na alyansa. Pangalawa, lumaban sa pamagitan ng revolusyon. Pangatlo, palayain ang bansa sa ilalim ng mananakop na mga Espanyol. At pangapat, magtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan. Mga Propagandista at Mga Akda Una, Dr. Jose Rizal. Sagi sa panulat o pen name, launglaan at dimasalang. Mga akda, Noli Metangere, isang nobelang alay sa bayan, El Filibustarismo, isang nobelang alay sa Gomburza, Mi Ultimo Adios, Tulong isinulat habang nakakulong sa Fort Santiago sobre la indolencia de los Filipinos, isang sanaysay na sumusuri kung totoong tama ang mga Pilipino at al juventud Filipino tulang handog sa mga Pilipinong mag-aaral. Si Dr. Serizal ay isang pambansang bayani ng Pilipinas na kilala sa kanyang pagiging manunulat, doktor at makabagong lider. Isinilang siya noong Junyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna at namatay noong December 30, 1896 sa Bagumbayan. Marcelo H. Del Pilar, isang mana ng gol at mamahiyag na nagpatanyag sa bansag na Plaridel, itinatag niya at pinanatnugutan ang Diyaryong Tagalog. Sagisag panulat, Plaridel, Dolores Manapat, Siling Labuyo at Piping Dilat. Mga akda, Diyaryong Tagalog, Mababasa ang puna sa dimabuting pamalakad ng Pamahalang Kastila. Kayiingat kayo. Isang sanaysay na pabiro at sarkastong otuligsa sa tugaw ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal. Dasalan at toksohan. Akdang hawig sa katesismo subalit pang uyam laban sa mga praile. Dupuluhan? Dalit ang mga bugtong, kalipunan ng mayiksing tula at laman ay tungkol sa pangaapi ng mga praile sa bansa. Greciano Lopez Jaina, ipinagmamalaking anak ng Haro Iloilo, isa sa pinakadakilang henyo ng Pilipinas. Kinikilala bilang isang lider ng kilusang reformista, manunulat, periodista at orador at kilala sa prinsipe ng mga Pilipinong orator. Isa siyang kritiko ng pahayagang Castilla Los Dos Mundos sa kanyang mga sinulat. Gumamit siya ng mga panalitang nakahihikayat, maapoy, walang takot. Ang kanyang sagisag panulat ay Bolivar at Diego Laura. Ang mga akda ay fry botod katahang satiriko na tinurig sa ang mga prayle na masiba, ambisyoso at di moral ang pagkatao. Sa mga Pilipino, isang talumpating may layunin na na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Mga kahirapan sa Pilipinas, tinutukoy ang maling pamalakad ng pamahalan at maling sistema ng edukasyon. El bandolerismo, pinagtatanggol niya ng walang tulisan sa Pilipinas. Antonio Luna, isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng Kastila sa Espanya. Sumanib siya sa kilusang propaganda at nagambag ng kanyang mga isinulat sa La Solidaridad. Ang baksa ng kanyang mga isinulat sa La Solidaridad, ang mga akda ay halos natutungkol sa kaugaliang Pilipino ng iba'y tumutuligsa sa pamalakad ng Kastila. Ang kanyang sagisagpanulat ay Tagailog at mga akda ay Nochebuena, Sedevierten, La Tertulia Filipina, La Casa de Huespedes at Impresiones. Mariano Ponce Naging tagapamahalang patnugot, mananlambuhay at manaliksik sa kilusang propaganda. Ang kanyang sagisag panulat ay Tikbalang Kalipulako at Naning. Mga akda, mga alamat ng bulakan, sobre Filipinas, ang mga Filipino sa Indochina at pagpugot kay Longino. Pedro Paterno Siya ay skolar dramaturgo. Manaliksik at nobelista, ang kanyang mga paksa sa pagsulat ay naihinggil sa reliyon at lipunan. Unang manunulat na nakalaya sa sensura ng panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila. Ang kanyang mga akda ay Sampaguita, La Antigua Civilizacion Tagalog, Ninay, ang kauna-unahang novelang palimpunan sa wikang Kastila na isinulat. PASKWAL POBLETE SAGISAG PANULAT AMA NANG PAHAYAGAN Siya ay magaling sa mamamahayag na kasamahan ni Marcelo Del Pilar sa pahayagang Diyaryong Tagalog. Siya ang kauna-unahang nagsali ng Nole Metangere sa wikang Tagalog. ANDRES BONIFACIO Pinanganak sa Tondo, Maynila at pinabarili kasama ng kanyang kapatid sa Maragondon, Cavite. Ang tinaguring supremo ng katipunan. Sagisagpanulat, agapito bagong bayan, may pag-asa, magdibig. Diwang, siya rin ang ama ng katipunan at ama ng demokrasyang Pilipino. Mga Akda, Katapusang Hibik ng Pilipinas Isang tulang nilalarawan sa paghihirap ng mga Pilipino. Pag-ibig sa tinubuang lupa, tulang himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Emilio Jacinto, Kinikilalang Utak ng Katipunan sapagkat tumayo siya. bilang kanang kamay ni Andres Bonifacio. Ang kanyang sagisag panulat ay dimas ilaw at pingkian. At siya rin ang utak ng katipunan. Mga akda, kartilya ng katipunan, isang akdang naglatag ng mga batas at prinsipyo ng katipunan. Liwanag at dilim, dito ay nilarawan ang kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananako. Apolinario Mabini, isang kilalang lider at pilosopo. Siya ay kilala bilang utak ng Himagsikan dahil sa kanyang katalinuhan at kakayahan sa pagbuo ng mga estrategiya para sa revolusyon. Sa gisag panulat, Bini. Siya rin ang dakilang lumpo dahil kahit may sakit na polyo ay sumanib pa rin sa Himagsikan. Mangakda El Verdaddo de Calogo, ang tunay na sampung utos. Dito binigyan din ang mga katangi ang dapat taglayin ng mga Pilipino upang makamit ang tunay na kalayaan at kasaninlan. Sa bayang Pilipino, ito ay tungkol sa bayang Pilipinas.